Mabilis na umakyat ang galit sa dugo ko.
“What the hell? Sinusundan mo ba ako?!” Hindi ko napigilan ang sarili at naisigaw ko iyon.
Magkasalubong na ang kilay niya kanina ngunit mas lalo pa ito nagsalubong dahil sa sinabi ko.
“I don’t know what you’re talking about,” malamig niyang sambit at nakuha pa akong igilid para hindi humarang sa counter!
Lalo pa akong nagpuyos sa galit!
“I don’t know I don’t know ka pa diyan! Nahuli kita kahapon na sinundan mo pa kami sa labas ng Hospital! Kaya umamin ka na! Sinundan mo kami hanggang dito ‘no?!” sigaw ko.
Umaga palang at mabuti na lamang ay kaming dalawa pa lamang ang customer dito kaya naman siguro malaya akong nagsisisigaw ngayon.
He shut his eyes na tila ba naririndi sa akin.
“Oh please... Aya. I did not,” sambit niya at minasahe ang bridge ng kaniyang ilong. Kapag ganiyan, alam kong naiinis na siya.
“Then why are you here?! Hindi ka naman nakatira dito, ah?!”
“Then I’m sorry to disappoint you but I live here, Aya. And please... Can you please stop shouting?” he asked softly.
Natigilan ako.
Ano raw? Dito? Dito siya nakatira? Kailan pa? Bakit? At bakit dito pa?!
“Thank you, Sir,” ani ng babae matapos ibigay kay Roscoe ang plastik ng pinamili. Hindi pa nakatulong sa init ng ulo ko nang makita ang cashier sa pagkagat sa kaniyang labi upang pigilan ang hagikhik para kay Roscoe!
“Here. Your syrup.”
Tinanggap ko naman ang syrup ngunit gano’n na lamang ang gulat ko nang lagpasan ako nito at iwan na ako roon! Sumunod naman ako palabas ng grocery ngunit hindi ko siya hinabol.
Bakit ko naman siya hahabulin, aber?!
Habang naglalakad pabalik sa apartment ay nakatitig lamang ako sa likuran niya. He’s now even wearing a pajama pants and white t-shirt. Mukhang kakagising niya lang din dahil gulo-gulo pa ang buhok niya.
So, it’s true that he’s living here, huh? Saan naman? Don’t tell me same apartment kami?!
At gaya ng iniisip ko ay huminto nga siya sa tapat ng apartment building namin. Napahinto rin tuloy ako sa paglalakad nang lingunin niya ako.
“Is that for your daughter?” he asked.
Nagtaka pa ako nung una ngunit nang mapansin na syrup ang tinutukoy niya ay napatango ako.
“Favorite niya?” tanong pa niya.
Nangunot naman ang noo ko ngunit sinagot ko pa rin siya.
“Oo, mahilig siya sa chocolate.”
He fell silent.
Oo, Roscoe. Just like you, hilig niya rin ang matatamis lalo na ang tsokolate.
“I see...” Maya-maya’y sagot niya matapos matahimik.
Hindi naman ako umimik at napahawak na lamang sa plastik ng mahigpit. Papasok na ba ako ng apartment? Pero paano kung sinusundan niya nga kami? At paano kung sundan niya ako sa apartment room namin at bigla nalang siya sumulpot isang araw sa harap ni Aya?! Paano kung–
“I live there.”
Naputol ang pag-iisip ko nang ituro niya ang apartment building sa kabilang kalsada, tapat lamang ng apartment building namin.
“Kakalipat ko lang last week. You can check the records of apartment owners if I’m telling the truth,” dagdag pa niya na tila ba nabasa niya ang iniisip ko kanina!
“I-I see...” ani ko. “Sige, uwi ka na.” At uuwi na rin ako sa anak ko at magsisimulang mag-impake at lumipat ng bahay malayo sa’yo!
Akmang lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko! Halos mapatalon ako sa gulat dahil doon but gladly I did not. I bit my lips bago pinakawalan ito at hinarap siya.
“Bakit–“ Gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin!
Suminghot siya– no! Inamoy niya ako!
