Share

Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger
Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger
Author: Lunayvaiine

CHAPTER 1

Author: Lunayvaiine
last update Last Updated: 2025-03-22 22:16:24

"Choleen!" Sigaw ni Aling Martha sa pamangkin.

"Tyang naman daig niyo pa nakalunok ng mega phone ang lapit-lapit ko lang kung makasigaw naman kayo. Ano ba kasi iyon?" Napakamot naman siya sa ulo niya na kunwari walang alam.

"Ikaw na bata ka kailan ka ba magtitino hah! Diyos ko naman Choleen mamamatay ako ng maaga dahil sa'yo. Huwag kang magsisinungaling sa'kin alam ko ginawa mo kagabi. Ano bang nangyayari sa'yong bata ka hindi naman kita pinalaking ganiyan kung nabubuhay pa siguro ang iyong Ina paniguradong sinabunutan kana niya." halos ganito araw-araw ang scenario nilang mag-tiyahin.

Paanong hindi magagalit si Aling Martha nalaman lang naman niya na nakipag-basag-ulo ang pamangkin niya sa may perya sa bayan. Mula ng mamamatay ang mga magulang nito dahil sa aksidente tanging si Aling Martha na ang kumupkop at nagpalaki kay Choleen. Matandang dalaga si Aling Martha hindi na ito nag-asawa pa mula ng inalagaan niya ang pamangkin. Kahit pa sa kabila ng katigasan ng ulo nito ay mahal na mahal niya ito.

"Hindi nga po ako kasali doon. Oo nandoon ako sa perya pero hindi naman ako sumali sa gulo." Pagdadahilan niya.

"Ako, huwag mong pinagloloko Choleen kilala kita mula ulo hanggang paa. Ako nagpalaki sayo. Ang mabuti pa ay sumama ka sa'kin doon sa mansiyon ng mga Moris naghahanap sila ng katulong ipapasok kita doon tutal ayaw mo naman mag-aral mas mabuti pang tulungan mo nalang ako sa trabaho kaysa sumama ka sa mga barkada mo na laging nakikipagbasag-ulo."

Matagal nang plano ni Aling Martha na ipasok bilang katulong ang pamangkin. Nag-alangan lang si Aling Martha noong una dahil nga sobrang pasaway ng pamangkin niya ay baka kung ano pa ang gawin n'on sa mansiyon kung sakali. Pero ngayon ay desidido na siya para magtino na din ang pamangkin at maiwas sa gulo.

"Tyang naman ayoko doon. Sa ugali ni Madam Violet sa tingin niyo ba tatagal ako doon? Naku Tyang sinasabi ko sa inyo. Alam niyo naman na nakakatakot magalit si Madam violet." minsan na kasi siyang nasita ng donya noong sinama siya ni Aling Martha sa mansiyon.

"Wala si Madam Violet doon nagbakasyon sa Hawaii kasama si Ark."

"Tyang naman eh! Dito nalang po ako sa bahay eh sino ang magbabantay dito kung tayong dalawa magta-trabaho sa mansiyon." Pinipilit niyang maghanap ng dahilan para hindi siya isama ng tiyahin sa mansiyon.

"Buo na ang desisyon ko Choleen sasama ka sa akin bukas sa mansiyon."

Nagmamaktol siyang naglakad papunta sa kwarto niya. "Bahala kayo tyang ayoko talaga sumama doon."

"Huwag matigas ang ulo mo Choleen. Gusto mo yata mamatay ako ng maaga. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa'yo." Pasigaw na sabi sa kaniya ni Aling Martha habang nagliligpit ito ng mga gamit niya sa kwarto.

"Huwag naman Tyang ang bata ko pa iiwan niyo na ako ulila na nga ako sa magulang eh! Oo na sasama na ako. Nangungunsensya pa kayo eh" wala siyang magawa kahit ayaw niya sumama. Kung hindi lang niya matiis ang tiyahin ay talagang magmamatigas siyang hindi sumama.

-

MAAGANG umalis ng mansiyon si Archer ng bulabugin siya ng Ina nito. Naka-ilang tawag na ang Ina bago niya sinagot. At gaya ng nakasanayan niya sermon na naman ang narinig niya. Kahit wala sa mansiyon ang Donya ay talagang updated ito sa mga nangyayari kaya wala siyang rason para depensahan ang sarili sa Ina.

