“Ate, birthday ni kuya Yael ngayon baka nakalimutan mo?”, si Lance habang busy sa harap ng stove. Ito ang tumatayong chef nila sa bahay at tagalaba din ng kanilang damit samantalang taga hugas ng mga pinagkainan at taga linis ng bahay naman ang pangatlo niyang kapatid na si Mark. Since siya naman daw ang naghahanap buhay para sa kanilang lahat ay hindi na siya pinapagawa ng anumag gawaing bahay. Paggising at pagdating niya galing trabaho ay wala na siyang gagawin kundi kumain na lamang dahil nakahain na rin ang mga pagkain sa mesa para sa kanya kaya kahit gaano man kahirap ang responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat ay masaya pa rin siya sapagkat mababait ang kanyang mga kapatid.
“Oo nga, hindi ko nga sure kung makakapunta ako o hindi.”, tugon niya sa kapatid. Ilang beses na kasi niyang tinangkang tawagan ang nobyo ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Nagtampo na nga siguro sa kanya ng husto at hindi pa niya alam kung paano ito susuyuin. Naintindihan naman niya ito pero siyempre kailangan niya munang unahin ang kapatid na may sakit. Nag-iisang anak kasi si Yael at nasanay na ito lamang ang iniintindi kaya siguro hindi niya masyadong maintindihan ang kanyang sitwasyon.
“Bakit naman? Di mas lalong magtatampo yun saiyo, punta kana kami na bahala kay Karl.”, ang kapatid at nginitian lamang niya ito.
‘Sige na, plantiyahin ko na ang pinakamaganda mong damit.”, saad pa nito at lalo siyang natawa.
„Okey, sige na nga! Siguraduhin niyong alagaan niyo si bunso.”,
“No, problem! Magaling na iyan, bibili kami ng ice cream mamaya sa tindahan.”, pagmamalaking pahayag ng kapatid kung kayat napilitan siyang bumalik sa kanyang silid upang maghanda kahit parang ayaw niyang umalis. Simula kasi noong siya na ang tumatayong magulang ng mga kapatid ay hindi na siya masiyadong dumadalo sa mga party o outing kung hindi lamang kinakaialangan. Mas gusto niyang nasa bahay na lamang at kasama ang mga kapatid o di kaya ay mamasyal kasama ang mga ito.
“Wow! Ang ganda naman ng ate mommy na yan, parang princess of Genova ang datingan ah?”, pang-aalaskador ni Lance sa kanya ng bumaba siya mula sa silid habang akagayak para sa birthday party ni Yael. Manganingani niyang kutusan ang kapatid dahil hindi naman siya ganon kagarbo kundi simpleng gown na kulay itim lamang ang kanyang suot at simpleng make-up lamang ang nilagay sa mukha. Ayaw niya ng mga bonggang pananamit sa kahit na anumang okasyon ganon din ang paglalagay ng sandamakmak na make-up upang makakuha lamang ng atensiyon. Hindi kasi siya comportable kapag maraming tao ang nakataingin sa kanya kaya as much as possible ay ayaw niyang makakuha ng kahit na anumang atesiyon. Kontento na siya sa simpleng aura ngunit presentable naman at kahit paano ay hindi mapapahiya ang kanyang boyfriend.
“Huwag mo na akong echosen, ilabas mo na yung sasakyan at ihatid mo na lang ako hanggang sa FPark.”, sa halip ay turan niya sa kapatid. Kahit paano ay may naiwan namang sasakyan ang kanilang mga magulang, kahit medyo luma ang model ay okey na okey pa namang gamitin.
“Oh, sure your highness, wait lang at ilalabas ko na ang iyong sasakyan.”, si Lance at nailing siya sa pang-aalaska nito.
“Mommy, sama kami?”, si Karl ng marinig na magpapahatid siya kay Lance.
„Huwag na, dito na lamang kayo ni Kuya mo Mark, babalik din naman agad si Kuya Lance mo. Bibili na lamang siya ng pagkain pag-uwi niya.”, pahayag niya dito. Hindi naman sa ayaw niya ngunit parang may trauma siya sa nangyari sa mga magulang. Paano kung madisgrasiya sila di lahat sila mamamatay o di naman kaya ay magsuffer ng mga sugat sugat? Kaya kung lalabas man sila ay hindi sila magkakasama sa iisang sasakyan.
