Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Dangerous Love

Dangerous Love

KhioneNyx
Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat.
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Husband's Hidden Identity

My Billionaire Husband's Hidden Identity

Para matakasan ang toxic na tiyahin ni Felicity Chavez, kaagad siyang pumayag na magpakasal kay Thorin Sebastian—ang lalaking ka-blind date niya na inireto mismo sa kan'ya ng tiyahin. Nagdesisyon si Felicity na pakasalan ito dahil sa dinami-dami ng mga inireto sa kan'ya ng kanyang Tita Lucille, si Thorin lang ang pinakadisente sa lahat. Nagsama si Thorin Sebastian at Felicity Chavez sa iisang bubong, at kahit estrangherong sila sa isa't-isa ay naging maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Iyon nga lang, walang kaalam-alam si Felicity na mayroong lihim na identity ang kanyang asawa—ito lang naman ay isang bilyonaryo na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa! Ano ang gagawin ni Felicity sa oras na matuklasan niya ang sikreto ng asawa? At paano papanindigan ni Thorin ang pagpapanggap gayong hindi naman siya sa sanay sa ordinaryong buhay? May sumibol kayang pagmamahalan sa dalawang tao na pinagbuklod ng kasinungalingan?
Romance
9.719.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Following The Ferrario

Following The Ferrario

"Babayaran kita sa kahit magkanong halaga basta't paligayahin mo lang ako." Wala nang ibang nagawa si Karen kundi tanggapin ang alok ni Mr. Valer Ferrario nang sabihin ito sa kaniya. Ano bang magagawa niya sa sunod-sunod na negatibong nangyayari sa kaniyang buhay; na-ospital ang kaisa-isang anak, pinalayas sa tinutuluyan nilang apartment at natanggal pa sa trabaho. Kaya't kahit labag sa loob ay sumang-ayon siya sa alok ng mayamang lalaking ito. Alam niyang magagamit niya ito para magkaroon ng maraming pera. Ngunit paano kung magkaroon din siya ng pagtingin kay Mr. Ferrario? Sa lalaking pamilyado na?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Missing Heir

The Missing Heir

MERIE
Nakidnap si Alyssa, isang kilalang aktres-model sa hindi niya malamang dahilan. Nang makakakita siya ng pagkakataon, nagawa niyang makatakas mula sa mga kumidnap sa kanya. Sa kanyang pagtakas, napadpad siya sa isang isla. Doon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang military man. Iyon ang buong akala ni Alyssa tungkol sa binata. Ngunit hindi pala. Ang pagkatao pala nito ay nababalot ng isang sikreto. Sikreto na noon lang muli mauungkat. Sino ba talaga si Mark? Ano kaya ang sikreto sa likod ng pagkatao nito? Magiging hadlang kaya ang sikretong ito sa namumuong pagmamahalan sa pagitan ni Alyssa at Mark?
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance of the Heiress

Vengeance of the Heiress

Pinagkatiwalaan. Minahal. Pero tinraydor. Gumuho ang mundo ni Dari nang mahuli niyang magkasama sa kama ang kanyang asawa at kakambal. Sa sakit at galit, tumakas siya sa gabing puno ng dalamhati—at natagpuan ang sarili sa bisig ng isang estranghero. Si David Kranleigh, isang bilyonaryong CEO. Isang gabing dapat ay malimutan. Pero hindi iyon basta nawala. Sa pagtatangkang magsimulang muli, isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanya—isang aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag. Wala nang saysay ang lahat. Hanggang sa muntik na siyang sumuko… at isang pamilyar na tinig ang pumigil sa kanya. Si David. Hindi siya nito nakalimutan. At sa pagkakataong ito, hindi na siya nito hahayaang mawala. Upang iligtas siya mula sa mga traydor, pineke ni David ang kanyang pagkamatay at dinala siya sa Australia para magpagamot. Limang taon ang lumipas. Ngayon, hindi na siya ang dating Dari Wilson. Bumalik siya sa mismong anibersaryo ng kanyang pekeng pagkamatay—hindi bilang biktima, kundi bilang isang babaeng uhaw sa hustisya. Sisirain niya ang mga taong sumira sa kanya. Babawiin niya ang lahat ng ninakaw sa kanya. Ngunit isang sagabal ang hindi niya inaasahan—si David. Ang lalaking hindi sumuko sa kanya. Ang lalaking handang ipaglaban siya. Pero kaya ba niyang pigilan ang galit ni Dari? Sa laban ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang mananalo?
Romance
10905 viewsOngoing
Read
Add to library
Taming the CEO's Scarred Heart

