LOGINNATIGILAN SIYA ng ilang segundo dahil sa binitawang salita nito at hindi niya maiwasang isipin na baka alam nito ang tungkol sa itinatago niyang damdamin para rito. Tumitig siya sa mga mata nito. “Alam ko na hindi ako karapat-dapat para sayo at katulad ng sabi ko ay alam ko ang lugar ko kaya wala kang dapat ipag-alala.” sabi niya at pilit na pinigilan ang sakit na unti-unting bumabalot sa pagkatao niya.
Tumaas ang sulok ng labi nito. “Mabuti naman kung ganun. Huwag kang tumulad sa nanay mong malandi.” sabi nito na bakas sa tono ng boses ang pagkamuhi. Palagi na lamang niyang naririnig ang pang-aalipusta sa kanyang ina at ang pagtapak sa katauhan nito ngunit sa puntong iyon ay hindi na niya nagawa pang magtimpi. “Ano bang problema sa nanay ko? Pumanaw na siya’t lahat lahat pero ganyan pa rin ang tingin mo sa kaniya? Bakit mo ba siya pinagbibintangan sa bagay na hindi niya naman ginawa?” tanong niya rito bigla. Sobrang nasasaktan siya kapag naririnig niya ang masasakit na salita patungkol sa kanyang ina. Alam niyang mali ang mga sinasabi ng mga ito dahil kilala niya ang kanyang ina. Nakita niya ang paggalaw ng mga mata nito. Ilang sandali pa ay umalis ito sa harap niya at bumalik ito sa kinauupuan nito kanina na walang binitawang salita. Nang mga oras na iyon hindi niya alam ngunit nangingilid na pala ang kanyang mga luha at pabagsak na ang mga ito sa kanyang pisngi. Hindi niya tuloy maiwasang hindi magalit sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay napakahina niya. Napakababaw ng luha niya. “Pwede ba, huwag kang umiyak sa harap ko dahil nakakairita ka.” biglang sabi ni Lawrence pagkalipas ng ilang sandali. Hindi niya napigilang mapalingon dito. “Ganyan ba talaga katindi ang pagkamuhi mo sa akin para kahit pag-iyak ko ay ayaw mong makita?” puno ng hinanakit na tanong niya. “Oo.” diretsa namang sagot nito na halos ikasikip ng dibdib niya. Ano pa ba naman sana ang aasahan niya rito? Alam niyang ganun nga ang magiging sagot nito ngunit nagtanong pa rin siya. Habang nakatitig siya sa mukha nito ay pauulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya na dapat ay itigil na niya ang kahibangan niya pero hindi niya magawa. Biglang may kumatok sa pinto, kasunod nito ay bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang isang seksing babae na may matamis na ngiti. Naglakad ito patungo kay Lawrence at kumandong ng walang habas dito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong yumuko at ginawaran ng halik si Lawrence sa labi at sa leeg nito kasabay ng paghaplos nito sa likod at ang sadyang pagkiskis nito sa halos hubad ng dibdib nito sa katawan ni Lawrence. “Na-miss kita ng sobra…” malambing na usal nito pagkalipas ng ilang sandali. Nakita niya ang pagsulyap sa kaniya ni Lawrence sa hindi magandang paraan bago nito tuluyang binuhat ang babae at inilapag sa ibabaw ng kama. Habang nakatingin sa eksenang iyon sa kanyang harapan ay agad na napakuyom ang kamay niya. Parang libo-libong kutsilyo ang tumurok sa dibdib niya. Parang hindi siya nakikita ng mga ito habang naghaharutan sa harapan niya. “Lalabas na muna ako.” sabi niya dahil hindi niya masikmura ang ginagawa ng mga ito sa harap niya. Pagkatayo niya ay narinig niya ang tinig ni Lawrence. “Diyan ka lang.” mariing utos nito sa matigas na tinig. Nang lingunin niya ito ay matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “May kasama ka pala.” sabi ng babae at umakto na para bang ngayon lang siya nito napansin samantalang nilampasan siya nito kanina. Alam niyang nagkukunwari lang ito. “Kung ano man ang gusto niyong gawin ay gawin niyo lang, pero ayokong makita o panoorin