“Dumito na lamang tayo, bunso idrodrop lang naman si ate kina kuya Yael pagkatapos uwi na agad si Kuya Lance mapagod ka lang.”, suwestiyon naman ni Mark sa kanilang bunso at tumango naman agad ito.
Pagkalipas ng ilang minute ay narinig na niya ang pagtawag ni Lance sa labas kung kayat nagpaalam na siya sa dalawang kapatid. Binilin pa niya si Mark na huwag pababayaan ang kanilang bunso at nagthumbs-up naman ito sa kanya.
“Hindi na ako baba ate, pakisabi na lamang ang aming pagbati kay kuya Yael.”, si Lance ng makarating sila sa harap ng mansion ng mga Dominguez. Marami ng nakaparadang sasakyan sa harap ng mansion at dinig na dinig na rin sa labas ang malakas na music na nagmumula sa loob.
“Okey, mag-ingat ka sa pagdrive mo huwag kang masiyadong mabilis makakarating ka pa rin sa bahay kahit mabagal ang pagtakbo.”, paalala niya sa kapatid at nakatawang sumaludo ito.
“Noted po, mommy. Sige na, pumasok ka na doon baka kanina ka pa hinihintay ni kuya Yael. Bye magtext ka na lamang kung magpapasundo ka.”, ang kapatid at tila mabigat pa ang loob niyang kumaway dito. Ewan ba niya parang hindi siya excited na dumalo sa party ng kanyang nobyo o baka affected lamang siya sa hindi nito pamamansin sa kanyang tawag? Napabuntunghininga na lamang siya pagkatapos ay inayos ang buhok at damit bago lumakad palapit sa gate.
Pagdating niya sa may gate ay may nagmamadaling lalaki habang papasok, narinig pa niya ang mahinang pagmura nito ng magkabunggo ang kanilang mga balikat.
“Sorry.”, agad siyang humingi ng paumanhin dito kahit hindi sure kung siya ang may kasalanan o hindi. Lihim na lamang niyang naipaikot ang mga mata dahil parang walang narinig ang lalaki na tuloy tuloy sa pagpasok sa loob. Ni hindi pa nga ito sumagot sa pagbati ng guard na na nakabantay sa gate kung kaya ng madaanan niya anng guard ay nagbow siya dito tanda ng pagbati. Nakilala naman siya ng guard agad sapagkat ilang beses na din siyang pumasok sa bahay ng mga Dominguez.
“Magandang gabi ma’am, hindi po kayo pinasundo ni sir Yael?’, saad nito habang nakangiti at gumanti rin siya ng ngiti dito.
“Hindi kuya, nagpahatid ako sa kapatid ko. Alam ko namang busy siya dahil napakarami ng kanyang bisita.”, turan niya at tumango tango ito.
“Ah, okey ma’am, pasok na po kayo kanina pa nagsimula ang party party.”, ang guard sabay senyas sa kanyang daraanan at nagbow siya ulit dito.
“Thank you, kuya, sige po sa loob muna ako.”, paalam niya kasabay ng pagkaway dito.
Pagpasok niya sa gate ay tumambad ang napakalawak na bakuran ng mansion na napalamutian ng ibat ibang ilaw. May kumukutikutitap na parang Christmas light at may mga malalaking nasteady sa bawat sulok na kung saan kitang kita ang napakagandang design at decoration ng party. Napakabongga ang birthday party ng kasintahan at halatang puro sosyal ang mga bisita nito. Sa apat na taon nilang magkasintahan ni Yael ay taon taon naman siyang present sa kaarawan nito kung kayat alam niyang puro mayayaman ang lahat ng mga bisita nito. Siya lang yata ang nawawalang pooresa na nakikihalubilo sa mga ito ngunit magkaganon man ay maganda naman ang pakikisalamuha niya sa mga ito lalo na sa mga magulang ni Yael. Mababait ang mga ito at hindi matapobre, rinerespeto nila kung ano ang gusto ng anak nila at kung sino ang mamahalin nito hindi kagaya ng ibang mayayaman na namimili ng magiging girlfriend ng mga anak nila.
