Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa bintana ng malaking master bedroom. Sa loob ng marangyang silid, nakahandusay pa rin si Charlie Fowler sa leather couch. Amoy alak, yosi, at kaplastikan ang paligid. Malalim ang tulog niya, kasabay ng malalim na pagkalunod sa ilusyon ng kapangyarihan at kontrol.Nasa tabi ng coffee table ang ilang bote ng mamahaling brandy na hindi na niya maalalang binuksan. Ang silk robe niyang Louis Vuitton ay nakaladlad sa sahig. Patay sindi ang TV sa background, paulit-ulit na nagre-replay ang footage ng press statement ni Ferdinand Santillan, at ang sunod-sunod na headline tungkol sa kaniya.“BREAKING: Arestuhin si Charlie Fowler? Sapat na ang ebidensya, ayon sa insider…”“CORRUPTION. MURDER. FRAUD. THE FALL OF FOWLER.”Biglang may kumatok sa pinto. “Open up! This is the police!”Napabalikwas si Charlie. Nanlalabo pa ang paningin. “What the hell—?”Nagsimula nang magsisigaw ang mga pulis sa labas. “We have a warrant for the arrest of Charlie Fowler! Open
Halos gumuho ang mundo ni Brandon nang makarating sa kaniya ang balita tungkol sa kumakalat na video ni Marga. Video iyon ng gabing naaksidente si Clinton—ang parehong gabing pinahuli ni Marga si Hari Heists. At ngayon, ginamit ang video bilang ebidensya para siraan si Marga. Kitang-kita roon kung paanong ginamit niya ang remote para kontrolin ang sasakyan, kung paanong paulit-ulit binangga sa pader ang kotse habang naroon si Hari, at kung paanong tila sinadya ang psychological torture.Hindi na siya makahinga. Ang mga daliri niya ay nanlamig habang paulit-ulit na pinapanood ang video na inakala niyang na-contain na nila noon pa. Personal niyang sinigurong hindi lalabas iyon sa publiko. Pero lumabas pa rin.Napabagsak siya sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina. Para siyang nilulunod sa sarili niyang galit at guilt. Sino ang gumawa nito? Sino ang may access? At—bakit?Bumukas ang pinto ng kaniyang opisina."Hindi ka pa rin nagbabago. Mahina ka pa rin pagdating sa babaeng 'yo
"Anak..." mahina ang boses ni Ferdinand. Para siyang naghahanap ng butil ng awa mula sa kanyang anak.Ngunit si Marga ay parang bulkan na sumabog."Don’t call me that," aniya, tinig ay nanginginig pero matatag. "Don’t you dare call me anak, after everything you’ve done."Napatingin si Ferdinand, hawak-hawak ang kanyang mga palad. "Marga, please. Give me a chance to explain—""Explain?" Napatawa si Marga, ngunit walang kasamang saya ang tawa. "You want to explain after years of letting me suffer alone? Years, Papa! Hindi mo alam kung ilang gabi akong humihiling na sana kahit minsan, piliin mo naman ako!" Umusad siya palapit, ang mga mata ay punong-puno ng luha ngunit matalim ang titig. "You made me feel like I was never enough. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Kahit anak mo ako, you made me feel like I didn’t matter."Hindi makatingin si Ferdinand. Para siyang tinutudla ng bawat salitang bitawan ng anak niya."You watched me suffer under Cathy’s hands! Hindi lang minsan, Papa. Pauli
Mainit ang hangin sa Maynila kahit gabi na, pero mas mainit ang kaba sa dibdib ni Marga habang binubuksan niya ang pinto ng kanyang condo unit. Katabi niya ang kanyang inang si Denn Corpuz—ang babaeng buong buhay niyang iniyakan, pinagdalamhati, at ngayon ay kasama niyang muli.Pagkabukas pa lang ng pinto, agad niyang napansin ang kakaibang katahimikan. Sa pagpasok niya, para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang dalawang lalaking hindi niya inaasahang magkakasamang naghihintay sa kaniya.Si Brandon, ang lalaking minsan niyang minahal nang buo pero siya ring sumira sa pagkatao niya.At si Clinton, ang lalaking naging kanlungan niya sa gitna ng pagkawasak.Pareho silang nakaupo sa kanyang sala. Si Brandon ay nakasuot ng itim na dress shirt, bukas ang unang dalawang butones, habang si Clinton ay nakaputing long sleeves na pinagsamang corporate at casual ang aura. Parehong seryoso ang mga mukha, parehong matalim ang mga titig. Halatang kanina pa naghihintayan, kanina pa nag
Tahimik ang gabi sa silid ng ospital. Tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang monotonous na beep ng heart monitor ang nagsisilbing musika sa paligid. Nakaupo si Marga sa gilid ng kama, nakayakap sa kumot habang nakatitig sa kawalan. Lumipas na ang ilang araw mula nang mailigtas siya ni Brandon mula sa kamay ng matandang si Rogelio Fowler. Pero kahit ligtas na siya, pakiramdam ni Marga’y nakakulong pa rin siya sa isang mundong punong-puno ng kasinungalingan at lihim.Napapikit siya, pilit na pinapatulog ang isip na punong-puno ng tanong. Ngunit bago pa man siya tuluyang lamunin ng antok, biglang nag-vibrate ang cellphone sa kanyang bedside table. Saglit niyang tinitigan iyon, may kaba sa dibdib. Who could be calling at this hour?Pagkasilip niya sa screen, napakunot agad ang kanyang noo. “Unknown Number.”Nag-aalangan man, pinindot niya ang green icon at dahan-dahang nilapit sa tainga.“Hello?” mahinang bati niya, bahagyang pabulong, para hindi magising ang mga nurse sa labas ng sta
Malamlam ang sikat ng araw na pumapasok sa bintanang may sheer curtains, tila pinaglalambingan ang sterile na puti ng dingding ng silid ni Marga. Dalawang araw na mula nang dalhin siya rito matapos ang madugong banggaan sa mansiyon ng mga Fowler, pero bawat segundo ay parang kasing-bigat ng isang taong kumakapit sa nalulunod na alaala.Nakaupo siya sa hospital bed, suot ang maluwag na powder-blue gown, bahagyang nakahilig habang marahang hinihimas ang tiyan. Walang ibang tunog maliban sa mahinang beep ng fetal monitor at ang pag-ikot ng ceiling fan. Huminga siya nang malalim—sinusubukang lunurin ang kalat na emosyon sa loob.Sa tabi ng kama, umilaw at nag-vibrate ang cellphone niya—isang unknown number. Napakunot ang noo niya, pinulot ang telepono, at nagbukas ng bagong message:Unknown: “We need to talk—before they do. 4 p.m. Sa lumang greenhouse.”Tumaas ang balahibo ni Marga. Walang signature, walang clue. Sino na naman ‘to? Cathy? Ferdinand? Charlie? She bit her lip, hinihimay kung