Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Fated to be yours (Tagalog)

Fated to be yours (Tagalog)

Hinahanap ni Via ang hustisya para sa kanyang mga magulang, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kanyang matutuklasan na ang kanyang dating kasintahan na minahal niya ng sobra ay konektado sa pamilyang gusto niyang paghigantian at sirain. Makakaya kaya ni Via na ituloy ang kanyang paghihiganti? Ano ang kanyang pipiliin ang hustisya para sa kanyang magulang o ang kapakanan ng taong mahal niya?
Romance
1010.1K viewsCompleted
Read
Add to library
STILL YOU (SPG)

STILL YOU (SPG)

Siya si Katrina De Guzman, isang dalagitang lihim na umiibig. Ngunit ang kanyang pag-ibig ay tuluyang maglalaho kasabay ng paglaho ng kanyang pinakamamahal na mga magulang. Makalipas ang sampung taong pamamalagi sa ibang bansa. Babalik siya sa bayan ng Montefaldo para sa isang misyon. Ngunit sa kanyang misyon ay matutuklasan niya ang isang nakagigimbal sa lihim. Makakaya niya kayang piliing magpatawad o pipiliin niya ang kamatayan?
Mafia
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
Other
1020.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Never Lies

Love Never Lies

After running away from her wedding, Mariam finds refuge in a beautiful beach resort in Quezon. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakabangga niya si Stanley, ang tagapagmana ng isa sa mga sikat na kumpanya sa bansa. Dahil sa isang misunderstanding ay nasampal ni Mariam si Stanley. Takot na baka malaman ng mga magulang kung nasaan siya kapag idinemanda siya nito, she agreed to have a contract marriage with him. It’s also for their own benefits upang hindi na sila maobligang pakasalan ang mga taong pinipilit sa kanila ng mga magulang. It’s only for 6 months and will be a fake wedding. However, a fake wedding comes with a fake relationship as well. Kailangan nilang mapaniwala ang lahat na mahal talaga nila ang isa’t isa to make it worth it. Ngunit as they spend time with each other, their pretense slowly becomes REAL… They find themselves truly, madly, deeply in love with each other. But would they get their happy ending easily knowing na may mga taong hindi makakapayag na mangyari ito? At kung magtagumpay man ang mga ito, is there a chance they find each other again and rekindled the love na sobra nilang ipinaglaban noon? No one can tell what the future holds for the both of them, but one thing is certain… LOVE never lies…
Romance
10455 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Bad Boy Sa Tabi

Ang Bad Boy Sa Tabi

“Ang tunay na sakit ay hindi nagmumula sa mga kalaban, mula ito sa mga pinahahalagahan natin.” Si Charlie Rae na dalawampu’t isang taong gulang ay natutunan ito mismo ng pagktaksilan siya ng mga taong mahal niya. Nangako siyang tatapusin na ang ugnayan sa kanila ng pang habambuhay. Pero ang pag drop out mula sa unibersidad ay hindi kasama sa kanyang pagpipilian, at imposible an iwasan sila sa campus. Ang kaisa-isa niyang paraan para tumakas? Ang lumipat sa tinutuluyan ni Taylor West–ang pinakamalaking karibal ng ex-boyfriend niya at kilalang bad boy ng unibersidad. Pansamantala lang ito dapat, pero habang tumitindi ang tensyon, napaisip si Charlie: tunay ba siyang nakatakas sa mga problema niya, o baka makakagawa na naman siya ng isa pang pagkakamali? *** “Linawin natin ito–housemates lang tayo. Hindi kita type, kaya huwag ka magtatangkang pagsamantalahan ako!” Nilinaw ni Charlie ang kasunduan. Ngunit, isang umaga, nagising si Charlie sa kuwarto ni Taylor. Ang gray niyang mga mata ay nakatitig sa kanya habang mapaglaro ang boses niya ng magtanong, “Ang akala ko ba hindi mo ako type. So, sinong nananamantala dito?”
YA/TEEN
1019.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Runaway Billionaire ( Del Valle Series 1)

The Runaway Billionaire ( Del Valle Series 1)

Sa mundo ng mga taong gahaman sa salapi at kayaman, Iniwan ni Miguel ang magulo at marangyang mundo para takasan ang kapalarang itinatakda sa kanya ng kapalaran. Sa kanyang paglayo ay nahanap niya ang babaeng kukumpleto sa hungkad niyang pakiramdam ngunit ang pagmamahal at pagibig nila ay hahadlangan ng mga ganid sa salapi at kapangyarihan at ng masalimuot na katotohanan bubulaga sa kanilang buhay. Si Miguel ang unang tampok sa serye ng mga Del Valle
Romance
108.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Sshhh Let's Make a Secret

Sshhh Let's Make a Secret

Pamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Arkesha Keyshey Larqueza, a simple and hardworking mother. Mahal na mahal niya ang kanyang anak na si Noah na bunga man ng maagang pagbubuntis ay hindi niya iyon pinagsisihan. Magugulo ang kanyang munting mundo nang makapasok siya sa kompanyang pagmamay-ari ng dating ex-girlfriend ng kanyang kinakasama, at di sinasadyang malaman ang pagkataong bumabalot dito. Patricia Leigh Rollsferd Faioli, a strict and serious but down-to-earth kind of president. Sobrang strikto sa pagpapatakbo ng Faioli Empire lalo na sa kompanyang Faulkerson Motors Corporation. Dala ng mapaglarong tadhana, hindi sinasadyang makikilala niya ang babaeng noon ay umagaw sa taong mahal niya. Lyle Sebastian, a once gentleman before but a short-temper man now. Siya ang ama ni Noah, iyan lang ang tanging dahilan kung bakit sila nagsasama ni Arkesha. Mahal pa niya ang dating kasintahan na si Leigh ngunit ano kayang gagawin niya sa oras na malaman niya ang munting sikreto ng kanyang kinakasama at ng kanyang minamahal?
LGBTQ+
9.719.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Bastard Billionaire

