SA BUONG BYAHE nila pauwi ay wala silang imikang dalawa. Nang pumarada ang sasakyan sa harap ng mansyon ay wala pa rin itong sinabi. Hindi rin siya nagsalita at dali-dali lang na bumaba. Pagkasara niya ng pinto ay bigla na lamang itong humarurot palayo. Hindi niya alam kung saan ito pupunta dahil hindi naman ito nagsalita at bigla na lang umalis.
Pagpasok niya sa loob ng mansyon ay agad siyang sinalubong ni Don Lucio at tinanong. “Saan na naman pupunta ang magaling kong anak at ni hindi man lang siya bumaba ng kotse niya?” tanong nito sa kaniya. Yumuko lang siya. “Hindi ko po alam, hindi po siya nagsabi kung saan siya pupunta.” magalang na sabi niya rito. Napatampal naman ito bigla sa noo nito marahil sa matinding stress. “Napakatigas talaga ng ulo ng batang iyon. Kailan niya ba balak tumino?” tanong nito at pailing-iling pa. “O siya hija, alam kong pagod ka sa pag-aaral. Magpahinga ka na muna.” sabi nito sa kaniya na ikinatango niya naman. “Maraming salamat po.” sabi niya at pagkatapos ay nagmamadaling nagtungo sa likod ng mansyon kung saan ay may maliit na silid na isang storage room noon. Sa katunayan ay ilang beses na siyang pinilit ni Don Lucio na lumipat na sa mansyon para mas maging maganda ang silid niya ngunit paulit-ulit lang siyang tumanggi. Yung hindi pa nga siya doon nakatira ay galit na galit na sa kaniya si Lawrence paano pa kapag pumayag siya sa gusto ng ama nito? Baka isipin nito ay tinetake advantage niya ang kabaitan nito. Nagbihis lang siya at nagpahinga sandali bago bumalik sa mansyon upang tulungan ang mga kasambahay sa mga gawain ng mga ito. MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw at isang linggo na ang nakalipas noong ihatid siya ni Lawrence sa mansyon at simula noon ay hindi ito umuwi na labis na ikinainit ng ulo ng ama nito. Sabado noon ng umaga at wala siyang pasok, inutusan siya ni Don Lucio na puntahan ang condo nito. Madalas na ganito ang ginawa ni Lawrence, marahil ay dahil na rin sa ayaw siya nitong makita dahil surang-sura ito sa kanyang pagmukha. Kahit na ayaw niya sana na puntahan ito dahil alam niya na allergic ito sa kanyang mukha ay wala na lang din siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ng ama nito. Nagpahatid lang siya sa driver kung at hindi naman nagtagal ay nakarating na rin siya sa wakas sa condo nito. Pagdating niya sa pinto ay agad niyang inilabas mula sa kanyang bag ang dala niyang key card na ibinigay sa kaniya ni Don Lucio para in-case na wala ito doon ay makapasok pa rin siya. Pagpasok pa lang niya ay tumambad na sa kaniya ang magulong sala, may mga damit na nakakalat at mga bote ng alak. Umaalingasaw din ang amoy ng alak sa buong condo dahilan para mapatakip siya bigla ng kanyang ilong. Napabuntong-hininga na lang siya pagkatapos ay inilibot ang paningin sa loob ng condo bago siya nagsimulang maglinis. Habang abala sa paglilinis ay hindi niya maiwasang isipin na bakit hindi na lang kumuha ng tagalinis si Lawrence lalo pa at medyo malaki naman ito. Halos isang oras din siyang naglinis bago siya natapos sa sala. Tiyak na kung magulo sa sala ay mas magulo namana sa kwarto. Ilang sandali pa ay tinungo niya ang pinto ng silid at binuksan ito. Nakita niya ang tulog na tulog na si Lawrence sa kama kaya agad siyang lumapit dito. “Law—” nabitin ang kanyang sasabihin nang mapatitig siya sa mukha nito. Kapag tulog pala ito ay mukha itong mabait, idagdag pa na nakalitaw ang macho nitong katawan kaya hindi niya maiwasang hindi mapalunok ng wala sa oras. Naging mabilis din ang kanyang paghinga ng mga mga oras na iyon na para bang sasabog ito. Hindi niya namalayan na bigla na lamang pala siyang lumapit sa kama at umupo sa tabi nito. Hinaplos niya ang mukha nito at natigilan siya nang bigla na lamang itong gumalaw kaya dali-dali niyang binawi ang kamay niya. “Lawrence, gumising ka…” sabi niya rito. Kinusot nito ang mga mata at namumungay ang mga mata nitong napatingin sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa mababang tinig. “Inutusan ako ng DAddy mo na puntahan ka rito.” sabi niya at pagkatapos ay tumayo na. “Teka, sino ka