NANG MATAPOS ang kanyang klase sa hapon ay nakatanggap siya ng text mula sa isang kasambahay sa mansyon na nagsasabi na si Lawrence daw ang susundo sa kaniya. Sinubukan niyang sabihin dito na hindi na siya kailangang sunduin nito ngunit ang sabi lang nito ay kanina pa raw ito umalis at tiyak daw na nasa labas na ito ng campus at naghihintay na sa kaniya.
Dahil dito ay nagmadali na siyang lumabas ng silid ngunit may biglang tumawag sa kaniya sa likuran niya. Nakita niyang nakatayo doon ang isa sa mga kaklase niya. “May kailangan ka ba?” tanong niya kaagad dito. Ayaw niya namang talikuran na lang ito basta-basta dahil baka sabihin nito na napakabastos niya naman masyado. Kitang-kita niya kung paano ito nag-alangan at pagkatapos ay napakamot pa ito ng wala sa oras sa kanyang ulo. “Uhm, ano. Gusto ko lang itanong kung sasama ka ba mamaya?” tanong nito sa kaniya. “Ah…” sabi niya at hindi niya alam kung paano sasagot dahil sa totoo lang ay hindi pa siya nakakapag-isip kung sasama ba siya o hindi. “Hindi ko pa alam e. Pinag-iisipan ko pa.” sagot niya na totoo naman. “Sumama ka please…” biglang sabi nito at pagkatapos ay bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya. Agad siyang nagulat at dahil doon ay dali-dali niyang hinila ang kanyang kamay mula rito. Mabilis naman itong humingi ng paumanhin sa kaniya. “Pasensya na. Hindi ko sinasadya.” sabi nito at puno ng paghingi ng paumanhin ang mukha. “Mauna na ako. Naghihintay na kasi ang sasakyan ko. Pasensya ka na.” sabi na lamang niya rito. “Aasahan ko na pupunta ka mamayang gabi.” sabi nito sa kaniya bago siya tuluyang tumalikod at isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya rito at tumakbo na patungo sa nakaparang sasakyan ni Lawrence. Wala itong ekspresyon nang pumasok siya sa loob. “Hindi ko alam na may nilalandi ka na pala rito sa paaralan. Kapag nalaman ni Daddy ang tungkol dito, ano na lang kaya ang sasabihin niya sayo?” malamig na tanong nito sa kaniya. Hindi naman siya makapaniwalang napabaling dito at bahagyang nagulat dahil sa sinabi nito. “Mali ang iniisip mo. ang taong iyon ay—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lamang siyang pinutol nito. “Hindi mo kailangang magpaliwanag dahil wala akong pakialam at ayaw kong marinig.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan. Hindi na niya nagawa pang magsalita dahil sa banta nito. Tiyak na kapag sinubukan niya lang na magsalita pa ay mas lalo lang magagalit ito sa kaniya. PAG-UWI niya ay agad siyang dumiretso sa kanyang silid at halos inabot siya ng sampung minuto na nakatulala habang iniisip ang sinabi sa kaniya ni Ali at ni Bea. tama naman ang mga ito na halos wala siyang ibang kakilala at ni hindi man lang siya nakikihalubilo sa mga iba kaklase nila. Biglang pumasok sa isip niya na tutal naman ay malapit-lapit na rin naman siyang maka-graduate ay tama lang din naman siguro na i-enjoy niya rin ang teenage life niya bago pa man siya masubsob sa trabaho. Dahil dito ay dali-dali siyang bumangon at nagtungo sa mansyon. Hinanap niya si Don Lucio na natagpuan naman niya sa study room nito. Kumatok muna siya bago pumasok. Nakita niyang nilingon siya nito. “May kailangan ka ba hija?” masuyong tanong nito sa kaniya. “Uhm…” napahawak siya sa kanyang kamay at kinakabahan. “Pwede po ba akong magpaalam sa inyo na lumabas kasama ang mga kaklase ko?” maingat na tanong niya rito. Sa katunayan ay ito ang unang beses na nagpaalam siya rito na lalabas dahil hindi naman talaga siya pala-labas. Kitang-kita niya ang pagguhit ng isang matamis na ngiti sa labi nito at napasandal sa kinauupuan nito. “Masaya ko Asha na sa wakas ay naisipan mo ring lumabas kasama ang mga kaklase mo.” sabi nito sa kaniya bigla na ikinagulat niya. Hindi siya nakapagsalita at napatitig lang dito. Sa totoo lang ay nagulat talaga siya sa reaskyon nito. Ang akala pa naman niya ay mahihirapan siya sa pagpapaalam ngunit laking pagkakamali niya. “Alam mo sa totoo lang, gusto ko na gawin mo rin ang mga ginagawa ng ibang teenager kagaya mo. hindi yung puro bahay at eskwela ka lang. Tatanda ka lang ng hindi mo nai-enjoy ang buhay mo.” sabi nito sa kaniya. “Katulad ko, matanda na ako at hindi na makalabas pa dahil mahina na ang katawan ko.” dagdag pa nito. “Ano po ba kayo. Mas gusto ko naman pong alagaan kayo kaysa ang lumabas at magsayang ng oras sa labas lalo pa at napakalaki ng utang na loob ko sa inyo.