Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chasing that Light

Chasing that Light

She's still ten years old when a tragedy comes to her life. Hindi alam ni Sheiha kung ano ang gagawin. She was with her cousin that time when that scene happen. Nanginginig sa takot ang batang katawan, kumakalabog ang pusong hindi magkamayaw sa pagtibok dahil sa nasaksihan. After ten years of preparing herself to make a revenge, she accidentally met a person who will make her belief upside down. She wanted revenge but he... he open the door so Sheiha can see the light of that dark room she's in. Should she chase the light to be with the man she love? Or stay in that dark room to continue her revenge even if it cause her life? "Don't stay on that dark past, please chase the light I've give you. Chase it and you'll find peace." "What if... what if I don't? Paano kung hindi ko magawang maging kampante, maging payapa hanggat hindi ko nagagawa ang bagay na matagal ko ng gustong makamit? Would you stay in that dark room with me? Serves as my light to see the path I'm taking?"
Mystery/Thriller
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Whispers of Forbidden Desire

Whispers of Forbidden Desire

Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason. Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay. Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan? Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa? At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?
Romance
106.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Nanny Contract

The Billionaire's Nanny Contract

Title: The Billionaire’s Nanny Contract Blurb: Mahirap ang buhay ni Ariana Natividad—isang simpleng saleslady na biglang natanggal sa trabaho matapos mapagbintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Sa desperasyon niyang makahanap ng bagong hanapbuhay, isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng kakaibang trabaho: maging yaya ng isang batang hindi mapigil sa kakulitan—Emanuel Luca Madrigal, ang anak ng mayamang negosyante na si Zephyr Madrigal. Wala nang nagtatagal na yaya sa bata, at ang asawa ni Zephyr, si Noime, ay nasa hangganan na ng kanyang pasensya. Dahil aalis siya patungong ibang bansa para sa trabaho, kailangan nilang kumuha ng yaya na hindi lang magaling mag-alaga kundi… pangit. Oo, pangit—para hindi ito type-in ni Zephyr! Desidido si Ariana na kunin ang trabaho, lalo na nang marinig ang alok—sampung milyong piso bilang reward kung matatapos niya ang isang taong kontrata. Mukhang madali lang, ‘di ba? Pero paano kung ang tinaguriang “playboy billionaire” na si Zephyr ay hindi lang mahirap pagsilbihan kundi tila may ibang plano rin sa kanya? At paano kung ang yaya na dapat ay "pangit" ay unti-unting nagugustuhan ng boss na hindi dapat ma-in love sa kanya? Sa isang bahay na puno ng kalokohan, asaran, at hindi maiiwasang tensyon, kaya bang tiisin ni Ariana ang isang taon nang hindi mahulog sa patibong ng The Billionaire’s Nanny Contract? A romantic comedy na siguradong magpapatili at magpapatawa sa iyo!
Romance
1016.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Fiancé's Brother Is The Father Of My Child

My Fiancé's Brother Is The Father Of My Child

Sa mata ng lahat, parating pinapagalitan ni David si Helena—his ever so "clumsy" secretary. Pero ang hindi nila alam, hindi naman talaga dahil sa trabaho kung bakit siya parating pinapatawag ni David sa opisina. They’re actually fuck buddies, and Helena doesn’t mind. Kasi kahit bawal, mahal niya si David. Pero isang araw, out of nowhere, sinabi ni David na tapos na sila. Just like that. Wala nang paliwanag, except sa isang bagay na nagpasakit lalo sa puso ni Helena. Ikakasal na siya. At parang hindi pa sapat ‘yon, nalaman ng mommy ni David ang tungkol sa kanila, at kinuha lahat ng meron si Helena. Ang bahay na bigay ni David? Wala na. Ang stability niya? Wala na rin. So wala siyang choice kundi lumayo at kalimutan ang lahat. Pero paano niya kakalimutan kung may iniwan sa kanya si David? She’s pregnant. Years later, nakabangon na rin siya, ready na to start fresh with a man na tanggap siya at ang anak niya. Pero ang plot twist? Ang fiancé niya… half-brother ni David! Anong gagawin niya ngayong muli silang pinagtagpo ng lalaking pilit niyang tinatakasan? Is this fate… or just another heartbreak waiting to happen?
Romance
392 viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
10336 viewsOngoing
Read
Add to library
The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

Hindi lubos akalain ni Lyndsey na ang kaniyang asawa na si Ezekiel Hussein ay may ibang babae. Aksidente niyang nalaman na buntis na kaya napagdesisyon niyang hiwalayan na ang kaniyang asawa nang tuluyan. Humingi siya ng tulong sa kaibigan ng kaniyang kuya na isang abogado para ayusin ang kanilang divorce paper. Pero nang malaman ni Ezekiel na nakikipagkita ang kaniyang asawa sa ibang lalaki ay nagalit ito, ngunit hindi nagpatinag si Lyndsey. Desidido siyang hiwalayan ang asawa. Sa kabilang banda, gumagawa nang paraan si Aerah, ang kabit ni Ezekiel, para tuluyang masira si Lyndsey hindi lang kay Ezekiel kung hindi pati na rin sa buong pamilya nila. At dahil buntis siya, mabilis niyang napaniwala ang lahat na naging dahilan ng galit nila kay Lyndsey. Sa sobrang pang-aapi at pagkapuot na naramdaman ni Lyndsey, pumasok sa isipan niya ang maghiganti. Ginawa niya ang lahat upang akitin ang dating asawa at pagtaksilan ang kapatid niya gaya ng ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit hindi nakayanan ni Aerah ang ginawa ni Lyndsey at Ezekiel kaya nakunan ito. Ang gusto lang ni Lyndsey ay maramdaman ni Aerah ang ginawa niya sa kaniya noon, ngunit hindi niya ginustong mawala ang batang dinadala nito. Sa sobrang guilty niya, naisipan niya na lamang magpakalayo-layo ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtataksil nila ng dati niyang asawa sa kaniyang kapatid ay magbubunga.
Romance
146 viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing The Mafia Boss