kayo.” sabi niya at muling tumalikod na. Handa na sana siyang umalis. “Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko ay diyan ka lang.” sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman niyang narinig ang tinig nito dahilan para muli siyang mapatingin dito at saydang naguguluhan. Ayaw nitong umalis siya, e anong gusto nito? Panoorin niya ang mga ito sa gagawin ng mga ito? Ang tingin nito sa kaniya ay nakakatakot na para bang sinasabi nito na subukan lang niyang suwayin ito ay tiyak na may kalalagyan siya. Dahil sa kawalan niya ng magawa, sa halip na lumabas ay naglakad na lang siya patungo sa banyo para doon magkulong kesa ang panoorin niya ang mga ito sa ginagawa nila. Pagkapasok niya sa loob ay kaagad na siyang umupo sa may bowl at pinunasan ang luhang bumagsak sa kanyang mga pisngi. “Bakit ka ba umiiyak?” pagalit na tanong niya sa kanyang sarili. Napakagat-labi siya pagkatapos dahil pilit na sinusupil ang kanyang hikbi. Durog na durog ang puso niya ng mga oras na iyon. Mukhang sinasadya ni Lawrence na makita niya ang ganoong tagpo para makita niya at… Hindi pa man siya nagtatagal sa loob ng banyo ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na katok sa pinto ng banyo na ikinagulat niya. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha para hindi nito makita na umiyak siya. Ilang sandali pa nga ay binuksan niya ang pinto na para bang walang nangyari. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya si Lawrence na nakatayo sa kanyang harapan. “Umuwi na tayo.” malamig na sabi nito. Nang igala niyang muli ang kanyang paningin sa loob ng silid ay nakita niyang wala na ang babae doon kanina. “Nasaan na ang babaeng kasama—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lamang siya nitong pinutol. “Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na pakialaman ang mga affair ko?” tanong nito sa kaniya at sa tanong nito ay para siyang sinampal ng paulit-ulit. Agad niyang iniyuko ang kanyang ulo at napakagat-labi na lamang. “Sorry…” sabi na lamang niya dahil wala naman talaga siyang karapatan, bakit kasi siya nakikialam.AGAD na nanlaki ang mga mata ni Luke nang marinig niya ang sagot ni Adam. “What the hell is your answer?!” hindi makapaniwala itong napatingin sa kaniya at pagkatapos ay dinampot din ang kanyang baso at uminom. “Huwag na huwag mong susubukan Adam, hindi ko gusto ang pamilyang iyon.” malamig ang mga mata niyang sabi rito.Natawa lang muli si Adam dahil sa reaksyon ni Luke. “oo, don’t worry. Natutuwa lang talaga ako sa kapatid niya.” sagot niya rito.Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita. “Pwede mo bang alamin kung sino-sino ang mga nagmamay-ari ng mga shares sa kumpanya nila? Gusto ko kasing bumili ng shares sa kumpanyang iyon idagdag pa na balita ko ay medyo nagigipit sila ngayon.”Agad na nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit? Bakit ka bibili ng shares sa pabagsak nilang kumpanya?”Ngumiti siya. “Simple lang. Dahil interesado ako sa anak ng may ari.”“Adam! Naririnig mo ba ang sinasabi mo huh? Talaga bang matino pa ba yang utak mo o ano?” hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya
“So umuwi ka ng bansa ng hindi man lang sinasabi sa akin?” isang tinig ang nagmula sa kanyang likuran kaya awtomatiko siyang napalingon. Nakita niya ang kanyang kapatid na may malamig na mukha at papalapit sa kaniya.Agad na nagliwanag ang kanyang mukha. “Kuya!” masayang bati niya rito at tatakbo na sana siya patungo rito ngunit pinigil niya ang kanyang sarili nang makita niya ang mukha nito lalong lalo na ang mga mata nitong madilim na nakatingin sa kaniya.Sa bahay na iyon, tanging ito lang ang masasabi niyang ka-close niya pero nitong mga nakaraan ay medyo umilap na rin ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan. Pero noong mga bata naman sila ay sobra silang close, palibhasa ay sila lang ang palaging magkasama simula nang mamatay ang kanilang ina.Nakita niya ang pagtatagis nito ng bagang. “Makinig ka sa utos ni Daddy dahil para rin iyon sayo.” sabi nito sa kaniya.Biglang nanlamig ang kanyang buong katawan. Ang buong akala pa naman niya ay kakampihan siya nito para matakasan ni
KINABUKASAN, magkaharap kaming dalawa ni Vanessa sa sala nang makaalala na naman siyang magtanong. “Siya nga pala, hindi mo yata sinabi sa akin kung ano ang pinag-usapan nito kahapon ng lalaking iyon ah. Ano pa lang sabi niya? Papanagutan niya ba ang nangyari sa inyong dalawa?”Bigla siyang natawa dahil sa tanong nito ng wala sa oras. “Sa tingin mo ba talaga ay pananagutan niya ang ginawa niya?” puno ng panunuya niyang tanong. Kahit na hindi niya ito kilala personally ay alam niyang hindi ito ganung klaseng tao. “Hindi ko na iyon inaasahan pa na gagawin niya.” dagdag ko pa. Tyaka ang pag-usapan lang ang lalaking iyon ay naiinis na siya, ano pa kaya kung makita na naman niya ang pagmumukha nito.“Pero…” “Hayaan mo na.” mabilis kong putol sa anumang sasabihin niya pa. “Kung ano man ang nawala ay tatanggapin ko na lang dahil hindi ko naman na iyon maibabalik pa. Tyaka mas mainam na kalimutan na lang natin ang tungkol sa bagay na ito na para bang walang nangyari.” deklara niya. Ayaw na n
PAGKAALIS na pagkaalis niya sa hotel kung saan siya nagising ay agad siyang dumiretso sa condo ng kanyang kaibigan. Halatang-halata sa kanyang mukha na hindi siya okay at higit sa lahat ay medyo paika-ika rin ang kanyang paglalakad dahil sa sobrang kirot sa totoo lang. Pakiramdam pa nga niya ay lalagnatin siya.Puno ng pag-aalala ang mukha nito nang makita siya. “What the hell Miri where have you been last night? Tyaka bakit ganyan ang lakad mo?” magkasunod na tanong nito sa kaniya.Napabuntong hininga siya. “Pwede bang humingi ako sayo ng pabor?” tanong niya rito sa halip na sagutin ang mga tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Anong pabor?”“Gusto kong alamin mo ang mga bagay tungkol sa lalaking kasama ko kagabi.” sagot niya rito.Agad naman itong natigilan at pagkatapos ay hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. “Don’t tell me…” hindi na nito naituloy pa ang susunod na sasabihin dahil halos napaupo na ito sa sofa at napasapo sa noo. “Anong gin
HABANG nasa loob ng silid at nakatayo sa harapan ng kama ay hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa babaeng nasa harapan niya. Nakahiga sa kama na halos hubarin na ang suot na damit. Sa puntong iyon ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang kanyang cellphone. Iyon na ang tamang pagkakataon niya para kuhanan ito ng video. Nang mai-setup na niya ang cellphone niya at nag-umpisa na ang video ay dali-dali siyang lumapit sa may kama.“Naiinitan ka ba?” mahina at mababa ang tinig na tanong niya rito.Pikit na pikit ang mga mata nito habang naghahabol ng paghinga. “Oo…” sagot naman nito sa nahihirapang tinig.“Anong gusto mong gawin ko para mabawasan ang init na nararamdaman mo?” mapanuksong tanong niya at hinaplos ang paa nito pataas sa tuhod nito hanggang sa hita. Mahina itong napaung*l dahil sa kamay niya na kung saan ay mas lalo pa siyang napangiti. Umepekto na ang gamot na inilagay niya sa inumin nito kanina.Ang kamay nito ay nasa dibdib
Pasensya na po sa matagal na paghihintay ng update. Bukas po ang start ng update ng story ni Adam at Miri, salamat po ng marami