"Mom, inaantok pa ako mamaya na kayo mamulabog hindi pa nga tumilaok ang manok sermon agad!" Reklamo niya sa Ina sa kabilang linya.

"Archer Prye Moris! I'm warning you." alam niyang kapag ganiyan ang sinasabi ng Ina niya ay talagang kailangan na niyang kabahan.

Pakiramdam niya tuloy gigisahin siya kahit walang mantika. Pambihira, Inuuna kasi niya ang paglalandi kaysa unahin ang inuutos ng Nanay niyang may lahing amazona.

Napilitan tuloy siyang pumasok ng maaga sa opisina. Mag-aala sais pa lang ng umaga nang dumating siya. Sinalubong agad siya ng secretary niyang napa-aga din ang pagpasok.

"Maggie anong sched ko today?"

Napahinto siya ng 'di nagsalita agad ang sekretarya niya.

"Maggie, Nakikinig ka ba?" tanong niya

"Yes po ano kasi sir.. nasa office niyo po si Mr.Falcon. Mukhang kailangan niyo yata lumaklak ng baldeng kape sir. Iba ang aura ni Mr. Falcon pagpasok niya e." sabay kamot ni maggie sa ulo niya nag-aalangan pa ito.

Nagtataka naman siya kung bakit napaka-aga ni Mr. Falcon pumunta sa office niya pero naalala niya na kanina noong tumawag ang nanay niya dahil sa kapalpakang ginawa niya.

"No need, ayusin mo nalang ibang schedule ko for today."

"Hulaan ko sir, nasermonan na naman kayo ni Madam." kung hindi lang tumagal si Maggie sa kaniya ng ilang taon paniguradong matagal na niyang tinanggal ito sa sobrang daming alam. Daig pa nito ang stalker.

Hanggang sa nasanay na lang siya na ginaganoon ni Maggie.

Sa halip na sumagot ay tumungo nalang siya sa opisina niya kung saan nandoon si Mr. Falcon.

Pagpasok pa lang niya ay madilim na ang mukha ng ginoo sa kaniya.

"Mr. Falcon, ang aga niyo yata. Wala naman akong appointment sa'yo ngayong araw sa pagkakaalam ko."

"Huwag mo binibilog ang ulo ko Moris, alam mo ano ang pakay ko."

Nagpipigil ng inis si Archer. Alam niya kasing matigas din si Mr. Falcon. Hindi ito basta-basta makukumbinsi sa kahit anong idadahilan niya.

"Ginagawan ko na ng paraan Mr. Falcon sa katunayan ay may meeting ako later with the other investors. Ibabalik ko ang dapat ay para sa inyo. May new project din ako kaya wala po kayong dapat ipag-alala. About sa shares niyo no worries kayo pa din ang may malaking shares sa lahat ng investors. Sisiguraduhin ko po na malaki ang maibabalik sa inyo. Gaya ng napag-usapan at napagkasunduan natin after six months maibabalik ko na ang pinangako ko."

Sinuri niya ang reaksiyon ng matanda. Parang hindi pa din ito kumbinsido.

"I need my money now Moris. Mahaba na ang palugit na binigay ko sayo." Matigas nitong sabi sa kaniya.

Naikuyom niya ang palad gustong-gusto na niyang suntukin si Falcon. Talagang nagmamatigas ang matanda. Hindi pwedeng hindi niya ito makumbinsi dahil papatayin talaga siya ng nanay niyang amazona kapag hindi niya nagawan ng paraan ang kapalpakan niya.

Paano ba naman tinakbo ng isang investor nila ang perang dapat ay ibabalik niya kay Mr. Falcon. Hanggang ngayon ay hinahanap pa nila si Sanchez na siyang nagtakbo ng pera. Masyado niya kasing pinagkatiwalaan si Sanchez na matagal ng nagtatrabaho sa companya nila. Hindi niya alam na may personal na galit pala ito kay Falcon. Hindi niya pinaalam kay Falcon baka lalo lang siyang gipitin. Milyon-milyon ang tinakas na pera ni Sanchez kaya kailangan niyang mabawi at magawan ng paraan para maibalik kay Falcon ang pera.