“Hi, tita, good evening po!”, magalang niyang bati sa mommy ni Yael ng madatnan niya ito sa bukana ng bahay at personal na nag-aassist ng mga basita.
“Hello, iha, mabuti naman at nakapunta ka? Akala ko hindi ka makakadalo?”, ang ginang pagkatapos siya nitong ibesobeso at yakapin.
“Sorry, tita kung nagtampo na naman saakin si Yael, pero hindi ko naman po palalagpasin ang kaarawan niya na wala ako.”, paghinga niya agad ng paumanhin sa mommy ng nobyo. Alam naman niyang alam ng Ginang na nagtampo na naman sa kanya ang anak nito. Bahagya itong napangiti ngunit unti unting nawala iyon at tila naging balisa habang tumingin sa paligid.
“Puntahan ko na lamang po si Yael, tita, hindi niya po alam na pupunta ako kaya susurpresahin ko po siya.”, nakangiting turan niya at alanganin itong tumango.
“Sige,iha, nandiyan lang kanina feel at home na lang, okey?”, ang Ginang at nakangiti siyang tumango dito pagkatapos at tila naexcite din siyang hanapin kung nasaan ang kanyang nobyo.
Mga ilang minuto rin naglilikot ang kanyang mga mata upang hanapin ang bulto ni Yael mula sa crowd. Halos lumukso pa ang kanyang puso ng matanaw niya ito habang nakikipag-usap sa may di kalayuan kasama ang kumpol ng mga babae at lalaki. Nakatalikod ito at halatang nag-eenjoy sa pakikipag-usap sa mga kasama. Dahil gusto niya itong surpresahin ay dahan dahan siyang lumapit sa kinaroroonan nito pagkatapos ay bigla niya itong niyakap sa may likuran. Nagulat ito sa kanyang ginawa dahil tila hindi nakapagsalita ng lingunin siya ngunit nginitian niya ito at pagkatapos ay hinalikan sa pisngi.
“Happy birthday!”, pagkatapos ay masayang bati niya dito. Hindi niya mawari kung nasiyahan ito o hindi ngunit sa hitsura nito ay parang nakakita ng multo.
“I’ve been calling you pero hindi ka sumasagot.”, kunwari ay nagtatampong turan niya ito ngunit parang biglang wala ito sa sarili.
“Babe?”, maya maya ay narinig niyang turan ng isang babae na ngayon ay nasa tabi na nila ni Yael. Hindi sana niya papansinin ang babae sapagkat alam naman niyang siya lang ang girlfriend ni Yael ngunit naging aligaga ito at halatang hindi malaman kung ano ang gagawin.
“What is the meaning of this?”, halos mangiyak ngiyak na turan ng babae habang nakatagin sa nobyo at kahit nabigla siya ay pasimple siyang kumalas mula sa pagkakayakap kay Yael.
“Let me explain, it’s not what you think.”, mabilis na pahayag ni Yael sa babae kasabay ng pagtatangkang paghawak sa kamay nito ngunit bigla iyong tumalikod at nagmamadaling umalis. Tumingin sa kanya ang nobyo na tila nagdadalawang isip ngunit halos hindi niya malunok ang laway na nakabara sa kanyang lalamunan ng bigla itong umalis at sinundan ang babae. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa pagkakatulos sa kinatatayuan ngunit bago pa tumulo ang kanyang mga luha ay bahagya siyang ngumiti at nagbow sa mga taong naroon pagkatapos ay tila nakalutang ang pakiramdam na umalis.
“Anna!”, tila nagising ang kanyang diwa ng hawakan siya sa braso ng mommy ni Yael.
‘Where are you going?”, saad nito dahil halata yatang wala siya sa sarili.
“Ah, pauwi na po ako tita, opo pauwi na po ako.”, nalilitong turan niya na may kalakip na bahagyang pagngiti. Hinila siya ng ginang at hindi na niya alam kung saang lupalop ng mansion sila naroon.
