“Akrivos!” mabilis na tugon ni Director Nikolaus Levidis. Lumikha ng kaunting ingay ang naging tugon na iyon ng direktor. Hagen and Helga nodded their heads as a sign of agreement. Hinagod naman ni Rigor ang sariling baba habang matamang nag-iisip. Nagpahayag naman ng pagsang-ayon din ang ibang matatandang doktor na naroroon.
Nanlumo naman si Matthaios sa narinig na tugon ng direktor. Agad na sinakmal ng lungkot at panghihinayang ang kanyang damdamin. Paanong ang isang babaeng may mala-anghel na mukha ay nagtataglay ng ganoong kasamaan para sa buong sangkatauhan?
“But if that woman is the virus carrier, she could be dead also by this time, knowing that her likes are being hunted by the police and military,” wika ni Matthaios habang hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig kay Ava. There was something in her charm that he couldn’t understand. Bumibilis pa rin ang pintig ng puso niya habang nakatingin sa magandang mukha ng babae.
“Her name is not yet included in the list of the mutants that were killed by the Philippine police and military. At sabi nila, himalang nawala ang babaeng iyan nang magkasakit si Wilson at nang nagsimulang magsulputan ang mga nocturno,” mahinahong tugon ng direktor.
“She might be using other names. Ava Taylor could be a screen name only...” singit ni Helga.
“Pithanos,” sang-ayon ni Direktor Levidis sa sinabi ng doktora. “And that is the reason why you are here today. The Philippines is in bad shape and hopeless now. Oo nga’t maraming nocturno ang napapatay ng mga pulis at sundalo araw- araw, pero patuloy at mabilis naman silang dumadami. Araw-araw ay nadodoble ang bilang nila kung kaya karamihan sa mga tao maging ang gobyerno ay nawawalan na ng pag-asa. Three days ago, their president ordered the lockdown of some heavily infested areas. Nagresulta ito ng kawalan ng transportasyon, marami ang hindi nakakapasok sa trabaho, ilang kumpanya ang pansamantalang nagsara, nagkukulang na ang mga pagkain at gamot, unti-unti na ring bumabagsak ang kanilang ekonomiya. Kung kaya nang mag-alok ng tulong ang ating institusyon ay agad nila itong tinanggap.”
“So, we will go there to kill all the mutants?” sarkastikong tanong ni Rigor.
“Not really. You will go there to save them. They are still humans. Hangga’t maaari ay huwag ninyo silang papatayin.”
“Jesus!” Rigor sighed. “How could we do that? We all know that killing all the carriers will stop the virus. Without a new host, it will die naturally. As simple as that.”
Ang direktor naman ang napabuntong-hininga. Halatang sanay na rin ito sa magaspang na pag-uugali ni Rigor. “Dr. Lundgren, don’t forget that you are not only a soldier, you are also a doctor. Same with you, Matthaios, Hagen and Helga. You are raised and trained in this institution not to kill but to save human lives.”
“Pero paano namin ililigtas ang bansang iyon mula sa kumakalat na virus kung hindi papatay ng mga infected?” giit ni Rigor.
“Papatay kayo kung kinakailangan. But as much as possible, avoid killing the nocturnal mutants. Hindi nila kagustuhan ang nangyayari sa kanila. What they need is an antidote that will kill the virus in their body.”
Biglang pumormal ang kanina ay naiinis na si Rigor. “Sanay kaming tumuklas ng mga bagong gamot at bakuna, you know that, Director Levidis. But we can’t make a miracle in just one night. It will take time considering that we still lack genetic information of the virus. By the time na naimbento na namin ang antidote, baka ubos na ang mga tao sa lugar na iyon at maaaring kumalat na ang virus sa buong mundo.”
“Still, killing is not an option,” buntong-hininga muli ng direktor. “The more you worry, the more you should be in a hurry, Dr. Lundgren. Kailangang magmadali kayo. Walang oras na dapat masayang. Inayos na ng institusyon ang lahat ng kailangan ninyo papunta sa Pilipinas. Bukas na bukas din ay lilipad na kayo papunta roon. The Philippine government also prepared everything for you, ang hotel na pansamantala ninyong tutuluyan at ang laboratory na gagamitin ninyo including a team of Filipino doctor-scientists that will assist you.”
“Are you serious?” paniniguro ni Matthaios.
“Yes. I’m dead serious.” Lumipat sa kanya ang mga mata ni Director Levidis. “Eksaktong ika-sandaang taon na matapos ang pagsulpot ng isang plague noong 1921 na kumitil sa halos sampung milyong mga tao sa buong mundo, ang virus na nakapag-transform sa mga infected person into a zombie. Ibig sabihin, ipinanganak na ngayon at naghahasik na ng lagim ang mga bagong tagapagdala ng sumpa ng mga Illyrian.”
