Share

Chapter 5

Author: Luffytaro
last update publish date: 2025-02-25 08:24:29

ANG AKALA NITO ay may balak siyang akitin ito dahil lang nasa kama siya nang magmulat ito ng mata na wala naman talaga sa isip niya. Sobrang toxic ng isip nito. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag at kung ano ang sasabihin niya dahil mukha namang kahit anong sabihin niya ay hindi nito tatanggapin. 

“Hindi ba at sinabi ko na sayo na kahit na ikaw na lang ang natitirang babae rito sa mundo ay hindi ako magpapakababa para sayo? Hindi ko gugustuhing dumihan ang kahit dulo ng daliri ko dahil lang sa katulad mo.” sabi nito at ang bawat salitang binitawan nito ay puno ng diin.

Masakit. Sobrang sakit. Wala man lang itong pakialam sa kahit anong lumabas sa bibig nito, wala itong pakialam kung makakasakit ba ito o ano pero wala naman siyang magawa. “O baka naman idol mo ang mga prinsesa sa mga cartoons na nakatagpo ng prinsepe nila?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay umiling.

Sa puntong iyon ay bigla na lamang nahulog ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang kanyang emosyon lalo pa at napakasakit ng mga binitawan nitong salita. Bugbog na bugbog siya sa pang-aalipusta nito sa kaniya. “Bakit ba ganyan ka kasakit magsalita?” tanong niya at pinunasan ang kanyang mga luha. Ayaw niya sanang ipakita rito na nasasaktan siya sa mga sinasabi nito ngunit hindi na niya matagalan pa.

“At bakit hindi sana? Ikaw ang nagpunta rito at naghanap ng gulo.” malamig na sabi nito.

“Bakit ba ayaw mong maniwala na inutusan ako ng DAddy mo na pumunta rito? Sino ang taong tanga na gugustuhing pumunta rito kung mga masasakit lang naman pala na salita ang dadatnan niya rito.” sabi niya.

“Umalis ka na. Ayokong makita pa ang mukha mo.” malamig na utos nito.

Napakuyom ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay mabilis na lumabas ng silid na hindi na nagsalita pa at walang inaksayang oras para umalis sa lugar na iyon. Pagkalabas niya ng condo ay pinunasan niya ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Habang dumadaan ang araw ay parang palala ng palala ang trato ni Lawrence sa kaniya na para bang sinasadya nitong pahirapan siya. Bigla tuloy sumagi sa isip niya na paano kaya kung umalis na lang siya sa mansyon ng mga ito? Pero saan naman siya pupunta kung sakali?

NOONG HAPONG iyon sa mansyon ay bigla siyang ipinatawag ni Don Lucio sa kanyang silid. Nang pumunta siya sa sala ay nakita niya na naroon din si Lawrence at nakaupo sa sofa. Nang mapansin siya nito ay agad na namang nagdilim ang mga mata nito na para bang nakita na naman nito ang taong kinamumuhian nito ng lubos.

“Umupo ka hija.” sabi ng matanda sa kaniya.

Mabilis naman siyang sumunod. “May problema po ba?” kaagad na niyang tanong pagkaupong pagkaupo pa lang niya. Hindi naman siya nito ipapatawag kung walang problema. Hindi niya maiwasang hindi isipin na baka mamaya ay nagsumbong na si Lawrence sa ama nito at pilit na siyang paalisin sa mansyon. Bigla siyang kinabahan.

“Malapit ka ng grumaduate, hindi ba?” tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya at nagtaka kung bakit bigla-bigla na lang nitong tinatanong iyon.

“Magbabakasyon na kayo ng ilang buwan bago ang OJT niyo hindi ba?” tanong nitong muli na ikinatango niyang muli. “Gusto ko sanang hilingin sayo na kung pwede ay pansamatala ka munang maging secretary ni Lawrence habang nakabakasyon ka. Okay lang ba sayo?”

Hindi pa man siya nakakasagot ay nauna nang nagsalita sa kaniya si Lawrence na puno ng pagtutol. “Hindi pwede. Ayoko siyang maging secretary.” mariing pagtutol nito.

Bigla namang bumaling ang matandang lalaki sa anak. “Bakit naman ayaw mo? Dapat lang na malaman din ni Asha ang trabaho sa opisina para na rin maihanda siya sa OJT niya.” sabi nito.

Kitang-kita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. “Dad naman, ilang buwan na lang ay aalis na ako ng bansa kaya sana naman ay huwag mo na akong pahirapan pa.” muling sabi nito. “Isa pa, pinag-aral mo na nga siya lahat-lahat sa pinaka magandang paaralan pagkatapos ay gusto niyo pa siyang ipasok sa kumpanya? Para sa saan? Dahil ba sa nanay niya na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin?” tuloy-tuloy na bulalas nito. Bigla siyang napayuko sa labis na pagkapahiya dahil sa sinabi nito.

