กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Someone Like You

Someone Like You

Isang babaeng walang takot magmahal ngunit hindi pa kailanman tunay na umibig. Isang lalaking isinara na ang puso dahil sa pagkawala ng kanyang asawa. At isang batang naghihintay sa pagmamahal ng isang ina. Si Vanessa De Jesus ay isang masayahin, palabiro, at walang preno kung magsalita. Sa paghahanap ng trabaho, hindi niya inaasahang mapapasok siya sa kakaibang mundo ng mayamang negosyanteng si Vincent Curt Lee—isang malamig, istrikto, at halos walang pusong lalaki pagdating sa negosyo. Ang trabahong inaalok sa kanya? Magpanggap bilang si Chelsea Jimenez Lee, ang nawawalang asawa ni Vince at ina ng batang si Vincent. Sa mata ng publiko, buhay pa si Chelsea. Ngunit sa katotohanan, nababalot ng misteryo ang kanyang pagkamatay. Upang mapasaya ang anak na may sakit at nangungulila sa ina, pumayag si Vanessa na gampanan ang papel na hindi niya akalaing babago sa buhay niya. Sa loob ng mansyon, nagsimula ang isang kontratang puno ng mahigpit na patakaran—lalo na ang isang rule na tila pinakamahirap sundin: “Don’t you dare to fall in love with me.” Ngunit paano kung sa bawat pagtatalo, sa bawat banggaan ng personalidad, at sa bawat sandaling magkasama sila, unti-unting nabubuksan ang pusong matagal nang nakapinid? Habang lumalalim ang kanilang pagsasama, mabubunyag ang mga lihim sa likod ng aksidente ni Chelsea. Aksidente nga ba ito? O may mas malalim na dahilan sa likod ng pagkawala? Sa pagitan ng pagpapanggap at katotohanan, sa pagitan ng obligasyon at tunay na damdamin— maaari bang mahalin ng isang puso ang someone like you?
Romance
102 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
Romance
106.5K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
123456
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status