MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1

MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1

last updateLast Updated : 2022-05-31
By:  Marinelli StarrOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
25Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Destined to save the world from its doom caused by an ancient curse that appears every one hundred years, Matthaios Levidis, together with a group of young and brave doctor scientists from Athens, Greece, is set to find and kill the carrier of the curse, the ambitious fashion model Ava Taylor. Ava is suspected to be the first carrier of the unknown virus that turns victims into flesh-eating nocturnal mutants. Ngunit sa halip na si Ava ang natagpuan, isang simpleng probinsiyana ang bumihag sa puso ni Matthaios. But right after he pledged his heart to Nica Masangkay, a dark secret is revealed which compels him to choose between his mission and the woman he loves. IMPORTANT REMINDER!!! I spent time, effort and money in writing this piece of art. Nobody is allowed to make money out of it unless I give my written consent. If I caught somebody COPYING or SELLING the soft copy of this story or any of my stories here on Good Novel, I will make sure that he/she will deal with the law for violating Republic Act No. 8923.

View More

Chapter 1

PROLOGUE

          Odrysian Kingdom, Balkan Peninsula, 5th century B.C.

            Duguang bumagsak sa pampang ng Ilog Abdera  si Agenor, ang malupit na pinuno ng tribong Illyrian. Tadtad ito ng mga saksak at taga sa buong katawan habang masaganang umaagos ang  sariling dugo. Hinahabol na rin nito ang hininga.

Ngunit hindi man lang kinakitaan ng awa si Haring Tereus, ang mandirigmang hari ng Odrysian kingdom  na nagmula sa tribong Thracian. Nakatayo siya habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkagapi nang mortal na kaaway. Nang tumingin siya sa paligid ay nakita niyang paubos na rin ang mga mandirigmang Illyrian na umatake sa  mga tribo ng Thracians na nasa  ilalim ng kanyang pamumuno.

“Nabigo ka, Agenor. Nabigo kang agawin sa aming mga Thracian ang kaharian ng Odrysian,” mariing wika ni  Haring Tereus habang mahigpit na hawak ng kanang kamay ang duguang espada na ginamit sa pakikipaglaban kay Agenor.

Ngunit sa halip na magmakaawa ay nakakainsultong tumawa pa si Agenor. Kahit hirap ay nagawa pa rin nitong magsalita. “Iyan ang akala mo, Tereus. Mapapatay mo ako, pero hindi ang apoy ng  aking galit dahil sa kasakiman mo.”

“Ikaw ang sakim, Agenor. “ Muling nanginig sa galit ang kanyang buong katawan. “Alam kong alam mo na ang trono ng Odrysian ay para lamang sa mga Thracian pero hinangad mo pa rin ito. Nilason mo ang isipan ng iyong mga nasasakupan upang makapaglunsad ka ng isang digmaan. Itinaya mo ang kanilang mga buhay para lamang sa pansarili mong kagustuhan. Ngayon, paano mo pamumunuan ang isang kaharian kung ang sarili mong tribo ay kaya mong ipahamak dahil sa iyong kabuktutan? Mabuti na lamang at palagi kaming nasa pangangalaga ng  aming diyos na si Thrax kung kaya hindi nagtagumpay ang maitim mong mithiin.”

Sarkastikong ngumisi si Agenor. “Ang inyong diyos na si Thrax ay anak lamang ng mas makapangyarihang diyos na si Ares. Sa tulong ni Ares, ay magpapatuloy ang labanan sa pagitan ng ating mga tribo hanggang hindi napapasakamay ng mga Illyrian ang Odrysian.”

Bahagyang tumawa si Haring Tereus. “Hindi na mangyayari ang sinasabi mo, Agenor. Sapagkat ito na ang huling digmaan na magaganap sa pagitan ng mga Thracian at Illyrian dahil papatayin na kita sampu ng hangal mong mga kawal.” Pagkasabi noon ay dahan-dahang itinaas ni Haring Tereus ang espada upang i****k sa dibdib ni Agenor.

