And Then I Kissed Him
Cassandra Sayson, graduate ng apat na taong kurso ng business administration ay sumama sa graduation party na sponsor ng kanilang departmento na ginanap sa beach resort. Sa isip pa ni Cassandra, she has nothing to lose dahil natapos na niya ang apat na taon na pag-aaral sa college. May diploma na siya, hindi na masama ang mag-enjoy kahit isang gabi lang. Simula ng mag-aral siya mula elemtarya hanggang kolehiyo ay hindi pa niya naranasan ang gumimik, kaya sa beach resort ay tinodo na ni Cassandra ang maging masaya at malaya upang maranasan ang mag-enjoy sa party ng walang pakundangan
Sa kasagsagan ng kasiyahan ay nalasing si Cassandra kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nauwi sa tuksuhan at isang dare ang nangyari.
Ang dare ay pumili ng lalaking halikan, kahit sinong lalaki na trip niyang halikan. Napadako ang tingin niya sa isang matangkad, matipuno at guwapo na lalaki.
Ang lalaking hinalikan ni Cassandra ay ang tanyag na Doktor Adrian Razon na mula sa bilyonaryong pamilya. Namangha si Dr. Razon ng masilayan ng masinsinan ang babae dahil kamukha ito ng kaniyang girlfriend na si Sharon, nasa Amerika at comatose.
Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng insidente ng halikan sa party ay kinausap ni Dr. Adrian Razon si Cassandra at nag-offer ng proposal. Gusto niyang magpanggap si Cassandra na kaniyang girlfriend at maging asawa. Pumayag si Cassandra , nagkasundo silang dalawa na gumawa ng kontrata na ang pagpapanggap ay sa loob lamang ng dalawang taon.
Isang taon pa ang lumipas ng pagsasama nina Dr Razon at Cassandra ng malaman ni Cassandra na siya ay nagdadalang-tao. Gusto niyang sabihin Kay Adrian na dinadala Niya ang anak ng doktor, subalit hindi Niya nagawang magtapat pa ng bigla namang nagpakita ang Isang babae na nagngangalang Sharon.