„Sorry, iha.”, turan agad ng ginang ng makalayo sila sa karamihan ng tao.
“Okey lang po tita, actually napadaan lamang po ako para batiin si Yael. Opo napadaan lamang po ako.”, wika niya habang kinokontrol ang damdaming huwag mapaiyak.
„Ako na ang humihingi ng paumanhin saiyo, iha, sana maintindihan mo…”,
“Opo, naiintindihan ko naman po.”,
„Kailangan din ni Yael ng totoong magmamahal at mag-aalaga sa kanya.”, ang ginang at ramdam niya na ang bawat katagang lumalabas sa bibig nito ay tila tinik na tumutusok sa kanyang puso. Napapikit siya ng mariin upang hindi tumulo ang kanyang luha.
„Naiintindihan ko po yun tita, sorry kung hindi ko naibigay sa kanya ang pagmamahal at pag-aalagang hinahanap niya. Sige po, mauna na po ako pakisabi na lamang po sa kanya na nauna na kong umuwi.”, turan niya sa ginang bago pa bumagsak ang kanyang mga luha ay nagmamadali na siyang umalis.
Wala namang pag-aalinlangan si Anna na bantayan at alagaan si Ezekiel habang may sakit. Hindi naman ito part ng kanyang trabaho bilang secretary; hindi rin nito hiningi o inutos pero kusa niyang inobliga ang sarili na samahan at alagaan ito. Bukod sa nag-alala siya sa kalagayan ng binata ay hindi rin maatim ng kanyang konsensiya na basta na lamang iwanan ito sa ganoong sitwasyon.“Morning, ate, kumusta si kuya Kiel?”, si Lance sa kabilang linya. Eksaktong pababa siya sa maganda at may kataasang hagdan ng tumunog ang kanyang cellphone na nakatago sa kanyang bulsa.„Ayun, sa awa ng Diyos unti unti ng bumubuti ang kanyang pakiramdam.”, turan niya at napataas ang kanyang kilay sapagkat tila nakahinga ng maluwang ang kapatid.„Salamat naman kung ganon, Ate, kawawa naman si kuya Kiel. Diyan ka muna, ate, alagaan mo muna si Kuya.”, si Lance at sa tinuran nito ay napatigil siya sa gitna ng hagdanan at pinamaywangan ang kapatid kahit hindi siya nito nakikita.„Aba! Aba! Ginawa mo pa akong yaya
“Kuya, sa hospital po tayo.”, instruct ni Anna kay kuya Delfin. Sa lagay ni Ezekiel ay parang hindi na tatalab ang pilit niyang pinainom na tableta. Mas lalong namula ang mukha nito at namamaga.„Sa bahay na lang Ms. Anna, naghihintay na si Dr. Rick doon.”, kalmadong tugon ni Kuya Delfin habang nagmamaniobra sa manibela.„Hindi ba mas safe kung sa hospital natin siya dadalhin?”, may pag-aalalang turan niya kasabay ng pagsulyap niya sa binata. Nanatili lamang itong nakapikit at kalmado ngunit halatang nahihirapan sa paghinga sapagkat napakabilis ng pagtaas-baba ng dibdib nito.“Baka mas lalong makasama sa kanya, ayaw na ayaw ni bossing ang pumupunta sa ospital.”, turan ni Kuya Delfin. Napatingin siya sa driver ngunit nagkibit ito ng magkasalubong ang paningin nila sa salamin. Pumasok tuloy sa isip niya na takot ang binata sa ospital o di naman kaya ay may phobia. Muli ay ibinalik niya ang paningin kay Ezekiel na noon ay biglang nagmulat kasabay ng paglagay ng kamay sa may dibdib pataa
Chapter 49“Ms. Anna, kanina pa sa loob ng sasakyan sina bossing, saan ka nagpunta?”, si kuya Delfin ng agad binuksan ang pang-unahang pintuan ng sasakyan.„Sorry, kuya, may binili lang.”, paliwang niya ngunit sumenyas sa kanya si kuya Delfin na dalian na niyang sumakay."Where have you been? We've been stuck here for ages!", hindi pa man siya nakakasampa sa loob ay sinalubong na siya ng yamot na yamot na binata.“Sorry, sir, akala ko malapit lang yung binilhan ko pero may kalayuan pala.”, nakayukong turan niya dahil sa sobrang hiya.“Whatever! Let’s move.”, supladitong saad nito at lihim siyang napasulyap kay kuya Delfin habang nakakimkim ang bibig. Pasimple namang ngumiti ng bahagya sa kanya ito kung kayat binalewala lang niya ang kasungitan ng binata. Kahit ulanin siya ng katakot takot na sermon ay tatanggapain na lamang niya sapagkat may kasalanan naman talaga siya. Mabuti na lamang at hindi nito naisipang iwanan siya kundi magkakaproblema siya ng mas malaki.Gaya ng sinabi ni Eze