Ngunit hindi man lang kinakitaan ng takot si Agenor. Habang hirap sa paghinga ay nagpatuloy ito sa pagbabanta. “Mapapatay mo ang aking katawan ngunit hindi ang  sumpang binitawan ko sa ilog na ito ng Abdera saksi ang mga diyos ng kadiliman. Ang mga diyos mula sa hades kabilang ang pinakamakapangyarihang diyos ng digmaan na  si Ares ang tutulong sa pitong  supling na magpapatuloy ng kasamaan na ipinunla ko sa mundong ito.”

Naudlot ang pagtarak ni Haring Tereus ng espada sa dibdib ni Agenor. Ang galit na nararamdaman ay napalitan ng pangamba. “Sumpa? Ano’ng sumpa ang sinasabi mo?”

Muling ngumisi si Agenor na tila ba nakaramdam ng tagumpay sa laban. “Tuwing ika-sandaang taon, lilitaw mula sa aking sariling dugo ang mga supling na magdadala ng salot sa sansinukob. Mula sa hades ay dadalhin ng mga supling na ito  ang kasumpa-sumpang lason ng kasamaan na magiging dahilan ng kamatayan ng lahat ng tao sa buong mundo kabilang na ang salinlahi ng mga Thracian. At pito silang lahat, Tereus. Pitong binhing magiging tagapagdala ng aking sumpa. At katulad ko at ng lahat ng nilalang sa buong sanlibutan, hindi ka rin nakatakdang mabuhay habang panahon. Ngayon, paano mo pipigilan ang pitong tagapaghasik ng kasamaan at kamatayan sa lahat ng tao sa buong mundo?”

“Isa kang hangal,” singhal ni Haring Tereus.  “Sa palagay mo ba ay papayagan iyan ng mga mabubuting diyos ng Moreva?”

“Walang magagawa ang mga mabubuting  diyos pagdating ng panahon ng kadiliman, at iyon ay kapag nagsimula na ang mga tao na yakapin ang kasamaan, magiging makasarili sila at mapag-imbot. Mababaliw sila sa mga makamundong bagay katulad ng lakas at kapangyarihan na magdudulot ng mga digmaan.  At kapag nangyari iyon, magiging madali na silang lipulin ng mga tagapagdala ng sumpa  dahil sa kawalan nila ng pagkakaisa at pagmamahal sa kanilang kapwa.”

“Isa kang baliw, Agenor. Tama lang na hindi napunta sa isang hangal na katulad mo ang pamumuno sa Odrysian.” Lalong humigpit ang hawak ni Haring Tereus sa espadang hawak ngunit hindi man lang nagpakita ng pagkatakot si Agenor.

“Tandaan mo ito, Tereus. Tuwing ika-sandaang taon, lilitaw ang pitong tagapagdala ng salot na papatay sa lahat ng tao sa buong mundo. At hindi mo ito mapipigilan, Tereus. Walang sino mang diyos sa buong Odrysian o sa buong mundo man ang may kakayahang ipawalang bisa ang isang sumpa na binitawan  sa ilog Abdera at sinaksihan ng mga diyos ng hades.”

“Isa kang baliw! Hindi papayagan ng mga diyos ng Moreva ang kabuktutan mo! Ngayon pa lamang ay pinuputol ko na ang sumpang sinasabi mo!” Pagkasabi noon ay ubod lakas na itinarak  ni Haring Tereus ang espada sa dibdib ni Agenor.

Ngunit tila hindi ininda ni Agenor ang sugat na natamo mula sa kanyang espada. Nagpatuloy pa rin ito sa pagbabanta. “Ang sumpa, Tereus. Matakot ka sa sumpa.”

Hinugot ni Haring Tereus ang espada at nanggigigil na muling ibinaon ito sa dibdib ni Agenor. Mga halakhak ng pang-uuyam ang isinukli nito.

