NINONG KONSI (SPG)
Anim na taon ang nakalipas, muling nakaluwas sa Manila si Apple Gallardo upang makatulong sa kanilang business. Nang gabing din iyon ay niyaya siya ng matalik niyang kaibigan na pumunta sa bar para sa kanyang welcome back party. Kasagsagan na ng init at kasiyahan bumaba si Apple, may nakabagga si Apple, isang lalaking matipuno na siyang natipuhan niya agad.
Zamuel Zimmerman, isang konsehal sa Kyusi. Ang pamilya niya rin ang may hawak na Internet provider sa buong Pilipinas. Ang lalaking nabunggo ni Apple ng gabing iyon. Nang dahil sa alak ay uminit ang katawan ni Apple nang makita ang binata, hinalikan niya ito na siyang may nangyari sa kanila ng gabing iyon. Nang magising si Apple kinabukasan, nauna siyang umalis at hindi pinagsabi ang tungkol sa nangyaring one night stand sa kanya at ng lalaki.
Sa hindi inaasahan, nakita muli ni Apple ang lalaking naka—one night stand niya. Nagpakilala ito at nalaman niyang barkada ito ng kanyang kuya at isa rin siyang konsehal, lalo naʼt Ninong pala niya ang lalaki. Sa pagkagulat niya ay gusto na sana niyang umalis pero nakita na lamang niya ang kanyang sariling umuungol muli habang sinasamba siya. Kaya inalok niya itong itago ang kanilang relasyon, kahit naguguluhan si Zamuel ay pumayag siya sa gusto ni Apple.
Lumipas ang buwan, naging masaya ang tagong relasyon nilang dalawa. Balak na sana sabihin ni Apple ang tungkol sa kanila ni Zamuel, pero biglang dumating ang problema sa pagitan nila. Si Tanya — ang babaeng nakalaan na ipakasal kay Zamuel. Sa pagdating ng babae ay magbabago ang pakikitungo ni Zamuel sa kanya, lalo naʼt nalaman niyang ikakasal na sila. Ilalaban kaya ni Apple ang pagmamahal niya sa binata kung mismo ng lalaki na ang pumutol sa pagitan nila? Lalaban pa ba si Apple para sa salitang pag-ibig?