LOGINIYON ANG unang pagkakataon na nakita niyang sumigaw si Lawrence sa harap ng ama nito. Matatalim din ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya at kung nakamamatay lang ang mga tingin nito ay tiyak na kanina pa nga siya nabulagta sa sahig.
Alam niya sa sarili niya na hinding-hindi magagawa ng kanyang ina ang ibinibintang nito. Hindi dahil sa sama ng loob kung bakit pumanaw ang ina nito kundi dahil sa malubhang sakit. Tinapunan nito ng tingin ang ama. “Kung ipipilit nito talaga ang gusto niyo ay sige. Papayag ako, pero keep in mind na hinding-hindi ako magpapakabait sa babaeng yan.” mariing sabi nito at pagkatapos lang nitong sabihin ang mga iyon ay dali-dali na itong lumabas. Sinundan nito ng tingin ang papalayong pigura ni Lawrence at pagkatapos ay biglang napahilot ng wala sa oras sa sentido nito. “Pagpasensyahan mo na sana Asha ang anak ko.” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya. “Okay lang po. Sanay na ako.” sabi na lamang niya dahil totoo namang sanay na siya. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay palagi na lang itong nagagalit sa kaniya kapag nakikita siya nito. “Yun lang ang sasabihin ko. Baka may gagawin ka pa.” sabi nito pagkalipas ng ilang sandali. “Sige po, mauna na po muna ako.” sabi na lang din niya at pagkatapos ay tumayo na upang bumalik na muli sa kanyang silid na nasa likod ng mansyon. Kaya lang, nang nasa kusina na siya at patungo na sa pinto palabas ay bigla na lamang siyang hinila ni Lawrence at dinala sa bodega na naroon din. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso kaya hindi niya maiwasang hindi mapadaing sa sakit. “Lawrence, bitawan mo ako…” pakiusap niya rito ngunit sa halip na bitawan siya ay bigla na lamang siya nitong itinulak sa dingding kaya napasandal siya rito. Hindi pa siya nakakagalaw nang bigla na lang nitong iharang ang mga braso nito sa magkabila niyang balikat at pagkatapos ay hinawakan ang kanyang baba. “Sabihin mo kay Daddy na ayaw mong magtrabaho sa kumpanya.” sabi nito kaagad sa kaniya. “Pwe-pwede naman nating pag-usapan ito ng maayos hindi ganito.” nauutal na sabi niya rito dahil magkahalong takot ang kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. “Sino naman ang tangang makikipag-usap ng maayos sayo?” inis na tanong nito sa kaniya. “Kaya mo ba ako hinila rito para lang sabihin sa akin ang mga iyan?” may hinanakit na tanong niya rito. Nakita niya naman ang pagtaas ng kilay nito. “Bakit? Anong inaasahan mo?” magkasalubong ang kilay na tanong nito. “Ang kapal mo naman para mag-isip ng kung ano. Alam mo, kahit na maghubad ka sa harapan ko ay hinding-hindi ako maapektuhan. Baka ni isang balahibo sa katawan ko ay hindi man lang tumayo.” mariing sabi nito na punong-puno ng pangungutya. Awtomatiko namang napakuyom ang mga kamay ni Asha dahil sa matinding pang-iinsulto nito sa kaniya. Hindi niya rin tuloy maiwasang isipin na paano nga kung maghubad nga talaga siya sa harap nito at tingnan kung totoo nga ba talaga ang sinasabi nito o sinabi lang nito iyon dahil sa matinding galit nito pero sa huli ay hindi siya gumalaw at hinayaan niya lang itong sabihin ang lahat ng gusto nitong sabihin. Hanggang sa hindi na rin ito nagsalita pa at ginamit niya ang pagkakataong iyon para makaalis doon at dali-daling tumakbo patungo sa kanyang silid. Pagkasara pa lang niya ng pinto ay nag-unahan nang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Wala talaga itong kasing lupit at talagang napakawalang puso talaga nito. Kung siya lang ang tatanungin ay gusto na lang sana niyang umalis sa bahay na iyon para matapos na ang lahat ng paghihirap niya pero paano niya iyon gagawin? Napakabait ni Don Lucio at ni hindi niya pa nababayaran ang utang na loob niya rito. Hindi na siya lumabas pa ng kanyang silid ng araw na iyon at nagmukmok na lamang doon. ~~~ HABANG nakatulala