Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HOT BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

HOT BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

Arielle Sarmiento was supposed to marry her long-time boyfriend, Lucas De Leon, but he didn’t show up on their wedding day. And the most painful part? She caught him in bed with her best friend, Bianca Yllana. Walang ibang nagawa si Arielle kundi magpakalasing sa bar. Doon niya nakilala ang isang lalaking estranghero. Silas Ferrell. Siya mismo ang nagyaya ng one-night stand dahil gusto niyang makaganti at gusto niyang makalimot. Silas didn’t hold back. They shared a night of heat, desire, and reckless abandon. That night, she gave him everything... pati ang pagkabirhen niya. Kinabukasan ay umalis siya sa condo ni Silas nang walang paalam. Pero pagpasok niya sa bago niyang trabaho, isang gulat ang bumungad sa kanya. Ang lalaking naka-one-night stand niya ay ang boss niya—si Silas Ferrell. Sa parehong araw, dumaing ang mundo niya. Ang ama niya ay na-diagnose ng congestive heart failure, at kailangan ng emergency surgery. Malaking halaga ang kailangang ilaan. Agad. Doon siya inalok ni Silas ng sampung milyong piso, kapalit ng kasal. Tinanggap niya ang alok dahil kailangan niya ng pera. Pumirma siya sa kontrata nang hindi binabasa. Ikinasal sila sa huwes. Pero nang mabasa niya ang kontrata sa bandang huli, natigilan siya. Walong buwang pagsasama bilang mag-asawa. May walong buwan din siyang obligasyon sa kama. Pero paano kung may mabuo sa pagitan nila? Paano kung mabuntis siya? Tatanggapin ba ni Silas ang bata, kung simula’t simula pa lang ay katawan lang niya ang habol nito, at malinaw sa kontrata na hindi siya puwedeng mabuntis?
Romance
443 viewsOngoing
Read
Add to library
Divorce is not an option, Mrs. Lombardi

Divorce is not an option, Mrs. Lombardi

Pitong taon ang inaksaya sa kanyang buhay ni Gailyn Espinoza upang piliin lang na manatili sa tabi ng kanyang asawang si Leon Lombardi. Hindi dahil sa may anak sila kung hindi dahil naniniwala siyang hindi magtatagal ay makikita rin ng asawa ang halaga niya. Subalit taliwas at hindi iyon ang nangyari dahil biglang nahulog ang lalaki sa ibang babae na harap-harapang pinakita niya kay Gailyn.  Sa mismong araw ng kaarawan niya ay piniling umuwi ng Isla ni Gailyn upang makasama ang kanyang mag-ama na doon nakatira, ngunit sa halip na salubungin ng mainit na pagbati at yakap, isang malutong na sampal ng katotohanan ang natuklasan. Ito ang naging wake up call kay Gailyn para magising. Sawang-sawa na siya sa paulit-ulit na pagtitiis kaya sa araw na iyon ay naging buo ang desisyon ni Gailyn na palayain na ang kanyang asawa. She drafted divorce papers, signed away custody of their son, and walked away without a backward glance. Returning to her career, Gailyn chose to silently build a fortune for herself. Sa puntong ito ay sarili naman niya ang uunahing piliin bukod sa mga nagpapasakit sa kanya. Kung kailan handa na ang puso, katawan at kaluluwa ni Gailyn na makipaghiwalay saka naman noon bumaliktad ang ikot ng mundo. Tila nagising siya sa matagal na niyang pangarap dahil ang mag-ama niyang ayaw sa kanya noon ngayon ay humahabol na. “Divorce is not an option, Mrs. Lombardi. Kailanman ay hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Hindi kita hihiwalayan. Walang sinuman ang makakapalit sa papel mo bilang ina sa buhay ng ating anak.”
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
Romance
367 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
232425262728
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status