Share

CHAPTER 23 Sweet Certitude (Final Chapter)

Kasabay ng pagsikat ng bukang-liwayway ay nasaksihan nilang lahat ang pagbabalik-anyo ni Nica pagkaraan ng ilang oras. Naririto sila ngayon sa bulwagan ng resort house. Katabi ni Nica ang kaibigang si Khid. Minabuti nilang iturok din sa huli ang laman ng isa pang heringgilya na dala nina Hagen at Helga.

Nang tuluyan nang bumalik sa dating anyo ang dalaga ay niyakap ito ni Matthaios. Nanghihina man ay bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa lalo na nang malamang ligtas na rin si Khid.

“Maraming-maraming salamat, Matthaios, hindi mo ako pinabayaan,” luhaang sabi ng babae habang nakayakap sa kanya.

“Puwede ba naman iyon? Ipinangako ko sa iyo na mamahalin at proprotektahan kita, hindi ba?” tugon niya habang sapo ng dalawang palad ang magkabilang pisngi ng dalaga.

“We need to go back to Manila as soon as possible, Matthaios. Kinakailangang makakuha ng mas maraming blood plasma sa iyo upang makagawa sina Hagen at Helga ng mas maraming antidote laban
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status