Share

Kabanata 6

last update Last Updated: 2024-06-06 22:44:47

Kagat ko ang aking kuko habang patuloy ang pagtaas-baba ng aking paa habang hinihintay ang text ni Eli. Sabi niya ay siya na ang magch-check ng records ng owner sa apartment building ni Roscoe kung nagsasabi ba talaga ng totoo ang lalaki.

Gustuhin ko man na ako mismo ang mag check ngunit nahihiya na akong mag leave at ipasa ulit kay Manny ang mga gawain ko.

"Nurse Aya, may problema ba?"

Napatingin ako kay Nurse Wilma, ang aming head nurse na kakarating lang ngayon. Kaagad akong ngumiti at umiling.

"Wala po," sagot ko at ibinalik na ulit ang tingin sa phone.

"Hindi ka na ba ina-acid?" tanong pa nito.

Muli tuloy akong nakaramdam ng guilt dahil sa idinahilan kahapon. Pilit akong ngumiti.

"Uhm... Hindi na po. Thank you po sa pag-aalala," sagot ko, ibinalik ulit sa phone ang tingin.

"Mabuti naman. Pero mas mabuting ipa-check mo na rin 'yan kay Dr. De Zarijas mamaya."

Sa isang iglap ay nabitawan ko ang cellphone ko at mabilis na bumaling sa kaniya. Nagulat din siya sa naging reaksyon ko kaya naman kaagad ako nagpeke ng tawa at napakamot sa aking ulo.

"D-Dr. De Zarijas po?" tanong ko at baka nagkamali lang ako ng dinig.

Dahan-dahan niyang inilapag ang mga gamit niya habang may pagtataka pa rin sa akin.

"Oo. Siya ang bagong head surgeon natin. Galing pa 'yon sa ibang bansa kaya baka totoo ang usap-usapan na magaling nga ang batang 'yon," pag-kwento pa niya.

Napakagat naman ako sa aking labi.

Limitado lang ang internet dito sa probinsya kaya siguro lingid sa kaalaman nila na galing sa magagaling na doctor na pamilya si Roscoe. Hindi lang usap-usapan dahil totoong magaling talaga siya.

"Bakit po napunta siya rito?" pag-usisa ko, umaasang kahit papaano ay may masasagot sa mga katanungan ko.

"Hindi ko rin alam. Pero mabuti nalang at napunta siya rito dahil kulang tayo sa surgeon."

Bigong ibinalik ko na lamang ang atensyon sa phone ko nang magsimula nang asikasuhin ni Nurse Wilma ang mga gagamitin niya sa araw na 'to. Hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako sa kaniya o hindi dahil hindi ko gusto ang presensya ni Roscoe rito!

Nanlaki naman ang mata ko nang mag pop up na ang text ni Eli.

From: Eli

Nagsasabi ng truelalu ang lolo mo. Last week pa nga si Roscoe dito.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

So, hindi niya nga kami sinusundan. Kung bigla na lamang kami lilipat ni Anya, hindi kaya ay makahalata siya? At kung lilipat kami, saan naman? Bukod sa area namin ay iyon lamang ang apartment na malapit sa Hospital na 'to.

Kaya siguro roon din lumipat si Roscoe. Para malapit sa Hospital. Tama.

Malalim akong nagpakawala ng hininga. Wala dapat ako ikatakot. Hindi malalaman ni Roscoe na anak niya si Anya. At lalong hinding-hindi niya makukuha sa akin ang anak ko.

"Can you start an IV on the patient in bed five?" ani ko kay Nurse Precy nang magsimula na ako sa aking shift.

"Yes, Nurse," agad niyang tugon bago siya mabilis na lumapit sa kama ng pasyente..

Habang abala siya roon, inikot ko pa ang ibang pasyente sa ward. Matapos masigurong maayos at stable ang kalagayan ng bawat isa, isinara ko na ang chart sa clipboard at muling lumapit kay Precy.

"Pakilagay na rin sa chart ang updated vitals ni bed five kapag tapos ka na. Thank you.”

"Yes, Nurse Aya."

I pat her back and smiled. Aalis na sana ako ngunit pareho kaming natigilan nang biglang sumigaw sa sakit ang pasyente sa bed three.

"N-Nurse! Tulong! A-Aray... A-Ang sakit ng d-dito ko! Ahh!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit sa kaniyang tiyan.

Kaagad akong lumapit doon at sinuri ang vitals niya. Normal naman ang mga resulta—walang indikasyong bumababa ang blood pressure o bumibilis ang tibok ng puso—pero bakit ganito ang sakit ng tiyan niya?

"What's happening here?"

Muntik akong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Roscoe sa likuran ko. Kaagad akong tumabi at binuksan ang chart ko.