"Just give me six months Mr. Falcon I'll assure you maibabalik ko ng buo ang pera niyo walang labis, walang kulang."

"Kung hindi ko lang kaibigan ang lolo mo ay hindi kita pagbibigyan. Pero huli na ito Moris. Kapag hindi mo naibalik ang pera sa akin pasensyahan nalang tayo kukunin ko ang shares mo sa companya sa ayaw mo at gusto. Kapalit iyan kung sakaling hindi mo maibalik ang pera ko within six months." Matapos niya itong makumbinsi nag-iwan pa ito ng pagbabanta.

Nasuntok niya ang mesa nang makalabas na si Mr. Falcon.

"Isa kang hangal Falcon.."

Samantala, dumating na sa mansiyon si Aling Martha at Choleen.

"Aling Martha nandiyan na pala kayo." salubong ni Sandra sa kanila.

"Nandiyan ba si Senyorito Archer?"

"Naku Aling Martha maagang umalis. Parang napagalitan yata iyon ni Madam kasi hindi maipinta ang mukha nang umalis e." talaga namang tsismosa itong si Sandra. Nagtanong lang kung nandiyan ba ang amo nila e daig pa ang reporter kung makapaghatid balita.

"Nga pala ito ang pamangkin kong si Choleen magkasing-edad lang kayo. Ipapasok ko siya dito bilang katulong nasabi ko na din naman kay Senyorito ang tungkol sa kaniya."

"Hi Choleen, mabuti naman at may makakasama na akong ka-edaran ko." panunukso niya sa matandang si Martha.

"Tigilan mo ako Sandra. Maglinis ka na nga doon. Baka maabutan pa tayo ni Senyorito rito pareho tayong malalagot."

"Sumunod ka sa akin Choleen doon ka muna sa kwarto ko. Hintayin nalang natin si Senyorito kung saan ka niya e-assign. Tandaan mo ang sinabi ko sa'yo huwag na huwag kang gagawa ng kahit anong pwedeng ikagalit ni Senyorito." paalala ni Martha sa pamangkin.

Matapos ayusin ni Choleen ang mga gamit niya saka siya lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.

"Tyang? Nandiyan ba kayo?" dahan-dahang pumasok si Choleen sa kusina pero walang tao roon. Gutom na gutom na siya kaya naisip niyang maghanap nalang ng pagkain roon.

Dahil hindi siya marunong magluto, wala siyang choice kundi ang kumain nalang ng pagkaing de lata.

Habang abala siya sa paghahanda ng pagkain niya..

"Sino ka? Paano ka nakapasok sa pamamahay ko!" halos mapatalon naman siya sa gulat.

"Ay kabayong walang buntot!" halos mapatalon siya dahil sa gulat saka lumingon. "Ako po ba tinatanong niyo?" palingon-lingon pa siya.

"Sino pa ba? Wala ka naman sigurong ibang nakikitang tao bukod sa akin. Now answer my question, who are you? Paano ka nakapasok dito." seryosong tanong ni Archer. Titig na titig siya kay Choleen sinusuri niya mula ulo hanggang paa.

Sa isip niya mukhang desente naman ito manamit, mukha namang hindi magnanakaw pero bakit nasa loob ito ng pamamahay niya at sa kusina niya ito naabutan kung saan kumukuha ng pagkain.

Magsasalita na sana si Choleen nang biglang pumasok ang tyahin niya.

"Naku! Senyorito pasensya na kayo sa pamangkin ko."agad naman siya nilapitan ni Aling Martha.

"Ahh, siya ho ba iyong sinabi niyong pamangkin na ipapasok niyo bilang katulong?"

"Siya nga po Senyorito, ang totoo niyan ay kanina ko pa po kayo inaantay itatanong ko ho sana kung saan niyo e-aassign si Choleen."

"Sa Miera Grande siya ma-assign Nay Martha. Kailangan ko ng tao doon dahil may bago akong itatayong hotel katabi ng Miera Grande Resort." tumango lang ang matanda.

Nang nasa kwarto na ang mag-tyahin ay saka pinaalam ni Choleen na ayaw niyang malayo sa tyahin niya. Alam niyang malayo ang Miera Grande sa Hacienda Corazon kung saan naroon ang mansiyon ng mga Moris.