“Sir, thank you po pala sa binigay niyong opportunity kay Lance. Tatanawin ko pong malaking utang na loob sainyo.”, saad niya kay Ezekiel ng makahanap ng tiyempo upang makapagpasalamat dito. Hindi niya agad agad nakausap ang binata sapagkat kaliwat kanan ang meeting nito sa labas. Sa ngayon ay nasa loob lamang ng upisina ang binata at nagbabasa ng mga reports.“It was his talent that opened this door for him; there’s no need for that.”, uninterested na tugon ng binata habang nakatuon sa ginagawa; ni hindi man lamang ito nag-angat ng mukha.“Salamat pa din po kung ganon. May ipag-uutos po kayo saakin? Itimplahan ko po kayo ng kape?.”, saad niya dito.„Send this back to the respective departments, and require compliance within 24 hours.”, sa halip ay turan ng binata sabay patong sa harap niya ang ilang folders.“Yes sir, masusunod po.”, wika niya at agad kumilos upang kunin ang mga ito.“Make a lunch reservation for three in Moonlight.”, saad nito matapos niyang makuha ang mga folders
After ng ingkwentro nila ni Ezekiel sa upisina nito ay bumalik sa pagiging seryoso at non-chalant ang binata. Yung tipong tahimik at saka lamang kikibo kapag may iniuutos. At kung dumadating naman ay parang wala itong nakikita kahit binabati niya ito ng good morning. Pero okey lang naman para sa kanya, mabuti nayun para matigil na ang kahibangan niya sa binata. Hindi sila magkauri ni Ezekiel at baka mas marami pang panghahamak ang kanyang matanggap kung hahayaan niya ang sariling mafall ng tuluyan dito. Magtiis na lang muna siya, siguro kapag grumaduate na si Lance pwede na siyang umalis sa pagiging secretary nito at mag-abroad na lamang. Marami kasi ang mga kailangan ng mga kapatid ngayon kaya hindi siya basta basta umayaw na lamang sa kanyang trabaho. Hindi niya kikitain sa iba ang sweldo niya sa ngayon pwera na lamang kapag mataas ang kanyang pwesto. Pero sa katulad niyang ilang years pa lamang na nagtatrabaho ay imposibleng makakahanap siya ng trabahong mataas agad ang posisyon.
Ezekiel was furious after being rejected by her a few days ago. Despite his status and accomplishments, he felt small and unwanted after she declined his proposal. Hindi niya ubos maisip kung ano ang kulang sa kanya upang ayawan siya ng dalaga. Ilang araw na ang nakakalipas ngunit nararamdaman pa rin niya ang galit sa kanyang dibdib. The hurt ran too deep, and he couldn't forgive her for shattering his confidence, for making him feel so utterly insignificant.Pero hindi niya alam kung paano ilalabas ang galit dito. He often felt the urge to be harsh, cold, and sarcastic, but the moment he saw her hurt and disappointed expression, his anger melted, replaced by an overwhelming desire to hold and kiss her. He'd planned revenge, but it fell apart. Instead, he found himself holding her, kissing her with a passion he never knew he possessed, a desperate attempt to suppress the longing he had felt. To his surprise, she yielded completely. He lifted her, undressed her, his touch burning wit