Muli niyang hinugot ang espada at muling ibinaon sa katawan ni Agenor. Sa bawat halakhak nito ay panibagong sugat ang nililikha ng kanyang sandata. Paulit-ulit hanggang halos mawasak na ang buong katawan nito. Tumigil lamang siya nang pinigilan siya ni Phineas, ang pinunong babaylan ng Odrysian.

“Tama na, mahal na hari. Patay na si Agenor. Ubos na rin ang kanyang mga kawal. Tapos na ang digmaan sa ating kaharian,” mahinahong awat ni Phineas.

Humihingal na tumigil sa ginagawa si Haring Tereus saka bumaling sa pinunong babaylan. Ang sinabi nito tungkol sa pagtatapos ng digmaan sa Odrysian ay hindi sapat upang mapawi ang takot na ngayon ay bumabalot sa buong pagkatao niya. “Narinig mo ba ang kanyang sinabi, Phineas? Patay na nga siya ngunit isang malagim na sumpa naman ang kaniyang iniwan para sa buong sangkatauhan.”

Marahang tumango si Phineas. “Oo, mahal na hari. Tunay na sagad sa buto ang kaniyang kasamaan.”

“Ginamit niya ang ilog Abdera para sa katuparan ng kanyang malagim na sumpa. At alam nating lahat na  hindi kayang baliin ng ano mang kapangyarihan ang bisa ng isang sumpa kapag isinagawa ito sa mahiwagang ilog na iyon at sinaksihan ng mga diyos ng hades.”

“Alam ko,” malungkot na tugon ni Phineas. “At ang tanging paraan lamang ay makapaghanda ang ating angkan ng mga supling na susupil sa mga tagapagdala ng sumpa sa bawat ika-sandaang taon. At iyon ay kailangang manggagaling sa sarili mong  dugo.”

“Anak ko?”

“Mga anak mo hanggang sa iyong kaapo-apohan. Tuwing ika-sandaang taon, pitong supling  mula sa iyong angkan ang hihirangin upang sugpuin ang pitong tagapagdala ng sumpa na magmumula naman sa angkan ni Agenor.. ”

“Walang problema, Phineas. Batid kong mananalaytay sa ugat ng aking mga salinlahi ang dugo ng isang mabuting pinuno at mandirigma.”

“Subalit…” may pag-aalinlangan sa tinig ni Phineas.

“Ano, Phineas? Magsalita ka!”

“Kailangan mo pa itong hingin sa ating diyos na si Thrax. At upang pagbigyan ka, kailangan mong ialay ang sarili mong buhay.”

“Nakahanda ako, Phineas. Iaalay ko ang sarili kong buhay para sa kaligtasan ng sangkatauhan,” walang takot na sabi ni Haring Tereus.

“Mahal na hari…”

Sinadya ni Haring Tereus na hindi pansinin ang pagtutol ng babaylan. “Bukas na bukas din ay magkakaroon tayo ng pagpipiging. Maghahain tayo ng maraming pagkain at alak. Ipahanda mo rin ang templo ni Thrax. At habang nagsasaya ang lahat, gagawin ko ang pinakamahirap na desisyon sa aking buhay bilang hari ng Odrysian.” 

Malungkot na napailing si Phineas. “Mahal na hari, hindi mo kailangang magsakripisyo. Kung mamamatay ka man, ito ay nararapat na sa natural na paraan, sa sakit o kahit na sa digmaan, pero hindi dahil sa iniligtas mo ang buhay ng mga tao sa hinaharap. Hindi natin sila kilala at wala tayong pakialam sa kanila.”

“Nagkakamali ka, Phineas. Bilang isang hari, tungkulin ko na sagipin ang aking nasasakupan mula sa pagkawasak. Hindi lang ang kaharian ng Odrysian kungdi maging ang buong mundo kahit na ang Odrysian ay isang maliit na bahagi lamang nito. Isa pa, kailangang manatiling  umiiral ang lahi nating mga Thracian upang patuloy na may mangalaga sa daigdig, ang nag-iisa nating tahanan.”