Seducing The Mafia Boss

MissBangs001
Hindi inaasahan ni Marikit Dela Torre na siya ang ipapadala ng kanilang boss na si Apollo para makakuha ng impormasyon, tungkol sa illegal na ginagawa ni Isla Maveer. Isa siyang secret agent at dahil gusto niyang makaiwas sa dating kasintahan na nagtra-trabaho din doon ay tinanggap niya ang offer. Nagpanggap siya bilang isang katulong sa mansyon ng mga Singh, habang naghahanap siya ng impormasyon sa kwarto ng amo ay di niya inaasahan na makatulog sa ilalim ng kama nito. Pagmulat niya ng mata ay ang nakangiting mukha ni Isla ang kanyang nabungaran. Halos panawan siya ng ulirat nang alokin siya nito na makipagtalik sa kanya kapalit ng impormasyon na hinahanap niya, at nang matapos na niya ang misyon ay kinuha niya ang bagahe para makabalik na sa HQ. Di niya inaasahan pagkabukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay may mga lalaking nakaitim na naghihintay sa kanya, may mga baril itong dala na mas ikinatakot niya. Doon naman lumabas ang lalaking inalayan niya ng kanyang pagkababae si Isla Maveer Singh, ang Capo Crimini ng Sxented Mafia. Nakangisi itong lumapit sa kanya, bago pa niya maiwas ang pisngi ay nahawakan na siya nito roon. "You're mine Marikit, you'll stay with me forever baby girl."
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Catching the CEO’s Heir

Catching the CEO’s Heir

realisla Wp
Ysa is one of the hottest secretaries in town, but she is also a certified NBSB. She has already achieved her dreams: having a good life, providing what she wants, and working on her dream company. But still, there's something missing in her life. Love life. Pero hindi siya naniniwala na ito nga ang kukumpleto sa kanya lalo na, hindi maganda ang impresyon niya tungkol sa pag-ibig. To prove to her aunt that she doesn't need someone romantically in her life, Ysa accepts her challenge to date someone. And like what she already expected, it's a failure. May nobya na ang ka-date niya at tanging one night stand lang ang habol nito. Mas tumibay ang paniniwala ni Ysa na walang matinong tao pagdating sa pag-ibig. Or even love itself. Love can ruin someone. Kaya hindi niya kailangan ang pag-ibig sa kanyang buhay. Pero paano kung makakatagpo siya ng isang lalaking taliwas sa iba? A man who is different from others in just one look. A man who seems unable to do cheating. A man with one word, despite his playful aura. And a gorgeous man who she tries to sleep with one drunk, hot night. Mababali kaya nito ang paniniwala niya? O ito ang magiging dahilan para mangyari ang kinatatakutan niya?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Unwanted Love

My Unwanted Love

Rachel
Ang kwentong ito ay iikot sa buhay ni Ahtisa De Guzman, isang inosenteng babaeng nag tiwala sa itinuring niyang kaibigan na akala nya ay tutulungan sya makahanap ng side line upang makatulong sa nag -aagaw buhay niyang ama, ngunit sa halip na trabaho, sya pala ay ibinenta nito na nagbunga iyon ng isang batang lalaki. Kinamuhian niya ang kaibigan na nagtago na matapos siya nitong ibenta. Kinamumuhian din niya ang lalaking bumili sa kanya at nais niya itong makaharap Milo upang pghigantihan ngunit sa ngayon ay mag iipon muna sya ng lakas ng loob, tapang, at kompiyansa sa sarili bago niya ito balikan. Hindi man niya gaanong natitigan ang mukha ng lalaki matapos niya itong pukpukin ng flower vase sa ulo ay hindi naman niya nakakalimutan ang lugar kung saan siya binaboy nito. Hindi rin siya makapag focus dito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho at sa pag aalaga sa anak niya. Gayonpaman, nangako sya sa sarili na hahanapin niya ang lalaki at paghihigantihan ito. Hindi siya titigil hanggat hindi nagagantihan ang taong umabuso sa kanya. Ngunit ganoon man ang kanyang sinapit, sa halip na kamuhian ang bata, minahal niya ito at siyang naging dahilan niya para lumaban, at harapin ang mga pagsubok sa buhay ng buong tapang, at mulling bumuo ng matayog na pangarap. Ngunit ang lahat ng Ito ay maglalaho nang umabot na sa ikalimang taon ang bata at doon napag alaman na may malubha itong sakit, sakit na ang tanging lunas ay bone marrow transplant mula sa sarili nitong ama dahil hindi nagmatched ang sa kanya.
Romance
931 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status