Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kung Pwede Lang

Kung Pwede Lang

Si Trixie ay isang mapagmahal na ina sa kanyang anak na babae at ang tanging nais ay ang mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Hindi niya inakalang makikilala niya si Derrick, ang anak ng may-ari ng kompanyang kalaban ng kanyang kinilalang pamilya simula pagkabata. May pag-asa ba para sa pagmamahalan ng dalawang taong naipit sa gitna ng magkalabang pamilya? Ipaglalaban ba nila ang pagmamahalan para sa isa't-isa? O kakalimutan na lamang ito para sa katahimikan ng mga buhay nila?
Romance
1018.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
Romance
1066.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

LauVeaRMD
Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. "Ibibigay ko sa inyo ang hustisya na nararapat para sa inyo, ipinapangako ko iyan, ang kamatayan ninyo ang paghuhugutan ko ng lakas, para hanapin ang mga salarin na naging sanhi ng inyong kamatayan," lumuluhang sambit ni Scarlet sa harapan ng puntod ng kanyang pamilya, sa bawat salita na binitawan niya ay tila isang pangako para sa kanyang pamilya na pinaslang ng walang kalaban-laban. Galit at pagkasuklam ang nasa puso ng dalaga, para sa mga taong gumawa noon sa kanila. Kaya sa pagpunta niya sa Maynila ay nakilala niya si Lance Dela Piña na isang negosyante. Si Lance na kaya ang makakapagpabago sa pananaw ni Scarlet? Mahihilum kaya ni Lance ang sugatang puso ni Scarlet, dahil sa pagkawala ng kanyang pamilya? Mapapawi kaya ni Lance ang galit at puot na nasa puso ng dalaga! Ang binata na kaya ang makakapigil kay Scarlet para sa paghihiganti na gagawin nito? Paano kung may malaman na isang sekreto si Scarlet tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Paano kung malaman din niya na ang taong tumulong sa kanya ay siyang naging dahilan ng kamatayan ng kanyang pamilya.
Romance
104.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Mafia's Heart

Chasing Mafia's Heart

Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
Romance
415 viewsOngoing
Read
Add to library
Take Me Back In Your Arms

Take Me Back In Your Arms

Martyr na kung tawagin pero kayang gawin lahat ni Zhang para lang sa lalaking minamahal niya kahit na pilit siyang tinataboy nito. Hindi lingid sa kaalaman ni Zhang na takaw gulo si Zech, kaya hangga't maari ay gumagawa siya ng paraan para mapabuti ito at mabawasan ang pagiging suki nito sa Detention Office. Hanggang saan nga ba aabot ang pasensya at pagmamahal ni Zhang para kay Zech? Sapat na ba ito para manatili siya sa tabi ng nasabing lalaki kahit na makailang beses na siyang sinaktan at binalewala?
YA/TEEN
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Conquering the Mafia Heir

Conquering the Mafia Heir

maxi
Sweaty and calloused hands, heavy breaths, and bruises of the pasts has been what Calithea Amara Noval trying to either dodge or manage to turn down. Hindi niya pinangarap lumaban para mabuhay, pero hindi rin niya pinagsisisihan na lumalaban siya para sa buhay. The tranquil she couldn't recognize at any bumps and holes of her life she has been trying to revamp isn't like the black-and-blue-mark on her skin, but shades darker she couldn't conceal. The roars of beast outside the match ring put a pause on as she saw Theon North Ledesma inside. She didn't welcome him at all, but he happened to found his way inside her. Sa bawat pagpasok ni Theon sa sistema niya ay siya'ng paglabas ng katotohanan sa pagkatao niya. Winning the Conquest has been her thirst to get out of the Underground, para sa ranggo, para sa pribadong pagkatao habang nagbabanat ng buto. Pero ang katotohanan na ang yumao niya'ng ama ay isang dating manlalaro kapalit ng buhay at si Theon na sa kanya'y pumatay ay hindi niya matakbuhan, sinubukan pero hindi mabitawan. Caving in for a peaceful life on the south, she managed to do a living, and brought out a living. Pero sa pagtakbo, kahit anong tulin ay mayroong mas matulin. Kailangan niya'ng mabalikan ang ina, kailangan niyang makuha ang posisyon ni Theon sa Mafia para masira ito. Pero sa bawat hakbang paakyat, unti-unting nabubutas ang kan'yang nilalakaran kasabay nang pag-angat ng mga rebelasyon, kung ano siya, at sino siya. Sapat na nga ba ang posisyon ni Theon para makuha niya ang inaasam na panalo? o hindi na niya kailangang kunin ito? Pumasok siya sa isang laro, at tatapusin niya ito sa isa pang laro. Ang sipa at suntok na para nga ba kay Theon o sa iba na humahatak sa kaniya?
Mafia
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Lifeless Body

