My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor
Napilitang mag-extra sa bar si Danica Olivarez bilang tindera ng sigarilyo at mga alak para sa mayayamang customer dala ng pangangailangan para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakalang may estrangherong ubod ng gwapo at misteryoso na mag-aalok ng malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama. Dahil sa desperasyon, pumayag siya, at ang perang iyon ang nakatulong sa operasyon ng ina at pagtatapos niya sa kolehiyo.
Pagkaraan ng tatlong taon sa Maynila, umuwi siya para sa kasal ng ina, ngunit halos bumagsak ang mundo niya nang makilalang ang mapapangasawa nito ay si Zachary Cuevas, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking minsang bumili ng kanyang dangal.
Paano siya makikisalamuha sa magiging ama kung bawat tinginan nila ay bumabalik ang alaala ng gabing iyon, lalo na’t tila mas lalo pa itong lumalapit sa kanya?