"Hindi pwedeng hindi ka pumunta doon. Dadalawin nalang kita tuwing day off ko. Hindi ka naman nag-iisa doon madami kang makikilala at saka sasamahan ka naman ni Senyorito ihahatid ka niya roon. Siya sige na tapusin na natin ang pagligpit ng gamit mo maaga pa kayong aalis. Basta tandaan mo lagi ang bilin ko magpapakabait ka doon."

Gustong maiyak ni Choleen dahil wala na talaga siyang magagawa. Unang kita pa lang niya sa amo niyang si Archer ay nakitaan niya agad ito ng hindi pagkagusto. Iyong tipong hindi paman din siya nagsisimula sa trabaho niya ay pakiramdam niya mahihirapan na siya. Paano pa kaya kung araw-araw niya itong makakasama kasi ang sabi ng tyahin niya ay doon muna mananatili sa Miera Grande ang binata hanggang sa matapos ang proyektong gagawin nito.

Parang ngayon palang ay gusto ng sumuko ni Choleen ay piliin nalang na umuwi sa probinsya nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 21

    Kaagad na pumwesto si Choleen sa gilid katabi ng upuan ni Maggie. Kapag tinawag na ang pangalan ni Maggie saka lang ito aakyat sa mini stage na ginawa ng agency para sa mga guest speaker. In behalf of Archer ay si Maggie ang mag-oorient sa mga maa-assign sa Siera Grande Hotel.Gaya ng sabi ni Maggie ay kailangan makinig ni Choleen para may idea siya kapag nag-open na ang Hotel. In less than two months ay mag-oopen na ang hotel officially. Kaya minadali nila ang paghi-hire ng mga trabahante para mapaghandaan ang nalalapit na re-opening ng Hotel. Sakto din na uuwi ang mga magulang ni Archer pati iba niyang mga kapatid. Isasabay sa opening ng Hotel ang kaawaran ng namayapa nilang kapatid na si Siera. "Maggie, kailangan ba talaga akong sumali dito pwede mo naman bigay nalang sa'kin mamaya 'yang papel para basahin ko nalang.""Bakit ba? diyan ka lang ah! binilan ka sa'kin ni Sir, saka kahit basahin mo itong nasa papel hindi mo pa rin maiintindihan kasi kailangan ko pa itong e-explain isa-

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 20

    Ayaw naman talaga sumama ni Choleen mas gusto pa niya maglinis na lamang ng kubo kaysa makasama ang amo niya lalo na si Maggie na panay pang-aasar lang ginagawa sa kaniya. Kaso hindi naman siyang pwedeng humindi sino ba siya para hindian ang amo niya. "Choleen oh, chips baka mapanis 'yang laway mo diyan ang tahimik mo kasi." ani Maggie sabay abot sa kaniya ng pagkain.Kinuha nalang niya ito at di na nagsalita ba baka kapag nagsalita siya ay abutin na naman sila ng syam-syam bago matapos mag-usap. "Ah, sir tapos na po ang hiring para sa mga magiging staff at maids niyo sa hotel. Kailangan nalang po ng orientation para makakuha na sila ng requirements. Required po sa agency na makipag-usap kayo sa mga bagong hire. Para makilala din nila kayo pero if ayaw niyo naman humarap sa kanila, pwede naman po ako nalang ang kakausap kung okay lang sa inyo?" narinig niyang sabi ni Maggie kay Archer.Nakikinig lang siya sa pag-uusap ng dalawa habang ngumunguya ng chips na binigay ni Maggie."Ikaw

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 19

    Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Choleen, binabangungot na naman siya. Hindi niya talaga malaman kung bakit may mga napapaginipan siyang mga kakaiba, na para bang nangyare na sa kaniya noon. Pero hindi niya talaga maintindihan. May napapaginipan siyang nag-sasayaw siya sa maraming tao nang nakahubad, salawal lang ang nakatakip sa katawan. Mayroon ding nakikipag-talik siya sa isang lalaki na hindi niya maaninag ang mukha. Pilit niyang inaalala kung nangyare ba talaga iyon, ginawa niya ba talaga iyon. Ang huli niya lang natatandaan ay nasa hospital siya, nagising nalang siya isang araw na madami ng nakakabit na mga aparato sa katawan niya. Ang kwento ng Tiyang Martha niya ay hindi niya matanggap ang nangyare sa mga magulang niya kaya pinagtangkaan din niyang tapusin na lang ang buhay niya at sumunod sa mga magulang. Sinabi rin sa kaniya na nagkaroon siya ng PSTD kaya kailangan niyang ituloy ang pagpapagamot. Nag-overdose siya ng mga gamot kaya nahospital siya. Hanggang doon lan

