Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chasing Her Untamed Heart

Chasing Her Untamed Heart

STAYANGNIE
Nang dahil sa gaganaping engagement ceremony ng kapatid, napilitang umuwi ang 25 anyos na dalagang si Elodie Hermedilla sa Pilipinas galing Australia. Ngunit, hindi niya inaasahang bigla pala siyang ipapalit sa kapatid na ma-engage dahil buntis ito sa ibang lalaki. Kaya nakipagtalik siya kay Russel Lardizabal, 28 years old na binatang kakikilala pa lang niya, dahil sa ayaw niyang ireserba sa kaniyang mapapangasawa ang kaniyang virginity. Subalit, hindi naman pala natuloy ang engagement ceremony. Pagkakataon niya iyon upang ituloy ang namamagitan sa kanila ni Russel. Nang malaman niyang balak pala siyang gamitin ng lalaki dahil sa mai-engage rin ito sa iba, napipilitan man ay siya na ang kusang lumayo. Ngunit huli na ang lahat nang malaman niyang buntis na pala siya kay Russel. Kaniya bang sasabihin sa lalaki ang tungkol sa magiging anak nila? Or she will wait him chase her untamed heart?
Romance
10885 viewsOngoing
Read
Add to library
Something Borrowed

Something Borrowed

SELCOUTHLOVE
Nakauwi si Misha sa pamilya at fiance niya pagkatapos ng halos apat na taong pagkakatulog dahil sa coma. Sa pagbalik niya, kasabay ng pagtuklas ng katotohanan na hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang mga magulang ay nalaman din niyang engaged na sa iba ang lalaking pinakamamahal niya. Sa isang iglap nawala ang lahat sa kanya. Pero isang bagong pangyayari ang dumating sa buhay niya na nag-udyok para hiramin niya ang buhay ng isang babaeng kamukha niya. Hanggang saan siya dadalhin ng pagpapanggap niya? Kakatok ba ang pag-ibig sa puso niya habang nagpapanggap siya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MALAYA (A Tagalog Story)

MALAYA (A Tagalog Story)

Malaya will never live up to her name. Hindi siya kailanman naging malaya at hindi magiging. Namumuhay siyang tila daga na nagtatago sa malulupit na mga pusa. Sa kagustuhang matakasan ang kinalakhang buhay at mahanap ang kalayaan, napadpad si Malaya sa isang malayong probinsya. Sa kanyang pagtakas, nasumpumgan niya si Thorin Fuentebella— ang binatang kumupkop sa kaniya. Sa pagtira niya sa mansyon nito, napalapit at minahal niya ang lalaki— na walang kaalam-alam sa tunay niyang pagkatao. Subalit nang dumating ang pagkakataon na kinailangan niyang aminin ang lahat—ang tunay niyang pagkatao at dahilan ng kanyang pagtakas ay hindi niya inaasahang ang binata pa pala ang magtutulak sa kanyang balikan ang nakaraan na ayaw na niyang maranasan...
Romance
1058.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Here Comes the CEO’s Wife

Here Comes the CEO’s Wife

Ang huling tanda ni Alina, kulang na lang ay maglagay siya ng sign na “fresh grad for hire” sa kanyang noo dahil sa hirap makahanap ng trabaho. Kaya laking gulat niya nang magising siya sa langit—este sa ospital pa lang naman. Sumalubong ang mukha ng isang batang lalaki na ‘mommy’ ang itinawag sa kanya! Aangal pa ba siya kung sunod na pumasok sa eksena ang super hot nitong daddy? At parang hindi pa sapat ang pagkawindang, pagtingin sa kalendaryo’y mistulang bumaliktad ang mundo niya. Paano’y limang taon na ang lumipas mula sa huling tanda niya! Parang may nag-fast forward sa kanyang buhay at ngayon, wala siyang choice kung hindi humabol!
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
HELP ME: West Severino

HELP ME: West Severino

Malinaw na nakikita ni Rosie Frey Israel ang magiging kinabukasan niya sa kanyang boyfriend na si Rico. Tanging alok na kasal na lamang ang hinihintay niya mula rito. Ngunit hindi niya inasahang sa pagpunta niya sa night club ay malalaman niyang pinagtataksilan pala siya nito. Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sariling uminom at kalimutan ang pagiging guro ngunit mas hindi niya inasahan na sa muling paggising niya sa umaga ay ibang lalaki na ang nasa tabi niya. Hindi niya napaghandaan na isang West Severino pala ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Kakayanin niya kayang tumaliwas sa tukso o mas pipiliin niyang sumabay sa agos at magpalunod?
Romance
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying the Billionaire's Twin Babies

Carrying the Billionaire's Twin Babies

Queen_Sienna
Nagmula sa isang mayamang pamilya si Sienna Montemayor kaya nang malaman niyang ipinagkasundo siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala ay naglayas siya. Napadpad siya sa isang bar at doon ibinuhos niya ang sarili upang makalimot subalit dahil sa kalasingan ay nagbago ang kaniyang buhay. Naibigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi niya kilala at hindi niya inaasahang mabubuntis siya. Sa takot na bumalik sa pamilya niya ay sinubukan niyang pumasok bilang sekretarya sa isang sikat na kompanya. Pagpasok sa opisina ng kaniyang magiging boss ay halos liparin niya na ang daan paalis. Nakilala niya ang kaniyang magiging amo bilang ama ng kaniyang dinadala. Ang mas lalong nagpanginig sa buong katawan niya ay nang malaman niya na ang ama ng dinadala niyang anak ay sa bilyonaryong si Liam Del Fierro pala, ang mortal na kalaban ng pamilya niya. Ngayon hindi niya alam kung paano siya tatakas dahil binakuran na siya ng bilyonaryo pagkatapos malamang buntis siya sa anak nito.
Romance
10810 viewsOngoing
Read
Add to library
Unveiling Hidden Desires