siya sa loob ng kanilang classroom kinabukasan ay bigla na lang siyang nakaramdam ng isang kalabit mula sa kanyang likuran. Nang ibaling niya ang kanyang ulo ay nakita niya si Ali na nakangiti sa kaniya at sa tabi nito ay si Bea. kaklase niya ang mga ito at masasabi niya na kahit papano ay medyo close niya naman ang mga ito. “May problema ba?” kaagad niyang tanong sa mga ito. “Ano kasi, nagkayayaan kami ng iba nating mga kaklase na mag-bar. Gusto mo bang sumama?” nakangiting tanong nito sa kaniya. Agad na nagsalubong ang ka niyang mga kilay at pagkatapos ay marahang umiling. “Naku, hindi ko alam. Ano kasi—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lamang siyang pinutol nito. “Ano ka ba naman Asha. ang tanda-tanda mo na, isa pa ayaw mo ba nun? Makakakita ka ng ibang tao at tiyak na mag-eenjoy ka rin.” mabilis na sabi nito. “Kaya nga, ano ka ba naman. Paminsan-minsan lang naman iyon e. Sa tagal-tagal na nating mga magkaklase, hindi ka pa namin nakaka-bonding kahit na minsan lang.” segunda naman kaagad ni Bea. “tyaka kailangan mo ring makipagkilala sa iba.” dagdag pa nito. Hindi siya sumagot sa halip ay nagyuko na lamang siya ng ulo. “Ano, sama ka?” untag nitong muli sa kaniya ay nang lingunin niya ito ay nakangiti ito sa kaniya. Maging si Bea ay naghihintay ng sagot niya. “Pwede bang pag-isipan ko muna?” tanong niya rito pagkalipas ng sandali. “Sige, tatawagan nalang kita mamaya. Nasa akin naman ang number mo.” sabi na lamang din nito na ikinatango niya lang naman. …NAPABUNTONG-hininga na lang si Vanessa dahil sa sinabi ni Miri. napasulyap ito sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa na kanina pa tunog ng tunog. “Bakit hindi mo sagutin yang cellphone mo? Kanina pa tunog ng tunog.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti lang siya rito at umiling. “Para ano? Para sermonan lang niya ako?” balik niyang tanong sa kaibigan.Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nitong muli. “Hindi talaga kita maintindihan Miri. masyado mong ipinapahamak ang sarili mo.” napailing na lang ito.Alam kasi nito na magagalit na naman si Adam sa kaniya kapag nalaman nito ang ginawa niya. Ginagawa niya lang naman iyon para malaman nito na kahit may nararamdaman siya para rito ay hinding-hindi siya magpapakontrol. Gagawin pa rin niya ang lahat ng gusto niya. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nagsilapitan ang mga lalaking binayaran niya sa kanilang mesa. Sinubukan siyang kausapin ng isa ngunit mabilis siyang tumanggi. “Gusto mo bang dalhin kami sa ibang lugar Miss?” tanong nito sa ka
KAGABI ay sa kwarto ni Miri natulog si Adam ngunit pagkagising nito ay kaagad itong nagbihis para magtungo sa kumpanya. Pagkaalis ni Adam ay kaagad din siyang nagbihis para magtungo sa condo ni Vanessa dahil ayaw niyang makasalamuha ang babaeng iyon. Baka mag-away lang silang dalawa kaya siya na lang ang iiwas. “Ano?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Vanessa nang marinig nito ang sinabi niya. “Nababaliw ka na ba talaga Miri? Anong pumasok sa isip mo at sinabi mo iyon sa kaniya?” nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya pagkatapos ay napatampal na lang sa noo. Para itong problemadong-problemado sa sinabi niya idagdag pa ang mabigat nitong paghugot ng malalim na buntong hininga.Huminga siya ng malalim at tumingin sa kanyang kaibigan. “Vanessa, huminahon ka nga okay?” Sinamaan siya nito ng tingin. “Sa tingin mo paano ako hihinahon?! Miri ang sabi ko sayo ay dumistansya ka sa kanya para hindi ka mahulog lalo sa kaniya diba? Umuo ka pa nga sa akin e diba?” Napakagat labi siya
