Betrayed Ex-wife Return
Si Sanjela ay isang babaeng kamuntik ng sumuko at wakasan ang sariling buhay. Ngunit hindi itinadhana dahil siya ay binigyan ng pagkakataon upang maging malakas. Ang masalimuot na nakaraan ang kanyang sandata upang siya ay maging matatag.
Nilisan ang Pilipinas upang tuparin ang kanyang pangarap. Mag-ipon ng sapat lakas upang labanan ang mga taong umapak sa kanyang pagkatao. Singilin ang mga salarin sa pagpaslang ng kanyang mga magulang. Parusahan ang mga taong sangkot sa pagdukot ng kanyang tatlong nawawalang sanggol. Ang mga sanggol na alam ng kanyang puso na ang mga ito ay buhay pa.
Kasama niyang sisingilin ang taong inakala niya na kanyang kakampi. Ang taong nagbigay ng sigla sa kanyang murang puso. Ngunit nalaman nalang niya na puro kasinungalingan o panlilinlang lang pala ang mga ipinapakita nito.
Sa pagbabalik ni Sanjela Pilipinas hawak na kaya niya ang tugatog ng tagumpay? Kayanin kaya niya ang muling pangmamalupit ng mga magulang ni Axel kapag kinalaban niya ito sa politika? Kayanin kaya niyang hawakan ang probinsya ng Rehiyon Nuebe? Sino ang mas maging matimbang para kay Sanjela? Ang pamilya ba? Propesyon? O ang position sa politika?
Si Axel ang bunsong anak ng gobernador ng Rehiyon Nuebe. Ang ahente ng anti-terorista ng Pilipinas na itataya ang buhay para sa bayan. Biktima ng panlilinlang, biktima sa kasakiman ng kanyang mga magulang. Makikita pa kaya niyang muli ang babaeng pinakamamahal niya. Sino ang kanyang mga tunay na kadugo? Mauungkat pa kaya ni Axel ang mga sekretong nakatago? Sa parating na bukas meron pa kayang maganap na pagbabago? Aayon kaya ang tadhana sa dalawang biktima, na sa kasinungalingan ay nakabilanggo?
Malalaman pa kaya ni Axel ang malaking sekretong nakatago sa kanyang pagkatao? Sino ang makakatuklas? Sino ang magbubunyag? Makakamit pa kaya nila ang hustisya bago maging huli ang lahat? Ano ba dapat? Abante? O paghiganti?