Third Person's Point of View
"Can I now get my wife?"
Napuno ng singhapan ang loob ng cafe dahil sa sinabing iyon ni Taylor. Ang iba ay napapatili. Ang iba ay napapanganga. Ang iba ay napapangiti na.
Lahat ng mga customers ay fans ng banda kaya nang makita si Taylor ay halos mapuno na ng tilian ang buong cafe. At napapatawa lang si Taylor doon.
"I'm sorry. As much as I want to laugh with you guys, I wanna take some time to be alone with my wife," wika pa ni Taylor na ngayon ay kinikindatan ang gulat at nakangangang nobya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? I told you that I'm busy," mahinang wika ni Kirstie sa lalaki habang tumatayo at inaayos na ang mga gamit para sumama na sa lalaki.
"Fetching you? It's my manager's idea. At mukhang magandang ideya naman na sinunod ko dahil sasama ka naman pala. Para tuloyng gusto nalang kitang solohin at hindi na ihahatid pa sa restobar na pinuntahan ng banda," wika pa ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie.
"Jessa, ikaw na muna ang bahala