Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
976 viewsOngoing
Read
Add to library
Wild Flowers (Tagalog)

Wild Flowers (Tagalog)

Taglish story. Si Marisse Dela Fuente ay naninirahan sa probinsya kasama ang kanyang pamilya. mahal na mahal sya ng lahat dahil sa angking kagandahan at kabaitan kaya naman ay inggit na inggit sa kaniya ang kanyang nakatatandang kapatid na si Vanessa. Dahil rito, nagawang agawin ni Vanessa ang nobyo ni Marisse, pinahirapan nito si Marisse na maging miserable ang buhay. Nakipagsabwatan sya sa mga taong may balak na masama kay Marisse para sa pera. Sa pagkawala ni Marisse, ilang taon ang lumipas ay may babaeng mayaman na basta na lamang nakilala. Siya si Ivy. Ngunit, may kinalaman ba itong taong ito kay Marisse? sino nga ba siya?
Romance
1016.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Tears of the Wife

Tears of the Wife

Ang masayang buhay ni Janess kasama ang kanyang asawang si Nathan ay nawasak simula nang maglagay ng bomba ang kanyang kakambal at pinasabog ang mall kung saan naroon ang kanilang anak. Araw-araw, si Janess ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang anak at mas lalo pang lumala nang bumalik ang kanyang kambal na si Janelle makalipas ang dalawang taon at sinabing mayroon silang anak ni Nathan. Ang luha ni Janess ay tulad ng tubig sa ilog na walang katapusan sa agos at mas lalo pang bumuhos ang luha nito nang malaman ni Nathan at sinabi niya sa kanyang asawa na ang sinasabing anak ni Janelle ay ang kanilang Anak. Luha ng saya ika nga nila. Ngunit ang kasamaan ni Janelle, ang kakambal ni Janess ay kagagawan lamang pala ng sariling anak ng mga taong umampon sa kanila, ang taong itinuring nilang tunay na kapatid ngunit kinamumuhian sila dahil sa matinding inggit at kawalan ng pansin mula sa kanyang sariling mga Magulang . Ngunit ang lahat ng kasamaan ay may katapusan at ang lahat ay maibabalik sa tamang lugar. Nabilanggo si Justin ngunit nagawa niyang magbago sa loob ng kulungan, siya ay naging mas mabuting tao at mabuting kapatid sa kanilang magkambal ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ito at agad na namatay. Ang kambal ni Janess na si Janelle sy dinala sa mental hospital. Tumagal ng maraming taon bago siya gumaling at nakalabas. Sa kanyang bagong buhay ay nahanap niya ang totoong pagmamahal mula sa lalaking minsan ng minahal ang kanyang kakambal. Sina Janess at Nathan ay namuhay nang masaya kasama ang kanilang dalawang anak pagkatapos ng maraming taon na pakikibaka sa kanilang buhay pag-aasawa.
Romance
12.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Living With The Billionaire

Living With The Billionaire

Isang linggo bago ang kasal ni Sandra, nagdesisyon siyang sulitin ang pagiging dalaga kaya uminom siya sa isang bar. Sinabi niya sa fiancé na sunduin siya sa isang hotel room dahil sa epekto ng alak sa katawan niya. Ngunit dahil sa kalasingan, maling silid ang napasok ni Sandra. Isang lalaki ang nandoon sa kwarto at inakala niyang ito ang kanyang fiancé, dahilan upang ibigay niya ang katawan sa lalaki. Kinaumagahan, nagising si Sandra, gulat na gulat ito nang makitang hindi ang fiancé ang kanyang katabi. Mas lalo siyang nagulantang nang maaktohan siya ng fiancé sa loob ng silid na iyon, kasama ang ibang lalaki na tanging kumot lang ang nakatakip sa kapwa hubad na katawan.
Romance
1068.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ex-Husband's Regret

Ex-Husband's Regret

Ava: May ginawa akong masama noong nakaraang siyam na taon. Hindi ito maganda, pero nakita at kinuha ko ang pagkakataon na makuha ang lalaking mahal ko simula pa nong bata ako. Fast forward ng maraming taon at pagod na ako sa isang kasal na walang pagmamahal. Gusto kong makalaya kami pareho sa kasal na hindi dapat nangyari. May kasabihan na kapag mahal mo ang isang bagay… palayain mo ito. Alam ko na hindi niya ako mamahalin at na hindi ako ang magiging choice niya. Ang puso niya ay laging nasa babaeng yun at kahit na may mga pagkakasala ako, nararapat akong mahalin. Rowan: Noong nakaraang siyam na taon, sa sobrang in love ko ay hindi ako makakita ng tama. Sinira ko ito noong ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko at sa proseso nito ay nawala sa akin ang mahal ko. Alam ko na kailangan kong managot, kaya ginawa ko ito, kasama ang isang asawa na hindi ko gusto. Sa maling babae. Ngayon ay binaliktad niya ulit ang buhay ko sa pag divorce niya sa akin. Ang mas naging komplikado pa dito, ang taong minamahal ko ay bumalik na sa bayan. Ngayon ang tanging katanungan, sino ang tamang babae? Ito ba ang babae na minahal ko noong mga nakaraang taon na? O ito ba ang ex-wife ko, ang babae na hindi ko gusto pero kailangan kong pakasalan?
Romance
9.8234.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Fated to Marry the Devil [Tagalog]

