Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho. Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala. Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao? At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso? Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.
Romance
109.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
THE MISTRESS

THE MISTRESS

Si Lorain ay kinikilalang asawa ni winson Durumio isang sikat na mananayaw sa kanilang lugar.Dahil sa taglay nitong ganda at natatanging talinto minahal siya ni winson at Biniyayaan siya ng isang anak na babae.Pero dahil maaga itong nagasawa maaga rin siyang bumitiw bilang mananayaw.Hanggang sa malalaman nalang ni lorain na isa pala itong "Kabit o Mistress" sa isang usap usapan sa kanilang lugar.Paano niya tutuklasin ang kahihiyang kanyang nalaman,sa pagaakala niyang siya ang orihinal na asawa ni Winson Durumio.Sa isang iglap lang mawawala ang lahat sa kanya at ang babaeng makikilala niyang tunay na asawa ni winson ay si Rica Gonzaga ang kinikilala niyang matalik nitong kaibigan.at ang masaklap na katutuhanan ay pinagsabay lang pala ni winson ang dalawang magkaibigan.Ngunit sa bandang huli maiisip ni winson at mararamdaman niyang si lorain talaga ang mahal niya.Tatanggapin pa kaya siya ng babaeng iniibig niya?
Romance
1025.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Alexaiver Martinez: My boss My secret Lover

Alexaiver Martinez: My boss My secret Lover

Lahat ay kayang gawin ni Chartlotte Fuentes, na kahit sariling katawan ay kaya n'yang ibenta, para lamang gumaling ang kanyang inang may sakit na leukemia. Kasama na roon ang alok ni Alexaiver Martinez. Nagkrus ang landas nila ni Alexaiver Martinez sa kinuha n'yang raket na stag party ng kaibigan ni Alexaiver na ikakasal. Inalok siya ng binata maging personal assistant at sa condo ni Alexaiver siya titira. Purely lust, no string attached. No love. Bawal din malaman ng ibang tao. Kahit magulang pa ng binata at magulang ni Chartlotte. In short, lihim na relasyon lamang ang gusto ng binata. Subalit sa tagal nilang nagsama ni Alexaiver, hindi napigilan ni Chartlotte mahulog at umibig sa binata. Sino nga ba ang hindi maiinlove rito? Siya lang naman si Alexaiver Martinez, the elusive and most handsome in showbiz entertainment industry. Isa sa anak ng business tycoon na nagmamay-ari ng isa sa sikat na TV station ng bansa. Kaya nagpasya si Chartlotte na iwanan ang binata kahit na ito ang magiging dahilan ng kabiguan niya.
Romance
1020.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Abandoned Wife

The Billionaire's Abandoned Wife

Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
Romance
10559.0K viewsOngoing
Read
Add to library
What Lies Beneath the Abstinent CEO’s Marriage Proposal

What Lies Beneath the Abstinent CEO’s Marriage Proposal

Because of one intimate mistake, she was bound to marry her abstinent boss. Si Alora Reign Basco ang tinatagong top designer ng kompanya, ang armas ng Apollion Clothing Company na biktima rin ng kataksilan ng kaniyang boyfriend at kaibigan na siyang naging dahilan kung bakit takot na ulit siyang sumugal sa isang relasyon. Hanngang sa isang gabing pagkakamali; ang pumasok siya sa maling sasakyan at halikan ang abstinent CEO ng Apollion C. Company, si Caesar Ajax Apollion, na para bang ilang dekadang gutom at naisakatuparan niya ang una niyang pagkain sa gabing iyon. After that night, the CEO proposes for a quick marriage. Marami pang pangarap si Alora ngunit kung tanggihan niya ito'y baka matanggal siya sa kaniyang trabaho. Would she accept Caesar Ajax's proposal or reject it and go on with their separate lives?
Romance
10585 viewsOngoing
Read
Add to library
Crush Me Back

