Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Nerdy Guy

The Nerdy Guy

Thirsty_Ara
Chloe Ramos, ang babaeng kilala bilang - worst bully. Siya ay apo ng nagmamay-ari ng Ramos University. Sa kaniyang kakaibang ugali at pagiging spoiled ay makakaharap niya ang isang nerdong lalaki. Ang lalaking nagngangalang Mathew Crawford. Isang transferees student na mabibiktima sa pam-bu-bully ni Chloe. Magagawa kayang labanan ng nerdong lalaki ang isang magandang dalagang may masamang ugali? Marami nang nabiktima sa pam-bu-bully ni Chloe, maging ang pakikitungo sa guro ay hindi niya pinapalampas. Wala mang lakas ang loob ang iba na kalabanin si Chloe pero si Mathew ay naisipang harapin ang dalaga para tumigil ito at magbago. Kukunin niya ang atensyon ng dalaga at para hindi na rin ito makapam-bully ng iba. Matalino si Chloe at laging nangunguna sa lahat ng bagay kaya naisipan niyang iyon ang gawing batayan para mas mapunta sa kaniya ang atensyon nito. Dahil sa pagtutuos nila sa mga bagay-bagay ay mas madalas silang magkasama at unti-unting nakikilala ng husto ang isa't isa. Ang nerdong lalaki ang magiging dahilan ng kaniyang pagbabago.
102.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 66 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back

When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back

Pinagpantasyahan ni Atasha si Magnus ng matagal na panahon at ng nagkaroon siya ng pagkakataong makalapit dito ay doon naman nangyari ang isang gabing pagkalimot dahil sa kalasingan. At nagbunga ang isang gabing iyong ng isang batang babae na kinagiliwan ng pamilya ni Magnus, na naging dahilan para matupad ang pangarap ni Atasha na maging asawa ng isang Magnus Alvaro. Ngunit iyon din ang naging dahilan para kamuhian siya nito. Mas lalo itong nanlamig sa kanya, at pinakasalan lang siya nito dahil sa kanyang dinadala. At sa kasunduan nila ni Magnus na kapag naipanganak na niya ang kanilang anak ay mapapawalang bisa na ng tuluyan ang kanilang kasal. At sa siyam na buwan na pananatili ni Atasha sa piling ni Magnus bilang asawa nito ay doon siya unti-uting nagising na walang patutunguhan ang pagmamahal niya dito kung patuloy lang siya nitong pinapakitaan ng kalamigan. At ng muling banggitin ni Magnus ang paghihiwalay nila ay hindi na siya nagdalawang isip sa pagpayag. Wala na rin naman siyang panghahawakan, at gusto na rin niyang buuin ang kanyang sarili na matagal niyang tinalikuran dahil sa pagmamahal niya kay Magnus. Kailangan niyang lumayo, para tuluyang makalimot sa pasakit na pinaramdam nito sa kanya. Ngunit bakit kung kailan gusto na niyang magbagong buhay at tuluyang kalimutan ito ay doon naman siya ayaw pakawalan ni Magnus. At lagi nitong iginigiit sa kanya na kailangan siya ng kanilang anak kaya hindi siya dapat umalis sa piling nito.
234 viewsOngoingIdinagdag sa Library 9 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
Unforgettable Love with Mr. CEO

Unforgettable Love with Mr. CEO

Isang dalagang pumasok sa trabaho bilang kasambahay sa isang mansion para sa kanyang pamilya, dalagang pilit winaksi ang nararamdamang nasimulan dahil alam n'yang hindi ito nakakabuti sa trabaho o sa kanyang sistema lalo na't kung ikakasal lang din naman ang lalaking iniibig nya sa babaeng kasosyo sa negosyo. Sya ang dalagang walang kaalam-alam na sa kanyang pagpasok sa trabaho ay isang plano lamang mula sa lalaking matagal nang may gusto sa kanya. Plano nitong mapalapit ang dalaga at mapaibig ito. At hindi nga nabigo ang lalaki dahil nagkakatotoo ang kanyang mga plano. Sa pag-iibigang namamagitan sa kanila, kaya ba nitong maisalba ang paparating na malaking bagyo para sa kanila? Sapat ba ang kanilang pagmamahalan upang balewalain ang nakaraang pilit umi-eksena sa kanilang storya? Sapat ba ang kanilang pagkakagusto upang labanan ang madilim na nakaraan na may kinalaman sa Ina ng dalaga? But what if destiny plays its hand? Is there a chance that these opposite worlds will meet and give a chance to have an UNFORGETTABLE LOVE they have ever felt? Or are they just given a chance to feel the unforgettable pain they have ever felt?
104.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 105 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
Stealing My Husband From His Mistress