Fated to Marry the Devil [Tagalog]

"Charm, get ready may susundo na dito maya-maya lang.""Get ready your face Kuya. Itatago ko to… hahaha.""Charm?""Huh?""This is serious matter. Ikakasal ka na.""Kuya, may nagsabi na ba sayo na ang pangit mo kapag naka-seryoso mukha mo?""Charm!" hala galit na ang kapatid my labs ko."Ikakasal ka sa kanya. Sa ayaw o gusto mo." Nagseryoso na rin ako. Pero natawa."Is this a game Kuya?"
Romance
9.996.5K viewsCompleted
Show Reviews (18)
Read
Add to library
Zelanie Besmanos Agustin
pano kmi magbibigay ng magandang ratings kung bitin ang kwento gusto nyong makakuha ng magandang feedback wag nyo bitinin ang mga readers nyo gumagastos kami eh di nmn lbre ang story nyo tapos bandang huli di nmn pala tapos kung alam ko lang bumili nlng sana kong novels sa bookstore
Precious Ong
sobrang ganda ng stories mo author sulit ung pag babasa k sobrang ganda kahit naba maikli lang kada page ng kwento mo ok lang sulit n sulit Ang pag babasa k nalungkot lang Ako natapos ung kwento nila sana Wala nalng katapusan ha ha. next n binabasa k timing dangerous ceo n gawa mo din author
Read All Reviews
Marry Him At The Age Of Eighteen

Marry Him At The Age Of Eighteen

Hindi naisip ni Charlotte na sa edad na labing-walo ay magkakaroon agad siya ng asawa— lalo na sa kaibigan ng kanyang kapatid, ang seryoso at mapalinlang na si Elijah. Sa isang gabi na puno ng tensyon at luha, nauwi ang lahat sa kasal. Matatali si Charlotte sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala kahit pa kaibigan ito ng kanyang kuya. Sa pagsasama ng dalawa maraming lihim si Elijah na mabubunyag, at maging si Charlotte dahil may nabuo sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang lahat ay hindi matatahimik dahil sa isang babae na handang gawin ang lahat para lang sa pagmamahal ni Elijah. Magkaroon kaya ng pagbabago habang nagsasama sila, o mauuwi ang lahat sa trahedyang hindi inaasahan ng lahat?
Romance
1035.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Capturing the Billionaire's Heart

Capturing the Billionaire's Heart

Dahil sa biglaang pag-alis ni Alex sa puder ng kapatid, at biglaang pagpapakasal sa lalaking di lubos na kilala, inakala niyang mamumuhay silang tahimik at may respeto pagkatapos ng kasal. Ngunit laking gulat niya nang matuklasang sa likod ng malamig na pakikitungo nito sa kaniya ay isang lalaking sobra kung magmahal. Sa tuwing may hinaharap siyang problema, palaging asawa niya ang nauuna para tumulong, at tila kusang nawawala ang lahat ng inaalala at pinoproblema niya kapag dumarating ito. Hanggang isang araw, napanood ni Alex ang isang panayam sa isa sa pinakamayamang tao sa Asia—isang lalaking nakilala sa sobrang pagmamahal at pagmamalaki sa kanyang asawa. Sa kanyang pagkagulat, napansin niyang lalaki ay kamukhang-kamukha ng kanyang asawa! Hindi lang iyon—ang babaeng ipinagmamalaki nito sa buong mundo na kaniya raw asawa ay walang iba kundi siya!
Romance
1037.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Stranger

Marry Me, Stranger

Halo- halo ang emosyon ni Charmaine ng sambitin niya ang mga katagang iyon. Dahil sa isang gabing pinagsaluhan nila ng lalaking saglit pa lamang niya nakilala, nagbunga ang gabing ‘yon. Desperado siya na magpakasal sa lalaking ito. Hindi dahil sa pera o kung ano man ang mayroon ang lalaking ito. Kundi para may makilalang ama, ang sanggol sa sinapupunan niya. “Okay, then, let's get married. “— Evans Clarkson Ano kaya ang naghihintay na buhay kay Charmaine, matapos pumayag ang isang Evans Clarkson sa biglaang kasal na hiniling niya? Tamang desisyon kaya ang hiniling niya sa lalaking ito? May mamumuo kayang pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
216 viewsOngoing
Read
Add to library
Loving The Mute Wife (Filipino)

Loving The Mute Wife (Filipino)

Weston loves to be a bachelor. Hindi rin naman kasi siya naghahanap ng babae. Ang kaso, makulit ang ina niya at gusto na siyang mag-asawa tulad ng mga kaibigan niyang may pamilya na. Hanggang sa hindi na siya tumutol sa kagustuhan nito at naisip na seryosohin na ang kasal na mangyayari. Dumating ang inaabangan niya, nakilala niya ang babaeng magiging asawa niya sa isang iglap. She's undeniably beautiful pero taliwas ito sa mga babaeng nakilala niya, tahimik at hindi siya masyadong pinapansin. Hanggang sa malaman niya ang kalagayan nito. Sa pag-usbong ng kakaibang nararamdaman ng lalaki para sa asawa. Kaya ba niya talagang sumugal? Mapalambot din kaya ni Weston ang pusong takot magtiwala?
Romance
1011.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status