MAGHAPON lang na nagkulong si Kath. may mga inasikaso at binasa siyang mga papeles sa kanyang silid. Halos mag-aalas singko na nang hapon nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto ng kanyang silid. “Pasok.” sabi niya dahil wala siyang balak na lumabas.Bumukas ang pinto at sumilip si Nina doon. “May kailangan ka ba?” tanong niya rito kaagad habang nakataas ang kanyang kilay.“Ah, wala naman po ma’am Kath kaya lang ay may bisita kayo.” sabi nito.Mas kumunot pa naman ang kanyang noo nang marinig niya ang sinabi nito. Bisita? Sino naman sana ang bibisita sa kaniya e wala naman siyang kaibigan sa ngayon? Puno man ng pagtataka ay tumango na lang siya rito. “Sige susunod na ako.” sagot niya pagkatapos ay iniligpit na muna ang mga papeles na binabasa niya bago nagbihis ng damit. Naka kaswal lang kasi siyang pambahay at masyado iyong simple, nakakahiya naman sa bisita niya kung sino man iyon.Lumabas siya ng kanyang silid at pagkatapos ay naglakad patungo sa hagdan at pagbaba niya ay kaagad n
NAPAHILOT si Kath sa kanyang noo. Kagigising niya lang pero ramdam na ramdam na niya ang pananakit ng ulo niya. Paano ba naman, tinawagan siya ng kanyang ina kagabi at sinabi na uuwi sila ng bansa dahil na rin sa pakiusap ni Noah. gusto daw di umano nito na makasama ang mga anak niya kaya pumayag naman daw ito kaagad. Sa totoo lang ay bahagya pa ngang sumama ang loob niya dahil bakit ito pumayag kaagad nang hindi man lang sumasangguni sa kaniya kung papayag ba siya o hindi, pero sa huli ay umoo na lang din siya dahil ano pa nga ba naman ang magagawa niya? Wala na, lalo pa at nag-umpisa na silang mag-impake.Idagdag pa nang kausapin niya ang mga anak niya ay halata sa mga mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan at sino ba naman siya para ipagkait ang sayang iyon sa mga anak niya hindi ba? Wala din naman siyang ibang gusto kundi ang maging masaya ang mga anak niya kaya nga lang ay paano ang magiging sitwasyon nila ni Noah? Palagi na naman silang magkikita, paano kung sugurin na naman si
KANINA pa magkaharap sina Noah at Viviane, nagkakape ngunit wala ni isa sa kanila ang may gustong magsalita. Napakaraming gustong sabihin dito ni Viviane ngunit pinipigil niya ang sarili niya. Sa unang pagkakataon ay tuluyan na niyang nakaharap sa wakas ang lalaking ama ng mga apo niya. Ang lalaking dahilan kung bakit labis na naghirap si Kath.Galit siya rito, oo. Sino ba naman sana ang ina na hindi magagalit sa taong nanakit sa anak niya hindi ba?Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Noah bago niya ibinuka ang kanyang bibig. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan siya magsisimula at kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa ina ni Kath. tumikhim siya. “Sa-salamat po at pinayagan niyo akong makita ang mga anak ko.” umpisa niya.Nakita niyang nag-angat ito ng tingin at tumingin sa kaniya kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi nito. Ang mga mata nito ay puno ng panunuya habang nakatingin sa kaniya. “Sa tingin mo ba ay gusto ko na makita mo ang mga anak mo?” magaspang
ABALA sa binabasa niya si Kath nang bumukas ang kanyang pinto. Sinulyapan niya ito sandali at tinguan si Shaira na kapapasok lang. “Okay na po yung pag-iinstall ng cctv Miss Kath.” sabi nito sa kaniya. Kahit papano naman ay gumaan na ang pakiramdam niya dahil dito. “Mabuti naman kung ganun.” maikling sagot niya. Kung sana lang kasi ay noon niya pa nalaman na wala palang cctv doon. Napabuntong hininga na lang siya.Ilang sandali pa ay naramdaman niya na para bang nakatingin sa kaniya si Shaira kaya dali-dali siyang nag-angat ng ulo at tama ng ang hinala niya dahil nakatingin nga talaga ito sa kaniya. Napataas tuloy bigla ang kanyang kilay. “May problema ba?” tanong niya kaagad dito.Natigilan naman ito sandali at pagkatapos ay napuno ng pag-aalinlangan ang mukha nito kung magsasalita ba ito o hindi. “Ah, ano po kasi…” sabi nito.Sumandal siya sa kanyang kinauupuan. “Ano nga? Sabihin mo na.” giit niya.Napahugot ito ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita. “Nabalitaan ko po
HALOS padabog na binuksan ni Jessy ang pinto ng silid ni MElinda at hindi niya napigilang mapalingon dito sa labis na inis. “Ano bang problema mo huh? Wala ka bang kamay para kumatok?” inis na tanong niya rito. Dali-dali namang tumayo ang kanyang asawa mula sa kanyang tabi.Nasa umpisa na sila ng maganda sanang pangyayari ngunit napakagaling nitong tumayming at iyon ang kinaiinis niya. Agad niyang sinampot ang baso niyang nasa harapan niya may lamang alak at uminom. Hindi naman maipinta ang mukha ni Jessy at mukhang diring-diri sa naabutan.“Kadiri. Katatanda niyo na.” nandidiring bulalas nito at pagkatapos ay umupo sa may kama.Awtomatikong tumaas ang kilay niya. Ano namang nakakadiri sa pagtatalik? Isa pa, mag-asawa sila, anong mali doon? Porque ba matanda na sila ay hindi na pwede? Sino namang nagsabi na hindi na pwede? Wala namang batas na nagbabawal sa pagtatalik ng mga may edad na.“Ano bang ipinunta mo rito huh? Kung maggaganyan ka lang dito Jessy ay mas mainam na lumabas ka na
ILANG sandali pa ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Kath at iniluwa nito ang nakasimangot na si Jessy. Hindi nito kasama si Shaira. Mag-isa lang nitong pumasok doon. Agad na nagtaas ito ng kilay nang maglakad patungo sa harapan niya.“Ano namang dahilan mo para ipatawag mo ako ngayon dito ma’am?” tanong nito sa kaniya na puno ng panunuya at talagang ipinagdiinan pa ang salitang ma’am sa kaniya.Nagtagis ang mga ngipin ni Kath at pagkatapos ay ipinatong ang dalawang siko sa ibabaw ng kanyang mesa at itinakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig. Ang kanyang mga mata na nakatingin kay Jessy ay madilim. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Jessy. Siguro naman ay aware ka na may dadaluhan sana kaming bidding bukas at halos isang buwan mahigit iyong pinaghandaan ng lahat pero nasira lang ng napakabilis.” tuloy tuloy na sabi niya rito.Napahalukipkip ito at pagkatapos ay umupo sa sofa na nasa harapan niya na para bang kapantay lang siya nito at ni wala man lang paggalang. Sa halip