Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride

After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride

Sa gabi ng kanilang wedding anniversarry ay iba ang katabi ng asawa ni Czarina na si Jasper sa kanilang kama, pinagmalupitan siya ng byenan at higit sa lahat ay diniborsyo ng asawa. Ilang taon niya ring tiniis ang pagiging cold at halos walang pakialam na pagtrato sa kaniya ni Jasper, sa kaniya'y kaya niya pang magtiis kahit gaano katagal basta't kasama lang ang asawa. Mahal niya ito at handang ibigay ang lahat. Ngunit ng ito na ang magtulak sa kaniya papalayo ay wala na siyang nagawa, tinanggap niya 'yon ngunit hindi ang tungkol sa pagkawala ng bata sa kaniyang sinapupunan. Kung hindi siya in-stress ng asawa't pisikal na sinaktan ay baka hindi siya nakunan. Subalit ang nangyaring 'yon ang siyang nagpamulat sa kaniyang mga mata. Pinirmahan niya ang papel ng diborsyo't nilisan ang tahanan. Ngunit ang hindi niya alam ay may isang mayaman, gwapo at matipunong lalaki ang nag-aabang sa kaniyang paglaya. Inalok siya ng kasal ng bilyonaryong si Alexander James Ford. Tinanggap niya 'yon at piniling magbagong buhay, subalit mukhang hindi papayag ang tadhana na siya ay maging masaya agad. Dahil muli ay nagbabalik ang kaniyang dating asawa't handang gawin ang lahat upang makuha siyang muli. "Binabawi ko ang akin, Mr. Ford," umiigting ang pangang turan ni Jasper sa harapan ni Alexander. "Well, goodluck Mr. Clarkson. 'Cause I don't share," siyang naging sagot ni Alexander sa lalaking hinarang siya sa kaniyang dinaraanan.
Romance
393 viewsOngoing
Read
Add to library
Taboo Temptation

Taboo Temptation

AkoSiIttal
They said, “everyone has the freedom to love” but... why does everyone stopping us? Mula sa malalang isyu ng hiwalayan ng kaniyang kasintahan, umuwi si Marylane "Meeri" Salazar galing Japan at upang ipagpatuloy ang kaniyang trabaho sa Pilipinas bilang guro. Ngunit sa kaniyang pagbalik ay mayroon siyang natuklasan. Na ang kaniyang uncle, si Caesar "Ilay" Gresham, ay matagal na siyang pinagnanasaan at may pagmamahal na nararamdaman sa kaniya. Lahat ay pwede pero hindi lahat ay tama, at ang nararamdaman ng dalawa ay hindi na tama, pero ipaglalaban pa ba nila ang kanilang pagmamahalan o ito'y isusuko na lang? “Our family was disappointed, we got cancelled by the society, and the world turn it's back towards us... why does we need to experience this when we just follow our heart and loved each other?” Let's start the journey of the love story of Meeri and her Uncle Ilay. Will this end up a happy ending even if it was a Taboo Temptation?
Romance
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
A SECOND CHANCE TO LOVE

A SECOND CHANCE TO LOVE

JMC
Dahil sa pangba-blackmail ng tiyuhin ni Lilac ay pinakasalan niya ang binatang mayaman at 25 years old ngunit ang isip naman ay 15 years old teenager na si Fugo Clemente. Inapi-api niya si Fugo para kusang makipaghiwalay ito sa kanya. Nang hindi na makayanan ni Fugo ang ginagawa niya ay lumayas ito sa bahay nila at hindi na nagpakita pang muli sa kanya. Ngunit nang wala na ito ay saka naramdaman ni Lilac na nagkaroon na pala ng puwang sa kanyang puso ang kanyang asawa nang hindi niya namamalayan kaya hinanap niya ito ngunit hindi niya ito natagpuan. After three years, nakilala ni Lilac si Falcon na pinuno ng mafia sa Pilipinas at kamukhang-kamukha ito ng kanyang asawang si Fugo. Ngunit magkamukha man ang dalawa ay magkaiba naman sila ng pag-uugali. Aloof, rude at higit sa lahat ay wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman. Malayong-malayo ito sa asawa niya na bagama't batang mag-isip ay sobrang mahal na mahal naman siya. Ngunit malakas ang kutob niya na si Fugo at Falcon ay iisa kaya gagawin niya ang lahat para maalala at ibigin siya nito. Magawa kaya niya itong paibigin kahit na may ibang babae nang nagmamay-ari sa puso nito? O kailangan pa bang malagay sa panganib ang buhay niya bago nito ma-realized na mahal pa rin siya nito?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Room Mate wife

