Share

VI

Author: Mir
last update Last Updated: 2026-01-01 06:52:01

Claire's POV

"Paabot ng ulam anak." Napangiti ako nang marinig 'yon. Kinuha naman ni Clark ang paksiw at inabot kay Papa.

"How about you, babe? Gusto mo?" tanong niya sa 'kin.

"Ayoko."

"Paborito mo paksiw na bangus ah?" puna ni kuya Von pero nginitian ko lang siya.

Umaakto kaming parang walang nangyari dahil ayaw na naming malaman pa ni Papa. Masyado kasi siyang maaalalahanin at baka atakihin pa siya.

After a few minutes, naglagay ng laman ng bangus si Clark sa plato ko. Wala nang tinik 'yon kaya napangiti ako. Alam na alam niya kasing ayaw kong maghimay ng isda, kakilig!

"Kamusta ka naman dito? Nakapaglibot na ba kayo?"

"Aah hindi pa po." Sinulyapan niya kami, isa-isa naman kaming nag-iwas ng tingin, "Napagod po kasi sa byahe eh, ipinahinga na po muna namin yung buong araw."

"Oo nga mahal, pinagpahinga ko muna sila at alam mo naman malayo ang byahe nila."

"Aah, ganon ba? Oh sige, bukas mag boodle fight tayo ha?" kaagad akong naexcite sa sinabi niya.

"Talaga Pa?"

"Oo, magdadala ako ng mga alimango bukas at pusit."

"Oh sige, sagot ko na yung mga tahong at mais," si Kuya Von.

"Ako na sa panulak," si Kuya Miko.

"Ako na sa dahon ng saging." Sabay-sabay kaming napangiwi kay Kuya Carlo.

"Kahit kailan talaga napaka kuripot mo!" Binato ko siya ng kutsara.

"Ganon pag pogi," makapal niyang sabi.

"Kadiri!"

Kinabukasan, isa-isa na kaming nabigyan ng mga tokang gawain. Pero nakalimutan naming kailangan pala ng magbabantay sa tindahan.

"Ikaw na kaya Carlo, saan ka ba pupunta? Dahon ng saging lang naman ambag mo eh," si Kuya Von na iritang-irita na.

"Ay! Grabe siya, ako na nga lang gwapo mong kapatid ginaganyan mo pa 'ko eh. Basta, may assikasuhin akong importante."

"Ako na lang po." Kaagad kong ibinaba ang kamay ni Clark nang itaas niya ito para magprisinta.

"Huy! Ano ka ba? 'Di ka naman marunong eh."

"Marunong ako, may mga price naman na nakalagay sa bawat item 'di ba?"

"Oo meron naman," si Kuya Miko. "Oh sige ikaw na bahala dyan ha? Tawagan mo na lang si Claire kapag may kailangan ka pa. Tara na!" Aangal pa sana ako pero wala na akong nagawa nang hilahin nila ako ni Kuya Carlo.

"Bye babe!" nakangiting kumakaway sa akin si Clark kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ngitian siya.

"Basta tawagan mo ako ha?!"

"Ano ka ba ang laki-laki na niyan eh, kaya nya na 'yan."

"Oo nga, kita mo laki ng katawan niyan oh"

"Hay nako! Kayo pinagkakaisahan niyo boyfriend ko!"

Clark's POV

Pagpasok ko sa loob ng tindahan, halos familiar naman ako sa mga paninda kaya confident akong umupo sa may tapat ng mga garapon.

"Pabili!"

"Ano po 'yon?"

"Oh! Sino ka? Pabili ako ng sardinas, tatlo." Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin kung sino ako, pero kinuha ko na lang ang binibili niya.

"90 po."

"Ito."

Sunod-sunod ang mga bumibili at proud na proud ako dahil tama ang ginagawa ko.

"Kuya, pa-load."

"Ha?"

"Load!"

"Hindi kami nagloload ng wi-fi. Tindahan lang 'to."

"Bobo, load ng cellphone! Ayon oh, kunin mo yung keypad na cellphone doon, i-load mo 'ko!"

Nangunot ang noo ko sa bastos na batang 'yon. Tumikhim ako dahil sa pagkapahiya at kinuha ang sinasabi niya. Grabe, ganito ang laruan ko nung bata. Dito ako naglalaro ng snake noon. Pwede pala ito sa ibang purpose?

"Alam mo ba ginagawa mo?" banat na naman niya.

"Oo, teka!"

"Kuya pabilis! Yung niluluto ko kailangan na ng vetsin oh!" reklamo ng isa pang bumibili. Dumadami na silang nakapila sa labas.

