Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO Boss Is My Ex-lover

The CEO Boss Is My Ex-lover

Akala ni Marianne “Anne” Dela Fuente tama ang desisyong iwan si Isagani Malcon. Sa tingin niya kasi ay walang magandang kinabukasan kung pipiliin niya ito. Kahit mahal niya si Isagani, pinili niyang lumayo dahil sa isang dahilan na siya lang ang nakakaalam. Paglipas ng walong taon, nagtagpo silang muli. Nag-apply si Anne sa isang malaking kumpanya at laking gulat niya nang malaman na ang may-ari nito ay si Isagani, ang lalaking iniwan niya noon. Ngayon, si Isagani na ang may kapangyarihan. At sa halip na pagmamahal, galit at paghihiganti ang bumabalot sa kanya. Gusto niyang iparamdam kay Anne ang sakit ng panahong iniwan siya nito. Pero paano kung sa gitna ng galit, muling umigting ang damdamin na matagal na nilang pilit kalimutan?
Romance
414 viewsOngoing
Read
Add to library
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Missing Piece

The Missing Piece

Simple lang ang pangarap ng isang simpleng dalaga na si Michaela Gomez. Ang makapagtapos ng pag-aaral at matagpuan ang tunay na mga magulang. Dahil sa tingin niya, ito ang mga bagay na kulang sa kanyang pagkatao. Ngunit nang magtagpo ang landas nila ng isang gwapong binatang bilyonaryo na si Jacob Perkins, ay isa na rin ito sa mga naging pangarap niya. Ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal na akala niya ay isa sa bubuo sa kanyang pira-pirasong pagkatao. Hahayaan na lang ba niyang magtapos ang kanilang relasyon dahil lang sa isang magulong sitwasyon? O, mas mangingibabaw ang pagmamahal niya rito?
Romance
1010.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Beautiful Mess

Beautiful Mess

“Tungkol sa proposal mo, tinatanggap ko na,” bulong ko na parang sikreto kahit na kaming dalawa lang naman ang nakakarinig. “Hmm?” Himig niya habang nginunguya ang natirang burger sa bibig. “Gawin na natin,” medyo malakas at may confidence na sabi ko. “Gawin ang ano?” Sabay lagok sa kaniyang drink. Dapat nagdahan-dahan ako kung alam ko lang na magugulat siya. Hindi sana ako nabasa nang mabuga niya ang drink niya. “Magsex tayo.” __________ Pagkatapos na ipamukha ng fiance kung gaano siya kainutil dahil walang experience sa sex, lumapit si Luntian sa isang tinatawag nilang "untouchable stripper" na si Reyna para turuan siya nito sa larangan ng sex. Sa gitna ng maiinit nilang lessons, mapipigil ba nila ang damdamin na hindi mahulog? Mapapanindigan ba ang kasunduang walang mahuhulog? Paano kung may epal pang ex-fiance na gustong bumalik? At paano kung aksidenteng nabutas ang condom?!
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
Romance
1012.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Collateral To The Ruthless Billionaire

Collateral To The Ruthless Billionaire

Ang kanyang pamilya ang gusto niyang makuha. Ang kanyang kalayaan ang hiniling niyang kapalit. Itinayo ni Irish Wei ang kanyang pangalan bilang ang pinakakinikilalang art curator sa lungsod—isang babaeng may dangal sa mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan ng mga dinastiyang negosyante. Ngunit nang gumuho ang imperyo ng kanyang pamilya dahil sa utang at pagkakanulo, siya ang naging huling collateral na gustong angkinin ng isang walang awang bilyonaryo. Hindi naghari si Kendrick Reyes sa pamamagitan ng pagiging mabait. Matagal nang hinintay ng negosyanteng ito ang pagbagsak ng pamilya Wei. Subalit nang makaharap niya si Irish—mayabang, matapang, handang ipagpalit ang sarili para sa kaligtasan ng kanyang pamilya—binago niya ang kasunduan. Isang taon. Ang kanyang buhay, kanyang pagsunod, ang kanyang lubos na pagpapasakop. Kapalit nito, ang kanyang ama ay makalalaya at mananatiling buo ang kanilang pangalan. Maninirahan siya sa mundo ng mga nakakulong na penthouse sa Gangnam, dadalo sa mga eksklusibong gala, at magiging tropeo sa harap ng mga piling tao ng lungsod. Nakakulong sa isang ginintuang hawla, inaasahan ni Irish ang kalupitan. Ang hindi niya inaasahan ay ang lalaking puno ng kontradiksyon—isa na magbabantay sa kanya nang may bangis na magpapalabo sa linya ng kanyang pagkabihag at pagiging protektado. Ngunit ang imperyo ni Kendrick ay itinayo sa mga lihim, at ang katotohanang taglay ni Irish ay maaaring siyang tanging bagay na hindi kayang kontrolin ng kanyang kapangyarihan. Sa larong puno ng yaman at pagnanasa, ang pinakamapanganib na pusta ay hindi ang pagkawala ng kanyang kalayaan. Ito ay ang pagkawala ng kanyang puso sa lalaking nagnakaw nito.
Romance
145 viewsCompleted
Read
Add to library
For The Love Of Fiona