HALOS kalahating oras ang lumipas ay bumukas ang pinto ng silid ni Miri. pumasok si Adam na may hindi maipintang mukha. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan nito at ng ama ngunit kung ang mukha nito ang pagbabasehan niya ay mukhang hindi maganda ang kinalabasan. Bumuntong hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. “Dito siya titira ng isang buwan.” sabi nito sa kaniya. “Saan ang magiging kwarto niya?” tanong niya rito. “Sa third floor.” mabilis na sagot nito kung saan ay hindi siya nakamik nang marinig niya ang sinabi nito.Ang third floor ang pinaka-off limits sa lahat ng palapag sa bahay na iyon. Nakapunta na siya doon pero wala pa yatang limang beses ngunit nang marinig niya na doon ito magkakaroon ng silid ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis. Ngunit kahit na ganun ay nanatili siyang tahimik. Idagdag pa na alam naman niyang wala siyang karapatan na magreklamo. Nang dahil sa pananahimik niya ay muli itong nagsalita. “Ayoko sana kaso pinilit ako ng Daddy k
ISANG mahabang buntong hininga ang narinig niyang pinakawalan ni Adam habang nakasunod ng tingin sa ama. Pagkatapos ay napatingin sa babaeng nasa harap nito, ang mga mata nito ay halatang puno ng pagkamuhi at kahit na hindi nito sabihin sa kaniya ay alam niyang may galit ito sa babae, marahil ay may malalim itong dahilan.Sa kabila ng pagkamuhi sa mga mata ni Adam ay nanatili pa ring nakangiti ang babae at para bang wala lang iyon dito. Kung siya siguro iyon ay baka kanina pa siya nagtatakbo habang umiiyak pero ito ay iba. Ilang sandali pa ay muling humarap sa kaniya si Adam. “umakyat ka na doon at hintayin mo ako.” sabi nito sa kaniya.Kaagad naman siyang ngumiti rito at mabilis na ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito bago niya hinalikan ang pisngi nito. Ginawa niya iyon para inisin ang babaeng nasa harapan nila na halatang-halata naman na may gusto ito kay Adam. “Bumalik ka kaagad ah?” malambing na tanong niya rito.Tumaas lang naman ang sulok ng labi nito at lumapit sa kaniya bag
BANDANG hapon ay bumaba si Miri mula sa kanyang silid dahil buryong na buryong na naman siya dahil nakakulong lang siya sa kanyang kwarto. Si Adam naman ay nagkulong sa study nito dahil may mga kailangan itong gawin marahil tungkol sa mga negosyo nito at hanggang sa mga oras na iyon ay hidni pa rin ito lumalabas doon simula pa kaninang umaga. Nitong mga nakaraang araw kasi ay nakabuntot lang ito sa kaniya ng nakabuntot. Pagbaba niya ay agad niyang napansin na natataranta ang mga kasambahay. Ang ilan ay nakasilip pa sa pinto kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na lumapit sa pinto at makisilip din sa mga ito. Nakita niya na may isang mamahaling sasakyan ang pumarada sa harapan ng bahay. Agad na kumunot ang kanyang noo. “May bisita ba?” tanong niya sa isa sa mga ito.Nilingon siya nito. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. “Dumating po ang Daddy nila sir Adam.” sagot nito.Bahagya siyang nagulat dahil ang alam niya ay wala ng ama ang mga ito pero
ILANG araw ang mabilis na lumipas ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay nananatili pa rin sa kanyang isip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Nakapag-desisyon na siya noon na lalayo at didistansya na siya kay Adam ngunit habang lumilipas ang mga araw ay mas palalim lang naman ng palalim ang kanyang nararamdaman para rito.Nitong mga nakaraang araw ay kakaibang atensyon ang ibinigay sa kaniya ni Adam dahilan para mas mahulog pa siya rito lalo kaya ang tanong niya ngayon sa kanyang isip ay kung paano niya pa ngayon pipigilan ang kanyang nararamdaman? Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Akala niya noon ay hindi siya ganun kabilis na mahuhulog kay Adam. napakalakas pa noon ng loob niya na magsabi na hinding-hindi niya ito mamahalin ngunit halos lunukin niya ang lahat ng sinabi niya. Tandang-tanda pa niya ang eksaktong salita ni River sa kaniya noo. ‘Huwag na huwag kang maiinlove sa kaniya.’Noong mga panahong iyon ay hindi niya pa maintindihan kung bakit nito iyon sinab