"Wait, f*ck!" Hindi ko na alam kung anong napindot-pindot ko. Natahimik ang lahat nang biglang tumunog ang opening music ng game na bounce. Yung bolang kailangan makalagpas sa kung ano-anong obstacles.

"Pffttt!"

"Sabi na 'di niya alam eh."

Nag-init ang tenga ko nang magtawanan at magbulungan sila.

"Here!" Sabay abot ng cellphone. "I-load mo ang sarili mo," kunwaring galit kong sabi pero sa totoo lang, hiyang-hiya ako.

"Ako vetsin, dali!" Inasikaso ko na silang lahat at nang matapos ang bata, ipinakita niya sa akin kung paano gawin 'yon.

"Oh 'di ba Kuya madali lang? Ang laki-laki mong tao pero bobo ka. Kawawa ka naman."

"Konti na lang talaga sasapakin na kita," bulong ko sa kanya.

"Bigyan mo na lang ako ng stick-O kung gusto mong tulungan kita Kuya."

"Tsk! Ano bang pangalan mo?" ikinuha ko nga siya ng Stick-O.

"Nonoy."

"Nonoy ha, ayusin mo ang pananalita mo. Ito oh."

"Tengkyu!"

"Nasaan si Fatima?" Isang kalbong matandang lalake 'yon.

"Umalis ho, bakit po?"

"Kuya, 'wag mo bibigyan 'yan!" Nonoy exclaimed. Pero bigla na lang siyang binatukan ng matanda.

"Manahimik ka diyan. Umuwi ka na!" Maluha-luha ang bata dahil nang batukan siya ay tumana sa pasimano ng tindahan ang ulo niya.

What a f*cking bast*rd.

"Ikaw!" baling nito sa akin. "Kapatid ako ni Fatima, bigyan mo ako ng limang kilong bigas," pasimpleng umiiling sa likod si Nonoy pero pinili ko na lang bigyan ang matanda. Napaka dami niyang pinapakuha.

Nang matapos ay inilagay ko sa pasemano ang supot at magcocompute pa sana nang bigla niya itong hilahin.

"Oh, ilista mo na 'yan. Sabihin mo na lang sa kanila. Hahaha! Paldo na naman!" Mayabang na umalis ang matanda habang tumatawa ng nakakaloko.

"W-what? Ni hindi ko pa na-compute 'yon!"

"Sabi sa 'yo Kuya 'wag mo bibigyan 'yon eh," hindi pa natatapos ni Nonoy ang sasabihin niya nang may bago na namang dumating.

"Naku, Kuya heto pa isa..."

ABANGAN...

  "Theo!" Kabado akong napasulyap sa kanya. Pagtingin ko kay Clark at kunot-noo itong nakatingin sa kanya.

  "My loves! Kelan ka pa umuwi? Bakit hindi ko alam?" Kabababa niya lang sa bangka at halatang katatapos mangisda. Yayakap sana ito sa akin nang bahagya siyang itulak ni Clark.

"Ano ba pre? Sino ba 'to?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Devil In Him   XVII

    "Babe," tawag ko. "Hmm?" "Alam mo ba kung saan pupuntahan Nanay nila?" Nasa isang fastfood kami ngayon at pinapakain muna sila. Panay ang, 'wow' ng dalawa dahil sa TV lang daw nila 'to nakikita. "Don't worry, I already contacted someone to look for her." Bigla siyang kumindat pagkasabi non. Sa normal na araw baka kinilig pa 'ko, pero ngayon naiirita ako sa pagmumukha niya. Inirapan ko siya at tuloy sinubuan si Neneng, "Bakit may laruan dito?" tanong ni Nonoy. "Free 'yan, ganda 'no?" "Hindi dapat sinasamahan ng laruan ang pagkain," nagkatinginan kami ni Clark, "Sino naglagay neto? Sabihin natin bawal lagyan ng laruan ang pagkain. Dapat ginagalang natin ang pagkain." Tatayo sana siya nang pigilan siya ni Clark, "Wala rito yung naglagay niyan haha, hay

  • The Devil In Him   XVI

    "What?! Eeeew! 'Wag kang nagsasasama kay Adda, nasisira na rin tuktok mo eh!" Lukot na lukot sa pandidiri ang mukha niya. "Hahaha akala ko eh." "Bakit?" "Ang concerned mo kasi sa kanya. Ang dami mong sinasacrifice for her." "Ayokong magaya siya sa mama ko. Naikwento ko naman sa 'yo 'di ba? Nung sila pa ng Papa ni Elijah palagi siyang nabubugbog. At isa pa, kaibigan mo siya." "Ano naman kung kaibigan ko siya?" Bigla niya akong inirapan, "Aba? Attitude ka ah? Hahaha!" "Manhid ka eh." Inayos niya ang mga gamit kong nasa mesa. "At paano naman ako naging manhid?" "Wala." "Torpe." "Ano?" "Wala!" "Hindi ako torpe." "'Di rin ako manhid." Natahimik kaming dalawa habang nagkakati