For The Love Of Fiona

Tutol si Fiona sa ideya na magkaroon siya ng personal bodyguard. Hindi niya nais na may isang taong bubuntot sa kanya saan man siya magpunta. But she has no choice. Dahil sa problema sa kanilang pamilya ay napilitan siyang sang-ayunan ang nais ng kanyang nakatatandang kapatid na si Lucas. She met Randall Mondejar, her bodyguard--- ang lalaking una pa lang ay masamang babae na ang tingin sa kanya. Paano niya matatagalan na makasama ang lalaking wala na yatang ginawa sa araw-araw kundi ang pakuluin ang dugo niya? Paano niya pakikisamahan ang binatang sa kabila ng magaspang na pakikitungo sa kanya ay may binubuhay na isang banyagang damdamin sa kanyang dibdib--- damdamin na tanging dito niya lamang nadarama.
Romance
1011.0K viewsCompleted
Read
Add to library
BILLIONAIRE'S LEGAL LOVER

BILLIONAIRE'S LEGAL LOVER

Sa mundo, hindi natin alam ang mangyayari. Hindi natin alam kung sino ang taong itinadhana para sa 'tin. Ang tamang taong mamahalin at makakasama natin hanggang pagtanda. Si Aviana Francia ay isang babae na may pangarap para sa kanyang pamilya. Bilang panganay, she's working hard to support her family. Lalo na para sa kanyang mga kapatid na nag-aaral. Doon niya nakilala si Gabriel Vergara, ang suplado niyang boss. Pero kahit suplado ito, palagi itong nandyan para sa kanya. Minsan nakakalimutan niyang boss niya ito dahil bagay itong maging boyfriend niya. Pareho kaya ng nararamdaman niya ang nararamdaman nito para sa kanya? Kahit alam niyang malabo maging silang dalawa. Siya ba ang pipiliin nito o may ibang babae na sa puso ng binata?
Romance
1025.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Payak na pamumuhay ang mayroon si Xariel Cassandra Fumidor kasama ng kaniyang mga anak. Ngunit isang dukha lamang siya at hirap na kumakayod sa pamumuhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Rumaraket ito ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kaya naman pinasok nito ang posisyong sekretarya sa Alvarez's Company nang siya ay matanggap doon. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang magiging boss niya ay ang dati nitong asawa na si Nathan Antonio Alvarez. Muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit maibabalik kaya nila ang dating tamis ng kanilang pag-iibigan kung may mga anak na ito habang ang lalaki naman ay engaged na? Muli bang mamahalin ni Nathan ang dati nitong asawa na nilisan siya o mananatili sa piling ng kaniyang kasintahan na siyang nariyan na simula pa noong mga panahong nasasaktan siya?
Romance
1016.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Quadruple Sin

The Quadruple Sin

WARNING: Contains explicit scenes, intense heat, and a hero who plays dirty. Proceed with caution. SYNOPSIS Si Ava Dominique ay dalubhasa sa pagtakbo. Iniiwasan niya si Zion Alexander—ang pogi, madiskarte, pero "unfiltered" na businessman—dahil sa isang malaking pagkakamali: Akala niya, si Zion ang boyfriend ng kanyang kambal na si Aria. Habang todo-kayod si Ava para suportahan ang palamunin at cheater niyang boyfriend, si Zion naman ay may ibang plano. He’s the twin who didn’t go to Harvard but built an empire through pure grit—and he’s been eyeing Ava since day one. Nang mahuli ni Ava ang boyfriend niya na may kargang iba, doon nagtapos ang pagiging "good girl" niya. In a moment of pure heartbreak, she crashes into the arms of the one man she thought was off-limits. "Z-Zion... stop! My sister... your brother..." Ava panted, her back pressed against the cold office door. Zion chuckled, a dark sound that made Ava’s knees melt. He trapped her with his massive arms, smelling of expensive bourbon and raw power. "My brother is a saint, Ava. But me? I like getting my hands dirty," Zion whispered, nipping her earlobe. "And for the record... Zane is at dinner with your sister right now. So, who are you moaning for?" Ava’s eyes widened. Maling kambal. Pero nang maramdaman niya ang kamay ni Zion na humahaplos sa kanyang hita, nawalan na siya ng lakas tumakbo. "You're... not Zane?" she gasped. "God, no." Zion smirked, his eyes burning with hunger. "I’m the twin who’s about to make you forget your own name." He claimed her lips in a kiss so wild, it tasted like a beautiful, forbidden sin. At doon nalaman ni Ava—ang "maling akala" pala ang pinakamasarap na pagkakamali sa buhay niya.
Romance
36 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status