Taming the CEO's Scarred Heart

Aiah Villegas is your typical social butterfly. Sunod sa luho, hindi alintana ng beinte ocho anyos na dalaga ang kahit anong negative notion patungkol sa kanya. Party. Men. She loved them all specifically the attention. Not until her grandfather meddle her affairs and wedded her to a certain Rodrigo Dela Costa. Just like the name, literal na lahat dito mula pananalita at kilos ay pangmatanda. And unlike all men circling around her, he doesn't give a damn about her mere existence. Isang pabor na di niya kayang tanggihan. That's how Rodrigo viewed the existence of the pampered princess of the Villegas on his private space. Nothing more. Nothing less. But why does her cheap antics get inside his nerves? At tila ba hinahamon nito ang katatagan niya bilang lalaki... "I guarantee, you'll fall for me, My dear husband." Aiah leaned over his table, deliberately showing the generous view of her cleavage. There's a playful smirk etched on her lips. "Wala pang lalaking tumanggi sa akin." "Then I'll be the first," tugon ni Rodrigo, unbothered, drift his focus back on the piles of papers. "Try harder, My Aiah, then maybe there's a slim chance that I'll fall for you."
Romance
10428 viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpectedly Yours, Doctor

Unexpectedly Yours, Doctor

One night is all it takes. Si Celeste Ramirez ay isang nurse na tutok sa trabaho at walang oras para sa kahit anong abala—lalo na sa pag-ibig. Pero sa isang medical conference na puno ng alak, musika, at kasiyahan, nagising na lang siya sa isang hindi pamilyar na kama, walang saplot, at walang maalala,maliban sa mapusok na init ng isang gabing kasama ang lalaking hindi niya kilala. Ilang araw ang lumipas—dalawang linya sa pregnancy test ang bumungat sa kanya. Wala ito sa plano niya. Wala siyang balak maging ina. At lalong wala siyang ideya kung sino ang ama ng dinadala niya. Handa na siyang tapusin ang lahat ng tahimik at walang komplikasyon. Pero sa mismong clinic kung saan siya magpapalaglag, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya—ang bagong doktor na hahawak sa kaso niya. Ay ang lalaking kasama niya sa gabing iyon. Ito na kaya ang ama ng kanyang dinadala? O may mas higit pang rason kung bakit sila muling pinagtagpo ng tadhana?
Romance
10718 viewsOngoing
Read
Add to library
Boyfriend Hunt

Boyfriend Hunt

CowardTheBrave
Si Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Iyon na rin siguro ang isa sa pinakadahilan kung bakit walang maituturing na kaibigan sa school si Eli. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaklase, si Eli ay isang closeted gay. Dahil sa fear of rejection at mahusgahan ng iba, mas pinipiling mapag-isa ni Eli kaysa makihalubilo sa kanyang mga kaklase. Isang gabi habang nagrereview si Eli para sa isang exam kinabukasan, napukaw ang kanyang atensiyon sa isang online advertisment. Ito ay isang 'dating' application na tinatawag na MATCHED, na kung saan ay maaari kang makakilala at makatagpo ng taong para sa iyo... As a gay person. Dahil sa masidhing kuryusidad ay dali-daling dinampot ni Eli ang kanyang cellphone para idownload ang MATCHED para simulang hanapin ang taong kukumpleto sa tinatago niyang pagkatao. Have you ever tried to use an app to find a lover? Let the hunt begin.
LGBTQ+
108.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status