Tila may bara ang lalamunan niya nang muling magsalita. “Si Ava Taylor ba ang tinutukoy mo, lolo?”
“Akrivos.”
“Adynato,” palatak ni Rigor. “Paanong mapapapunta sa malayo at maliit na bansa ang descendant ng mga Illyrian?”
Hinarap ni Dr. Levidis si Rigor. “Nakalimutan n’yo na bang bahagi ng taktika nila ang paglipat sa iba’t-ibang bansa upang lituhin tayo? Remember Nigeria, Mexico, Colombia and Great Britain? Sa mga bansang iyon sumulpot ang mga naunang virus na kumitil ng milyun-milyong tao sa buong mundo sa loob ng ilang daang taon. Mabuti na lang at maaagap at matatalino ang ating mga ninuno kung kaya agad nilang nahanap at napatay ang mga Illyrian descendant na nagpalaganap ng mga virus na iyon.”
Helga butted in. “First, it was Africa, next was North and South America, and the last was Europe. Posible nga na Asia ang pinaka-latest destination ng Illyrian curse.” Bahagyang tumigil sa pagsasalita ang babae. “Wow! Nililibot ng Illyrian curse ang buong mundo at pinupuntahan ang bawat kontinente. At wala silang pinipili, kung mayaman o mahirap man ang bansa. Ang mas malupit, sa bansa pa ng ating mga ina napili ng kung sinong Illyrian descendant na iyon na maghasik ng lagim.”
Ipinagkibit-balikat lang ni Matthaios ang sinabi ni Helga. Hindi pa rin nawawala ang pagdududa niya. “Kahit na yata ano ang sabihin mo, lolo, hindi pa rin ako kumbinsido na ang Ava na iyan ang carrier ng sumpa.”
“Giati? Mahinang tumawa si Director Levidis. “Dahil ba maganda siya? Remember, beautiful women are more dangerous.”
“Because they can use their beauty to easily lure us. Marurupok pa naman tayong mga lalaki pagdating sa magagandang babae,”nangingiting sambot ni Hagen.
Saglit na nagtawanan ang mga naroroon. Kahit papaano ay bahagyang gumaan ang emosyon ng bawat isa.
Muling nagseryoso si Direktor Levidis at pinindot muli ang button ng hawak na gadget. Isang bagong larawan naman ni Ava ang lumabas sa screen kasama ang ilan pang impormasyon tungkol dito, twenty-three years old, high school graduate, a fashion and ramp model for less than a year , parents’ name are unknown, no permanent address, no social media account.
Matthaios dropped his lower jaw. Ava Taylor was really damn beautiful. Paanong sa likod ng napakagandang mukhang iyon ay nakatago pala ang isang kadiliman?
“Sang-ayon pa sa natuklasan ng ating investigation team, this Ava Taylor is not a pure Filipina. Sang-ayon sa isang article na nasulat sa kanya sa isang fashion magazine, isa raw siyang half-Filipina, half-British. Her mother is a Filipina domestic helper na naanakan ng anak ng amo noong nagtrabaho ito sa Great Britain more than twenty years ago,” paliwanag ng direktor.
“Etsi?” nakataas ang kilay na tanong ni Helga.
“Remember that the carrier of the Illyrian curse in 1921 was a British, right?” si Director Levidis uli.
“Are you saying that Ava Taylor could be a descendant of Jacob Evans? The carrier of zombie virus who was killed by one of the Levidis one hundred years ago?” pagkukumpirma ni Hagen.
“Yes. Jacob Evans was killed by Diomedes Stavros Levidis, my father.” May pagmamalaki sa tinig ni Director Levidis. “Maaaring lingid sa kaalaman ng ating mga ninuno ay may naiwang binhi si Jacob Evans. At mula sa binhing iyon, posibleng nanggaling ang Ava Taylor na iyan. But anyway, that was only a speculation, but who knows?” Suddenly, there was silence. Nagkatinginan silang apat palatandaan na iisa ang tinatakbo ng mga utak nila ngayon. “Now, do you get my point?” dugtong ng matandang doktor.
“Nai,” halos sabay-sabay nilang tugon.
“Poly kala!” nasisiyahang sabi ng doktor. “Siguro naman ay malinaw na sa inyong lahat kung bakit kailangan ninyong pumunta sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. This one will be more than a medical mission, but rather a quest to find and kill the possible newest carrier of the Illyrian curse and carry on the noble tradition of our clan.” Pagkuwa’y mabilis na nagpalipat-lipat ang tingin ni Dr. Levidis sa kanilang apat. “Any question?”
“Kanenas,” sabay-sabay nilang tugon.
“Kala,” nasisiyahang sambit ng direktor. “Now, this meeting is adjourned. You only have few hours to prepare your personal things. You will fly to the Philippines early in the morning tomorrow.”
