Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
Romance
9.869.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Surrendering to the Billionaire's Seduction

Surrendering to the Billionaire's Seduction

Si Lev Lawson Valdemar ay walang habag o awa sa mga nakapaligid sa kanya. Gayunpaman, isang babae ang tumagos sa kanyang malamig na puso. Ngunit isang babae ang nagpapabaliw sa kaniya- si Clementine Lecaroz. Makakahanap kaya sila ng tunay na kaligayahan at pagmamahal sa isa't isa? O masisira nila ang buhay ng isa't isa? Ito ba ay tadhana na nagmula sa langit—o impiyerno—para sa sa kanilang dalawa?
Romance
1024.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The kasambahay [BL]

The kasambahay [BL]

Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng lahat ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta-bastang lugar lamang. Maraming pagsubok ang kanyang kahaharapin, gutom, pagod at awa sa sarili ang kanyang pagdadaan, at marami ding tao ang kanyang makikilala. Tama ba ang desisyon nya na magpunta sa maynila upang guminhawa ang buhay o uuwi sya ng probinsya ng luhaan? Sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaganapan sa buhay ni Rylan at kung paano sya magiging "The Kasambahay." ©2020 CutieCane23
LGBTQ+
9.271.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Substitute Bride

The Billionaire's Substitute Bride

Si Raheel Del Fuego, ang tagapagmana ng Del Fuego Industries, ay handang magsimula ng bagong buhay kasama ang kaniyang bride—ngunit biglang nawala ito. Habang abala sa paghahanap, isang babaeng hindi inaasahan ang magpapabago sa kaniyang kapalaran. Si Anabelle Enriquez, isang simpleng cashier, ay nagsusumikap para sa buhay ng kaniyang may sakit na ina. Nang iligtas niya ang Lolo ni Raheel mula sa mga armadong kalaban, hindi niya alam na ang kaniyang kabutihan ay magbubukas ng pintuan sa isang kasunduan na magbabago ng lahat. Upang makapagbayad ng utang-loob, inalok siya ng matanda ng kasal kay Raheel, isang hakbang na makaliligtas sa buhay ng kaniyang ina. Pumayag si Anabelle, ngunit hindi niya inaasahan ang bagong mundong puno ng yaman, lihim, at mga pagsubok. At nang magbalik ang dating fiancé ng kaniyang asawa, muling magbabalik ang mga sugat ng nakaraan. Pagtitiwalaan ba ni Anabelle ang kasal na puno ng sakripisyo, o maghahanap siya ng kaligayahan sa labas ng kasunduan? Book 1: Completed Book 2: Completed Book 3: Completed
Romance
1070.9K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Deigratiamimi
Hi po. If you are wondering kung bakit ang haba ng chapters, starting from chapter 138 ay book 2 na po. Story sa eldest child nina Anabelle at Raheel na si TJ. Book 1: Anabelle and Raheel (Chapter 1-137) Book 2: Kaisha and TJ (Starting from Chapter 138) Maraming salamat at happy 41kviews! 🩷
Papamooooo
May nakita akong nagagalit sa comment HAHAHAHAHA nakikita ko ang sarili ko sa kanila, pero nang ipinagpatuloy ako sa pagbabasa, sheeeett para akong naiihi sa kilig ng lovestory ni Tj at Kaisha. Author ang ganda ng story nila. Bawing-bawi ang inis ko sa kwento ng mga magulang ni TJ.
Read All Reviews
Lover ko si Bespren

Lover ko si Bespren

Ang tanging nais lang naman ni Hannah Marie Montemayor ay magkaroon siya ng tagapagmana. Magbi-beinte otso na siya kaya gusto niyang magkaanak bago siya mag-treinta. Ang problema lang ay wala siyang boyfriend na bubuntis sa kanya dahil wala naman siyang interes sa lalaki. Kaya, naisipan niyang kausapin ang bestfriend niyang si GB o Grayson Brian Lee na mag-donate ng semilya sa kanya para sa IVF procedure. Ngunit, tumanggi si GB. At siya'y hindi papayag. By hook or by crook, makakakuha siya ng semilya ni GB.
Romance
1070.5K viewsCompleted
Read
Add to library
HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

Jewiljen
Bata pa lang ay alam na nilang ipinagkasundo silang dalawa ni Sky. Pareho na nilang tanggap iyon. Ang musmos na puso niya ay hindi na makapaghintay na dumating ang araw na siya'y magiging ganap na Mrs. Razon. Ngunit nagbago ang lahat nang umeksena sa buhay nila ang pinsan niyang si Audrey. Pinapayagan ng mga magulang nila ang makipagrelasyon muna sa iba hangga't hindi pa dumating ang takdang araw na iaanunsiyo ang pormal nilang engagement. Pilit na itinatago ng dalawa ang relasyon nila pero alam na alam ng puso niya ang katotohanan. Wala rin naman siyang karapatang pigilan iyon kahit nasasaktan na siya. Naganap pa rin ang kasal nila ni Sky kahit pa nga alam niyang may iba itong mahal. Nagrebelde ang batang puso niya na naging dahilan ng paglayo ni Sky ng pitong taon. Sa pagbabalik nito ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ng asawa ang nalalapit na kasal nito sa first love nitong si Audrey. Paano nga ba niya hahadlangan iyon gayong nalaman na lang niyang peke pala ang kasal nila? Dala-dala niya ang apelyido nito sa loob ng ilang taon kahit wala naman pala siyang karapatang tawaging Mrs. Braillene Razon.
Romance
1065.6K viewsCompleted
Read
Add to library
My Innocent Alena