ba?” mahina pa ring tanong nito at mukhang hindi pa ito lubusang hindi nagigising dahil hindi siya nito nakilala kaagad. “Ako to si ASha.” sabi niya. Inaasahan na niya nang sa pagmulat ng mga mata nito ay maririnig niya ang masasakit na salita na sasabihin nito ngunit nang mga oras na iyon ay hindi ito nagsalita at tumitig lang sa kaniya. Ilang segundo pa ang lumipas at nagulat siya nang bigla na lamang siyang abutin nito at biglang idiniin siya nito sa kama na ikinapanlaki ng kanyang mga mata. Kung kanina ay mabilis na ang tibok ng puso niya, sa ginawa nito ay mas bumilis pa ito lalo. Ang tanging nagawa niya ay ang lumunok ng sunod-sunod habang kinakabahan. “La-Lawrence…” nanginginig ang tinig na sabi niya. “Tumahimik ka nga, sinabi ko ba na magsalita?!” aburidong tanong nito sa kaniya. Wala na lamang siyang nagawa kundi ang tumitig sa mukha nito ng wala sa oras. Kung gwapo ito kapag tulog ay mas gwapo na naman ito kapag gising pero mas mabait ito kapag tulog ito dahil hindi ito nagagalit sa kaniya. Habang nakatitig siya rito, hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at bigla na lamang niyang hinaplos bigla ang pisngi nito. Kitang-kita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. “Talagang kapag nakikita mo ako ay nagagalit ka, ganun ba talaga ako kamuhi-muhi sa paningin mo?” malungkot na tanong niya bigla rito. Sobrang sakit lang kasi para sa kaniya na wala naman siyang ginagawang masama rito ay galit na galit ito sa kaniya. “Mali pala. Kahit na anong gawin ko ay hindi na magbabago ang tingin mo sa akin hindi ba?” tanong niyang muli. Sa puntong iyon ay mas puno ng hinanakit at sama ng loob ang tinig niya. Hindi ito nagsalita sa halip ay mas lalo lang nagdilim ang mga mata. Mabilis itong umalis sa ibabaw niya. Para pagtakpan ang kanyang pagkapahiya ay mabilis siyang bumangon at nagsalita. “Pumunta ako rito sa utos ng Daddy mo.” sabi niya kaagad. “Hindi ba at sinabi ko na sayo noon na huwag na huwag ka ng pumunta dito? Pero pumunta ka pa rin talaga?” hindi makapaniwalang tanong nito na puno ng panunuya. “Inutusan nga ako ng DAddy mo at—” “Inutusan o dahil talagang gusto mo lang na pumunta dito?” putol nito sa kaniya. “Pumunta ka rito para akitin ako hindi ba?” dagdag pa nito na dahilan para manlaki ang mga mata niya. Harap-harapan na naman siya nitong inaalipusta at pinararatangan. Umiling siya. “Nagkakamali ka. Hindi ako pupunta rito kung hindi dahil sa utos ng DAddy mo—” “Talaga? E bakit ka pumasok sa kwarto ko ng tulog ako at higit sa lahat ay bakit ka nasa tabi ko?” walang habas na tanong nito sa kaniya.“Wala ka ba talagang balak sabihin sa pamilya mo Miri na nakauwi ka na?” tanong ng kaibigan sa kaniya.Agad naman na nagsalubong ang kilay niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit sana? Sila nga gumagawa ng desisyon na hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko ba.” inis na sagot niya sa kaibigan niya.“Pero kahit na. Kailangan mong sabihin sa kanila dahil panigurado kapag nalaman nila, lalong-lalo na ng Kuya mo ay baka kung ano ang gawin niya sayo.” concern naman na sabi pa nito sa kaniya.Bumuntong hininga na lang siya at pagkatapos ay dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupuan. “Aalis ako, lalabas. Gusto mo bang sumama na lang sa akin kaysa magngangawa ka diyan?”Napailing na lang ito. “Napakatigas talaga ng ulo mo Miri.” sabi pa nito.Hindi na lang siya nagsalita. Siya nga pala si Mirabella, Miri for short o sa mga taong malapit sa kaniya ay iyon ang tawag sa kaniya. Well, kakauwi niya lang galing sa Canada pagkatapos niyang grumaduate. Pagkatapos niyang grumaduate ay ag
BLURBADAMSON EZEKIEL “ADAM” GRAYANPaano kung ang planong pakikipaglaro sa kapatid ng taong kaaway nila ay maging makatotohanan? Paano kung mahulog siya rito ng hindi niya nalalaman? Maipagpatuloy niya kaya ang una niyang plano na gamitin ito para saktan ang kapatid nito?Hanggang saan siya dadalhin ng plano niya? Magtagumpay kaya siya o uunahin niyang paganahin ang puso niya at isasantabi ang unang plano niya? O mababaliktad ang lahat at siya ang paiikutin sa palad nito?