“Lawrence, tumigil ka.” seryosong saway ng matanda rito ngunit sa halip na tumigil ay mas lalo pa itong nagalit.

“Alam niyo ba na dala-dala ni Mommy ang sama ng loob niya sa inyo hanggang sa huling hininga niya?” puno ng galit na tanong nito. “Alam niyo ba iyon?!” tumaas na ang boses nito.

…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK3: Chapter 39

    ALAM ni Candice na kaya nito sinasabi ang mga iyon sa kaniya ay dahil sa gusto siya nitong i-provoke. “May tiwala ako kay Luke.” sabi niya rito.“Sa tingin mo ba talaga ay may kakayahan siya?” bukod doon ay napatawa ito, tawa na hindi nakakaaya sa halip ay nakakagalit ng sobra. Habang nakatingin dito ay napuno ng poot ang kanyang mga mata. Sa itsura nito noong mga oras na iyon ay paano nito nagagawang sabihin iyon? Kung walang kakakayahan si Luke, sa tingin ba nito ay daranasin nitong makulong doon? Sana lang ay naroon si Luke para marinig ang mga salitang iyon dahil paniguradong hindi nito iyon palalampasin kung sakali man at kung may gawin man ito rito, hinding-hindi niya ito pipigilan dahil deserve nito iyon. “Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo ngayon dahil baka nakakalimutan mo na, nasa teritoryo ka nila at kahit na isang pagkakamali mo lang, paniguradong tapos ang buhay mo.” babala niya na totoo naman.Tumawa itong muli. Humawak din ito sa bakal na nakapagitan sa kanilang dalawa at

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK3: Chapter 38

    AKALA niya ay ang mga normal lang na tauhan ni Luke ang mga naiwang kasama nila doon pero hindi niya akalaing naiwan din pala doon ang pinaka pinagkakatiwalaang tuahan ni Luke. naglakad lakad siya sa dalampasigan nang bigla na lang siya nitong lapitan. “Huwag sana kayo masyadong lumayo Miss Candice…” magalang na sabi nito sa kaniya.Sa halip ay hindi niya ito sinagot at nakatitig lang sa dagat. “Nandito ka pala, bakit parang hindi kita nakita nitong mga nakaraa?” tanong niya rito na medyo nagtataka. Araw-araw siya doon, araw araw din silang naglalakad-lakad ni Luke pero kahit anino nito ay hindi niya nakita.“Hindi niyo lang ako siguro ako napansin Miss Candice.” sagot nito sa kaniya.Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. “Bakit parang napaka pormal mo naman yata sa akin ngayon? Pwede mo naman akong tawagain sa pangalan ko lang katulad noon.” “Mas pipiliin kong tawagin kayong Miss.” walang ekspresyon na sagot nito sa kaniya.Mas naging mapait ang mga ngiti ni Candice. Hindi bilan

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK3: Chapter 37

    HINDI nila namamalayan na isang oras na pala ang mabilis na lumipas. Habang nagkwekwentuhan silang dalawa ay umiinom sila ng wine at ang sabi nito ay hindi naman iyon nakakalasing pero habang tumatagal ay pakiramdam niya ay unti-unti siyang nalalasing. “Tama na… ayoko na…” sabi niya pagkalipas ng ilang sandali.Ngumiti ito sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya. “Tama na nga. Namumula na ang mga pisngi mo…” bulong nito sa kaniya.Napatitig lang siya rito. “Pwede mo na bang ibigay sa akin ngayon ang cellphone ko? Gusto ko lang tawagan ang kapatid ko.” “Hindi pwede. Ako na lang ang bahalang magsabi sayo ng mga balitang makukuha ko.” Napasimangot na lang si Candice. Wala siyang magawa laban dito. Ni hindi man lang siya nito bigyan ng pagkakataon na makausap niya ang kapatid niya lalo na at baka nag-aalala na rin ito sa kaniya. Napa buntong hininga na lang siya sa inis niya. Pero kahit na mainis pa siya ay wala naman siyang magagawa.“Halika na nga lang rito.” sabi ni Luke at bigla siyan