Napatungo si Phineas tanda ng paghanga sa kabutihan ng hari. “Kung iyan ang iyong nais, mahal na hari.”

“Isa lamang ang aking kahilingan, Phineas…”

“Sabihin po ninyo.”

“Nais kong isulat mo sa ating kasaysayan ang mga kaganapang ito upang magpasalin-salin hindi lamang sa aking pamilya kung  hindi sa lahat ng salinlahi ng mga Thracian. Nang sa ganoon ay walang Thracian ang hindi makakaalam ng kuwento ko upang  magiging madali para sa kanila ang paghirang sa mga supling na susupil sa sino mang magiging  tagapagdala ng sumpa sa hinaharap.”

Walang alinlangang tumugon  si Phineas. “Maasahan niyo, Haring Tereus.”

Pagkuwa’y bumaling ang mga paningin ni Haring Tereus sa napakalawak na lupain ng Odrysian. Nasa mataas na bahagi sila ng lupa kung kaya halos natatanaw niya ang buong kaharian. Lihim niyang ipinagpasalamat ang  pagtatapos ng digmaan sa pagitan ng mga Thracian at ng mga Illyrian. Sa wakas ay makakamit na ng iba pang tribo na nasasakupan ng buong kaharian ng Odrysian ang kapayapaan.  

Maya-maya’y dumagundong ang kanyang boses nang pasigaw siyang nagsalita. Nakatingala siya sa kalangitan habang nakadipa ang dalawang braso. “Isinusumpa kong mula sa aking dugo ay isisilang ang mga supling na magdadala ng kaligtasan sa buong mundo. Habang may kasamaan na iiral sa iba’t ibang panahon, may pitong  dugong Thracian  ang ipapanganak upang labanan ito. Nawa’y patnubayan sila ng mga mabubuting diyos ng Moreva at ng aking diyos na si Thrax.”

Pagkasabi noon ay biglang nayanig ang buong kalangitan dahil sa pagsulpot ng mga  matatalim  na kidlat kasabay nang  malalakas na kulog. Ilang saglit lamang at bumuhos  ang malakas na ulan. Nabasa ang buong lupain ng Odrysian palatandaan ng padating na pagsibol at paglago ng mga puno’t halaman.

Nagpatuloy sa pagsigaw si Haring Tereus, hindi alintana ang malalaking butil ng ulan na bumabagsak sa kanyang mukha at buong katawan. “Alam kong naririnig mo ako, Thrax, sampu ng mga mabubuting diyos ng Moreva. Pakinggan ninyo ang aking kahilingan, kapalit ng sarili kong buhay.”