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 18

    "Sir ang kulet ng bago niyong katulong ah, infairness bet ko siya ang bait." narinig niyang sabi ni Maggie nang bubuksan na sana niya ang pinto. "Oh! bakit sumama bigla ang mukha niyo?" muling nagsalita si MaggieNagdesisyon siyang pakinggan ang pinag-uusapan ng amo niya at ni Maggie baka mamaya ay may masamang sabihin ang amo niya laban sa kaniya."Huwag ka muna mamangha sa ugali niya hindi mo pa siya kilala, ilang minuto mo pa lang siyang nakakausap. Baka sa susunod na araw kainin mo iyang sinabi mo."Gusto ng suntukin ni Choleen ang pinto dahil sa sinabi ng amo niya. Tama nga ang hinala niya wala talagang magandang sasabihin ang amo niya patungkol sa kaniya. 'Masyado kang judgemental Senyorito, tingnan lang natin kung kaninong salita ang kakainin mo.'Habang nakikinig sa dalawa. Minumura naman niya ang amo sa isip niya. Sinarili nalang muna niya ang inis niya, nakakahiya sa bisita kung papatulan niya ang amo niya. Ayaw ng isipin ni Maggie ng tama ang mga sinasabi ni Archer pa

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 17

    "Hi? Ikaw ba si Choleen?" napalingon siya nang may biglang magsalita."Ha? ah oo ako nga? Ano po kailangan nila?""I'm Maggie, secretary ni Sir Archer, ang sabi kasi ni sir ito raw ang magiging kwarto ko habang nandito ako pansamantala."Tinitigan niya ang babaeng kausap, sinuri niyang maigi ang kabuuan nito. Sinigurado niyang secretary ba talaga ito ng amo niya. Mahirap na baka nagpapanggap lang ito at baka isa ito sa mga babae ng amo niya."Ikaw talaga ang secretary ni Senyorito? Hindi ka niya babae o jowa?"Kumunot ang noo niya ng bigla itong tumawa ng malakas. Hindi niya inaasahan iyon kaya gan'on nalang ang gulat niya."Sorry hindi ko sinasadyang tumawa. Alam mo expected ko na talaga 'to! hindi na bago sa'kin ang ganiyang tanong."Napangiwi na lang siya sa naging sagot ng babae sa kaniya."Feeling ko magkakasundo tayo Choleen ang kulit ng tanong mo ah! ang witty mo d'on.""Ewan ko sa'yo, oh siya pumasok kana. Mabuti na lang at tapos na akong maglinis. Ayos ang dating mo saktong

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 16

    ( Present Time )Nagising si Choleen sa lakas ng pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Pumipikit pa ang mga mata niya habang dahan-dahang bumabangon. Nang tingnan niya ang oras mag-aalas singko pa lang ng umaga.Antok na antok pa siya ng buksan niya ang pinto. Tumambad sa harap niya si Archer na nangangamoy alak at lasing na lasing."Senyorito, naka-inom po ba kayo? amoy alak kayo?""Malamang, stupid! may amoy alak ba na hindi uminom?!" Huminga ng malalim si Choleen, ayaw niya makipagtalo sa amo. "Ano po ang kailangan niyo?""Ipagluto mo ako ng sabaw, saka pakikuha ako ng damit.""Sige po, magbibihis lang po muna ako." Nakapangtulog pa kasi siya at ayaw niyang lumabas ng naka-gan'on. Masyadong manipis ang suot niyang damit mabuti at madilim hindi kita ng amo niya ang kabuuan niya wala pa naman siyang suot na bra."Huwag kana magbihis dalawa lang naman tayong nandito.""Kahit na po, saglit lang po ito."Kaagad siyang tumakbo papuntang banyo. Iniwan niya si Archer na naka-sandal sa pinto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status