Beranda / Romance / Empire of Desire / The Arrogant CEO

Share

The Arrogant CEO

Penulis: mscelene
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-16 08:00:53

Amelia

Paglabas ko ng office, halos midnight na. Tahimik na ang city—yung klase ng katahimikan na mapapaisip ka kung ilan pa bang tao ang gising… either chasing their dreams, o tumatakbo mula rito.

Ako? Nasa gitna siguro.

Nag-vibrate ang phone ko pagpasok ko sa elevator. Si Maya — best friend ko since college. Hindi talaga siya natutulog nang maaga, lalo na kapag alam niyang OT na naman ako.

> Maya: “Tell me you’re out of that office, woman.”

Me: “Just left.”

Maya: “Good. I’m heating leftovers. You’re coming over.”

Napangiti ako kahit pagod. Ang version kasi ni Maya ng “leftovers” ay parang handa ng fiesta—at may kasamang emotional support sa bawat subo.

Pagdating ko sa apartment niya, naghihintay na siya sa pinto—barefoot, messy bun, oversized shirt na may print na “Overworked but Still Fabulous.”

“You look like a zombie.” sabi niya, sabay yakap.

“I feel like one.” sagot ko, sabay bagsak ng bag sa sofa.

“Let me guess,” sabi niya habang inabot ang bowl ng pasta. “Si Mr. Tall, Dark, and Dictator na naman ang dahilan ng pagka-drained mo?”

Napatawa ako. “You have no idea. Adrian Blackwood makes perfection sound like a religion.”

Kumislap ang mata ni Maya, halatang may kalokohan. “Ah, so it’s Adrian now?”

“It’s Mr. Blackwood,” mabilis kong sagot habang tinarakan ng fork ang pasta. “And he’s—ugh—infuriating.”

“Gaano ka-infuriating?” tanong niya. “As in grammar-correcting infuriating, o coffee-throwing level?”

“Both,” sabi ko, rolling my eyes. “He looks at me like I’m some kind of equation he’s trying to solve, tapos bigla na lang magsasalita ng mga comments na parang compliment pero may hidden threat.”

“Threat?!” Maya smirked. “Wow, mysterious si sir.”

“Like kanina,” sabi ko, “I fixed a clause sa merger report, tapos sabi niya lang, ‘Smart.’ One word. Di ko alam kung praise yun o warning.”

Maya laughed. “Baka both! Mukhang tipong tao na hindi nagba-blink kung hindi strategic.”

“Exactly,” sagot ko, humihinga nang malalim. “I’ve worked for tough clients before, pero iba siya. Always in control. Parang lagi siyang five steps ahead, at tayong lahat, pieces lang sa chessboard niya.”

“You sound like you admire him.”

“I sound like I want to strangle him.” sagot ko, pero natahimik din ako sandali.

Kasi totoo — may kakaiba talaga kay Adrian Blackwood.

Yung tahimik na authority. Yung paraan niya magsalita na parang hindi niya kailangang sumigaw para makinig ang lahat.

Nakakatakot.

Kasi alam kong hindi ko dapat napapansin yun.

Maya must’ve seen my expression, kasi bigla siyang naging gentle. “Hey. Don’t overthink it. Isa lang siyang rich control freak. Nakayanan mo na mas malala, diba?”

“Yeah,” sabi ko, mahina. “I guess.”

She nudged me playfully. “Eat your food, future lawyer. The empire of greed can wait till tomorrow.”

Napangiti ako, pero habang tumingin ako sa labas—sa mga ilaw ng city na kumikislap sa bintana—naalala ko yung boses niya.

Yung mga mata niya.

Yung presence niya.

At hindi ko mapigilang isipin kung sino ba talaga si Adrian Blackwood kapag walang nakatingin.

---

Adrian

Tulog ay isang luxury na matagal ko nang hindi afford.

Ang kontrol, hindi nagpapahinga. Ang kapangyarihan, laging gising.

Pero ngayong gabi, hindi kontrata o numbers ang iniisip ko.

Siya.

Amelia Cruz.

May paraan siya ng pag-stay sa isip ko kahit tapos na ang araw. Yung tahimik na oras sa office, kapag tanging tunog ng lungsod na lang ang maririnig — doon siya pumapasok sa isip ko.

Kanina, nag-challenge na naman siya. Hindi sa salita, kundi sa mga tingin. Matapang, diretso, walang takot.

Most people avoid my gaze. She met it — parang gusto niyang alamin kung may tao pa ba sa likod ng maskarang ito.

At sa isang segundo, halos gusto kong sabihin oo.

Tumayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window. The city glowed beneath me — lights, chaos, ambition.

