/ Urban / A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4) / Chapter 166 - Using The Car For The First Time

공유

Chapter 166 - Using The Car For The First Time

작가: Zaligma
last update 최신 업데이트: 2024-09-05 21:22:30

Nagtungo sina Luke sa ikaapat na palapag. Sa pangunguna ni Pauline ay diretso silang nagtungo sa kinaroonan ng pulang sports car.

"Are you sure, Mr. Cruise? Siguradong pagkakaguluhan ng mga tao kapag iginala mo ang sasakyang ito."

Binigyan ni Luke ng tipid na ngiti si Pauline saka bumaling kay Kina. "Ayos lang. Gusto ko ring masubukan ang kotseng ito habang kasama ko ang babaeng espesyal sa'kin."

Hindi malaman ni Kina kung anong dapat niyang maging reaksyon nang puntong iyon. Dapat ba siyang matuwa? Kiligin? Nakatitig lang siya nang husto kay Luke.

Kabaliktaran naman ang naging reaksyon ni Pauline. Kanina nang marinig niyang sinabi mismo ni Kina na girlfriend ito ni Luke ay nakaramdam siya ng selos. Ngayong si Luke na mismo ang nagsabi na espesyal si Kina para dito ay mas tumindi pa iyon.

Pero sino nga ba siya upang magselos? Isa lang naman siyang Executive Manager ng kanilang kumpanya kaya wala siyang karapatang mag-isip ng kung anu-ano patungkol sa kanilang presidente. Kung may noby
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Nedgel Chicogo
Wala pa karugtong
goodnovel comment avatar
Nedgel Chicogo
next chapter nmn
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 345

    Bumukas ang pintuan ng conference room at pumasok mula roon sina Duncan kasunod ang magkapatid. Kasabay ng pagtahimik ng mga tao roong ipinapakita lang sa pamamagitan ng hologram, sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa magkapatid.Makikita sa paraan ng tingin na ginagawa ng mga ito ang pagkakaiba-iba ng iniisip ng mga ito ngayon."I thought they were abducted?" biglang wika ng isa sa mga ito. Roy Wilbur ang pangalan nito.Walang imik na napalingon dito ang ibang konsehal, dahilan para mamayani ang saglit na awkward na katahimikan."What?" taas balikat na tanong nito, tila nagmamaang-maangan pa sa halata namang dahilan kung bakit nila ito pinagtitinginan."Mr. Wilbur, si Mr. Chairman na mismo ang kumumpirma na totoong dinukot nga sila." wika ng isang ginang, mahahalata ang pagkadismaya sa tono ng boses nito.Evelyn Roosevelt naman ang pangalan nito. Ang bukod tanging babae sa organisasyon.Iginala nito ang paningin nito sa ibang miyembro na para bang iniisa-isang tingnan ang mga ito.

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 344

    Pagkarating sa Green Palace, sinalubong sila ng mga security personnel. Partikular na ginabayan ng mga ito ang magkapatid.Nandoon din si Duncan, magkasalikop ang mga kamay sa likod na naghinhintay. Mahahalata sa kulubot ng mukha nito ang pagod na itinatago lang nito sa bahagyang pagngiti habang nakasunod ang tingin sa magkapatid. Pero agad na naglaho iyon nang dumako ang tingin nito kay Luke na kakababa lang ng sasakyan.Kasama sina Leon ay lumapit si Luke rito at magalang na binati ito. Hindi agad ito umimik. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi ito masayang makita si Luke roon.Batid din naman ni Luke ang dahilan niyon."Pasensya na po 'lo kung... nanghimasok man ako. Pero hindi ako pwedeng basta nalang maupo." paliwanag niya, pero tinugon lang iyon ni Duncan ng pagsalubong ng kilay.Noong huli nilang pag-uusap, pagkatapos mismo ng araw ng hukom, hinabilinan na siya ni Duncan na huwag nang makisali pa sa labang ito ng kanilang pamilya. Masama ang loob nito sa naging desisyon n

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 343

    Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 342

    Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 341

    "May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 340

    Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status