Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Chosen One

The Chosen One

Sa paglipat nila sa lumang bahay, unti-unting naungkat ang madilim na nakaraan sa buhay ng pamilya Olivarez. Ang lahat ay nag-ugat sa poot, galit, at pighati ng pagtakas ng kanilang mommy Edna sa nakatakda niyang buhay. Isang sumpa na siyang tuluyang maipapasa sa kanyang anak na si Joelyn. Wala na nga ba talagang ligtas ang pamilya Olivarez mula sa kamay ng katakot-takot na nilalang na gumagambala sa kanila? Maghahari ba ang pagpapatawad at pagmamahal sa pamilya gayong ang kanilang kalaban isang demonyong hindi naman nila nakikita?
Paranormal
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Married to Ruin you

Married to Ruin you

Akala ni Averill Alarcon, sapat na ang sakit nang ipagpalit siya ng nobyo sa ibang babae. Pero hindi pala roon nagtatapos ang kanyang pagkawasak. Sa isang iglap, itinapon siya ng kumpanyang itinayo niya sa sariling kamay — siniraan, pinagtulungan, at itinaboy na parang walang kwenta. At sa gabi ng kanyang pagbagsak, dumating si Sebastian Dela Vega — ang CEO na kilalang walang puso, brutal sa negosyo, at mas bihasa sa laro ng kapangyarihan. Isang kasunduang kasal ang inalok niya… kapalit ng paghihiganti ni Averill sa mga taong sumira sa kanya. Pero sa likod ng kasunduang iyon, mas malupit pa pala ang kapalit. Dahil si Sebastian—hindi lang siya gagamitin, kundi unti-unting dudurugin… Kasal ba ito para sa kanyang tagumpay? O para tuluyang sirain siya
Games
352 viewsOngoing
Read
Add to library
Buy Me for a Billion

Buy Me for a Billion

Prostitute? Mababa ang tingin ng karamihan sa mga kababaihang tulad ni Rebecca. Dahil sa kahirapan, hinanda na ni Rebecca ang sarili niya na ibenta sa halagang isang bilyon pambuhay niya man lang sa ama’t ina niya. Mas lalo pang tumindi ang kagustohan niyang iyon nang kinailangang sumailalim sa heart transplant ang tatay niya. Nakilala niya si Grayson na sumubok sa pagkapilya niya. Binigyan siya nito ng isang linggo para akitin si Grayson at kumbinsihin na bilhin siya nito sa halagang isang bilyon. Pero paano kung ang isang linggong iyon ng pangungumbinsi ni Rebecca sa binata. . .makumbinsi rin kaya ang puso ni Grayson para mahulog sa dalaga? O mananatiling pera ang magpapatakbo sa relasyon nilang dalawa?
Romance
1017.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Betrayed Wife's Revenge

The Betrayed Wife's Revenge

Sa loob ng dalawang taon ng kanilang pagsasama, natuklasan ni Aliyah na ang kanyang pinakaiingatang sertipiko ng kasal ay isang huwad. Sa kanyang pagtatangkang komprontahin ang asawang si Frederick, hindi niya sinasadyang marinig ang katotohanan—ang lalaking nagpakita ng walang kapantay na pagmamahal sa kanya sa loob ng anim na taon ay matagal na palang kasal sa kanyang guro, na mas matanda pa sa kanya. Hindi lamang siya ginamit bilang isang panakip-butas, kundi pinaratangan pa siyang baog at pinilit na mag-ampon ng anak na dalawa. Sa matinding pagkadismaya, tinawagan ni Aliyah ang abogadong nangangalaga sa kanyang mana at buong diin na sinabi: "Walang asawa, walang anak, ako ang tanging tagapagmana." Iniwan ni Aliyah ang pamilyang Finch, habang si Frederick ay kampanteng naghihintay sa kanyang pagbabalik, umaasang magmamakaawa siya para sa tulong. Ngunit isang araw, nasaksihan ni Frederick ang hindi inaasahang paglitaw ni Aliyah sa pambansang telebisyon, kung saan ipinahayag ang kanyang pagpapakasal sa isang lalaking may angking yaman at kapangyarihan. Sa gitna ng atensyon, nakatayo si Aliyah sa tabi ng lalaking ito, tinatanggap ang mga pagbati at inggit ng nakakarami.
Romance
160 viewsOngoing
Read
Add to library
The Rise of the Fallen Ex-Wife