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK3: Chapter 36

    MABILIS na napailing si Candice. “Of course not! Kailanman ay hindi ka nawala sa puso at isip ko.” sagot niya rito.“Then, kung ganun naman pala ay hindi mo kailangang isipin ang ibang tao. Ang importante ay ako at ikaw, tayong dalawa. Ang nararamdaman natin para sa isat-isa, naiintindihan mo ba?” Kung iisipin ay parang napakadali lang ng lahat pero para sa kaniya ay isa lang ang ikinakatakot niya, ang maging dahilan na naman ng sakt sa buhay ni Luke. ayaw niyang mangako. Ayaw niyang umasa ito dahil baka hindi niya iyon kayang tuparin na buong buhay niyang pagsisisihan. Hindi siya sumagot. “Fine. hindi kita pipilitin but please… hayaan mo akong tulungan ka okay? Hayaan mo akong samahan ka sa laban mong ito. Sasamahan kitang harapin ang lahat ng ito.” muli siya nitong hinalikan sa kanyang noo. ~~~~~NANG magising si Candice kinabukasan ay medyo wala siya sa mood. Matamlay din siya dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil na rin sa pag-aalala niya sa kapatid niya. Kahit na

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK3: Chapter 35

    SANDALI itong naging tahimik at nakatingin lang sa kaniya. “Ganun mo na ba talaga siya kakilala?” hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay may bahid ng pait ang bawat salita nito.Nag-iwas siya ng tingin. “Magkasama na kami noon pa, noong iwan kita at—” bigla siyang napatikom ng kanyang bibig dahil pakiramdam niya ay hindi tama ang nasabi niya. Na napasobra ang mga sinabi niya. “Gusto mo bang balikan siya? Gusto mo bang bumalik sa kaniya?” tanong nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.“Hindi ko gustong bumalik sa kaniya, gusto ko lang na iligtas ang kapatid ko.” “Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na tutulungan kitang iligtas ang kapatid mo? Hindi ko siya pababayaan.” muling sabi nito sa kaniya.“Huwag mo akong paasahin Luke. Alam kong wala kang ibang gustong mangyari kundi ang makaganti sa akin, ang pahirapan ako kaya imposible ang sinasabi mo.” “Candice, maniwala ka sa akin. I am telling you the truth…” Hindi siya sumagot. Alam nito kung anong nararamdaman niya k

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK3: Chapter 34

    PAGKATAPOS nilang mag-usap na tatlo ay lumabas na rina ng dalawa. Naiwan siya sa loob ng silid at tahimik na umupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang mukha ni Candice habang mahimbing na natutulog. Kahit ilang taon na ang umipas simula noong tailuran siya nito ay hindi na niya nagawa pang magmahal ng iba. Wala ng ibang babae pa ang nagpatibok ng puso niya at ngayong alam na niya ang totoo at alam na niya ng dahilan nito kung bakit nito ginawa iyon ay hindi na siya papayag pa na muli itong lumayo at mawala sa tabi niya. Hindi na siya papayag pa. Hinawakan niya ang kamay nito. “Huwag mo na ako ulit iiwan okay?” mahina niyang bulong bago siya yumuko at hinalikan ang noo nito. Wala siyang balak na gisingin ito dahil gusto niyang makapagpahinga ito ngunit huli na ang lahat dahil unti-unti na nitong iminulat ang mga mata. “Nagising ba kita?” tanong niya. Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kaniya ang inaantok pa nitong mga mata. Hinaplos niya ang ulo nito. “Gutom ka na ba? Gusto m

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 118

    DUMIRETSO KAAGAD si Lawrence sa pangalawang palapag ng club pagdating niya. Wala kasi siyang nakita na kahit anino ni Asha sa baba. Pagpasok pa lang niya doon ay mabilis na ang tibok ng kanyang puso. Isa pa ay binayaran niya ang isa sa mga waiter para lang malaman niya kung nasaan ang boss ng mga i

    last updateLast Updated : 2026-03-25
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Authors Note

    Hello po, alam kong nag-aabang pa rin kayo sa pagpapatuloy ng story ni Miri at Adam at opo, itutuloy ko pa rin po siya pero po sa ngayon sa isangvstory po muna ako mag-focus. Ang story po ni Sevi Alvaro, ang panganay na anak ni Asha at Lawrence. Baka gusto niyo pong basahin^^ FATED TO BE MINE po a

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 68

    MATIIM ang mga mata ni Adam na nakatingin sa kaniya naging dahilan para magsunod-sunod ang paglunok niya. “Ka-kailan ka pa nandiyan?” tanong niya rito habang mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone at umaasa na sana ay hindi nito narinig ang naging usapan nila ni Vanessa. Malamig ang mukha nito

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 69

    KINAUMAGAHAN ay sinubukan ni Miri na hanapin ang kanyang cellphone ngunit kahit na anong hanap ang gawin niya ay hindi niya ito makita. Kahapon ay wala naman siyang ibang pinaglagyan kundi tanging sa bedside table lang naman pero wala ito doon. Halos maikot na niya ng ilang beses ang kanyang silid

    last updateLast Updated : 2026-04-05
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status