The Bastard Billionaire

Anne_belle
Aira Jen Villanueva, Mula sa angkan ng mga Villanueva na kilala sa mga iba't ibang businesses. Matalino, maganda at madiskarteng babae. Nagkaroon ng sariling business sa murang edad ngunit kahit kailangan ay hindi naging proud ang kaniyang mga magulang sa kaniya. Ano kaya ang mangyayari kung magtatagpo ang landas nila Ni Miguel Ice? Miguel Ice Ferrer-Santiago ang isang mapagmahal na Anak, matalino at masunuring bata. Lahat gagawin para sa kaniyang Ina dahil magisa lamang siya nitong tinaguyod sa buhay. Puno siya ng pagmamahal mula sa kaniyang Ina. Anong mangyayari kung dumating ang kaniyang Ama para paglayuin sila ng kaniyang ina ngunit mapapalapit naman sa taong minahal niya kahit sa sandaling panahon. He's First Love. First in everything. Paano nila ipaglalaban ang kanilang pagibig kung mayroon gigitna sa kanila at handang gawin ang lahat malimutan lamang nila ang isa't isa. Paano aayon ang mundo sa kanilang dalawa? Paano nila ipaglalaban ang taong kanilang minamahal ? Ano kaya nilang isakripisyo sa pagibig at pamilya? A bastard man is always a bastard ? Or a bastard but not consider as one. This is Bastad Billionaire written by Anne_belle
Romance
103.5K viewsCompleted
Show Reviews (7)
Read
Add to library
Anne_belle
Dear Readers, This is my First complete story. Medyo flop ito pero i promise next time i am going to write a good one. Madaming error, typo at mga unapprociate words. Sana nabigyan ko ng Justice ang Lovestory ni Miguel Ice Javier and Aira Jane Villanueva. Thankyou so Much gn and readers...
itsmeaze
Na hooked talaga ako sa prologue and first 2 chapters ng story. Parang pocket book ang datingan haha. Siguro po ay kailangan lang iimprove ang pag gamit ng punctuation marks. But all in all, goods po s'ya—kaya nga rin inadd ko sa library ko hehe. Keep it up Ms. A. Keep on writing!
Read All Reviews
Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, the mafia's gem! But in real life, isa lang siyang walang kwentang tao na ipinadala sa mafia's underground world para patayin ang pinuno ng mga mafia group kasama na ang lider ng Devil's Angel Mafia Organization. Hanggang sa muling magtagpo ang landas niya at ng mga taong nagpadala sa kaniya sa mafia's world. Sa pagkakataong ito, kalaban na ang turing nila sa kaniya. Sa gitna ng panganib at kalituhan, isang alagad ng batas, sa katauhan ni Lt. Andrei Montillano, ang maninindigan upang iligtas siya sa bingit ng kamatayan. Dahil sa ginawa ni Andrei, ituturing siyang bayani ni Tamara. Subalit lingid sa kaalaman ng dalaga, pagbabayarin siya ng bilyonaryong binata sa kamatayan ng ama nito na minsan ay naging target niya sa isang misyon. Ngunit paano kung sa huli'y kapwa sila mahulog sa kumunoy ng mapaglarong pag-ibig? Handa ba nilang kalimutan ang poot sa kanilang mga puso alang-alang sa nanganganib nilang anak? May halaga ba ang salitang pagmamamahal sa dalawang taong handang ipaglaban ang prinsipyo at katarungan kung pareho na silang natutupok sa apoy ng galit?
Romance
1025.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

Nawalan ng trabaho si Atasha Charlotte Diaz matapos magsara ang BPO company na pinagtatrabahuan niya. Habang ang mga dati niyang officemates ay nakahanap agad ng bagong trabaho, siya naman ay naiwan na walang income, baon sa utang, at hinahabol ng bills at loan collectors. Out of desperation, sinubukan niyang lumapit sa mga kaibigan—ang iba para singilin, ang iba para manghiram. Pero lahat sila, wala ring maibigay. Hanggang sa dumating ang isang offer na hindi niya akalaing tatanggapin niya: ang maging mistress ng nag-iisang Rev Kurozawa Alcantara. Siya ang taong pinaka-kinamumuhian ni Atasha. They met once before. Isang gabi lang. Isang pagkakamali na kumitil sa kanyang pagkabirhen, at pagkatapos noon ay iniwan siya ni Rev na parang wala lang nangyari. Simula noon, isinumpa na niya ang pangalan ng lalaki. Pero ngayong lugmok siya, siya rin ang taong muling kahaharapin niya. Sa huli, Atasha was forced to be Rev's mistress… kahit para kay Atasha, mas katanggap-tanggap pa sana kung maging legal na asawa na lang ang inalok sa kanya ng lalaki. “I only want a mistress… ’cause I already have a fiancée.” —Rev
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status