The 5 Years Contract with Him
Nagsimula ang lahat nang mabankrupt ang kumpanya ng ama ni Hyacinth Liana Monteverde. Desperado siyang humingi ng tulong kay Damian Cruz, ang ruthless na bilyonaryo. Ang kondisyon ni Damian: Isang limang taong contract marriage, walang attachments, at kailangan niyang makipaghiwalay agad kay Jared, ang kaniyang kasintahan.
Ginawa ni Liana ang mabigat na sakripisyo. Matapos ang masakit na breakup, pinirmahan niya ang kontrata, ipinagpalit ang pag-ibig para sa kapakanan ng kanilang kompanya. Sa laro ng kapangyarihan ni Damian, kailangan niyang magpanggap na Fiancée ni Mr. Damian Cruz, sa harap ng media at sa ina ni Damian.
Para kay Liana, ito ay purong business; isang labanan para mag-survive. Ngunit habang tumatagal, ang kalkuladong lamig ni Damian at ang bigat ng kanilang kasunduan ay naglalagay sa kaniya sa alanganin. Maiiwasan ba nila ang emosyon sa loob ng limang taon, lalo na kung ang kanilang tadhana ay tila nagtutulak sa kanila na bumasag sa kanilang sariling deal?