Stealing My Husband From His Mistress

Pinakasalan pero hindi minahal. Matapos makunan ay nagbabalik si Tessa sa buhay ng ex-husband niya. Hindi lang para maghiganti kay Darius kundi para agawin ito sa kabit nitong si Martha. Magtagumpay kaya siya ngayong kasal na ang dalawa at may anak na?
1023.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 581 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
Mommy Nanny

Mommy Nanny

[VIOXX ALMERADEZ'S STORY] Probinsyana si Dashi na lumuwas ng Maynila para magtrabaho bilang Nanny at Tutor ng demonyitong anak ni Vioxx Almeradez, habang nagre-review siya para board exam. Simple lang ang plano niya habang nandoon: 1. Turuan at asikasuhin ang bata 2. Magreview at maging topnotcher sa board exam 3. Maging Teacher sa abroad para i-ahon sa hirap ang pamilya. Subalit, lahat ng mga plano niya sa buhay ay nagulo nang magpakita ng interes sa kanya ang gwapo, simpatiko at masungit niyang boss. Syempre, kilig-kilig siya, pero hanggang doon lang dahil alam niyang aalis din siya sa bahay nito at hinding-hindi siya babagay sa mayaman na katulad ni Vioxx Almeradez. Matatag ang disisyon niya sa bagay na iyon, walang hahadlang! Pero may isa siyang nakalimutan! Si Shaun na anak ng boss niya, ay tinatawag na siyang Mommy sa halip na "Yaya Teacher". Hindi lang 'yon, pinakitaan pa siya ng ebidensya na siya raw ang Mommy nito. Ang picture na ibinigay ni Vioxx na kamukha niya nga. Susmaryosep! Paano siya nagkaroon ng ganong picture?!
10773 viewsOngoingIdinagdag sa Library 30 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
The Italian's Three-Year Marriage

The Italian's Three-Year Marriage

Kei
Three years of marriage is such a short period of time for love, as people say. But for Seah Alxandra Garcia, three years of marriage with Mikhail De Luca was a curse. Matapos maka-graduate ni Seah sa kursong architecture ay agad siyang ikinasal kay Mikhail, isa namang italianong engineer. Malaking pagkabigo para kay Seah ang magpakasal agad, ngunit wala rin siyang nagawa dahil para ito sa ikabubuti ng kaniyang pamilya. Tatlo lang ang hinihiling ni Mikhail sa kaniyang bagong asawa para sa loob ng tatlong taon. Iyon ay ang manirahan sa Italya, matulungan siyang mapalago ang negosyo, at pagsilbihan ito — tatlong hiling sa loob ng tatlong taon para lang sa malaking pangangailangan ng pamilya ni Seah. Wala na kay Mikhail kung maisipan siyang iwan ni Seah matapos ang tatlong taong pagsasama nila, ngunit sa kabila ng lahat ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Paano na lang kung nasanay na si Mikhail na mamuhay kasama ang asawa niya? Pero paano na lang kung gusto na niyang makapiling si Seah sa bawat araw na gigising siya? It was all clear to Mikhail they should have boundaries as a business marriage contract couple, but some things just ends up with what we don't expect. Seah didn't ask for a run, but who would've thought that her life will be in a double chase? Meeting the Ezekiel Ricci and Megan Ricci was like a lucky moment for Seah, pero ang hindi niya alam ay may trahedya pang naghihintay sa kaniya. She thought that finally, she will be stable and content with Mikhail, not until Ezekiel becomes the reason for their endless fights. Nang makilala ni Seah ang magkapatid na sina Ezekiel at Megan, para bang nabahiran ng gulo ang relasyon nila ni Mikhail. That with every bit of step she makes, their relationship fades.
841 viewsOngoingIdinagdag sa Library 26 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
When a Single Mom meet the Hot CEO

