Gulat na napatingin ako sa hawak kong isang puting rosas na nakalagay sa ibabaw ng mesa ko. Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng ganito ngayong araw. Kasi iniisip ko na walang maglalakas loob na magbibigay sa'kin ng ganito pero nagkakamali ako.
Iisang tao lang kaya ang nagbigay nito o hindi?"Oh? Kanino na naman 'yan galing?" Gulat na tanong ni Vanessa nang makarating siya sa tabi ko. Walang kasamang sulat kaya hindi ko malalaman kung kanino 'to galing."Ewan ko," maikling sagot ko. Napatingin ako sa mga kaklase kong lalaki, wala naman akong napansing kakaiba mula sa kanila kaya paniguradong wala ni isa sa kanila ang nag-iwan nito rito."Sandra .." Tawag ko sa isa kong classmate. Lumingon naman ito agad at lumapit sa'kin."Bakit Thena? May kailangan ka?" Tanong nito bago ngumiti sa akin."Nakita mo ba kung sino ang naglagay nito rito sa mesa ko?" Napatingin siya sa hawak kong bulaklak at kaagad na napaisip. Sana nakita niya para makilala ko kung sino."Ahh 'yan, may nagpapabigay sa'yo niyan kanina kaso hindi ka pa naman nakarating dito kaya iniwan niya na lang d'yan after n'on umalis na siya," tugon niya.Nagkatinginan kaming dalawa ni Vanessa, hindi makapaniwala dahil sa sinabi niya. Sino naman kaya 'yon?"Nakilala mo ba kung sino?" Tanong ni Vanessa pero umiling bilang sagot si Sandra. Parang bigla akong nanlumo dahil sa sagot niya. Akala ko pa naman malalaman ko na kung sino."Pero kasama niyang pumunta rito 'yong varsity player na si Adrian. Sa tingin ko nga magkaibigan sila."Adrian Chua, ang varsity player for 2 consecutive years at team captain ng Red Eagle, at long time crush nitong kaibigan ko. Biglang nagningning ang mga mata niya nung narinig niya ang pangalan ni Adrian. Hays, in love na siguro 'to.Pero hindi ko kilala ang mga kaibigan ni Adrian at sa pagkakaalam ko lang nasa 3rd year high school na sila. Parang bigla akong naguluhan na hindi naman dapat."Ang pogi n'on, Thena, mas pogi pa kay Adrian," wika ni Sandra na ikinabusangot ng pagmumukha ni Vanessa."Sige, salamat Sandra," sagot ko at umalis na rin siya."Mas pogi pa raw kay Adrian, 'e siya lang naman ang pogi rito sa school," masungit na sambit ng kaibigan ko. Natawa na lang ako dahil sa reaksiyon niya. Si Adrian lang talaga ang pogi sa mga mata niya kahit na madami pang mas gwapo rito sa school bukod sa crush niya."Pero sino naman kaya sa mga kaibigan ni Adrian? Crush ko nga siya pero hindi ko alam ang pangalan ng mga kaibigan niya. Kasi 'di ba minsan lang din natin sila nakikita rito sa school? Ang lawak ba naman ng school natin."Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nalaman ko. Hays, dumagdag pa 'yan sa mga iniisip ko. Bakit kasi nauso 'yang Valentine's Day na 'yan? Nananahimik ako rito 'e tapos may nanggugulo pa. Ang pangit na nga ng gising ko mas lalo pang pumangit dahil sa mga nangyari ngayong araw.Lord, 'wag naman sana na buong araw mag-iisip ako dahil lang sa mga natanggap ko. Na appreciate ko naman pero bakit pinapahirapan pa niya 'ko na kilalanin siya? Hindi naman ako manghuhula, 'e."Anong plano mo? Kilalanin ba natin sila isa-isa o magpapa-search for Mr. Z na 'ko?" Aniya, med'yo natawa ako at kahit papa'no gumaan ang pakiramdam ko."Hayaan na lang natin, magpapakilala rin 'yon. Tara sa canteen, nagugutom ako."Bahala na, kung ayaw niyang magpakilala ng maayos, edi 'wag, hindi ko pipilitin tutal 'yan naman ang gusto niya. Pero kahit papa'no napasaya niya naman ako ngayong Valentine's Day.