The Rise of the Fallen Ex-Wife

Harper Mercader, isang babae na ginupo ng pagkakataon. Isang asawa na labis na nagmamahal ngunit naiwan na umaasa at nasasaktan. Muli na babangon at bubuuin ang sarili upang maipaghiganti ang kan'yang puso na nasugatan. Evan Ruiz, isang lalaki na namumuhay sa galit at poot. Walang iba na hinangad kung hindi ang makaganti sa mga tao na nanakit sa kan'ya at sa kan'yang pamilya. Walang pipiliin ang kan'yang puso sa paghihiganti, lalo na sa babae na tinalikuran siya sa kanilang kasal. Sa mundo ng pagkabigo at pag-aalinlangan; Sa mundo na puno ng galit at paghihiganti; Sa mundo ng lokohan at pagtatraydor; May tunay na pag-ibig pa kaya na sisibol?
Romance
1058.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
TEMPTATION WITH MY NINONG

TEMPTATION WITH MY NINONG

“Wala ka bang balak magpakasal?" Ang tanong na paulit-ulit na sinusundan si Abraham Consunji, isang kilalang negosyante na sa dami ng ari-arian, wala pa ring sariling tahanan pagdating sa pag-ibig. Hindi dahil bitter siya, kundi dahil masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng imperyo ng pamilya. At kung tutuusin, ayaw niya talaga sa istorbo. Malapit na siyang tumuntong ng kwarenta, pero ni minsan, hindi niya naramdamang may kulang. Para sa kanya, sapat na ang katahimikan at kontrol sa buhay—dalawang bagay na sa tingin niya ay mawawala kapag may babae sa paligid. Pero isang pabor ang babaligtad sa takbo ng lahat... ang pag-aalaga sa inaanak niyang si Yvonne, na ngayon ay isa nang makulit at maganda nang dalaga. At sa bawat araw na magkasama sila, hindi lang ang pasensya niya ang sinusubok, pati ang pagpipigil sa sariling naaakit sa isang bagay na hindi dapat. Makakaiwas ba siya? O tuluyan na siyang matatalo sa tukso ng isang bawal na damdamin?
Romance
1026.3K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Stand

One Night Stand

Sa pag kabigo ni Chloe sa dati nitong nobyo, naisipan niyang pumunta sa Club para maka-limot sa pait ng kanyang puso. Naka-bunggo niya ang estrangherong lalaki na hininggan niya ng halik at ang halik na iyon nauwi sa mainit na pag tatalik. 2 days past, nag cross muli ang kanilang landas sa Campus,
Romance
5.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Playdate

The Billionaire's Playdate

sybth
Natuklasan ni Jaxson na ang inaakala niyang kanyang anak sa sinapupunan ng fiance, ay anak pala ng kapatid niya sa ama. Nilunod niya ang sarili sa alak dahil sa paghihignapis nang magawa siyang pagtaksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Nagkataon naman na sa club kung saan siya naroroon, ay siya ring kinaroroonan ni Cattleya upang punan ang raket na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Nang sandaling mag krus ang mga landas nila, isang hindi inaasahang plano ang nabuo kay Jaxson. Inalok niya si Cattleya ng isang trabaho, at ito ay ang magpanggap bilang bagong girlfriend niya at ipamukha sa pamilya at ex-fiance na hindi siya apektado at agad nang nakalimot, dahil sa takot maging isang katatawanan. Nag-alinlangan man ay nakumbinsi rin si Cattleya na pumayag sa alok ni Jaxson dahil sa kabayaran nito. Magiging malaking tulong ito para sa pag-aaral niya at pang-suporta sa pamilya. Kahit na hindi magkakilala at walang alam sa isa't isa ay dumalo ang dalawa sa dinner ng pamilya Madrigal bilang bagong magkasintahan. Ang hindi nila inaasahan, ay ang agarang utos ng ama ni Jaxson na pakasalan niya si Cattleya sa isang kondisyon na hindi nila matatangihan.
Romance
4.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status