Isang maliit na kidlat ang tumama sa nakabukas na kanang kamay ni Haring Agenor. Napasigaw siya sa sakit  nang gumuhit sa balat at laman niya ang maliit na apoy.  Bago mawalan ng ulirat ay nagawa pa niyang tingnan ang pigurang iginuhit ng kidlat sa kanyang palad. Nang mapagtanto kung ano ito ay agad siyang  napaluha  at sunod-sunod na pasasalamat ang namutawi sa mga labi niya. Alam niyang paraan iyon ng mga diyos ng Moreva upang ipaalam sa kaniya na dininig ng mga ito ang kanyang kahilingan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
DebtheCulprit
Finallyy...️...️
2022-01-30 21:00:10
1
25 Chapters
PROLOGUE
Odrysian Kingdom, Balkan Peninsula, 5th century B.C. Duguang bumagsak sa pampang ng Ilog Abdera si Agenor, ang malupit na pinuno ng tribong Illyrian. Tadtad ito ng mga saksak at taga sa buong katawan habang masaganang umaagos ang sariling dugo. Hinahabol na rin nito ang hininga. Ngunit hindi man lang kinakitaan ng awa si Haring Tereus, ang mandirigmang hari ng Odrysian kingdom na nagmula sa tribong Thracian. Nakatayo siya habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkagapi nang mortal na kaaway. Nang tumingin siya sa paligid ay nakita niyang paubos na rin ang mga mandirigmang Illyrian na umatake sa mga tribo ng Thracians na nasa ilalim ng kanyang pamumuno. “Nabigo ka, Agenor. Nabigo kang agawin sa aming mga Thracian ang kaharian ng Odrysian,” mariing wika ni Haring Tereus habang mahigpit na hawak ng kanang kamay ang duguang espada na ginamit sa pakikipaglaban kay Agenor. Ngunit sa halip na magmakaawa ay nakakainsultong tumawa pa si Agenor. Kahit hirap ay nagawa pa rin
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more
CHAPTER 1 The Curse
July 30, 2021. Athens Institute of Virology, Greece. Tahimik na iginala ni Dr. Matthaios Levidis ang paningin sa mga taong nasa loob ng conference room. Nasa sampung tao silang naroroon na pulos kapwa niya doktor-siyentipiko kabilang ang kanyang lolo, si Dr. Nikolaus Levidis, ang direktor ng institute. Alam niyang hindi isang ordinaryong meeting ito para sa institusyon dahil pamilyar at pinili ang mga taong kasama niya roon kabilang ang mga founders at officials ng institusyong iyon. Sa pagkakaalam niya, ang Athens Institute of Virology o AIV ay nagsisilbing headquarter at training ground din ng mga piniling descendant ng kanilang angkan, ang mga Thracian. Sa kasalukuyan ay apat pa lamang sila sa nadidiskubreng descendants nang magiting na sinaunang hari ng mga Thracian. Kahit nagmula silang apat sa iba’t ibang bansa, ang palatandaan naman ng pagiging isang tagapagligtas ng sansinukob ay taglay nila sa kanilang mga palad bilang birthmark, at iyon ay ang mapa ng isang sinaunang kah
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more
CHAPTER 2 Matthaios Levidis
“Akrivos!” mabilis na tugon ni Director Nikolaus Levidis. Lumikha ng kaunting ingay ang naging tugon na iyon ng direktor. Hagen and Helga nodded their heads as a sign of agreement. Hinagod naman ni Rigor ang sariling baba habang matamang nag-iisip. Nagpahayag naman ng pagsang-ayon din ang ibang matatandang doktor na naroroon. Nanlumo naman si Matthaios sa narinig na tugon ng direktor. Agad na sinakmal ng lungkot at panghihinayang ang kanyang damdamin. Paanong ang isang babaeng may mala-anghel na mukha ay nagtataglay ng ganoong kasamaan para sa buong sangkatauhan? “But if that woman is the virus carrier, she could be dead also by this time, knowing that her likes are being hunted by the police and military,” wika ni Matthaios habang hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig kay Ava. There was something in her charm that he couldn’t understand. Bumibilis pa rin ang pintig ng puso niya habang nakatingin sa magandang mukha ng babae. “Her name is not yet include
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more
CHAPTER 3 Midnight Encounter
Pasado alas-onse na ng gabi ngunit patuloy pa rin si Nica sa paglalakad sa kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway sa Cavite sa pagbabakasakaling may pampasaherong bus pa siyang masakyan bago abutan ng total lockdown pagsapit ng hatinggabi. Hindi niya alintana ang matinding hirap at pagod dahil sa kagustuhang makauwi sa kaniyang nayon sa Tagaytay City. Ang alam niya ay nasa state of community quarantine lamang ang Maynila at mga karatig-lugar dahil sa isang deadly virus na kumakalat. Ngunit biglang may kumalat na balita na mamayang alas-dose raw ng hatinggabi ay idedeklara na rin ng pangulo ng Pilipinas ang total lockdown kung kaya tanghali pa lang ay ipinagbawal na sa mga pampasaherong sasakyan na maglabas-pasok hindi lamang sa Maynila kungdi maging sa buong Calabarzon. Ang sabi ng mga pulis na nasa check point ay aarestuhin na ang mga taong mahuhuli pa ring naglalakad sa kalsada pagsapit ng alas dose ng hatinggabi kung kaya umaasa siyang may mabuting pusong magpapasak
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more
CHAPTER 4 Nica Masangkay
Naalimpungatan pa si Nica nang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Ginising siya ng tinig at mahinang pag-alog ni Matthaios sa kanyang balikat. “Papasok na tayo ng Tagaytay, Nica,” mahinahong sabi ni Matthaios. Sukat sa narinig ay napabalikwas siya. Pagdungaw niya ng bintana ay napatunayan niyang totoo ang sinabi ng lalaki. Sa wakas ay muli niyang nasilayan ang malalaking puno ng narra na nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada, ganoon din ang halos dikit-dikit na mga hotel, resort at restaurant at maliliit na kainan tanda ng maunlad na turismo sa lungsod. Ilang buwan din siyang hindi nakauwi sa lugar na ito dahil sa mga modelling projects kung kaya hindi niya maitago ang sayang nararamdaman. Ngunit taliwas sa nakasanayan niya na dati ay buhay na buhay ang turismo sa lungsod kahit dis oras ng gabi, ngayon ay sarado na ang lahat ng establishments at wala na ring tao sa paligid. Wala rin halos bumibiyahe maliban sa ilang private vehicles at mga tru
last updateLast Updated : 2021-08-25
Read more
CHAPTER 5 First Encounter With A Nocturno
“Ang buong akala namin ay hindi ka na makakauwi dahil sa pinaiiral na lockdown, ate Nica,” tuwang-tuwang sabi ni Jen, pinsang buo ni Nica na siyang tumitingin sa kanyang lolo’t lola kapag wala siya. Hawak nito ang pasalubong niyang make up kit. Bata si Jen o Jenevie ng tatlong taon sa kanya, anak ito ng pinsang buo ng kanyang ina. Katulad niya, ay maganda rin ito bagamat may kakulitan. “Ano ka ba, Jen,” nakangiting wika niya. “Kapag sinabi kong uuwi ako, uuwi talaga ako kahit harangan pa ako ng sibat.” “Sus! Ang sabihin mo, kung hindi ka pinasakay ng guwapong doktor na ikinukuwento mo, siguradong wala ka pa rito sa mga oras na ito,” pang-aasar ni Jen sa kanya. “Kungsabagay…” Lumuwang ang ngiti ni Nica pagkaalala kay Matthaios. “Ikuwento mo pa siya, dali,” pangungulit ng pinsan niya. “Ano ka ba, Jen? Wala na akong ibang masasabi tungkol kay Matthaios maliban sa pagiging guwapo niya kahit ubod siya ng presko.” Of course, w
last updateLast Updated : 2021-08-25
Read more
CHAPTER 6 The Mystery of Ava Taylor
Isang galit na galit na Rigor ang nadatnan ni Matthaios sa pinto ng laboratory room ng Research Institute of the Philippines kinaumagahan.“Where have you been? Halos magdamag kang nawala kahit alam mo na kailangang-kailangan ka dito?” pasikmat na tanong ng lalaki sa kanya. “I just visited my relatives here,” kalmadong tugon niya habang pumapasok sa laboratory room. Nilampasan niya ang nakatayong si Rigor. “At inuna mo pa ang pamamasyal kaysa sa trabaho natin dito? Remember, we are running out of time. Konting panahon lang ang ibinigay sa atin ni Directo Levidis upang i-solve ang problema natin sa buwiset na virus na ito,” gigil ni Rigor habang sinusundan siya. Kalmado pa ring hinarap ni Matthaios ang nanggagalaiting lalaki. “I know why you’re upset, Rigor. Hindi mo gusto ang sitwasyon mo ngayon. Sa halip kasi na nasa Athens ka at inaasikaso ang sarili mong kasal ay naririto ka ngayon upang hanapan ng solusyon ang problema ng bansang ito.”
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more
CHAPTER 7 The Real Ava
Naaalimpungatang inabot ni Nica ang cell phone na nakapatong sa lamesita sa tabi ng higaan niya. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ang caller. Si Khid Morales, ang kanyang handler. “Ava? Pasensiya na kung napatawag ako. May problema tayo,” balisang sabi ni Khid sa kabilang linya. Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Nica. Mabilis siyang sumulyap sa orasang nasa dingding. Alas-diyes na pala ng umaga. Tinanghali siya ng gising dahil sa malagim na mga pangyayari kagabi. “Khid, bakit ka tumawag? Hindi ba’t ang usapan natin ay magla-lie low muna ako sa modelling at kung maaari ay wala muna tayong komunikasyon habang hindi pa normal ang lahat?” pupungas-pungas niyang sabi pero nagsisimula nang kumabog ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi tatawag sa kanya si Khid ng walang matinding dahilan. “May naghahanap sa iyo, Ava,” kandautal na sagot ni Khid. “May tatlong lalaki na pumunta sa condo ko kanina, pulis ‘yong isa at pilit akong hini
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more
CHAPTER 8 Garreth Hart
Walang pagsidlan ang tuwa nina lolo Marcial at lola Henya sa salaping ipinakita ni Nica sa mga ito. “Totoo ba ito? Matutubos na natin ang bahay at lupa natin na nakasangla sa bangko?” bulalas ni lolo Henya habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa mga salaping papel na nasa loob ng bag pack. “At makapagsisimula pa tayo nang maliit na negosyo, lola,” masayang tugon niya. “Ipagpapatuloy ko rin ang naudlot kong pag-aaral sa kolehiyo. Alam naman ninyong gustong-gusto kong makatapos ng pag-aaral. Ayoko kasing matulad sa ilang taga-rito sa ating baryo na sinikatan at nilubugan na ng araw sa bukid. Gusto kong kahit papaano ay umasenso sa buhay.” Hindi lingid sa dalawang matanda na mula pagkabata ay pinangarap na niyang yumaman sapagkat ayaw niyang matulad sa kanyang ina na namasukang domestic helper noon sa Great Britain na kalaunan ay naanakan at iniwan ng nakarelasyon nitong anak ng amo. Dulot ng kahihiyan at depresyon, kinitil ng kanyang ina ang
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more
CHAPTER 9 A Bloody Encounter
“Dalian n’yo nga ang paglalakad. Aabutin na tayo ng dilim dito sa kahuyan, eh!” sikmat ng nagmamadaling si Marlon. Hindi ito magkandaugaga sa pag-ahon mula sa matarik na lupa habang sinusundan ito nina Nica, Garreth, Jen at Glenda. “Ano ba? Bakit ka ba masyadong nagmamadali?” sigaw ni Jen, bitbit nito ang basket na nilagyan ng mga prutas kanina. Si Garreth naman ang may dala ng mga ginamit na kaldero, plato at mga kubyertos. “Oo nga,” sang-ayon naman ni Glenda, isa rin sa mga kaibigan at kababata ni Nica. “Ikaw nga itong ayaw pang umahon sa tubig kanina kahit panay na ang tawag ko sa iyo,” natatawang dugtong pa nito. Bahagyang tumigil sa paghakbang si Marlon at nakapamaywang na lumingon sa kanila. “Eh, paano naman, ang buong akala ko ay maaga pa. Malay ko ba na mag-aalas sais na pala? Bago tayo makarating sa atin ay malamang madilim na.” “Eh, ano naman kung abutin tayo ng dilim dito?” natatawa ring tanong ni Jen. “Palagi naman tayong
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status