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Manang-mana ka talaga sa nanay mo hija. Magkaparehong-magkapareho kayo.” muling sabi nito at pagkatapos ay binuksan nito ang drawer. Sa sumunod na segundo ay may inaabot na ito sa kaniya. “Ito, kunin mo.” sabi nito. Nang tingnan niya kung ano ang inaabot nito ay nakita niya ang isang black card na may golden plate. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na napailing. “Naku, hindi na po kailangan sir.” mabilis na pagtanggi niya rito. “Ano ka ba, huwag ka ng tumanggi pa hija. Tama lang ito.” sabi nito at pagkatapos ay inabot ang kamay niya at inilagay ito sa mga palad niya. “Sir hindi po talaga—” “Tanggapin mo na hija. Isa pa, tama lang na alagaan kitang mabuti para naman kahit papano ay makabawi ako sa mga pagkakamaling nagawa ko.” makahulugang sabi nito na ikinakunot ng kanyang noo. “Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay iniba na nito ang sinasabi nito. “Kung may gusto kang bilhin ay huwag kang magdalawang isip na bilhin iyon. Gamitin mo ang card na yan. Kahit na anong gusto mo.” sabi nito sa kaniya. “Ipapahatid kita kay Lawrence para siguradong—” hindi pa man nito natatapos ang sinasabi ay mabilis na niyang pinutol ito. “Hindi na po kailangan. Kaya ko naman pong pumunta doon.” sabi niya rito ngunit umiling ito. “Medyo tumataas ang krimen ngayon at hindi maganda na pabayaan ka lang mag-isang lumabas. Ipapahatid na lang kita sa driver para naman kahit papano ay maging panatag ang isip ko.” sabi nito. Wala na lang siyang nagawa pa kundi ang bumuntong-hininga. Alam niya sa sarili niya na wala naman siyang magiging laban dito kaya sa huli ay pumayag na lang siya. Atleast ay hindi si Lawrence ang maghahatid sa kaniya. Pagkatapos nito ay nagpaalam na siya at bumalik sa loob ng kanyang silid kung saan ay eksaktong tumawag naman si Ali sa kaniya. Masayang-masaya ito nang sabihin niyang sasama siya rito. Hiningi na lang niya ang lokasyon kung saan sila magkikita-kita para hindi siya maligaw at pagkatapos ay naligo na rin siya at nagbihis. Nang makabihis siya ay magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya sa totoo lang dahil first time nga lang niya iyon. …“Wala ka ba talagang balak sabihin sa pamilya mo Miri na nakauwi ka na?” tanong ng kaibigan sa kaniya.Agad naman na nagsalubong ang kilay niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit sana? Sila nga gumagawa ng desisyon na hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko ba.” inis na sagot niya sa kaibigan niya.“Pero kahit na. Kailangan mong sabihin sa kanila dahil panigurado kapag nalaman nila, lalong-lalo na ng Kuya mo ay baka kung ano ang gawin niya sayo.” concern naman na sabi pa nito sa kaniya.Bumuntong hininga na lang siya at pagkatapos ay dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupuan. “Aalis ako, lalabas. Gusto mo bang sumama na lang sa akin kaysa magngangawa ka diyan?”Napailing na lang ito. “Napakatigas talaga ng ulo mo Miri.” sabi pa nito.Hindi na lang siya nagsalita. Siya nga pala si Mirabella, Miri for short o sa mga taong malapit sa kaniya ay iyon ang tawag sa kaniya. Well, kakauwi niya lang galing sa Canada pagkatapos niyang grumaduate. Pagkatapos niyang grumaduate ay ag
BLURBADAMSON EZEKIEL “ADAM” GRAYANPaano kung ang planong pakikipaglaro sa kapatid ng taong kaaway nila ay maging makatotohanan? Paano kung mahulog siya rito ng hindi niya nalalaman? Maipagpatuloy niya kaya ang una niyang plano na gamitin ito para saktan ang kapatid nito?Hanggang saan siya dadalhin ng plano niya? Magtagumpay kaya siya o uunahin niyang paganahin ang puso niya at isasantabi ang unang plano niya? O mababaliktad ang lahat at siya ang paiikutin sa palad nito?