Lifeless Body

Namatay ang kanyang mga magulang para lang maitakas at mailigtas siya sa kumidnap sa kanila. Magmula nun ay para na siyang isang katawang nawawalan ng buhay.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Taste Her Vengeance - Tagalog Story

Taste Her Vengeance - Tagalog Story

bluis
Gagawin lahat ni Hanneah Marie Alvarez para mapagbayaran ng pamilyang Ynes ang mga kasamaan na ginawa sa kanyang mga magulang. She’ll do everything to give justice for her parents even if she’ll risk her own life for it. She’s willing to do everything for her parents. Ngunit maisasakatuparan niya pa kaya ang mga balak niya kung may sikreto siyang nalaman mula sa pamilyang Ynes? Ang sikretong kayang ‘yon ang tutulong sa kaniya para makamit ang hustisya para sa mga mga magulang niya? O baka ang sikretong ‘yon ang hahadlang sa kaniya para ituloy ang matagal niya nang inaasam na hustisya?
Romance
1019.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's contract wife

The Billionaire's contract wife

Solo Luna
"I'll do everything to pay you for all the things you did." Dianne Kim Alexander "I am willing to hurt and accept the punishment just to be with you again." Davin James Demonese Dianne Kim Alexander ay galing sa Isang mayamang pamilya, ngunit nang namatay ang kaniyang Ina. Nabaon Sila sa utang dahilan para pumasok Siya sa Isang nakakasukang trabaho bilang dancer sa Isang sikat na bar. Habang matiyaga siyang sumasayaw sa harapan ng mga lalaking, biglang dumating ang matipunong lalaking hindi niya kilala. "Five hundred million dollars, I'll take her out!" Davin James Demonese, ang walang pusong bilyonaryong pingkakautangan ng ama ni Dianne. Na gagawin ng lahat para maiipit Ang pamilya ni Dianne dahil sa maling Akala. Ginawa niya lahat para mapapayag na maging contract wife si Dianne and he did. Sa pagpasok ni Dianne bilang Asawa ng bilyonaryo. Muli niyang maranasan ang pait ng Buhay. She will be betrayed and hurt many times lalo pag nalaman niyang Ang boung katotohanan. Aalis siya sa puder ng bilyonaryo, ngunit muling magbalik after five years para maghiganti sa ginawa nito sa kaniya. At sa pagbalik niya dala niya ang kanilang Anak na kambal. At sa pagbalik niya, makakaya niya bang paghigantihan at paluluhurin sa kaniyang harapan si James gayong may naramdaman pa siya rito, O ang mga pasakit ang dahilan para kamuhian niya ito nang husto.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE

FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE

Dahil sa hiling ng abuela, pumayag si Serene na magpakasal sa taong hindi niya kilala. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Pierce Smith, ang walang pusong bilyonaryo. Galit na galit ito sa kanya dahil ang akala nito ay inuto lang nito ang kaniyang lola para sa pera. Sa galit nito ay umalis ito pagkatapos mismo ng kasal nila at bumalik anim na buwan pagkatapos para sa operasyon ng kanyang pinakamamahal na lola. Nabalitaan iyon ni Serene at plinano niya na makipag-usap dito at makipaghiwalay na ngunit, pagdating niya sa suite nito ay bigla na lamang siyang kinaladkad patungo sa kama na nagtapos sa isang mainit na pagniniig at pagkawala ng pagkabirhen niya. Pagkagising niya ay agad siyang umalis doon na hindi nito alam na siya ang nakaniig nito. Nag-file ito ng divorce at buong puso niyang pinirmahan ngunit dahil sa kinailangan niya ng pera ay wala siyang nagawa kundi ang magmakaawa rito. ---- "Gagawin ko ang lahat, tulungan mo lang ako..." Ipinagpalit niya ang sarili para sa tulong nito. Ngunit paano kung habang tumatagal ay mahulog ang loob nila sa isat isa? Maging masaya kaya sila sa kabila ng maraming pagsubok para sa pagmamahalan nila?
Romance
1039.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status