Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Alpha's Runaway Mate (Tagalog)

The Alpha's Runaway Mate (Tagalog)

Prideful, conceited and loves to look down on Omegas like him. That's what Nexus's thought about Alphas. And he thought that they are all the same. Ngunit nagbago ang pananaw niyang iyon nang muling nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Maximino, ang dati niyang kaklase na isang Alpha, and is now claiming to be his fated pair.
MM Romance
1010.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Nagdanas ng malalim na sakit si Athena nang malaman ang pagtataksil ng kanyang boyfriend at stepsister. Ibinigay niya ang buong pag-ibig niya sa lalaki at ang buong pag-unawa niya sa kanyang stepsister, ngunit sinaktan pa rin siya ng mga ito. Dahil doon ay lumapit siya kay Euwenn, na gusto ng kanyang stepsister na pakasalan. Si Euwenn Cervantes ay apo ng founder ng Prime Global. Matalino, guwapo, at kilala bilang matagumpay na batang negosyante. Nais ni Athena na pumasok sa isang kontrata para pakasalan si Euwenn, at buong kasiyahan naman itong tinanggap ni Euwenn. Ngunit nais ng lalaki na ang kontrata ay maging isang tunay na kasal.
Romance
3.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Darkest Secret (Tagalog)

The Billionaire's Darkest Secret (Tagalog)

Matapos masaktan si Khiana ng lalaking mahal niya ay pumunta siya sa Vista Verde Resort para makalimot, pero nakilala at nakuha niya ang atensyon ni Ryker Zayr Velasquez, ang bilyonaryong may tinatagong lihim sa likod ng gwapo nitong mukha. Sa pagkakataong 'to ay ang buhay nilang dalawa ay magiging parang tulad ng isang roller coaster. With Ryker's dark past and hidden secret that caused his heart to be wrecked over and over again, and Khiana's wrecked heart trying to be healed. Will it be possible for them to have a happy ending despite having these twists and turns? Can both of them mend and find remedy for their wrecked hearts, or both of them will be left wrecked in the end?
Romance
5.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Si Zarina Alcantara ay isang misteryosang babae. Walang nakakakilala sa kanya ng lubos. Tahimik, maganda, at tila may tinatagong lihim na hindi maabot ng sino kahit pa ang kanyang future husband. Si Damian Hidalgo naman ay isang CEO. Guwapo, masungit, ngunit mapagmahal na apo sa kanyang lolo. Hanggang isang araw, ang dalawang tao na ito ay pinagtagpo sa pamamagitan ni Matthew, kung saan ipinagkasundo silang ikakasal ayon sa gusto ng matanda. Para kay Lolo Matthew, nagkasundo ang dalawa. Hindi maganda ang una nilang pagtatagpo dahil sa simula, hindi pag-ibig ang nagdala sa kanila sa pagsasama kung hindi isang kasunduan lamang. Ngunit, paglipas ng panahon, hindi napigilan ng dalawa ang mahulog sa isa't-isa sa kabila ng kanilang magkaibang mundo. Hanggang saan ang kanilang pagsasama kung balang araw ay natuklasan nila ang lihim ng isa't-isa? Pipiliin ba nila ang kanilang pag-iibigan o hayaan ang mga sikretong wasakin silang dalawa…
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
Short Story · Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

"Boss! Nasa panganib pong muli ang buhay ng asawa mo!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer. "Ihanda mo ang mga tauhan at ililigtas natin siya!" malakas na sigaw ng mafia boss. Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization. Lahat sila ay handang ialay ang buhay para sa kanilang reyna. Buong tapang na sumakay si Kaizer sa sasakyang naghihintay sa kan'ya. Ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng lungkot. Tumatagos doon ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso. Siya ang asawa ngunit ang puso ng babaeng mahal niya ay nahahati sa dalawa. Hindi siya pwedeng gumamit ng dahas dahil baka tuluyang mawala sa kan'ya si Kryzell. Ang babaeng una at pinangakuan niyang huling iibigin. Sa pag-ibig kung saan ay nakikihati lamang siya, hanggang kailan ni Kaizer kayang maging biktima? May halaga ba ang pagiging mafia boss kung ang mafia's hidden angel ay magdesisyon na muling mabuhay ng payapa at malayo sa magulong mundo na meron siya?
Romance
9.8240.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1066.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Mafia King's Innocent Bride (Tagalog)

Mafia King's Innocent Bride (Tagalog)

"Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga pangarap niya sa buhay at pasiyahin ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang gabi ay nalaman na lamang niya na ibinenta siya ng kanyang ama sa isang Mafia Boss na nagngangalang Vincent Hastings kapalit ng napakalaki nitong utang. Labag man sa loob, dahil sa pagmamahal sa kanyang ama ay walang ibang nagawa si Sophie kundi ang pakasalan ang Mafia Boss. Ano kaya ang naghihintay sa pagitan ng isang inosenteng babae at isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang pumatay? Mabago kaya nila ang isa't isa?
Romance
1087.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Dinala Ako ng Pag-ibig sa Kamatayan

Dinala Ako ng Pag-ibig sa Kamatayan

Nakulong sa elevator sa loob ng kalahating oras ang kababata ng asawa ko. Sa galit niya, ipinasok niya ako sa loob ng isang maleta at ikinulong ako sa loob. “Doble ang pagbabayaran mo sa lahat ng pagdurusang pinagdaanan ni Grace.” Napilitang mamaluktot ang katawan ko. Nahirapan akong huminga. Umiyak ako habang humihingi ng tawad, pero ang napala ko lang ay ang malamig na tugon ng asawa ko. “Pagdaraanan mo ang buong parusang ‘to. Kapag natutunan mo na ang leksyon mo, magtatanda ka na.” Pagkatapos ay kinandado niya ang maleta sa aparador. Sumigaw ako sa desperasyon at nagpumiglas para makawala. Tumagos ang dugo ko sa maleta at bumaha ang sahig. Makalipas ang limang araw, naawa siya sa akin at nagpasyang wakasan ang parusa. “Hayaan mong maging babala sa’yo ang parusang ‘to. Sa pagkakataong ito, pakakawalan na kita.” Hindi niya alam na inaagnas na ang katawan ko sa loob ng maleta.
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)

The CEO's Rebellious Woman (Tagalog)

AraBella
Si Evina Chen ay isang young career woman na hindi natatakot na suwayin ang mga nakatataas sa kanya lalo na't alam niyang sila ay mali. Itataya pa niya ang kanyang personal na buhay upang ipagtanggol ang kanyang mga kasamahan mula sa mga malulupit nilang boss. Samantala, si Gabriel Yang naman ay isang dominanteng CEO na handang isakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng paglago ng kanilang kumpanya. Dudurugin niya ang sinumang maglalakas-loob na humarang sa kanyang daraanan. Kinamumuhian ni Evina ang mga awtoridad. Ayaw naman ni Gabriel sa mga rebelde. Ngunit pareho nilang matututunan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa mga bisig ng isa't isa. ***** NOTE: > You can reach me at my FB account po @7arabella7 > Salamat po ng madami sa suporta! Sana po ay magustuhan nyo ang kuwento ni Gabriel at Evina!:*
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status