The Room Mate wife

Sa masiglang lungsod ng Makati, kung saan tila hindi kailanman humihinto ang buhay, tatlong buhay ang nalalagay sa isang sapantaha ng pag-ibig, lihim, at pagtataksil. Si Talia, isang batang babae na may misteryosong aura, ay kasama ang kanyang kasintahan, si Robert. Ang kanilang pag-ibig ay tila tunay, isang ugnayang nabuo sa loob ng maraming taon ng pagsasama. Ngunit sila parehong may itinatagong lihim sina Talia at Robert na nagbabanta na sirain ang lahat ng kanilang itinaguyod. Ang bagay na iyon ay si Nelson, ang kanilang charismatic at kaakit-akit na kasama sa bahay sa prestihiyosong Ayala Condominium. Si Nelson ay hindi lamang isang kaibigan o tagapagtapat—siya ang lalaking nakakuha ng puso nina Talia at Robert sa mga paraang hindi nila maipaliwanag. Bawat nakaw na sulyap, bulung-bulong na usapan, at ipinagbabawal na haplos ay nagpapalalim ng tensyon sa kanilang pinagsasaluhang tahanan, na lumilikha ng isang emosyonal na bagyo na wala sa kanila ang handang harapin. Habang nagtatagpo ang kanilang mga buhay sa hindi inaasahang mga paraan, kailangan nilang maglakbay sa malabong tubig ng pag-ibig, pagnanasa, at katapatan. Ang misteryosong kalikasan ni Talia ay nagtatago ng kanyang sariling mga lihim, at ang tila kalmadong asal ni Robert ay nagsisimulang mabasag sa bigat ng kanyang guilt. Samantala, si Nelson, na nahuli sa gitna, ay nahihirapan sa kanyang sariling emosyon at sa kaguluhang hindi niya sinasadyang nalikha. Sa likod ng masiglang kalakaran ng mga kalye ng Makati at marangyang pamumuhay sa mga mataas na gusali, ito ay sumasalamin sa mga kumplikadong aspeto ng pag-ibig at ang kahinaan ng tiwala. Ito ay isang kwento tungkol sa mga pagpipiliang ginagawa natin, mga lihim na itinatago natin, at mga hindi sinasambit na pagnanasa na maaaring magbuklod—o sumira—sa ating mga relasyon. Kapag nagbanggaan ang mga puso at lumabas ang mga pagtataksil, makakaligtas ba ang pag-ibig sa mga epekto nito?
Romance
10422 viewsOngoing
Read
Add to library
Bakit Mahal Pa Rin Kita?

Bakit Mahal Pa Rin Kita?

After almost a decade, muling nagbalik sa Pilipinas si Zam galing Australia. Kung siya lamang ang masusunod ay hindi na niya gugustuhin pang bumalik ng Farm nila sa Mindanao, pero mapilit ang Kuya Marco niya. The place reminded her of so many bitter memories in the past. Mga alaalang ayaw na sana niyang balikan pa. Ngunit masyado nga namang mapaglaro ang tadhana. Dahil sa muling pagbabalik niya sa farm ay hindi niya akalaing mag tatagpo rin muli ang landas nila ni Caleb, her brother's Bestfriend. Isa kasi ito sa mga nanakit sa puso niya noon at naging dahilan kung bakit agad niyang tinapos ang kanyang pagbabakasyon noon. At sa muli nilang paghaharap ni Caleb ay naramdaman niyang muli ang sakit ng nakaraan. Sakit at damdamin na matagal na niyang kinalimutan. Maniniwala ba siya rito na mahal siya nito, gayong mariin siyang pinagtulakan nito noon papalayo?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

Miss_Terious02
Harley Callanta is one of the youngest governor in San Miguel. At the age of 25, he is already a governor. He followed the footsteps of his father who was also a former governor of San Miguel. Kaya bilang isang governor ng kanilang lalawigan ay dapat malinis ang kaniyang pangalan. Ngunit nang makita niya ang isang babae na mas bata sa kaniya ay mukhang gagawin niya ang lahat kahit na madungisan pa ang kaniyang pangalan. Ayaw niyang maagaw pa ng iba ang babaeng matagal niya ng hinihintay. Nasa tamang edad na rin si Jane Requez kaya hindi na napigilan pa ni Harley na bakuran na ang dalaga. At dahil takot sa sasabihin ng mga tao sa kaniya, pinipilit umiwas ni Jane kay Harley. Ngunit ang governor naman ang lapit nang lapit aa kaniya. Hindi niya kayang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Harley. Takot siya sa sasabihin ng mga tao. Nang malaman ng mga tao ang tungkol sa kanila ni Harley ay nag desisyon si Jane na umalis ng San Miguel at ipinagpatuloy ang matagal niya ng pangarap-ang maging fashion designer. At sa muli nilang pagkikita ay hindi pa rin sumusuko si Harley na ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Jane. Ngunit kaya na bang ipaglaban ni Jane ang nararamdaman niya para sa Governor ng San Miguel?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey

The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey

Wala nang mas kinaiinisan si Elara Montesilva kundi si Timothy Grey—ang stepfather niyang masyadong bata, masyadong seryoso, at masyadong involved sa lahat ng bagay tungkol sa kanya. Akala niya, noong namatay ang nanay niya ay tapos na rin ang koneksyon niya rito. Pero nang mapunta siya sa isang iskandalong muntik nang sumira sa pangalan niya, si Timothy pa rin ang unang dumating. Galit, tahimik, at determinadong ayusin ang lahat. Ngayon, kailangan niyang bumalik sa buhay na matagal na niyang tinakbuhan. At habang araw-araw ay nagbabanggaan ang pride nila, unti-unti naman niyang nakikita ang ibang side ni Timothy. Ito ‘yung lalaking hindi lang kayang magalit, pero marunong din mag-alaga... at umunawa. Pero paano kung ang galit niya ay unti-unti nang napapalitan ng isang bagay na hindi dapat? At paano kung sa likod ng lahat ng lihim ni Timothy Grey, ito rin pala ang tanging taong kayang sirain ang pader na itinayo niya? Rebellion. Tension. Forbidden emotions. Dahil minsan, ang taong gusto mong iwasan ay siya ring hindi mo kayang kalimutan.
Romance
10535 viewsOngoing
Read
Add to library
Euphoria: The Final Boss