***"Nagutom ka naman 'ata sa kakaisip kung sino si Secret admirer mo? Nakadalawang siopao ka na at isang box ng cookies," wika ni Vanessa. Naitapon ko tuloy sa kan'ya ang tissue na hawak ko pero tinawanan niya lang ako."Hayaan mo na lang ako, 'e sa nagutom ako, alangan naman pigilan ko ang sarili ko na kumain," tugon ko bago uminom ng tubig. Hays, naiistress ako, ewan ko ba kung bakit?"Tama ba ang pagkakarinig ko? Secret admirer? You? Magkakaroon nun, imposible."Hindi na 'ko lumingon, sa boses pa lang alam ko na kung sino siya. Ang isa sa pinakakontrabida at mald*ta rito sa school. Lauren Estrella, ang isa sa mga nagpapahiya at sumisira ng buhay at pagkatao ko."Hoy! Tumigil ka nga, Lauren. Ikaw talaga nakikisali ka sa usapan ng may usapan. Maghanap ka nga ng kausap mo. Napaghahalataan talaga na tsismosa ka," galit na sambit ng kaibigan ko. Bigla siyang tumayo kaya tumayo na rin ako para pigilan siya."Why? Is it true naman, ah. Sino ang magkakagusto sa kan'ya? Huwag ka ngang assuming, Athena, hindi bagay sa'yo," nandidiri ngunit masungit na wika ni Lauren.Hindi ako nakasagot kasi tama naman siya. Sino ang magkakagusto sa isang mahirap at panget na kagaya ko? Wala, kaya nga nakapagtataka kung bakit may nagpapadala at nagbibigay sa'kin ng bulaklak."FYI, mas maganda pa sa'yo ang kaibigan ko. While ikaw, sa ugali ka na nga lang babawi, kinulang ka pa," masungit na sambit ni Vanessa na ikinagalit ni Lauren. At bigla na lang siyang sumugod pero napigilan siya ng mga kaibigan niya.Napatingin na sa amin ang lahat at naging maingay na rin ang paligid. Sa totoo lang nahihiya na 'ko at gusto ko nang lumabas para umiyak pero ayokong iwan ng mag-isa rito ang kaibigan ko."Oh ano? Magsasalita ka pa?!" Galit na sigaw ng kaibigan ko. Hindi sumagot si Lauren sa halip ay dinampot niya ang isang baso ng juice sa mesa at tinapon sa amin. Pero bago pa man matapunan ang kaibigan ko ay kaagad akong pumunta sa harapan niya.Nagulat ang lahat at biglang naging tahimik ang paligid dahil sa ginawa ko lalo na ang kaibigan ko. Hindi ako nagsisi, ayoko lang talaga na madamay si Vanessa sa galit ni Lauren."Ikaw, bruha ka talaga!" Galit na sigaw ni Vanessa pero bago pa man siya sumugod kay Lauren ay napigilan ko siya sa braso."Van, tama na! Hayaan mo na lang, tara na." At kaagad na 'kong lumabas ng canteen bago pa tumulo ang mga luha ko.Para akong basang sisiw at wala na 'kong pakialam kung ano man ang isipin ng mga nakakita sa'kin."Tsk! Ba't nagsuot pa 'ko ng kulay puti na damit? Hays, namantyahan pa tuloy," reklamo ko habang pinupunasan ng towel ang damit ko.Nandito ako ngayon malapit sa garden ng school. Dito ko naisipang pumunta pagkatapos ng nangyari do'n sa canteen. Ewan ko kung nasaan si Vanessa pero sa tingin ko hinahanap niya na 'ko ngayon."Mas importante pa pala sa'yo ang suot mong damit kaysa sa kalusugan mo?"Napatingin ako sa kung sino man ang nagsalita. Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko na siya.Lord, ang gwapo niya."Here, magpalit ka nang damit bago ka pa magkasipon," aniya sabay abot ng black na t-shirt. Napatingin lang ako sa hawak niya lalo na sa kan'ya."Tanggapin mo na, hindi ko pa 'yan nagagamit," wika niya bago ngumiti sa akin.Diyos ko mas lalo siyang pumogi nang ngumiti na siya."Salamat dito sa damit," sagot ko matapos kong tanggapin ang inabot niya."You're welcome, by the way I'm Zander."Bigla akong natameme sa kan'ya.Zander? Letter Z?Siya na kaya ang secret admirer ko?Akala ko noon wala ng lalaking magkakagusto sa akin, sa kadahilanang hindi naman ako kapansin-pansin, walang appeal sa mata ng mga lalaki, at hindi gaanong kagandahan pero hindi ko akalain na may isang lalaking palihim na nagmamahal sa akin. Ang lalaking kailanman hindi ko hiniling sa panginoon ngunit kusa niyang ibinigay sa akin. At ang lalaking sobra-sobrang nagmamahal sa akin.Marami mang mga pagsubok ang dumating sa mga buhay namin pero