Crush Me Back

J.R. McKay
Para kay Elizabeth Marie, si Thaddeus ang pinakapogi at pinaka-reliable na lalaki sa balat ng lupa. Bata pa lamang sila ay ito na ang kasangga niya sa hirap man o ginhawa. Ngunit nagbago ang lahat nang maligwak siya mula sa top section ng TOP Academy. Nakilala niya si Lester, ang bago niyang classmate sa section 2. Ito ang unang lalaki na nagtanggol sa kaniya laban sa mga bruha niyang classmate at naging kaibigan niya. Hindi lang ‘yon, ipinaramdam din nito sa kaniya kung paano maging isang babae—iyong tipong hindi siya tinuturing na barkada kundi isang reyna. Para tuloy siyang nasa cloud nine… At may dumagdag pa sa eksena, si Bruce na kasing hyper niya. Napapantayan nito ang energy niya na umabot sa Mt. Everest ang taas. Tuwang-tuwa siya kapag ito ang kasama. Naguguluhan tuloy siya kung sino sa tatlo ang pipiliin niya. Sino nga ba?
YA/TEEN
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Anning
Tuwang-tuwa si Cassandra nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nito, si Vincent. Mga bata pa lang kasi sila ay may lihim nang pagtingin si Cassandra kay Vincent at ang buong akala niya ay kapag nakasal sila, magugustuhan din siya pabalik ng binata. Pero doon nagkamali si Cassandra. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi ipinaramdam ni Vincent na mahal siya nito. Pero nang malaman ni Cassandra na nagdadalang-tao siya at mabibigyan na niya ng anak si Vincent, muli na naman siyang umasa na masusuklian na ni Vincent ang nararamdaman niya. Pero ganoon na lamang ang gulat ni Cassandra nang malaman niyang nabuntis ni Vincent ang dating kasintahan, at sa halip na magpaliwanag ay humingi ito ng diborsyo. Wasak at sawi sa pag-ibig, gulong-gulo ang isip ni Cassandra—hindi niya alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin, not until a mysterious billionaire showed up in front of her and offered her marriage.
Romance
459 viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Night With CEO

Hot Night With CEO

Hindi alam ni Lia kung bakit napakamalas niya pagdating sa pag-ibig, twenty-eight years old na sya ngunit NBSB pa rin na maging ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay nababahala na rin… Na nagtulak sa kaniya para pumasok sa isang night bar. “Don’t be nervous, Lia, matutuwa ka sa main event ng bar na ito!” Saad ng kaibigan niya habang nakatanaw sa entablado. Bago pa man makakibo si Lia at nagsimula ng maghiyawan ang mga babae sa paligid, isang lalaking naka-mask ang lumabas na tanging brief lamang ang suot. “The bidding will start now!” anunsyo ng MC sa gilid. “29 thousands!” Sigaw ng isang babae na nagpatahimik sa lahat. “29 thousands, going twice, going trice, wala na bang hahabol?” Muling tanong ng MC. Hindi alam ni Lia kung ano ang pumasok sa isip niya para itaas ang kamay, “30 thousand!” Sigaw niya bago pa man i-close ang bidding. “30 Thousand, the bidding is close! You’ll have one night with him!"
Romance
1031.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Sweet Revenge (Tagalog)

Sweet Revenge (Tagalog)

Naisip ni Emerald na hiwalay na si Jace Higginson matapos ang isang taong pagsasama dahil sa pambabalewala nito sa kanya at hayagang pambababae. Pagkatapos ng limang taon, bumalik siya sa bansa upang makipagtulungan sa kumpanyang pag-aari ng kanyang dating asawa at kung maaari ay makapghiganti na rin. Ano ang gagawin niya kapag nakita niya ang kakaibang Jace, na hindi siya mapalagay sa tuwing magkikita sila? Ano ang gagawin niya kapag ang kanyang inaakalang dating asawa ay asawa pa rin niya dahil hindi naman pala niya pinawalang bisa ang kanilang kasal? Ibibigay kaya ni Emerald kay Jace ang kanyang karapatan sa kanilang anak na nabuo bago siya umalis at iniwan ito? Alamin kung paano susubukan ni Emerald na labanan ang sarili niyang damdamin kay Jace at ang pananabik nitong makuha siya ulit habang sinusubukan nitong hanapin ang kanyang yaya na sa kalaunan ay magbubunyag ng kanyang tunay na pagkatao.
Romance
16.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status