My Innocent Alena

Paano kung malaman mo na isang malaking kasinungalingan lang pala lahat? Na pinaglaruan ka lang ng taong mahal mo? Alena Reyes, maganda, inosente at maraming pangarap sa buhay. Labis na nagtiwala at nagmahal sa taong akala niya ang ibibigay ang langit. Pero sa huli nalaman niyang isa lang malaking kasinungalingan ang lahat. Dahil ang lalaking mahal niya ay pag aari na ng iba at ang masaklap pa dahil sa isang pustahan kaya siya nito pinatulan. Makakabangon kaya sa pagkakalugmok ang isang Alena Reyes? Tunghayan natin ang kanyang kwento.
Romance
1068.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Ex-Convict Billionaire

The Ex-Convict Billionaire

Nagboluntaryo sa isang medical mission sa loob ng bilangguan si Mikaella. Nagkaroon ng riot at doon niya nakilala ang gwapong preso na si Liam. Na-love at first sight sa kanya ang binata. Ngunit hindi niya ito type. Isa itong malaking red flag. Natitiyak niyang gulo lamang ang hatid nito sa kanyang buhay. Ngunit tila may magnet ang ngiti at expressive eyes ng lalaki. Bakit biglang parang gusto niyang magwala at lumihis ng landas kasama ng binata. Itataya ba niya ang buhay at kinabukasan para sa lalaking hindi niya lubusang kilala? Ginising ng binata ang lahat ng natutulog na damdamin sa kanyang pagkatao. Nakipagtanan siya dito at sinuway ang mga magulang. Nangako itong aayusin ang buhay para sa kinabukasan nilang dalawa. Ngunit ang mga pangako ay napako. Madami siyang natuklasang lihim nito. Ngunit hindi siya sumuko, ipinaglaban niya ang pag-ibig. Nalagay sa panganib ang kanyang buhay dahil sa lalaki. Nagising siya sa katotohanang siya lamang ang tunay na nagmamahal. Makalipas ang limang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Ngunit bakit ibang-iba na si Liam. Bilyonaryo na ito at makapangyarihan. Tila hindi siya kilala, para siyang invisible sa paningin nito. Ang nakapagtataka ay ito pa ang matindi ang galit sa kanya. Nabaligtad na ang mundo. Siya na ang bilanggo ngayon. Bilanggo ng nakaraan at ng pag-ibig na walang katiyakan.
Romance
9.948.6K viewsCompleted
Read
Add to library
MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

Isang gabi, nahuli ni Roxanne Guevarra ang kanyang asawa na si Jameson Delgado na nakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Hindi siya nagdalawang isip na hiwalayan ito ngunit papaano kung ayaw siya nitong bitawan? Nakahanap naman siya ng kakampi at iyon ay ang nakakatandang kapatid ng asawa, si Devon Delgado na tutulungan siyang makatakas ngunit hindi iyon magiging madali. *** "Bakit mo ba tinutulungan ang asawa ko? Balak mo bang agawin siya sa akin ngayong nagkakalabuan na kami?" Napangisi si Devon sa kabilang linya, "Hmm...hindi ako mahilig mang-agaw pero binibigyan mo ako ng rason na agawin siya sayo." Kumuyom ang mga kamao ni Jameson na marinig ang sinabi nito. "Subukan mo lang." "Why not? Kasi kung hindi ka magbabago, at patuloy mong sinasaktan si Roxanne, then prepare yourself. Mawawala siya sayo sa isang iglap." Babala ni Devon. "You can't do that to me. Maraming babae sa paligid na pwede mong pulutin pero si Roxanne, pag-aari ko 'yan. So don't you dare!"
Romance
9.667.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

Kathnisse Garcia is a club dancer and a waitress since she was 18 years old, nagtrabaho na ito sa murang edad para mabayaran ang pagkakautang ng tatay niyang sugarol. Sa edad niyang 22 ay nakilala niya si Alejandro Vautier, isang bilyonaryo. Binili siya nito sa club at binigyan ng isang kontrata na maging baby maker ng lalaki. Paano kung unti-unti itong nahuhulog sa lalaking hindi makalimutan ang namayapang asawa?
Romance
1071.1K viewsCompleted
Show Reviews (15)
Read
Add to library
Gene Darden
Sobrang ganda ng story.... I can't get over it sobrang nakaka inlove. Ito yong gusto kung story di nakakastress at isa lang ang kontrabida. Kakaenjoy basahin♡♡♡Ang galing mong magkwento Ms. Author sana marami ka pang story na malikha. God bless you♡♡♡ I can give this story a hundred stars(:
top13Arida
Hello po! Since this is my birth month, I am planning to post a special chapter for The Billionaire's Baby Maker. 2 to 5 chapters lang naman ^_^ Naalala ko lang na meron akong nakalimutan na scene. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya ipo-post. Stay safe and dry po. Thank you all!
Read All Reviews
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status