sa huli kami pa rin palang dalawa ang magkakataluyan, at magsasama habambuhay. At wala na 'kong ibang mahihiling pa kundi ang maging masaya kasama siya at maging mas matatag pa ang pagmamahalan namin sa isa't isa na walang sinuman ang makakasira."Mrs. Montero, pinapatawag na po kayo ni Mr. Montero sa baba," rinig kong sabi ng isang babaeng concierges sa likuran. Hindi ako sumagot sa halip napabuntong hininga ako ng malalim sabay inat ng dalawang braso ko sa ere."Sige, salamat, pakisabi na lang na pababa na 'ko," sagot ko bago lumingon at ngumiti
"So, kailan ang kasal niyo?" Tanong ni Vanessa matapos uminom ng kape.Nandito kami ngayong dalawa sa malapit na coffee shop mula sa kompanya. Oras ng lunch break at nakipagkita 'tong kaibigan ko kasi may itsi-tsismis daw siya sa'kin pero parang sa tingin ko makikitsismis lang siya sa kung ano na ang ganap sa relasyon namin ni Zach."Anong kasal? Hindi pa naman siya nag-propose," tugon ko habang humihigop ng kape."Eh, ano ang ibig sabihin niyan?" Aniya habang nakatingin sa suot kong singsing. Agad ko naman itong tinago sa ilalim ng mesa at nag-iwas ng tingin mula sa kaniya."Hindi ba, ang sabi mo sa'kin kahapon nilagay niya 'yan sa daliri mo? Tapos tinanong ka niya kung gusto mo siyang makasama habambuhay at sinagot mo naman ng oo. Oh, hindi pa ba 'yan nag-propose?" Nakahalukipkip na sambit niya at nakataas pa ang isang kilay nito."S-Sa tingin ko kasi hindi .. hindi naman kasi siya nagtanong kung gusto kong magpakasal sa kaniya," naiinis na sabi ko dahilan para mapabuntong hininga s
Napabuntong hininga ako ng malalim nang makapasok ako sa kompanya. Kagagaling ko lang mula sa school ni Aaron para samahan siyang kumain ng lunch. Hindi niya kasi kasama si tiya Rosa kaya kahit na hassle na sa akin ang pagpunta ro'n ay ginawa ko pa rin dahil ayoko rin naman na kakain ng mag-isa ang anak ko."Athena, mabuti na lang nandito ka na. Kanina ka pa hinahanap ni sir Zach," salubong sa akin ni Trixie nang makarating ako sa floor ng department namin.Nagulat ako sa kaniya at med'yo kinabahan dahil sa sinabi niya. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay Zach na aalis ako pero alam naman nito na pupuntahan ko ang anak niya bago mag-lunch break."Galit ba siya?" Tanong ako at mahina siyang tumango bilang sagot.Diyos ko, lagot ako neto."Kanina ka pa raw kasi niya tinatawagan pero 'di mo sinasagot. Puntahan mo na lang siya sa opisina niya." At agad naman akong umalis matapos kong magpasalamat sa kaniya.Patakbo akong pumunta sa office ng CEO kahit na med'yo pagod ako mula sa pagmamaneho.
"Okay, anak, susunduin na lang kita mamaya," sabi ko habang nakatutok sa ginagawa kong report sa laptop.Kausap ko ngayon ang anak ko sa kabilang linya. Tumawag ito para magtanong kung susunduin ba namin siya mamaya nang daddy niya pagkatapos ng klase niya. Pero ako na lang ang susundo sa kaniya kasi balak mag-overtime ni Zach dahil may kailangan daw siyang tapusin. Hindi rin kasi siya masusundo ni tiya Rosa kasi umuwi ito sa dati naming tinutuluyan para kunin ang ibang mga gamit na naiwan namin doon."Makinig sa teacher, okay? At itago mo na ang phone sa loob ng bag mo. I love you."Pagkatapos kong magpaalam ay binaba ko na rin ang tawag at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko. Pero bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Zach. Buong akala ko mananatili kaming walang label pero hindi naman pala. Ayaw rin nito na manatili kami sa ganoong sitwasyon."Athena, may lalaki raw na naghahanap sa'yo sa lobby," rinig kong sabi ni Trixie nang makaupo ito s
Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin
"Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun