Share

CHAPTER 3 Midnight Encounter

Pasado alas-onse na ng gabi ngunit patuloy pa rin si Nica sa paglalakad sa kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway sa Cavite sa pagbabakasakaling may pampasaherong bus pa siyang masakyan bago abutan ng total lockdown pagsapit ng hatinggabi. Hindi niya alintana ang matinding hirap at pagod dahil sa kagustuhang makauwi sa kaniyang nayon sa Tagaytay City.

Ang alam niya ay nasa state of community quarantine lamang ang Maynila at mga karatig-lugar dahil sa isang deadly virus na kumakalat. Ngunit biglang may kumalat na balita na  mamayang alas-dose raw ng hatinggabi ay idedeklara  na rin ng pangulo ng Pilipinas ang  total lockdown    kung kaya tanghali pa lang ay ipinagbawal na sa mga pampasaherong sasakyan na maglabas-pasok  hindi lamang sa Maynila kungdi maging sa buong Calabarzon. Ang sabi ng mga pulis na nasa check point ay aarestuhin na ang mga  taong  mahuhuli pa ring naglalakad sa kalsada  pagsapit ng alas dose ng hatinggabi kung kaya umaasa siyang may mabuting pusong magpapasakay sa kanya.

            Bahagya siyang huminto upang pahirin ang pawis sa noo at mga pisngi. Kanina pa siya  nanlalagkit sa pawis at alikabok na dulot ng ilang oras na paglalakad mula sa Baclaran.  Unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng gutom at uhaw. Kung bakit naman wala siyang makitang bukas na grocery o sari-sari store upang makabili ng pagkain dahil kanina pa naubos ang baon niyang biscuit at tubig.

            Napailing na lang siya sa inis. Kung hindi siya nagkasakit ng halos dalawang linggo, baka nakauwi na siya sa Tagaytay bago siya inabutan ng community quarantine sa Maynila. Hindi naman niya puwedeng ipagpaliban ang pag-uwi ngayon dahil inaasahan ng kanyang lolo at lola ang  kanyang pagdating lalo na at kailangang-kailangan ng mga ito ang salaping dala niya.

            Sukat sa naalala ay mabilis na niyakap niya ang bag pack na nakasukbit sa harapan niya. Bahagya siyang napangiti nang masigurong nasa loob ng bag na iyon ang malaking halaga ng salapi na ipangtutubos ng kanyang lolo’t lola sa lupang nakasangla sa bangko. Salapi na halos naging katumbas ng buhay niya at buong pagkatao.

            “Enough, Nica Masangkay,” saway niya sa sarili nang mag-umpisa na naman siyang mag-self pity. “Nakuha mo na ang gusto mo, hindi ba? Maraming pera. Gamit ang perang ito ay mababawi mo na ang lupa ninyo, maipapaayos mo ang bahay ng iyong lolo at lola  at maipagpapatuloy mo na ang iyong  pag-aaral. At kapag nakatapos ka na sa  kolehiyo, mababago na kahit papaano ang buhay mo at ang buhay ng mga taong  mahal mo.  At kapag nangyari iyon, malilimutan mo na ang lahat nang masasakit mong karanasan dito sa Maynila, kabilang na ang kasawiang dinanas mo sa mga kamay ni Borris Ivanovich.”

            Nanlabo ang kanyang mga mata pagkaalala sa dating nobyo, ang Russian Spanish na nakilala niya sa isang dating site sa internet ilang buwan ang nakalilipas. Nakipagkaibigan ito at kalaunan ay nanligaw. Mahusay ang lalaki  sa pambobola, romantiko at guwapo rin naman, bukod pa sa pagpapakilala nito sa kanya bilang isang matagumpay na businessman sa sariling bansa.

            Nang maging magkasintahan sila ay agad itong pumunta sa Pilipinas upang magkita sila. Noong una ay nagpakita ito ng pagiging mabait at maalalahanin  kung kaya ang buong akala niya ay si Borris na ang kasagutan sa kanyang mga panalangin, at iyon ay isang lalaking mag-aahon sa kanya mula sa kahirapan. Ngunit mabilis na naglaho ang lahat ng kanyang mga pangarap nang iutos nito sa kanya ang isang bagay na ni sa panaginip ay hindi niya naisip gawin ngunit kinailangan niyang mamili. Sa isang iglap ay niyakap niya ang kahalayan kapalit ng sariling buhay at malaking halaga ng salapi.

            Limang milyon! Limang milyong piso  kapalit ng kanyang dangal at pagkababae!

            Humalo sa kanyang pawis ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Marahas niyang pinahid iyon ng likod ng kamay.  Kahit yata ilang beses niyang sabihin sa sarili na hindi na siya iiyak ay hindi pa rin maiiwasan ang pagtulo ng mga luha niya dahil sa matinding galit at habag  sa sarili lalo na ngayong naglalakad siyang mag-isa  sa kahabaan ng highway sa dis-oras ng gabi at walang kasiguruhan kung makakauwi pa siya. Idagdag pa ang gutom at uhaw at pananakit ng buong katawan dahil sa ilang oras na paglalakad. Panaka-naka ring napapahinto siya sa paghakbang dahil sa panghihina ng mga paa’t binti. Ilang beses rin niyang nasapo ang noo dahil sa bahagyang pagkahilo.

            Eksakto namang tumigil ang isang  puting Toyota vios sa tapat niya. Dahan-dahang bumaba ang bintana sa tabi ng driver’s seat at sa tama ng liwanag na naggagaling sa ilaw ng mga poste ay nabanaagan niya ang pagsungaw ng isang napakaguwapong lalaki. Dali-dali niyang inayos ang sarili upang hindi mapansin ng estranghero ang pag-iyak niya. Sa anyo pa lang ay sigurado si Nica na hindi purong pinoy ang kaharap niya. Nagulat pa siya  nang magsalita ito gamit ang wikang Tagalog.

“Sakay na, miss,” nakangiting sabi ng lalaki. Titig na titig sa kanya ang magaganda nitong mga mata.

Nica blinked her eyes several times. Suddenly, she couldn’t  open her mouth to speak. Para siyang nabato-balani sa mala-bathalang anyo ng lalaking kaharap. Saglit na nalimutan niya ang nararamdamang sakit ng katawan at kalooban.

“Miss…” natatawang sabi ng lalaki. Mukhang nahalata nito ang pagkataranta niya.

“E-excuse me?” Finally, Nica was able to say a word with her  eyes were staring at the gorgeous face of the stranger. Malalim ang mga mata nito, matangos ang ilong at maninipis ang mga labi. Kahit malabo ang ilaw ay napansin pa rin niya ang stubble nito na maayos na nakalatag sa magkabilang ibabang pisngi kung kaya lalong naging kaaya-aya ang hubog ng mga panga. Lalaking-lalaki, sa loob-loob niya.

Muling ngumiti ang estranghero dahilan upang lalong lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. “I said, you can hop in, if you don’t mind.”

Saka lang parang muling natauhan si Nica. Kahit natataranta ay nagawa pa rin niyang magkunwari na  hindi siya apektado sa kaguwapuhan ng lalaking kaharap. “Ahm, thank you pero hindi na kailangan dahil malapit na ako sa pupuntahan ko,” pagsisinungaling niya.

“Hmmm,” marahang hinagpos ng lalaki ng isang kamay ang sariling baba. Muling natuon tuloy ang pansin ni Nica sa stubble nito. Panibagong kilig na naman ang gumapang sa buong katawan niya. “Parang hindi naman, miss. Wala akong nakikitang kabahayan sa parteng ito. At isa pa ay alam kong pagod ka na dahil kanina ka pa naglalakad.”

“How did you know? Sinusundan mo ba ako?” medyo napataas ang tono na tanong niya.

“Of course not!” Bahagyang humalakhak ang lalaki. “Pero sa bagal ng mga sasakyan dahil sa sunod-sunod na check point, hindi maiiwasan na mapansin ka dahil mag-isa ka lang naglalakad dito.”

“Okay, fine,” sabi niya sabay hakbang upang tapusin na ang pakikipag-usap sa preskong estranghero. Bagamat natutukso na siyang tanggapin ang iniaalok nito ay nanaig ang kanyang takot na baka mapahamak na naman siya dahil sa padalus-dalos na pagdedesisyon. Ngunit sa halip na iwan siya ay mabagal  na pinatakbo ng lalaki ang kotse upang masundan siya.

“Huwag ka nang mahiya, miss. Dahil sa susunod na check point ay baka hindi ka na palampasin dahil eksaktong alas-dose na.” Sadya pang itinaas ng lalaki ang kaliwang braso upang ipakita ang suot na relo.”   Total lockdown na sa lugar na ito which means mas mahigpit na ang pagbabantay ng kapulisan. You can be arrested if you cannot show any proof that you are a frontliner,” halos pasigaw na sabi nito upang marinig niya.

“Ganoon din ang mangyayari sa iyo,” pasigaw din na sabi niya. “as if naman frontliner ka sa bansang ito?”

“I am a health worker, miss. Maluwag sila sa mga katulad ko,” tugon ng lalaki.

Saglit na napatigil sa paglalakad si Nica nang makita ang mga pulis sa susunod na check point. Masusing tinitingnan ng mga ito  ang mga papeles o ID na ipinapakita ng mga drivers ng mga sasakyan na dumadaan. Kung kaya sa takot na arestuhin siya ay dali-dali na siyang sumakay sa kotse ng lalaki.

“Good! Masunurin ka naman pala,” nangingiting wika ng estanghero nang makaupo na siya sa tabi nito.

Biglang sinalakay ng matinding kaba si Nica nang makita ang kabuuan ng lalaki. Mas malaki ang built nito kumpara sa iniisip niya kanina. Sa tantiya niya ay mahigit anim na talampakan ang tangkad ng kanyang katabi.  Idagdag pa ang malapad na mga balikat, matipunong mga bisig at malaman na dibdib na bakat na bakat sa cotton black shirt na tinernuhan ng khaki na cargo short. Bigla tuloy siyang nag-alala na baka maulit ang naging karanasan niya kay Borris kung kaya nagbalak siyang bumaba na lang ng kotse.

“What are you doing?” medyo gulat na tanong ng lalaki nang mapansing sinusubukan niyang buksan ang pinto sa tabi niya.

“I-I’m sorry…I changed my mind. M-maglalakad na lang uli ako…” paputol-putol na sabi niya.

“Ow, c’mmon!” Sinundan iyon ng lalaki ng mahinang tawa. “Kapag ginawa mo iyan, baka wala ng magmagandang-loob sa iyo na katulad ko. Ikaw din, mahirap makasuhan for violation of lockdown protocols. At saka halata namang pagod na pagod ka na.” Pagkasabi noon ay mabagal na nitong pinaandar ang kotse.

“Health worker ka nga bang talaga?” may pagdududang tanong ni Nica nang maramdamang umuusad na ang kanilang sinasakyan. Kumakabog pa rin ang dibdb niya dahil sa kaba.

“Bakit hindi mo basahin ang ID card ko?” Pagkasabi noon ay ininguso ng lalaki ang identification card na nakasabit sa interior mirror ng kotse.

Dali-daling hinagilap ni Nica ang ID card at mabilis na pinasadahan ng mga mata ang mga detalyeng nakasulat sa maliit na papel. Maya-maya pa’y nagtatakang napatingin siya sa katabi na noon ay tahimik na nagmamaneho.

“Dr. Matthaios Levidis? Doktor ka nga. At isa kang…Greek?”

“Greek-Filipino to be exact,” medyo nakangiting sagot nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kalsada.

Muling binasa ni Nica ang iba pang detalye sa ID card. “Athens Insitute of Virology.” So, hindi ka sa Pilipinas nagpa-praktis ng propesyon mo. Ano’ng ginagawa mo rito? I mean…bakit ka naririto? To think na napakadelikado ngayon sa bansa namin.”

“Iyan ang dahilan kung bakit ako naririto, miss---eherm…how shall I call you?”

“Nica. Nica Masangkay,” walang gatol na tugon niya. Muntik na siyang mabilaukan nang maisip na mukhang ang bilis niyang ibinigay ang kanyang pangalan.

“Nice meeting you, Nica. I am Dr. Matthaios Levidis.” Pagkasabi noon ay inilahad ng lalaki ang kanang palad sa kanya tanda ng pakikipagkamay. Bantulot na iniabot niya ang sariling kamay dito at nagulat pa siya nang marahang pinisil iyon ni Matthaios saka dahan-dahang dinala sa sariling mga labi habang titig na titig sa kanya. “I think I saw you before. Hindi ko lang maalala kung kailan at saan, pero sigurado akong nakita na kita.”

Bigla siyang napalunok nang sunod-sunod. Maaaring tama si Matthaios na nakita na nga siya nito, sa magazine, sa tv, sa social media  o sa runway. Pero mabilis ang utos ng utak niya na hindi niya kailangang i-confirm ito sa binata. Hindi ba’t buo na sa isip niya na iiwan at kalilimutan na niya ang isang bahaging iyon ng kanyang pagkatao? Kaya nga uuwi na siya sa kanyang probinsya upang simulan ang isang bagong buhay na malayung-malayo sa dating siya.

“A-ang kamay ko.” Sa wakas ay nakaisip siya ng dahilan upang hindi sagutin ang lalaki.

Dahan-dahan namang binitiwan ni Matthaios ang kanyang kamay saka muling itinuon ang mga mata sa kalsada. Eksakto namang sumesenyas ang isang uniformed personnel para patigilin sila.

“Any document, sir?” magalang na approach ng pulis kay Matthaios matapos ibaba ng lalaki ang salamin sa tabi ng driver’s seat. Tahimik namang iniabot ni Matthaios ang ID card na kanina lang ay hawak niya. Matapos sulyapan ng pulis ang ID ay mabilis itong sumulyap kay Nica. “Are you also a frontliner, miss? Can I see your ID?”

“Ha? Ah,eh…” Wala siyang maapuhap na sasabihin. Of course, meron siyang ID pero hindi naman siya frontliner. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya dahil sa nerbiyos.

“Miss, dumarami na po ang mga sasakyan sa likod ninyo,” tila inip na sabi ng pulis nang hindi pa rin siya kumikilos.

“S-sandali lang,” nangangatal na sabi niya. “Nandito lang iyon, eh. Alam ko nandito lang iyon…” Nagkunwari siyang may kung ano’ng hinahanap sa kanyang bag pack.

“I guess she doesn’t need to show her ID,” sumingit na ang hindi nakatiis na si Matthaios. “She is my wife and she’s pregnant. I have to bring her to the province for safety.”

“Any document to prove that she is your wife, sir?” may pag-aalinlangang tanong ng pulis.

Ibinaling ni Matthaios ang tingin sa kanya ngunit nagkunwari pa rin siyang abala  sa paghahanap sa ID niya. “Babe…” narinig niyang sabi ng lalaki sabay patong ng kamay sa kanyang balikat. Sa gulat ay napatunghay siya ngunit lalo siyang nabigla nang makitang malapit na malapit na ang mukha ni Matthaios sa kanya. At bago pa siya nakakilos ay siniil na siya nito ng halik sa mga labi. Magwawala sana siya ngunit tinupok ng init ng hininga ng lalaki ang tapang niya hanggang hindi niya namamalayan ay tinutugon na pala niya ang mga halik nito.

She even closed her eyes to savor their intimacy. His kiss was very sweet, hot and compelling. Kung ganito kasarap ang halik ng estrangherong ito, papayag na siyang halikan nito habambuhay kahit hindi niya ito lubusang kilala.

Hindi niya alam kung gaano sila katagal ni Matthaios nagpalitan ng mga halik hanggang katokin ng natatawang pulis ang bubong ng kotse sabay sabing puwede na silang lumampas. Saka pa lang siya binitawan ni Matthaios upang patakbuhin muli ang kotse.

“Bakit mo ginawa iyon?” galit na tanong niya matapos itulak sa dibdib ang lalaki.

“Ang alin?” natatawang balik-tanong ni Matthaios.

“Bakit mo ako hinalikan?” gigil na tanong niya uli habang unti-unti siyang natutunaw sa kahihiyan. Alam niyang hindi maikakaila na tinugon niya ang mga halik ng lalaki.

“Kung hindi ko ginawa iyon, malamang pinababa ka noong pulis at siguradong shoot ka sa kulungan ngayon.”

“So what? Ano namang pakialam mo? Umepal ka lang dahil may masama kang motibo.”

“My only motive was to help you. Huwag mong bigyan ng kulay ang pagtulong ko sa kapwa.” Medyo mataas na ang tono ng boses ni Matthaios nang magsalita.

“Ang sabihin mo, mapagsamantala ka. Akala mo ba, magagawa mo sa bansang ito lahat ng gusto mong gawin kasama na ang pananamantala?” sigaw niya habang hinahampas ng mga kamay ang braso ng lalaki.

“Shut up, Miss Nica Masangkay.” Lalong tumaas ang tono ng boses ni Matthaios. “Puwede ka namang bumaba na kung gusto mo,” banta nito.

Natigilan si Nica. Mabilis na tiningnan niya ang kanilang dinadaanan. Walang mga tao, bahay o gusali sa paligid at sa halip ay mga puno at damo ang nakikita niya. Nayakap niya ang sarili nang maisip na ang lugar na ito ay kilala sa maraming hold up at rape cases na naganap. Gustuhin man niyang bumaba ay mas dinaig siya ng takot dahil sa mga nababalitang nangyayari sa bahaging iyon idagdag pa ang mga gumagalang nocturno kapag gabi kung kaya padabog na sumandal na lang siya sa upuan, marahas na hinila ang seat belt at tahimik na ini-lock iyon.

“Good girl,” nangingiting sabi ni Matthaios.

Inirapan lang niya si Matthaios saka ibinaling ang mga mata sa bintana. Ipinasya niyang huwag na lang kausapin ang lalaki sa buong biyahe. Kikibuin lang niya ito kapag malapit na siyang bumaba.

Sa kabutihang-palad ay hindi na rin kumibo pa si Matthaios at itinuon na lamang ang atensyon sa pagmamaneho.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status