Paabot nga ako ng remote control." utos ni Sora kay Elton na ngayon ay busy sa pag tingin sa kanyang cellphone, “Paabot ako ng remote control.” Ulit niya pa.
Si Elton lang ang malapit sa kina-roroonan ng remote control nasa mismong tapat niya lang ito. Mukhang walang narinig itong si Elton. Kaya inis na napatayo si Sora at kinuha ang remote na nasa harapan nito at malakas itong siniko dahilan upang napa angat siya ng tingin. Bakas ang pagtataka sa mukha pero inirapan lang siya ni Sora kaya napakamot siya ng batok.
Katapos lang namin kumain ni baklita, buti na lang talaga tapos na kaming kumain bago dumating ang mga ito. Dahil paniguradong hindi magiging sapat ang niluto niyang pasta na para saming dalawa.
Mga patay gutom pa naman sila.
Hindi na rin mona pala ako nag tanong kay Trivox tungkol sa nangyari kanina. Siguro ay mamaya ko na lang itatanong kapag naka-alis na ang mga kaibigan namin, mahirap na at baka maki sali pa mga ito.
Flashback >>>>>>>
“ Papa, I'm not going home.” Sambi