Diyan ako nabubuhay.

Pero nitong mga araw na ‘to, hindi ko na alam kung sapat pa bang mabuhay lang.

Tumunog ang phone. Message from PR:

> “Press wants confirmation about the Westbridge deal tomorrow morning.”

Mabilis kong tinype ang reply, tapos ibinato ko na lang ang phone sa mesa.

Nandun pa rin ang report ni Amelia.

Clean lines. Organized. May handwriting pa sa gilid — sharp, deliberate. Walang sobra, walang kulang.

Yung disiplina niya… nakakaintriga. Pero yung fire sa ilalim nun — yun ang mas delikado.

Hindi niya alam kung gaano siya ka-rare.

Hindi niya kailangan sumigaw para marinig. Hindi rin siya nagpapaimpress.

I’ve seen potential before. I’ve built it, broken it, controlled it.

Pero sa kanya… hindi ko alam kung gusto ko siyang subukin o protektahan.

At delikado ‘yun.

Hinubad ko ang necktie ko, sinubukang magfocus. Pero imbes na isara ang folder niya, binasa ko ulit.

Yung notes. Yung maliit na details na hindi napapansin ng iba.

At doon ko na-realize kung bakit siya iba.

She’s not chasing me.

She’s chasing her future.

At siguro yun ang dahilan kung bakit hindi ko siya matigilan.

---

Amelia

Pag tulog ko sa couch ni Maya, amoy pasta at red wine pa yung labi ko.

Nanaginip ako ng marble floors, ng city lights, at ng isang lalaking nakatayo sa gilid ng skyscraper window—mata niyang madilim, hindi mabasa.

Paglingon niya, sinabi niya ang pangalan ko.

Parang pangako.

Parang babala.

At kahit sa panaginip… hindi ko pa rin alam kung alin sa dalawa ang mas dapat kong katakutan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Empire of Desire   Adrian’s Cold Warning

    Amelia’s POVHindi ko narinig yung confrontation.Naramdaman ko.Nangyari siya isang oras matapos umalis si Bianca, iniwan yung katahimikan na parang talim. Matagal na ulit huminga nang maingat ang office. Nagbalikan na sa trabaho ang mga tao, kinukumbinsi ang sarili na tapos na ang tensyon.Hindi pa.Lumulubog lang siya sa ilalim—parang fault line na hinihintay lang ang huling pressure bago bumigay.Nasa desk ako, nagre-review ng contracts, nang biglang mag-iba ang hangin.Hindi figurative.Literal.Humina ang mga boses. Bumagal ang mga yabag. May gumapang na instinct sa executive floor—parang mga hayop na nararamdaman ang anino ng predator.Galit si Adrian Blackwood.Hindi yung maingay. Hindi padalos-dalos.Cold.At yun ang delikado.Napatingin ako pataas sakto nang lumabas si Bianca sa elevator, phone dikit sa tenga, mukha niyang puno ng iritasyon. Perpekto pa rin siya—ivory suit, tuwid ang likod, taas-noo—pero may mali sa galaw niya. Masyadong mabilis. Parang alam na niya kung ano

  • Empire of Desire   Amelia Freezes

    Amelia’s POVHindi ko in-expect na ganito pala ang jealousy.Akala ko dati, maingay siya—may sigawan, may confrontation, may drama. Yung tipong ramdam mo agad, kaya mong paghandaan. Parang eksena sa pelikula na alam mong sasabog.Pero hindi.Tahimik siyang dumating.At pag dumating, parang nagyeyelo ka.Una kong napansin yung katahimikan sa office ni Adrian.Hindi yung usual na productive silence—yung sanay na ako, puno ng tension at strategy, yung bawat segundo may iniisip. Iba ’to. Mabigat. Intimate. Parang hindi dapat may ibang tao.Nakatayo ako sa labas ng glass wall, hawak yung tablet ko, kunwari naghihintay lang matapos yung call niya. Yun ang sinasabi ko sa sarili ko. Na professional lang ako. Na wala akong pakialam.Pero sa loob, nakita ko si Bianca, nakaupo sa edge ng desk niya na parang normal lang. Parang ginawa na niya ’to ng isang libong beses.Kampante. Komportable.Hindi siya mukhang assistant. Hindi rin submissive. Kung umasta siya, parang sa kanya yung space. Isang pa

  • Empire of Desire   Bianca’s Threat

    Amelia’s POVHindi nagpatagal si Bianca para i-corner ako.Hindi naman talaga siya yung tipo na naghihintay.Kinabukasan agad nangyari—masyadong maaga, bago pa tuluyang magising ang opisina. Tahimik pa ang mga hallway, may halo pang amoy ng polish at kape, at yung ambisyon ng mga tao hindi pa ganap na kumakapit sa hangin. Nasa maliit akong executive lounge malapit sa bintana, nire-review ang notes para sa strategy meeting na pinapasukan ako ni Adrian, nang marahan na magsara ang pinto sa likod ko.Soft.Sadya.Hindi ako agad lumingon. Hindi ko kailangan.“You’re punctual,” sabi ni Bianca. “That’s good. Adrian values punctuality.”Andoon na naman—pangalan niya sa bibig niya, parang inaangkin.Inaayos ko muna ang mga papel ko, bumibili ng isang segundo bago ko siya harapin. “May kailangan po ba kayo, Ms. Vale? ”Tahimik siyang natawa. “Nagkukunwari ka pa ring magka-level tayo? ”Humarap ako.Nakasandal siya sa mesa, naka-cross ang mga braso, perpekto ang ivory suit, kalmado sa paraan ng

  • Empire of Desire   Executive Bianca Returns

    Amelia’s POVNag-slide open ang elevator doors with a soft chime, at biglang bumaba ang temperatura sa executive floor.Ramdam ko siya bago ko pa siya makita.Yung katahimikan.Yung biglang pag-shift ng attention.Yung paraan ng pagputol ng mga usapan—parang may humila ng switch at pinatay lahat.People freeze.Mga assistant na kalahating tumayo mula sa desks nila.Mga analyst na napatigil sa gitna ng lakad.Mga bulungan na biglang naglaho.Ganito yung reaction kapag may paparating na bagyo.O predator.Then she steps out.Bianca Vale moves like the building already belongs to her—matangkad, composed, at nakamamatay ang ganda sa ivory suit na mukhang mas mahal pa sa isang taon kong renta. Tumutunog ang heels niya sa marmol, bawat hakbang eksakto, sigurado, parang may declaration. Perfect ang pagkakahila ng dark hair niya. Pulang labi na naka-curve sa ngiti na mukhang polite—kung hindi mo alam kung gaano ito katarim.Alam ko agad ang totoo the moment na magtagpo ang mga mata namin.Mal

  • Empire of Desire   Late-Night Confession

    Adrian’s POVTahimik ang building sa gabi—mas tahimik kaysa gusto ko.At sa company na ganito kalaki, may dalawang ibig sabihin lang ang ganitong katahimikan:Victory.Or vulnerability.Ngayong gabi, parang parehong meron.Halos lahat ng staff umuwi na kanina pa. Pati cleaning crew bumaba na sa lower floors, iniwan ang top offices sa sobrang linis na katahimikan. Pero may isang ilaw na naka-on pa rin.Sa kanya.Nakatayo ako sa labas ng office ni Amelia, nakatingin sa kanya through the glass wall. Nakayuko siya sa pile ng documents, buhok niya nakalaylay sa pisngi, at yung pen niya tumatama sa papel in that thoughtful, rhythmic way.Magte-ten na.Dapat umuwi na siya.Dapat nagpapahinga.Dapat hindi niya pinipilit ang sarili dahil lang may sumubok manira sa kanya.Pero hindi siya nagpapatalo.Tinatanggap niya yung impact, tapos umaangat ulit.The kind of strength na ina-admire ng tao.The kind of strength na kinatatakutan nila.The kind of strength that ruins men like me.Kumatok ako sa

  • Empire of Desire   Amelia Faces Him

    Amelia’s POVPagbalik ko pa lang sa office, ramdam ko na agad na may mali.Yung atmosphere… iba. Parang may humigop ng ingay. People were moving weird—masyadong tahimik, masyadong mabilis. Tapos parang iwas silang lahat sa akin. Or worse… parang may alam sila.Isang analyst nga na halos hindi ko kilala, muntik nang matumba sa upuan sa sobrang pag-iwas.Napakunot ako. “Are you okay? ”Tumango lang siya, kinakabahan ang mga mata, tapos nagmamadaling umalis.Ayun na. May nangyari.At malamang, kung sino ang may kagagawan, hindi ko na kailangan hulaan.Hindi na ako umupo. Hindi na rin ako nag-isip. Dumiretso ako sa taong parang walking thunderstorm in a tailored suit.Nakasara ang office door ni Adrian, pero hindi ako pinigilan ng assistant niya nang dumiretso ako.“She’s allowed in,” narinig ko boses niya galing sa loob—calm, mababa, at yung tipong alam mong siya ang may hawak ng lahat.Of course alam niya na darating ako.Alam niya lagi.Pagpasok ko, sinara ko agad yung pinto. Tumitibok

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status