HINDI na nagdalawang isip pa na buksan ni Asha ang pinto, iyon na pala ang rooftop ng hotel. Halos hindi siya makagalaw ng makita niya ang nasa kanyang harapan at pakiramdam niya ay para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Napakaraming bulaklak na napapalamutian ng naggagandahang ilaw. Mula sa kanyang kinatatayuan ay isang red carpet ang nakalatag.Sa isang banda ay may violin na nang eksaktong buksan niya ang pinto ay nag-umpisang tumugtog ng napakalamyos na musika. Angkop na angkop sa napaka romantikong kapaligiran. Sa gitna ay may mesang nakahanda.Agad na nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay nakita niya si Lawrence sa harapan niya at marahil sa matinding pagkagulat ay hindi na niya alam pa kung saan ito nanggaling. May dala itong napakalaking bouquet ng bulaklak. Ilang sandali pa ay tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig. Ang sabi nito ay hindi pa tapos ang inaasikaso nito sa opisina. Sumama pa naman ang loob niya pagkat
MAKALIPAS ang isang oras ay naroon pa rin siya sa sofa at nakaupo. Hindi pa rin siya gumagalaw. Kinakain siya ng napakaraming what ifs at parang tanga na nag-iimagine ng kung ano-ano. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya dahilan para mahila siya mula sa mga kung anong iniisip niya. Nang pulutin niya ito ay nakita niya na si Lawrence pala ang tumatawag kaya mabilis niyang sinagot ang tawag. “Anong problema? Tapos na ba ang kailangan mong gawin?” tanong niya kaagad dito.“Gusto mo bang puntahan ako? Baka kasi gabihin ako e.” sabi nito sa kaniya.Bigla siyang nalungkot. “Kung gagabihin ka rin naman pala ay uuwi na lang ako. Okay lang ba sayo?” tanong niya rito.“Tinatanong kita kung gusto mo ba akong puntahan ngayon.” muling sabi nito sa kaniya dahilan para mapapikit siya ng mariin.“Hindi na. Inaantok na rin naman ako.” sabi niya rito. Nagsinungaling na lang siya dahil ang totoo ay nadismaya na siya. Siguro ay talagang sa ibang pagkakataon na lang sila magkakasam
DAHIL nga may mga damit pa naman siyang naiwan sa condo ni Lawrence ay hindi na kinailangan pa ni Asha na umuwi para lang magbihis. Isa pa, alam din naman ng Daddy ni Lawrence na doon siya natutulog paminsan-minsan at hindi naman ito nagagalit. Idagdag pa na mas natutuwa pa nga ito at palaging sinasabi na gusto na nitong magkaapo.Naglinis lang siya ng katawan niya sandali at pagkatapos ay nagbihis na at habang nasa harap ng salamin ay bigla na lang lumapit si Lawrence sa kaniya at niyakap siya mula sa kanyang likuran. Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat at pagkatapos ay hinalikan siya nito doon. “Asha…” mahinang tawag nito sa pangalan niya.“Hmm?” kaswal na sagot niya naman haban nakatingin dito sa salamin.“Sobrang namiss talaga kita, alam mo ba yun?” mahinang tanong nito sa kaniya.Natawa na lang siya. “Ano ba yang pinagsasabi mo? Isa pa, bitawan mo nga ako. Akala ko ba ay aalis tayo?” tanong niya rito at pilit itong itinutulak ngunit hindi siya nito binitawan.“Miss na miss
APAT na buwan ang mabilis na lumipas. Dahil na nga rin naging busy si Asha sa kanyang pag-aaral ay hindi na nila napag-usapan pa ni Lawrence ang tungkol sa kanilang relasyon lalo pa at naging busy din naman si Lawrence sa mga trabaho nito. Ang totoo nga ay halos isa o dalawang beses na lang sila magkita sa isang linggo at kung minsan ay hindi pa sila nagkikita. Nag-uusap naman sila sa cellphone kahit papano.Hindi na rin siya napilit nito na sa mansyon o sa condo nito siya tumira dahil mas pinili niyang sa sarili niya na lang condo pumirmi dahi mas malapit din naman talaga iyon sa university. Malapit na rin naman ang kanilang graduation, sigurado siya na kapag naka-graduate na siya ng tuluyan ay pipilitin na siya ni Lawrence na tumira sa condo nito.Sa nakalipas na mga linggo ay naging hectic pareho ang schedule nila at napag-usapan nila na susunduin siya nito sa university paglabas niya. Isa pa, palagi rin itong umaalis ng bansa para asikasuhin ang ilang mga bagay.Paglabas niya pa l