Halos sabay-sabay na tumayo silang apat at nagpaalam sa isa’t isa. Naunang lumabas ng conference room si Rigor, kasunod si Hagen at Helga.
“Maiwan ka, Matthaios!” utos sa kanya ni Dr. Levidis nang humakbang na rin siya patungong pinto. Dahan-dahang lumapit sa kanya ang direktor. Bakas ang lungkot sa mga mata ng matanda. “Pasensiya na, aking apo, kung sa iyong mga balikat nakaatang ngayon ang isang napakahalagang misyon. Isa ka sa mga napili at hindi iyon maitatanggi ng katibayan na taglay mo sa iyong palad.”
“Einai entaxei”, lolo.” Matipid na ngumiti si Mattahios sabay lahad ng kanang palad. Sabay pa sila ng kanyang lolo na sumulyap sa birthmark na naroroon. “Kung tutuusin ay hindi naman ako dapat nabigla sa mga nalaman ko ngayon. Bata pa ako ay iminulat na sa akin ng ating pamilya na isa ako sa mga nakatakdang humanap at pumatay sa isa sa mga carrier ng Illyrian curse balang araw. Walang dahilan upang tanggihan ko ito.”
“Efcharisto,” natutuwang sambit ni Direktor Levidis sabay tapik sa kanyang braso. “Tunay ka ngang isang Thracian. Nananalaytay sa iyong mga ugat ang dugo ng isang mandirigma, ang dugo ng ating ninuno na si Haring Tereus.”
“The blood of King Tereus,” natatawang ulit ni Matthaios.
“Sosta. The blood of King Tereus. The blood that makes you special and extra ordinary. Isang katangian na wala ang ibang nilalang.” May pagmamalaki sa tinig ng matandang doktor.
“Efcharisto, lolo.”
Ipinatong ng direktor ang isang palad sa balikat niya. “Carry on with this mission, Dr. Matthaios Levidis. Find and kill the carrier of the Illyrian curse and save the human kind, sapagkat iyan ang nakatakda para sa iyo.”
“Tha sas,” taos-pusong tugon niya.
“Aasahan ko iyan.” Pagkasabi noon ay mahigpit siyang niyakap ng kanyang lolo na ginantihan naman niya ng yakap din. “Gawin mong madali ang pagtupad sa iyong misyon, Matthaios, sapagkat napakahalaga ng panahon sa labang ito. And please, do come home safe and unharmed, my grandchild.”
“Tha sas,” muli niyang tugon na sinundan ng marahang tango.
Pagkatapos noon ay dahan-dahang siyang kumalas mula sa pagkakayakap ng kanyang lolo at mabilis na tumalikod upang hindi makita ng matanda ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.
Jesus! At paano naman niya papatayin ang isang napakagandang babae?
Paano niya papatayin ang isang katulad ni Ava Taylor?
Parga, Northern Greece Nica’s eyes surveyed the charming, picturesque coastal town of Parga, Northern Greece. Kagigising lang niya at mas magandang pagmasdan ang kapaligiran kapag ganitong nagsisimula pa lamang sumikat ang araw. Its absolutely beautiful and was truly picture perfect. Ilang buwan na silang kasal ni Matthaois ay tila ba hindi pa rin maubos-ubos ang mga magagandang lugar na nais pagdalhan sa kanya ng asawa sa bansang ito na tinaguriang cradle of western civilization. Sang-ayon kay Matthaios, ang Northern Greece daw ang dating kinalalagyan ng Odrysian kingdom kabilang na ang ilang bahagi ng mga karatig-lugar nito na northern Bulgaria, southeastern Romania at European Turkey. Mula sa terasa ng inn na inookupa nilang mag-asawa ay buong paghangang sinuyod ng kanyang mga mata ang mga makukulay na bahay na nakatayo sa gilid ng mga burol, ang mahaba at puting sand beaches hanggang sa napakagandang harbour front. Maya-maya’y naramdaman niya
Kasabay ng pagsikat ng bukang-liwayway ay nasaksihan nilang lahat ang pagbabalik-anyo ni Nica pagkaraan ng ilang oras. Naririto sila ngayon sa bulwagan ng resort house. Katabi ni Nica ang kaibigang si Khid. Minabuti nilang iturok din sa huli ang laman ng isa pang heringgilya na dala nina Hagen at Helga. Nang tuluyan nang bumalik sa dating anyo ang dalaga ay niyakap ito ni Matthaios. Nanghihina man ay bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa lalo na nang malamang ligtas na rin si Khid. “Maraming-maraming salamat, Matthaios, hindi mo ako pinabayaan,” luhaang sabi ng babae habang nakayakap sa kanya. “Puwede ba naman iyon? Ipinangako ko sa iyo na mamahalin at proprotektahan kita, hindi ba?” tugon niya habang sapo ng dalawang palad ang magkabilang pisngi ng dalaga. “We need to go back to Manila as soon as possible, Matthaios. Kinakailangang makakuha ng mas maraming blood plasma sa iyo upang makagawa sina Hagen at Helga ng mas maraming antidote laban
