Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia's Marked Nanny

The Mafia's Marked Nanny

Hulog ng langit kung ituring ni Evie si Amora. Dumating ito sa buhay niya kung saan nasa gitna siya ng kagipitan. Pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin nila ng ama nitong si Russell ay impyerno ang hatid niyon sa kanya— init na nagmumula sa kung saang hindi niya maintindihan. Mommy kung tawagin siya ni Amora gayong yaya lang naman siya nito. Paano kung ang susunod na offer sa kanya ni Russell ay hindi na bilang nanny ng anak niya? Paano rin kung sa paglipas ng panahon, hindi na siya kilalaning 'mommy' ni Amora? ----- Ang batang si Amora ay lalaking puno ng galit kina Evie at Russell. Hindi na siya ang inosenteng bata, kundi siya ay magiging si Gray, isang matapang at nakakatakot na nilalang. At tulad ni Evie ay magiging 'nanny' rin siya ng isang makapangyarihang mafia lord. Sa paglipas ng panahon ay magiging mortal silang kaaway. May pag-asa bang magkapatawaran o mananaig ang kasamaan? ---- Si Alliyah, isang batang naging parte ng misyon ni Gray na siiyang dahilan kung bakit lalambot ang pusong bato nito. Ngunit paano kung magaya si Alliyah kay Gray? Lumaki na puno ng pagkamuhi sa kanya. Anong gagawin ni Gray para maisalba ang batang nagpamulat sa kanya? ---- Tatlong babaeng may iba't ibang kwento pero may iisang tapang at prinsipyo. Mananaig ba ang kabutihan o aapaw ang kasamaan?
Romance
107.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
Romance
879 viewsOngoing
Read
Add to library
ANG MUTYA NG HULING MAFIA

ANG MUTYA NG HULING MAFIA

BLURB: Kailanman ay hindi maikakaila na minsan nilang minahal ang isa’t isa. Ngunit ang lihim ng mundong nababalot ng panlilinlang, pagtataksil, at nang makapangyarihan, ang babago sa takbo ng kanilang buhay. Mataas ang pangarap ni Seraphina sa buhay. Upang makamit ang tugatog ng tagumpay, kailangan niyang gamitin ang kanyang kapatid at ang sitwasyon hindi niya kayang tanggihan. Habang si Silhouette, bagama’t nagmamahal lang naman ay naipit sa dalawang malalaking batong lihim na nag-uumpugan at tinutugis ang isa’t isa. Puso ng isang tunay na mafia ang hangad niya kahit sa panaginip. Ang puso niyang iyon ang nagturo sa kanya na puwedeng maging perpekto ang pagkakataon para sa mga imperpektong tao na tulad niya at ni Sandro sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad. Habang si Sandro, sa kabila ng kanyang lihim na pagkatao ay natutong magmahal. Kaya niyang bigyan ng proteksyon ang taong mahal niya, kaya niyang suungin ang panganib at marunong siyang magsakripisyo. Ang kanyang tamang pagpapasya ang magiging susi tungo sa payapang kinabukasan kasama ang kanyang pamilya. Mabubuksan ang maraming pinto ng lihim. Bawat pinto ay maglalapit kina Sandro at Silhouette. At isang pinto naman ang mababalot ng paghahanap ng hustisya at paghihiganti sa muling pagmulat ng mga mata ni Seraphina. May puwang ba ang tunay na pag-ibig para sa tinaguriang mutya ng huling Mafia? Alin ang mas matimbang, ang kapatid o ang pinangarap niyang mafia? Ang pag-ibig ba ang kanilang kaligtasan—o ang kanilang kapahamakan?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status