HINDI na nagdalawang isip pa na buksan ni Asha ang pinto, iyon na pala ang rooftop ng hotel. Halos hindi siya makagalaw ng makita niya ang nasa kanyang harapan at pakiramdam niya ay para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Napakaraming bulaklak na napapalamutian ng naggagandahang ilaw. Mula sa kanyang kinatatayuan ay isang red carpet ang nakalatag.Sa isang banda ay may violin na nang eksaktong buksan niya ang pinto ay nag-umpisang tumugtog ng napakalamyos na musika. Angkop na angkop sa napaka romantikong kapaligiran. Sa gitna ay may mesang nakahanda.Agad na nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay nakita niya si Lawrence sa harapan niya at marahil sa matinding pagkagulat ay hindi na niya alam pa kung saan ito nanggaling. May dala itong napakalaking bouquet ng bulaklak. Ilang sandali pa ay tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig. Ang sabi nito ay hindi pa tapos ang inaasikaso nito sa opisina. Sumama pa naman ang loob niya pagkat
MAKALIPAS ang isang oras ay naroon pa rin siya sa sofa at nakaupo. Hindi pa rin siya gumagalaw. Kinakain siya ng napakaraming what ifs at parang tanga na nag-iimagine ng kung ano-ano. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya dahilan para mahila siya mula sa mga kung anong iniisip niya. Nang pulutin niya ito ay nakita niya na si Lawrence pala ang tumatawag kaya mabilis niyang sinagot ang tawag. “Anong problema? Tapos na ba ang kailangan mong gawin?” tanong niya kaagad dito.“Gusto mo bang puntahan ako? Baka kasi gabihin ako e.” sabi nito sa kaniya.Bigla siyang nalungkot. “Kung gagabihin ka rin naman pala ay uuwi na lang ako. Okay lang ba sayo?” tanong niya rito.“Tinatanong kita kung gusto mo ba akong puntahan ngayon.” muling sabi nito sa kaniya dahilan para mapapikit siya ng mariin.“Hindi na. Inaantok na rin naman ako.” sabi niya rito. Nagsinungaling na lang siya dahil ang totoo ay nadismaya na siya. Siguro ay talagang sa ibang pagkakataon na lang sila magkakasam
DAHIL nga may mga damit pa naman siyang naiwan sa condo ni Lawrence ay hindi na kinailangan pa ni Asha na umuwi para lang magbihis. Isa pa, alam din naman ng Daddy ni Lawrence na doon siya natutulog paminsan-minsan at hindi naman ito nagagalit. Idagdag pa na mas natutuwa pa nga ito at palaging sinasabi na gusto na nitong magkaapo.Naglinis lang siya ng katawan niya sandali at pagkatapos ay nagbihis na at habang nasa harap ng salamin ay bigla na lang lumapit si Lawrence sa kaniya at niyakap siya mula sa kanyang likuran. Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat at pagkatapos ay hinalikan siya nito doon. “Asha…” mahinang tawag nito sa pangalan niya.“Hmm?” kaswal na sagot niya naman haban nakatingin dito sa salamin.“Sobrang namiss talaga kita, alam mo ba yun?” mahinang tanong nito sa kaniya.Natawa na lang siya. “Ano ba yang pinagsasabi mo? Isa pa, bitawan mo nga ako. Akala ko ba ay aalis tayo?” tanong niya rito at pilit itong itinutulak ngunit hindi siya nito binitawan.“Miss na miss
APAT na buwan ang mabilis na lumipas. Dahil na nga rin naging busy si Asha sa kanyang pag-aaral ay hindi na nila napag-usapan pa ni Lawrence ang tungkol sa kanilang relasyon lalo pa at naging busy din naman si Lawrence sa mga trabaho nito. Ang totoo nga ay halos isa o dalawang beses na lang sila magkita sa isang linggo at kung minsan ay hindi pa sila nagkikita. Nag-uusap naman sila sa cellphone kahit papano.Hindi na rin siya napilit nito na sa mansyon o sa condo nito siya tumira dahil mas pinili niyang sa sarili niya na lang condo pumirmi dahi mas malapit din naman talaga iyon sa university. Malapit na rin naman ang kanilang graduation, sigurado siya na kapag naka-graduate na siya ng tuluyan ay pipilitin na siya ni Lawrence na tumira sa condo nito.Sa nakalipas na mga linggo ay naging hectic pareho ang schedule nila at napag-usapan nila na susunduin siya nito sa university paglabas niya. Isa pa, palagi rin itong umaalis ng bansa para asikasuhin ang ilang mga bagay.Paglabas niya pa l