"D-Doc, the patient is complaining of severe abdominal pain. H-His vitals are normal but..." Nang mahanap ang chart ng pasyente ay mabilis kong binasa ang past records niya. "...he has a history of Crohn's disease."

(A/N: Ang Crohn's Disease ay isang uri ng chronic (pangmatagalang) sakit sa bituka. Isa ito sa mga tinatawag na Inflammatory Bowel Disease (IBD). Ang ibig sabihin nito, namamaga o naiirita ang ilang bahagi ng ating digestive system, lalo na sa bahaging bituka. )

Lumapit si Roscoe at siya mismo ang tumingin sa vitals. Tinangkang tanungin ang pasyente, pero ang tanging tugon ay mga daing at sigaw ng sakit mula sa abdominal area.

He sighed. “Order a CBC, get an abdominal X-ray, and start him on IV fluids,” utos niya, mabilis ngunit kalmado.

"Yes, Doc!" sabay naming sagot ni Nurse Precy bago kami nagmadaling pumunta sa nurse’s station. Sinalubong kami ni Nurse Wilma at agad naming ibinigay ang mga kailangang tests at orders na kaagad niyang inasikaso.

Bumalik na ako sa room at kasama na ang isang nurse na lalaki. Pinanood ko silang i-transfer sa isang bed ang patient upang bigyan ito ng CBC at dalhin ito sa X-ray lab.

Pinakalma ko na lamang ang mga iilang pasyente sa parehong room na nagulantang at medyo nagpanic para sa condition ng kapwa nila pasyente. Habang pinapanood naman si Roscoe na seryoso sa trabaho ay hindi ko mapigilang mamangha.

Parang dati lang ay madalas sa bar at hotel kami magkita ngunit ngayon ay sa Hospital na at bilang ganap na Nurse at Doctor pa. Dati ay tanging pilyong ngisi at malokong pag-iisip ang nakikita ko sa kaniyang mukha ngunit ngayon tila... ibang Roscoe na ang nasa harapan ko.

He's now a man. A grown up man! Ni hindi ko na nga makita ang mapanlarong ngisi sa labi niya dahil madalas ay seryoso siya at tutok sa ginagawa niya. Na tila ba wala na siyang panahon sa pakikipagbiruan at seryoso na siya sa buhay na tinatahak niya!

"Doc, ayaw pong magpagamot ng pasyente sa Room 5. Nagwawala siya at ayaw papalapit sa kahit sinong staff." Update ng isang nurse sa kaniya.

Kakatapos lang ng lunch break pero narito pa rin ako sa table, tahimik na pinagmamasdan si Roscoe habang abala siya sa pag-check ng chart sa counter.

Paglingon niya sa nurse, agad akong napairap nang mapansin kong namula ito. Of course.

“Okay, I’ll talk to him,” mahinahong sagot ni Roscoe, nananatiling kalmado sa kabila ng sitwasyon. “Prepare a mild sedative just in case."

"O-Okay, Doc..."

Napairap ako ulit nang pakendeng-kendeng pang umalis ang nurse para sundin ang utos ni Roscoe. Malandutay lang? Ngayon lang nakakita ng poging doctor sa Hospital na 'to?

Umiling na lang ako at napa-yuko sa table nang umalis na si Roscoe. Ni hindi ako nakapag-lunch kakapanuod sa mga nurse na palaging dumikit kay Roscoe. Seriously? Sa hospital pa talaga nagka-lakas ng loob maglandi?

"Tok tok."

Napabangon naman ang ulo ko nang ilang minuto ang lumipas ay may kumatok sa mesa ko. Pagkatingala ko ay bumungad sa akin ang nakangiti na si Doc Russell.

"Doc Russell! Napadalaw ka ulit sa ward namin?" bati ko sa kaniya, sabay ngiti. Mukhang napatulog na naman niya ang mga pasyente niyang bata sa husay ng “pambansang lullaby” niya.

"Magde-deliver lang," sabay taas niya sa isang plastic bag galing sa kilalang fast food chain.

"Wow! Tamang-tama hindi pa ako nagl-lunch. Kaya sa'yo ako, Doc Russell, eh!" biro ko, na agad niyang ikinasamid. Napatawa na lang ako habang inaabot ang pagkain.

"Hay... Sinasabi ko na nga ba at hindi ka na naman nag lunch break, Nurse Aya," maya-maya'y sabi niya.

"Nakalimutan lang, Doc..." palusot ko habang binubuksan ang packaging.

"Kaya ka bigla-bigla inaatake ng acid, eh. Lagi kang nagpapalipas ng gutom."

I smiled.

