Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1065.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Two Wives

The Billionaire's Two Wives

"Karma has no menu. You get served what you deserve." Nang pagtaksilan ni Megara ang karelasiyon niya nang limang taon para sa lalaking si Russel, hindi niya kailanman naisip na babalikan siya ng karma. Buong akala niya ay siya lang ang babae sa buhay ng asawa, pero isang araw ay dumating sa harap niya si Narissa. Napag-alaman niyang kabit ito ni Russel ngunit pangalawang asawa ang pakilala nito sa kaniya. Kahit anong pakiusap at pagtataboy, hindi iniwan ng dalaga si Russel. Hanggang kailan niya matitiis ang paghihirap ng damdamin kasama ang asawa at ang kerida nito sa iisang bubong?
Romance
1022.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Missing Piece

The Missing Piece

Simple lang ang pangarap ng isang simpleng dalaga na si Michaela Gomez. Ang makapagtapos ng pag-aaral at matagpuan ang tunay na mga magulang. Dahil sa tingin niya, ito ang mga bagay na kulang sa kanyang pagkatao. Ngunit nang magtagpo ang landas nila ng isang gwapong binatang bilyonaryo na si Jacob Perkins, ay isa na rin ito sa mga naging pangarap niya. Ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal na akala niya ay isa sa bubuo sa kanyang pira-pirasong pagkatao. Hahayaan na lang ba niyang magtapos ang kanilang relasyon dahil lang sa isang magulong sitwasyon? O, mas mangingibabaw ang pagmamahal niya rito?
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loving The Lost Billionaire

Loving The Lost Billionaire

Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal. Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba. Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure. Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
Romance
1021.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE'S AFFAIR BK.6 WHEN THE PLAYBOY FALLS HARD

THE BILLIONAIRE'S AFFAIR BK.6 WHEN THE PLAYBOY FALLS HARD

MICHELL BLAKE THOMPSON IS A CERTIFIED PLAYBOY. GIVEN HIS LOOKS AND CHARISMA, NAKUKUHA NIYA ANG LAHAT NG BABAENG GUGUSTUHIN NIYA. AND THEN ONE DAY, SHE SAW A BEAUTIFUL YOUNG LADY AND HE WAS ATTRACTED TO HER IN AN INSTANT. SINUNDAN NIYA ITO WHEN SHE SAW HER AGAIN AND MUCH TO HIS DISMAY, MAY ANAK NA PALA ITO. A SINGLE MOM TO BE EXACT! ALMIRA MAGALLANES IS A SINGLE MOTHER NA GAGAWIN ANG LAHAT PARA SA ANAK NIYA NA MAY SAKIT. TINANGGAP NIYA ANG TRABAHO BILANG ASSISTANT NI MICHELL AT DOON NIYA LUBUSANG NAKILALA ANG PAGKATAO NITO. MAGAGAWA BA NIYANG TANGGAPIN ANG ALOK NI MICHELL SA KANYA NA MAGING BED WARMER NITO LALO PA AT NASA PANGANIB NA ANG BUHAY NG ANAK NIYA? WILL MICHELL FINALLY ACKNOWLEDGE TO HIMSELF THAT HE FELL HARD FOR THIS WOMAN NA INIWAN NA LANG SIYA BIGLA AFTER THAT SPECIAL NIGHT NA PINAGSALUHAN NILA?
Romance
1032.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Twin Mistake with Mr. CEO

The Twin Mistake with Mr. CEO

Nakagawa si Rebecca ng pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay nang hindi sinasadyang may mangyari sa kanila ni Dwayne Miguel Ventura, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa at nobyo ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ang problema nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa dahilan upang itakwil siya ng kanyang ama dahil hindi niya masabi dito kung sino ang ama ng kanyang dinadala. Tumakas at nagtago si Rebecca kasama ng lihim na pilit niyang itinatago tungkol sa tunay na ama ng kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang mahigit anim na taon, muli siyang nagising sa tabi ni Dwayne ngunit sa pagkakataong ito ay may singsing na sa kanya daliri. Kaya ba niyang tumakas at magtagong muli sa pangalawang pagkakataon?
Romance
10123.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Addicted to the Imperfect Billionaire

Addicted to the Imperfect Billionaire

Mula pagkabata ay nakatatak na sa murang isipan ni Daviana Policarpio na si Warren Gonzales ang kanyang magiging asawa dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga Lolo. Hinihintay na lang nila na maka-graduate siya sa kolehiyo para matuloy iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, at ng dahil sa mapaglarong kapalaran at panahon; kalahating taon bago mangyari ang plinano ng matatanda sa kanilang pamilya ay nalaman ni Daviana na mayroon pa lang girlfriend ang lalaking itinatangi at itinakda sa kanya. Hindi alam ng dalaga kung marapat bang ipagpasalamat niya iyon, dahil nang gabing matuklasan niya na may lihim na kasintahan si Warren ay iyon din ang gabing hindi inaasahang muling magsasanga ang landas nilang dalawa ni Rohi Gonzalez; ang anak sa labas at half-brother ni Warren na mula pagkabata nila ay natitipuhan na ng dalaga. Subalit, hindi niya pwedeng ipilit dahil ang sabi ng mga magulang nila ay si Warren at hindi si Rohi ang lalaking nakatakdang maging kabiyak niya at makasama hanggang sa kanyang pagtanda.  Susuwayin ba ni Daviana ang mga magulang upang tuluyang pagbigyan ang isinisigaw ng kanyang puso?
Romance
1063.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Unplanned Marriage of the Century

The Unplanned Marriage of the Century

Lady Reaper
Nagawa ni Onie na mamuhay mag-isa sa loob ng ilang taon, naging successful siya at kontento sa buhay. Ngunit nagbago ang lahat ng 'yon nang mabuntis siya, at ang ama'y nakilala niya lang din ng araw na may mangyari sa kanila. The CEO of Jewels and Diamonds, Lance Asmael Benedicto. And for the sake of the rich family name, they got married- unplanned. They both don't have feelings for each other, and it was all just for dignity and the child. But as days and months pass by, a romantic love affair will soon build up. Their hearts begin to beat the same rhytm. Pero, kakayin kaya nila despite the rule they make bago magsimula ang lahat? 'Don't fall in love, 'cause we will just going to have an annulment after the baby came out.'
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Cruel Desire (Tagalog)

The Cruel Desire (Tagalog)

Rated SPG || Matured Content Sheena Angeles is older than Clyde Jay Montecalvo. Kahit ganun pa man ay walang nakakapagpigil sa kanilang mga damdamin. Kahit na 7 years ang gap nang kanilang edad ay di iyon naging hadlang para mahalin nila ang isa't-isa. Ika nga nila age is just a number. Age is doesn't matter, if love's conquer all. Pero dahil sa isang eskandalo na kinasasadlakan ni Clyde ay napilitang lumayo si Sheena sa lalaking mahal nito. Nabuntis nito ang kanyang kaibigan na si Ivy. Kailangan niyang magpaubaya para sa kapakanan ng magiging anak nila Ivy at Clyde. After 10 years, Clyde and Sheena unite again. Nagkita sila sa di inaasahang pagkakataon. Maibabalik pa kaya nila ang kanilang dating pagmamahal kung may mga taong masasaktan? Paano kung gumawa na naman ng paraan si Ivy para paglayuin silang muli? Ano ang gagawin nila. Lalaban ba silang dalawa o hahayaan na lang na paglayuin ulit sila gaya ng dati? Paano kung may malaman si Sheena na, isang sikreto na alam niyang makakapabago sa kanilang buhay.
Romance
1021.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4344454647
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status