MasukAthena Sandoval, ulila na sa magulang at tanging ang tiyahin na lamang nito ang kasama sa buhay. Maaga siyang nabuntis sa edad na labing-walong taong gulang sa isang lalaking nagngangalang Zachariah Elliott Montero. Nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang bar nang makilala niya ang binata. Dahil sa sobrang kalasingan ng lalaki, huli nitong napagtanto na may nangyari sa kanila ng dalagang matagal na niyang sinusundan nang makita niya ito sa tabi niya kinabukasan. Nagbunga ang pangyayaring iyon ng isang munting anghel na nagpabago sa takbo ng buhay ni Athena. Sa paglipas ng mga taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Ngunit hindi alam ni Athena na ang ama ng kan'yang anak ay isa sa pinakamayamang tao sa mundo. Sasabihin ba niya ang tungkol sa kanilang anak o ililihim na lamang niya ito mula sa binata? Mapapatawad kaya niya si Zachariah kapag nalaman niya ang mabuting nagawa nito para sa kan'ya?
Lihat lebih banyakAkala ko noon wala ng lalaking magkakagusto sa akin, sa kadahilanang hindi naman ako kapansin-pansin, walang appeal sa mata ng mga lalaki, at hindi gaanong kagandahan pero hindi ko akalain na may isang lalaking palihim na nagmamahal sa akin. Ang lalaking kailanman hindi ko hiniling sa panginoon ngunit kusa niyang ibinigay sa akin. At ang lalaking sobra-sobrang nagmamahal sa akin.Marami mang mga pagsubok ang dumating sa mga buhay namin pero sa huli kami pa rin palang dalawa ang magkakataluyan, at magsasama habambuhay. At wala na 'kong ibang mahihiling pa kundi ang maging masaya kasama siya at maging mas matatag pa ang pagmamahalan namin sa isa't isa na walang sinuman ang makakasira."Mrs. Montero, pinapatawag na po kayo ni Mr. Montero sa baba," rinig kong sabi ng isang babaeng concierges sa likuran. Hindi ako sumagot sa halip napabuntong hininga ako ng malalim sabay inat ng dalawang braso ko sa ere."Sige, salamat, pakisabi na lang na pababa na 'ko," sagot ko bago lumingon at ngumiti
"So, kailan ang kasal niyo?" Tanong ni Vanessa matapos uminom ng kape.Nandito kami ngayong dalawa sa malapit na coffee shop mula sa kompanya. Oras ng lunch break at nakipagkita 'tong kaibigan ko kasi may itsi-tsismis daw siya sa'kin pero parang sa tingin ko makikitsismis lang siya sa kung ano na ang ganap sa relasyon namin ni Zach."Anong kasal? Hindi pa naman siya nag-propose," tugon ko habang humihigop ng kape."Eh, ano ang ibig sabihin niyan?" Aniya habang nakatingin sa suot kong singsing. Agad ko naman itong tinago sa ilalim ng mesa at nag-iwas ng tingin mula sa kaniya."Hindi ba, ang sabi mo sa'kin kahapon nilagay niya 'yan sa daliri mo? Tapos tinanong ka niya kung gusto mo siyang makasama habambuhay at sinagot mo naman ng oo. Oh, hindi pa ba 'yan nag-propose?" Nakahalukipkip na sambit niya at nakataas pa ang isang kilay nito."S-Sa tingin ko kasi hindi .. hindi naman kasi siya nagtanong kung gusto kong magpakasal sa kaniya," naiinis na sabi ko dahilan para mapabuntong hininga s
Napabuntong hininga ako ng malalim nang makapasok ako sa kompanya. Kagagaling ko lang mula sa school ni Aaron para samahan siyang kumain ng lunch. Hindi niya kasi kasama si tiya Rosa kaya kahit na hassle na sa akin ang pagpunta ro'n ay ginawa ko pa rin dahil ayoko rin naman na kakain ng mag-isa ang anak ko."Athena, mabuti na lang nandito ka na. Kanina ka pa hinahanap ni sir Zach," salubong sa akin ni Trixie nang makarating ako sa floor ng department namin.Nagulat ako sa kaniya at med'yo kinabahan dahil sa sinabi niya. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay Zach na aalis ako pero alam naman nito na pupuntahan ko ang anak niya bago mag-lunch break."Galit ba siya?" Tanong ako at mahina siyang tumango bilang sagot.Diyos ko, lagot ako neto."Kanina ka pa raw kasi niya tinatawagan pero 'di mo sinasagot. Puntahan mo na lang siya sa opisina niya." At agad naman akong umalis matapos kong magpasalamat sa kaniya.Patakbo akong pumunta sa office ng CEO kahit na med'yo pagod ako mula sa pagmamaneho.
"Okay, anak, susunduin na lang kita mamaya," sabi ko habang nakatutok sa ginagawa kong report sa laptop.Kausap ko ngayon ang anak ko sa kabilang linya. Tumawag ito para magtanong kung susunduin ba namin siya mamaya nang daddy niya pagkatapos ng klase niya. Pero ako na lang ang susundo sa kaniya kasi balak mag-overtime ni Zach dahil may kailangan daw siyang tapusin. Hindi rin kasi siya masusundo ni tiya Rosa kasi umuwi ito sa dati naming tinutuluyan para kunin ang ibang mga gamit na naiwan namin doon."Makinig sa teacher, okay? At itago mo na ang phone sa loob ng bag mo. I love you."Pagkatapos kong magpaalam ay binaba ko na rin ang tawag at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko. Pero bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Zach. Buong akala ko mananatili kaming walang label pero hindi naman pala. Ayaw rin nito na manatili kami sa ganoong sitwasyon."Athena, may lalaki raw na naghahanap sa'yo sa lobby," rinig kong sabi ni Trixie nang makaupo ito s









![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan