Share

CHAPTER 22 Sweet Revenge

“Garreth…isa ka ring…” Hindi na naituloy ni Matthaios ang sasabihin nang unti-unti nang mag-take off ang chopper na sinasakyan ni Borris. Mabilis siyang sumampa sa gilid ng bangin sa tulong ni Garreth. Halos bumaligtad ang sikmura niya nang makita ang anyo ni Gustav matapos gutay-gutayin ng sumalakay na nocturno ang katawan nito.

Tumayo naman ang nocturno na pumatay kay Gustav at ngayon ay nakatingin ito sa kanila na para bang kinikilala sila ni Garreth. Itinutok naman ng huli ang hawak na flame thrower sa halimaw.

Napasigaw si Matthaios nang mapansin na isang babae ang nocturno. “Garreth, huwag!”

“Bakit?” pasinghal na tanong ni Garreth.

“Babae ang nocturno na iyan. May kutob akong siya si Nica.”

“Sira-ulo ka ba?’ sikmat ni Garreth. “Paano namang magiging si Nica iyan? Walang lahing halimaw si Nica. Baka ikaw pa, dahil ilang kagat na ng mga nocturno sa iyo ay hindi ka pa rin namamatay.”

Minabuti niya na hindi pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status