Unveiling Hidden Desires

AISLEMOURN
Laki sa layaw at brat si Beatrice Lustre. Dahil nag-iisang anak, alam niya sa sariling siya ang magiging heiress sa nagkalat na branches ng Lustre Hotel Services sa Pilipinas. Kaya naman sa debut party ng dalaga, engrandeng selebrasyon ang inihanda ng mga magulang. Ang hindi niya alam, sa pagkakataong iyon na pala magbabago ang kaniyang buhay. Dumating ang unfamiliar na gwapong lalaki bilang last dance niya, si Lucas Sebastian Apollo. Siya ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa at CEO ng Apollo Groups of Companies. Ang nakatakdang ikasal kay Beatrice pagtungtong ng dalaga sa ika-25 anyos. At dahil unang pagtatagpo pa lamang, pagkamuhi ang namuo sa dalawa. Sa stubbornness ni Beatrice, hindi ito basta-basta magpapakontrol. Bagay kung saan mababa ang tolerance ni Lucas lalo't sanay na nasusunod ang lalaki. Paano nila pakikisamahan ang isa't isa? Ano ang magiging takbo ng buhay nila sa kanilang arranged dating at marriage life? Posible kayang maramdaman ang tunay na pag-ibig sa pagitan nila kung ang kasal ay may malalim pa lang tinatagong agenda?
Romance
10750 viewsOngoing
Read
Add to library
She's Mine

She's Mine

Miss Elle
"Bakit single pa rin ako sa edad na thirty-seven?” Matagal na nagpakahibang sa isang lalaki si Mia Dizon na kapwa niya doctor, hanggang sa malaman niya na lang na pamilyadong tao na ito. At siya, naiwang single habang nagmo-move on. Inisip niya rin na sana makahanap siya ng taong para sa kanya sa parehong paraan—naging payente niya muna at na-in love sila sa isa’t isa. Hindi nagtagal matapos niyang sambitin ang bagay na iyon, ay dininig ang wish niya. Or not. Dahil ang pasyente na ibinigay sa kanya, bukod sa matalas ang dila, walang modo, ay may tinatawag na ibang pangalan at… Isa itong magandang babae na may magandang boses na tila hinehele ang buong pagkatao niya. Maging ang labi nito ay tila hinihila siya sa mundong bago sa kanya. Summer Braganza, o mas kilala sa screenname nitong Rain—kaya bang tanggapin ni Mia ang biglang pagbabago ng preference niya dahil sa babaeng ito? Saan siya lulugar sa buhay ni Summer? Hindi niya na ito dapat pang alamin dahil may Cornelia na ito. Magiging single na lang ba siya forever?
LGBTQ+
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
His Brother's Bride

His Brother's Bride

Isang kasal na hindi niya pinili. Isang lalaking hindi niya inakalang babalik sa buhay niya. At isang lihim na babago sa lahat… *** Si Cassandra Dela Vega ay lumaki sa mundong puno ng kasunduan at obligasyon. Para sa kanya, ang pag-ibig ay hindi isang priyoridad—hanggang sa dumating si Sebastian Alcantara, ang lalaking minahal niya noon, ngunit bigla na lang nawala, iniwan siyang wasak at maraming mga tanong na hindi kailanman nasagot. Tatlong taon matapos ang masakit nilang paghihiwalay, muling nagkrus ang kanilang landas sa pinakamatinding paraan—sa altar. Sa halip na si Daniel Alcantara, ang groom na itinakda para sa kanya, napilitang pumalit si Sebastian, ang lalaking matagal niyang sinubukang kalimutan. Ngunit sa likod ng malamig na kasunduang ito, may mga lihim na pilit itinatago. Paano kung sa kabila ng lahat, ang pusong sinaktan noon ay muling magmakaawang mahalin? Sa isang relasyong puno ng sakit, pagsisisi, at matinding atraksiyon, matutuklasan ni Cassandra na minsan, ang pag-ibig ay hindi lang isang pangako—ito ay isang labanan. Sa labanang ito, sino ang unang bibitaw? O may pag-asa pa ba silang ipaglaban ang isang pag-ibig na minsang nawala?
Romance
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Wife of Mr. Azrael Alcazar

Wife of Mr. Azrael Alcazar

Si Alora Hazel Valezka ay dating babaeng walang pangalan at pamilya na ang ikinabubuhay lang ay ang pamamalimos. Nakuha niya lamang ang pangalan na iyan sa isang nawawalang bata sa simbahan at iyon ang ginamit niya noong tanungin siya ng dumukot sa kanya kung sino siya. Iyon din ang dahilan kung bakit nakilala niya si Azrael Alcazar na nagbigay sa kanya ng offer na maging stand-in wife siya ng lalaki. Sa pag-asang makakawala siya sa kamay ng dumukot sa kanya ay pumayag siya sa gusto ni Azrael ngunit makakawala din ba siya sa kamay ng tadhana? Ano naman ang mangyayari kung bumalik ang totong Alora Hazel Valezka?
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status