"Sobrang concern naman, Doc. Baka akalain kong gusto mo ako, ha?" biro ko, and as usual ay kinurot niya ang pisnge ko na ikinatawa ko.

"Ayan ayan. Diyan ka magaling, ang paasahin ako!" biro niya rin na mas lalo kong ikinatawa. Halos hindi ko na tuloy malunok ng maayos ang chicken joy.

Nagtatawanan pa kami nang may biglang umubo sa harapan namin. It's Roscoe, standing so tall while looking at us. Kulang nalang ay patayin niya kami sa sama ng titig niya.

"Oh, bro!" masiglang bati ni Doc Russell sa kaniya.

Agad akong napaayos ng upo at binaling ang pansin sa pagkain. Napasulyap ako sa kaninang nurse na lumapit sa kaniya na hanggang ngayon ay kasama pa niya at nasa likuran niya lamang, patagong sinusukat ang likuran niya.

Tsk! Kulang nalang ay kumuha siya ng tape measure at isakal niya na lamang sa sarili niya dahil walang pinipiling lugar ang kalandutay niya! Ke-bago-bagong salta...

"Can we talk, Russell?" Roscoe asked while still looking at me with his dark hawk like eyes. Anong problema nito?!

"Of course!" sagot naman ni Russell, sumulyap pa 'to sa akin saglit at nauna nang lumabas ng ward.

Ako naman, tumingin na lang sa pagkain, nagkunwaring walang pakialam. Pero nagulat ako nang may maglapag ng mainit na kape sa harap ko. Pag-angat ko ay wala na si Roscoe, pero naiwan ang nurse niya, nakatitig sa kape sa mesa ko bago siya nagmadaling humabol.

"Para saan naman 'to?" bulong ko, sabay abot sa cup. May nakasulat. Gano'n na lamang ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha nang makita ang nakasulat dito.

Stop staring at me. I can feel your eyes.

– R

akosipraluemn

Happy reading! And please interact with me and leave a review para ganahan si Ms. A mag-update, hehe. Thank you! :)

| 6
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 21

    "Aya! Magugulat ka sa nalaman ko sa Maynila! Alam mo na bang—"Pagod kong nilingon si Eli. Abala ako sa pagpupunas ng lababo nang bigla siyang pumasok, dala-dala ang kaniyang mga bagahe, parang bagyong sumugod sa katahimikan ng bahay. Ngayon nga pala ang balik niya galing Maynila."Bumagyo ba rito nang hindi ko alam?" tanong niya habang sinusubukang hindi matapakan ang mga gamit na nagkalat sa sala."Mage-general cleaning ako. Iibahin ko ayos ng bahay," walang gana kong sagot sa kaniya at nagpatuloy na sa pagpupunas."Ah, buti naman naisipan mo..." ani Eli, may halong sarkasmo sa tono. "Eh, ang sarili mo? Kailan mo ige-general cleaning, aber?" pasaring pa nito.Hindi ko siya sinagot. Pinili kong ibaling muli ang atensyon sa lababo. Sa paulit-ulit kong pagpupunas, unti-unting lumitaw ang repleksyon ko sa malamig na tiles—magulong buhok, lumalalim na eyebags, at mata na parang ilang gabi nang hindi nakakatulog.Parang ako na rin ang bahay—magulo, kalat-kalat, at nangangailangang ayusin.

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 20

    "Breakfast." Gulat akong nag-angat ng tingin kay Roscoe nang ilapag ang isang lunchbox sa desk ko. Kumpleto na ang staff sa ward, at ilang minuto na lang ay sisimulan na namin ang mga morning rounds kaya naman pati sila ay napatingin kay Roscoe. "Ano 'to?" pabulong kong tanong. Pinandilatan ko siya, pero ngumisi lang siya at itinaas ang isang malaking paper bag sa kabilang kamay. "Breakfast for everyone," nakangiting ani niya. "Wow!" kaagad na bulas ni Manny. Mabilis silang nagsilapitan para kuhanin ang paper bag mula kay Roscoe. Lahat naman ng 'yon ay kahalintulad ng nasa lunchbox ko. Habang ang lahat ay abala pag pyestahan ang pagkaing dala ni Roscoe ay tinaasan ko naman ng kilay ang lalaki.Anong pakulo 'to, Roscoe? Eto ba yung naiwan mo kanina? Hindi ko alam kung nabasa niya ang tingin ko, pero laking gulat ko nang ngumiti siya sabay kindat! Bago pa ako makapag-react, tumalikod na siya at lumabas ng ward. "Ang sarap naman nito!" "Parang hanggang lunch ko na 'to, ah!