“Garreth…isa ka ring…” Hindi na naituloy ni Matthaios ang sasabihin nang unti-unti nang mag-take off ang chopper na sinasakyan ni Borris. Mabilis siyang sumampa sa gilid ng bangin sa tulong ni Garreth. Halos bumaligtad ang sikmura niya nang makita ang anyo ni Gustav matapos gutay-gutayin ng sumalakay na nocturno ang katawan nito. Tumayo naman ang nocturno na pumatay kay Gustav at ngayon ay nakatingin ito sa kanila na para bang kinikilala sila ni Garreth. Itinutok naman ng huli ang hawak na flame thrower sa halimaw. Napasigaw si Matthaios nang mapansin na isang babae ang nocturno. “Garreth, huwag!” “Bakit?” pasinghal na tanong ni Garreth. “Babae ang nocturno na iyan. May kutob akong siya si Nica.” “Sira-ulo ka ba?’ sikmat ni Garreth. “Paano namang magiging si Nica iyan? Walang lahing halimaw si Nica. Baka ikaw pa, dahil ilang kagat na ng mga nocturno sa iyo ay hindi ka pa rin namamatay.” Minabuti niya na hindi pa
Mabilis na isinuot ni Matthaios ang mga saplot na hinubad kanina saka dali-daling tumalon din sa bintana upang sundan si Nica na tumakbo sa kahuyan. Tutunguhin na sana niya ang direksyon ng dalaga nang makarinig siya ng tinig na nag-uutos. “Droggo, ngayon na!” Nang tingnan niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig ay agad na sumulak ang dugo niya nang makita niya si Borris mula sa veranda ng ikalawang palapag katabi ang Rusong alalay nito. Ang Droggo na tinutukoy naman nito ay nasa harap ng tila isang malaking kulungang bakal. Nang hinila ng lalaki ang isang malaking kadena ay agad na bumukas ang pinto ng hawla kung kaya biglang naglabasan ang sanglaksang nocturno na nakakulong pala roon. Umaatungal ang mga ito sa gutom, kung kaya agad na nilantakan si Droggo na ni hindi na nakuhang tumakbo. Agad naman niyang pinaputukan ang ilang nocturno na nagtangkang dumaluhong sa kanya habang naririnig niya ang mala-demonyong halakhak ni Borris ganoon din ang alala
Ginising si Matthaios ng mga impit na iyak ni Nica. Naidlip pala siya pagkatapos nang marubdob na pagniniig nila ng dalaga. Bumangon siya saka masuyong ipinulupot ang mga braso sa baywang ng babae na nakaupo sa gilid ng kama. Nakabihis na ito at nakapusod na rin ang mahabang buhok. “I’m sorry, Matthaios,” halos pabulong na wika ng dalaga nang yakapin niya ito. Ni hindi ito bumaling upang tingnan siya. “You’re sorry for what?” “For bringing you into this mess. Hindi ka dapat nadadamay sa problema ko at sa problema ng aming bansa,” tugon ni Nica sa pagitan ng mga hikbi. “Damay na ako sa problemang ito bago pa man ako dumating sa bansang ito, Nica. I’ve told you before that I am here for a mission. At iyon ay upang pigilan ang pagkalat ng virus sa lugar na ito at sa buong mundo.” “Ganoon pa man ay gusto ko pa ring humingi sa iyo ng tawad,” pagsusumamo ng dalaga. “Para saan?” “S-sa pakikipa
Napapitlag si Matthaios nang biglang pumasok sa silid niya si Nica. She was wearing black, sexy lingerie. Nakalugay ang basa-basang buhok. Nanuot sa ilong niya ang samyo ng sabong pampaligo na ginamit nito. “Nica?” Napalunok siya habang minamasdan ang kagandahang nasa harapan niya. “Ava. Ava Taylor,” pormal na tugon ng babae. “I want to call you Nica, dahil ikaw pa rin si Nica Masangkay na nakilala ko.” Ngunit parang walang narinig na dahan-dahang humakbang palapit sa kanya ang dalaga. Nakangiti ngunit malungkot ang mga mata. Umupo si Nica sa gilid ng kama na kinahihigaan niya at saka dumukwang sa kanya. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito. Agad na nag-init ang pakiramdam niya. “Nica Masangkay is just a lie. Hindi totoong isang mahinhin, simple at inosenteng babae ang naisakay at hinalikan mo sa loob ng kotse mo ilang araw na ang nakakaraan. Ang totoo ay siya si Ava Taylor, ang babaeng tinawag mong puta, ba