  • The Devil In Him   XIIII

    "Babe!" Lakad-takbo kami ni Mama para mahabol siya. Ang lalaki ng halbang at napakabilis ng lakad niya, ito ang nakakatakot kay Clark. May history ng abuse ang Mama niya kaya kapag nalalaman niyang may nabubugbog, para bang nawawala siya sa sarili. "Tao po!" dinig sa boses niya ang panginginig. "Babe, kumalma ka please." Hinawakan ko ang kamao niyang nanginginig, "Ayaw mo namang makita kang ganyan ng mga bata 'di ba?" Neneng's POV "Wow Kuya, makikita na natin si Nanay. Bukas na kaya tayo aalis?" "Sshh!" nitakip ni Kuya yung bibig ko, "'Wag ka maingay, baka marinig tayo" "Bakit? Papaalam naman tayo ate Clara." "Oo, pero hintayin muna nating mapagpaalam tayo kasi baka hindi tayo payagan." " Osige," nagsmile ako kay Kuya kasi exci

  • The Devil In Him   XV

    Claire's POV "Amin po ito lahat? Ang dami! Hihihi!" Panay ang hagikhik ni Neneng habang nagkakalkal ng mga laruan. "Sa inyo lahat 'yan, hali kayo maligo muna." Hinila sila ni Mama papunta sa banyo. Madungis kasi sila at parang kahapon pa hindi naligo. Umupo ako sa tabi ni Clark at hinawakan ang kamay niya, "Okay ka lang? Akala ko magwawala ka kanina." Tipid siyang ngumiti, "I'm fine. Sabi mo nga 'di ba? Hindi dapat nila ako makitang ganon. And I'm relieved na nandito na sila." Hinila niya ako at isinandal sa ulo niya. "Sana mahanap natin ang Mama nila," malungkot kong sabi, "Ano kaya mararamdaman ni Aling Ligaya kapag nalaman niya 'to? Hay..." "Eh paano kung nag-asawa na talaga ng iba 'yon?" Napabalikwas ako sa tanong niya. "Naku! Malabo! Mahal na mahal non yung Papa nila saka napa

  • The Devil In Him   XIII

    Claire's POV KINABUKASAN. Maaga kaming gumising para mamili ng damit ng dalawang bata. "Pinakikialaman niyo yung dalawang batang 'yon, kapag natyempuhan kayo ng Lolo nila lagot kayo," pagpapaalala ni Kuya Miko habang nagaayos siya ng mga gamit niya papuntang eskwelahan. "Hindi naman talaga masama ang ugali non, ewan ko ba kung bakit ganon siya sa mga apo niya eh 'di naman ganon 'yon noon. Mabait siya sa iba, kaya 'wag kayo magalala," si Papa. "Should we use the car?" tanong ni Clark. "Motor ko na gamitin niyo, masikip ang daan papuntang palengke, mahihirapan lang kayo," offer ni Kuya Carlo. Ganon na nga ang nangyari, dalawa kaming nagpunta sa palengke. Naguguluhan pa siya nung una

  • The Devil In Him   XII

    "Tahan na, 'wag ka na umiyak." Panay ang punas niya sa luha ng kapatid niya, "Hintayin natin si Nanay, uuwi na siya." Tahimik kaming nakasunod sa kanila hanggang sa umupo sila sa isang malaking bato katapat ng sakayan ng jeep. "A-ang s-sakit palo ni Lola, hindi naman ako nauna makipag away eh," pinaupo siya ng kuya niya sa bato, "S-sabi Yeye hindi na daw uuwi si Nanay. H-hindi na daw niya tayo mahal, nagasawa na raw siya ng iba." Lalo na namang lumakas ang iyak ni Neneng kaya niyakap siya ng mahigpit ni Nonoy at isinubsob ang mukha nito sa dibdib niya. "Hindi totoo 'yon, tignan mo uuwi na si Nanay hintayin natin siya dito." "Hindi naman totoo yan!" Hinampas siya ng kapatid sa balikat, "Sinabi mo yan kahapon, pati kahapon kahapon, pati kahapon kahapon kahapon! Pero hindi naman dumadating Nanay!"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status