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 19

    "Good morning!" masayang bati ko kay Eli pagkalabas niya ng kaniyang kuwarto. Natigilan siya. Parang tulalang tinitigan ako—gulo pa ang buhok, nakakamot sa balakang, at nakanganga habang nagtataka. "Anong meron?" nagtatakang tanong niya, hindi sanay sa pagbati ko. Natawa na lamang ako at inabala ang breakfast namin. Anong magagawa ko, eh sobrang ganda lang talaga ng gising ko ngayon? Dahan-dahan siyang naupo sa harap ko, hindi pa rin ako inaalis sa titig. Hindi ko man lang namalayan na nagh-humming na ako at pakembot-kembot habang sinasangag ang kanin namin. "Nadiligan ka ba kagabi ng hindi ko alam?" Kaagad nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong ni Eli at mabilis na binato sa direksyon niya ang pamunas ng sink na kaagad naman niyang nasalo. "The heck, Eli?!" singhal ko sa kaniya. "Eh, ano?! Last time na ganiyan ka eh nung mga med student pa tayo. Sa tuwing galing kang five start hotel kasama si Roscoe!" litanya pa niya. "Hindi!" sagot ko at inirapan nalang siya. "Hind

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 18

    Nakatulala ako habang hawak ang invitation na bigay sa'kin ng teacher ni Anya kanina. Dahil sa nangyari kagabi sa parking lot at sa naging pag-uusap namin ni Eli ay halos hindi ko nagawang pumikit para matulog. Buong gabi ay nagtatalo ang puso at isip ko sa anong dapat kong gawin. Ngayong mismo kay Roscoe na nanggaling na handa siyang maging ama ni Anya kahit lingid sa kaalaman niya na siya naman talaga ang ama ni Anya, ano pa ang dahilan para ipagkait ko sa kaniya ang anak niya? Lalo na ngayon..."Father and Child Event po 'yan, Mommy. This Saturday po 'yan gaganapin. Sana po maka-attend na ang Daddy ni Anya this time." Inilapag ko ang invitation sa aking desk at napahilot na lamang sa aking sintido habang inaalala ang mga sinabi ng teacher ni Anya sa akin kanina."Nakakatuwa nga po, Mommy dahil nakaraan po ay masayang nagk-kuwento si Anya sa mga classmates niya na Doctor daw ang Daddy niya. Nagulat nga po ako, eh! Akala ko po single mom kayo," dagdag pa ng teacher ni Anya. I si

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 17

    Wala sa sarili kong sinara ang pintuan nang makauwi na ako sa apartment. Kaagad namang napatingin sa akin si Eli na kanina lang ay nanonood ng tv. "Oh, akala ko madaling araw pa uwi mo? Pinatulog ko na si Anya," ani niya. Hindi ako sumagot at dali-daling kumuha ng malamig na tubig sa ref. Ilang minuto palang ang lumipas nang matapos ang naging pag-uusap namin ni Roscoe. Nais pa niya sana akong ihatid dito mismo ngunit tumanggi ako."Bakit parang nakakita ka na naman ng multo?" nagtatakang tanong ni Eli, papalapit sa akin. Mabilis akong nagsalin sa baso at tuloy-tuloy itong nilagok. Nang matapos ay hinarap ko si Eli na nakapamewang na sa harapan ko ngayon. "Nahimatay ako kanina." Wala sa sarili kong pagsisimula. Nanlaki naman ang mata ni Eli. "What?!" gulat na gulat niyang tanong. Hinawakan niya ang pareho kong balikat at kaagad inikot-ikot. "Bakit?! Anong nangyari?! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Nabagok ba ulo mo–" "But Roscoe came and saved me," pagpapatuloy ko. Natig

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 16

    "I'm sorry... I'm sorry..." Unti-unti kong dinilat ang inaantok ko pang mata nang magising sa paulit-ulit na bulong at sa marahan na paghimas sa ulo ko. "You're awake..." Tumikhim si Roscoe at kaagad na umayos sa kaniyang upuan. Nang tingnan ko siya ay mahigpit na ang kaniyang hawak sa steering wheel habang diretso ang tingin sa labas. Nang tingnan ko ang labas ay natanto kong nasa parking lot na rin pala kami ng apartment building. Natuluyan ang pagpapanggap kong tulog kanina. "K-Kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko habang pasimpleng tiningnan ang itsura sa side mirror. Kaagad kong pinunasan ang gilid ng labi ko. "Hindi naman..." marahan nitong sagot habang diretso pa rin ang tingin sa labas. Tila malalim ang iniisip. Tumango ako at kinuha na ang bag ko. Nang buksan ko ang phone ko ay laking gulat ko nang makita ang oras. Anong hindi naman eh halos magt-tatlong oras na simula nung nakaalis kami ng Hospital?! "I... didn't wake you up," ani niya nang mapansin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status