Forbidden Flame
Alam niyang mali, pero hindi kayang pigilan ng puso niya.
Si Yanna, lumaki sa marangyang mundo ng mga Del Rosario—isang pamilyang kilala sa yaman at kapangyarihan. Pero sa likod ng bawat ngiti ay mga lihim na hindi dapat mabunyag.
At sa gitna ng kaguluhan, nakilala niya si Lucien—ang tahimik, mapanganib, at misteryosong anak sa ikalawang asawa ng kanyang lolo. Ang lalaking dapat ay ituring niyang pamilya… ngunit siya rin ang lalaking nagturo sa kanya kung gaano katamis at kasakit ang bawal na pag-ibig.
Isang gabing puno ng pagnanasa ang nagbago sa lahat.
Ngayon, isang taon na ang lumipas, dala ni Yanna ang isang lihim na magpapabagsak sa buong pamilya nila—ang bunga ng kasalanang hindi na niya matatakasan.
Sa pagitan ng pag-ibig at pagkakasala, alin ang pipiliin niya?
Ang itago ang katotohanan… o ang ipaglaban ang apoy ng pag-ibig na pinagbabawal ng mundo?