Euphoria: The Final Boss

Si Evangeline Yang, kilala sa high-end world ng Ligaya & Adonis bilang Apple Pie, ang pinaka-requested escort—tinaguriang Best Flavor. Pero para kay Eva, hindi ito tungkol sa karangyaan o pagnanasa—isa itong paraan para mabuhay. Ang gabi-gabi niyang bookings ang naging daan para siya'y makatapos ng BSBA major in Marketing, nakabili siya ng studio-type condo unit, at naka pag patayo ng maliit na negosyo para sa kanyang pamilya sa probinsya. Ngunit matapos ang limang taon ng pagtatago sa pangalang hindi kanya, handa na siyang mag-quit. Ang final booking niya: isang weekend sa Euphoria Island kasama ang isang estrangherong basag ang puso. Walang pangalan. Walang expectations. Walang label. Langit sa ilalim ng buwan. Mga halik na masyadong totoo para sabihing trabaho lang. At isang gabing akala nila, kaya nilang iwanan sa isla. Nagkamali sila. Pagbalik sa Maynila, handa na si Eva sa bagong simula-isang lehitimong trabaho sa isang prestihiyosong marketing firm. Pero hindi siya handa sa lalaking naghihintay sa kabilang dulo ng opisina. Gideon Morgan—isang self-made billionaire CEO at charismatic marketing genius—na minsang naniwala at naging bulag sa pag-ibig... matapos siyang paulit-ulit iwan ng babaeng akala niya'y sa kanya. Sa Euphoria, natikman niya ang kalayaang matagal na niyang hinahanap-at ang halik ng babaeng hindi niya malilimutan. Maniniwala na sana siyang hindi totoo ang second chances—hanggang may nagturo sa kanya kung paano muling umasa at buksan ang puso muli. At ngayon, narito ang babaeng 'yon. Sa opisina niya. Bilang kanyang bagong secretary. Sa mundong puno ng power suits, deadlines, at mga lihim na hindi nila sinadyang itago—kaya pa ba nilang manatiling propesyonal? O dadalhin ng Euphoria ang lahat ng damdaming iniwan nila... hanggang sa boardroom?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
One Hot Night With A Stranger

One Hot Night With A Stranger

Resurgence
Amberleigh Zoella Estopia is one of the hottest supermodel in the Philippines. Kabi-kabilaan ang mga tagahanga niya kaya hindi niya lubusang matanggap na nang dahil sa isang gabing pagkakamali ay masisira lahat ng pinaghirapan niya. She got pregnant right after she had a one blissful night with a complete stranger. Nalaman iyon ng Daddy niya kaya naman sinabihan siya nitong umalis sa bansa para sa kapakanan nilang dalawa ng anak niya. At nang bumalik siya sa Pilipinas matapos ang limang taon ay doon niya sinimulan ang kaniyang misyon na hanapin ang ama ng kaniyang anak na alam niyang nagmana sa ama nito. Pero paano niya malalaman kung sino ang ama ng anak niya gayong dalawang lalaki ang kamukha nito? *** "Why the hell are you undressing yourself in front of me?!" I shouted, eyes widening with shock and panic. He let out a cold smirk. "You didn't saw my face when we made love that night. So, I am going to remind you again what I did to you the same night that you gave yourself to me." He removed the belt on his pants without removing his eye contact with me. I gulped. This is bad. Really, bad. "Strip, Zoella, and let's make love."
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
In Bed With Her Shithead Boss

In Bed With Her Shithead Boss

Tatlong Kuwento sa iisang nobela. Basahin ang tungkol sa magkakapatid na Warner—Sutton, Blair, at Keira. In Bed With Her Shithead Boss – Pag-uwi ni Blair ay nadatnan niya ang kaniyang fiancé na nakahiga sa kama kasama ang pinsan niyang si Laura. Ngunit hindi niya hinayaan na ang pangyayaring ito ay tuluyang sumira sa kaniyang buhay. Matatag, may kakayahan at determinado – iyan si Blair Warner. Ang hindi lang niya inaasahan, nalasing siya isang gabi at napunta sa kama ng mapanganib at mapang-akit niyang boss na si Roman! Isang gabi lang. Hindi na ulit mangyayari. Iyang ang pangako ni Blair sa sarili. Subalit napagtanto niya kung gaano kahirap lumayo. Dahil si Roman Kingston ay isang lalaking hindi basta basta na lamang bibitaw. Sa oras na nakapagdesisyon siyang angkinin ang dalaga, wala ng ibang makakapigil rito. Ang isang gabi ay hindi sapat. Nanasain ni Roman na mapasakaniya ito ng buong buo. At wala siyang balak na pakawalan siya.
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status