The Hot Touch of a Cold Husband
Ayun, para may masustentuhan at para gumalaw ang pera niya,' bulong ni Valeria sa isip, nakasimangot sa inis habang malakas na tinatapik ang screen ng cellphone dahil talo na naman siya.
Ah, naglalaro si Valeria ng shark game. Iyon ‘yung game kung saan maliit pa sa una ang pating at lalaki kapag kumain ng isda, mga taong lumalangoy, hot air balloon at iba pa. Pero may kalaban din ang pating. Mga isdang mas malaki sa kanya! Ayon, kinain ang pating ni Valeria ng isang puting isda na mas malaki kaysa sa pating niya. Kaya talo na naman siya.