When a Single Mom meet the Hot CEO

Steph is a single mother. Kaya todo kayod siya sa buhay para lang tustusan ang pangangailangan ng kanyang anak na si Michael. Lahat ng trabaho ay pinasukan niya na. At sa pagtatrabaho niya sa club ay nakilala nito ang isang Hot CEO ng Kompanya na may lihim na pagtingin sa kanya.
108.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 270 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
Dumped by My Boss, Claimed by the Ruthless Billionaire (SPG)

Dumped by My Boss, Claimed by the Ruthless Billionaire (SPG)

Dumped by My Boss, Claimed by the Ruthless Billionaire (SPG) Vanessa Williams spent three years living a secret life—executive secretary by day, Gerald’s secret lover by night. Para sa iba, siya ay bayarang babae at nakakahiya ang ginagawa niya. Para kay Vanessa, ito ang paraan para matustusan ang mahal niyang lola na may malubhang sakit. She convinced herself that sacrifices like this were necessary, kahit na pilit niyang tinatago sa puso ang pangarap na mahalin din siya ng kaniyang boss. Pero lahat ng iyon ay naglaho sa isang iglap nang bumalik ang unang pag-ibig ni Gerald, at bigla siyang naging walang silbi sa mata nito. Binayaran lang siya ng husto para sa tatlong taon niyang serbisyo at pinauwi siya kasama ang perang pambayad sa medical bills ng lola niya. Nakita niyang masaya si Gerald sa piling ng babaeng matagal na niyang minahal. At sa puso niya, kahit na pilit niyang ipinagkakaila, nasaktan siya. She thought one day, he’d notice her, he’d choose her… pero mali siya. Sa galit at kalungkutan, napunta siya sa isang bar. Isang gabing walang kwenta, isang lalaki na hindi niya kilala, at alak na nagpalakas ng loob niya. Kinabukasan, nang nagising siya… may singsing na sa daliri, at may lalaking nakatingin sa kaniya—na nagpakilalang asawa niya. From being used… to being claimed. She is now the wife of the country’s most dangerous and richest billionaire—Sebastian Montefalco. A man who could make her feel invincible, yet could also hurt her. And above all—a man she would never let go. Matutunan kaya niyang mahalin at tanggapin ang lalaking magiging katuwang niya sa paghihiganti kung hindi na siya naniniwala sa pag-ibig?
105.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 201 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
Broken Vows

Broken Vows

shiri_shen
A successful marriage is a big dream for every woman out there. Wanting the so-called-perfect-family. Pero magiging perpekto ba ang lahat kung sa mali nagsimula? Magiging totoo kaya ang relasyon nila? O mananatiling nakabase sa kontrata ang lahat? Magiging sapat ba ang tiwala at pagmamahal? Para sa mga pagsubok na ibibigay? May malalaking rason na darating para bitawan isa't isa pero maraming bagay na magpapatunay na walang makatutumbas sa isang tunay na pag ibig. Will the the love they had will be enough for them to stay in each other's arms? Or Will they let the destiny break their marriage? Maybe their story started as unwanted but will they let it ended by their broken vows?
103.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 135 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
The Billionaire's Mistress

The Billionaire's Mistress

"Money over men." 'Yan ang motto ni Ladja Ronquillo simula noong saktan siya ng pinakaunang lalaking minahal niya. Walang mga magulang at pinapaaral pa niya ang kaniyang nag-iisang kapatid kaya mas importante na sa kaniya ngayon ang pera. Hanggang sa nakilala niya si Radzmir Al-Andas, isang napakamayamang businessman na gagawin ang lahat para lang matikman ang kaniyang mga labi at makasama siya. Dahil dito, nagdesisyon siyang gamitin ang lalaki para sa pera. Akala niya magiging mas maayos na ang lahat sa halip, ito ang naging dahilan nang muling pagkadurog ng kaniyang puso.
10561 viewsOngoingIdinagdag sa Library 11 Beses bilang tula para sa kaarawan
Read
+Library
PREV
1
...
4243444546
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status