My Ella
Tahimik na nakaupo si Ella sa kanyang mesa at hindi man lang tinignan ang binata, tuloy lang sa kanyang ginagawa na tila walang narinig.
“Heto nga pala, have a nice day. Pupunta na ako sa mesa ko,” wika ni Zander at may nilapag na paper bag sa mesa ng dalaga. Nagtungo na ito sa katabing mesa ni Ella at naupo, ngunit ang mata ni Zander ay nakatingin pa rin sa dalaga.
Tuloy lang si Ella sa kanyang ginagawa at hindi pinapansin ang paper bag.
Nako, may toyo na naman ‘ata si Miss Tan. Hindi na naman mangiti! ‘Wag kang mag-alala Miss Tan, kapag nakita mo ang laman ng paper bag sigurado ako abot tenga ang magiging ngiti mo.
Bab Populer