ONE MORE NIGHT
Raindaja323jema galanza exella de jesus and jema galanzapossessive billionaire wattpad completed tagalog spgsecret admirer in tagalog
Pero sa gabing iyon, nang magsalita siya at ilahad ang kanyang mungkahi, wala akong nagawa kundi tumango at pumayag.
Siguro dahil sa sobrang pagod. I’m tired—pagod na pagod na akong maging laging matatag, laging handang lumaban, at laging may dalang mabigat na pangalan na inaasahan ng lahat na panatilihin kong mataas at walang bahid ng kahinaan. Masyado na akong nalulunod sa mga numero, kontrata, pagpupulong, at sa imahe ng pagiging matagumpay na negosyante. Minsan, naiisip ko lang: kailan naman ako magiging simpleng tao? Yung taong hindi kailangang laging mag-isip ng estratehiya, yung taong pwedeng magpadala lang sa nararamdaman nang walang takot na masira ang reputasyon.