“What the hell are you–“
“You smell alcohol.”
I fell silent. Doon niya lamang binitawan ang braso ko at may kakaibang ekspresyon sa mga mata habang nakatitig sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng guilt at takot.
“Is that good for your daughter? Ang mag-amoy alak ka sa umaga?” he asked, may galit at istrikto sa kaniyang boses.
“Ano... Kasi... Kakauwi lang ni Eli from Laguna kaninang madaling araw, a-and... Nag-aya siya m-mag inom kaya...” Maya-maya’y nangunot ang noo ko nang ma-realize ang ginagawa.
What the hell? Bakit ako nagpapaliwanag sa kaniya?! Sino ba siya?!
“So, you’re with Eli, huh. That’s good to know then,” maya-maya’y ani niya.
Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ang sarili na magsalita na naman ng kung ano sa lalaki! Damn, Aya! Get the hold of yourself! You’re already 27 for Pete’s sake! Limang taon na rin ang nakalipas ngunit bakit parang pusa ka pa rin kung matakot sa tuwing galit ang lalaki sa harapan mo?!
“Y-Yeah. P-Pasok na ako,” paalam ko at walang lingon-lingon siyang iniwan doon. Wala na akong pakialam kung alam niya na na katapat lamang ng apartment building niya ang tinitirahan namin ni Anya. Basta makaalis lang ako sa harapan niya.
Hanggang ngayon ay hindi ko kinakaya ang presensya niya. He’s... too much. Too much to handle.
Wala ako sa sarili nang makabalik sa apartment. Nilapag ko lamang ang syrup sa table at sumalampak na sa sofa. Napahawak ako sa aking kamay nang maramdaman ang panginginig nito.
“Oh, bakit ata parang nakakita ka ng multo?” tanong ni Eli na ngayon ay hawak na ang syrup at pinapakain na si Anya.
Kagat-kagat ang labi ay nilingon ko siya. Nang mapansin niya ang ginagawa ko sa labi ko ay nagseryoso ang kaniyang mukha.
“Anong problema, Aya?” seryoso niyang tanong.
Nanginginig ang labi ay napatingin ako kay Anya na ngayon ay abala na sa pagkain niya habang nanonood ng paborito niyang cartoons sa kaniyang ipad.
Nagsimulang manubig ang mata ko.
Hindi kaya nahalata ni Roscoe kahapon na anak niya si Anya? Paano kung nagsisinungaling siya na last week pa siya nandito at sinundan niya talaga kami kahapon? Dapat ko bang i-check ang record ng apartment building nila? Paano nalang kung sinundan niya kami rito para... para kunin sa’kin si Anya? Paano nalang kung–
“Aya!”
Sa isang sigaw ni Eli at pagyugyog sa akin ay nagising muli ako sa realidad at doon ko lamang napansin ang matindi kong panginginig.
“Anong problema? Tell me!” pabulong na sigaw ni Eli sa akin, iniiwasan maagaw ang atensyon ng anak ko.
Lumunok ako ng mariin. Napupuno ng takot ay tuluyang dumaloy ang mga luha sa aking pisnge.
“R-Roscoe is here... H-He lives here... H-He’s going to get my Anya from me...”
Roscoe De Zarijas P.O.V."Bro, coffee..." Rallian offered, handing me the cup.I took it without a word, eyes still locked on the charts in front of me. But who was I kidding? I couldn’t focus. My gaze drifted again to the large glass window of the ER Nurses’ station. Mula rito ay tanaw ko ang bakanteng mesa ni Aya.It was already past noon, and she still hadn’t shown up. Did she take the day off? Did something happen to her?…Or was she avoiding me again?Why?"Nag half day daw. Papasok na rin 'yon."I frowned and looked up at Rallian, who now had a smug little grin on his face as he sipped his coffee."How did you know?" Damn him. Kinakausap ba niya si Aya? Kinakausap ba siya ni Aya?!Bakit ako, hindi?!Natawa siya nang makita ang dilim ng paningin ko sa kaniya."Relax, man! Nalaman ko sa kaibigan niya. Si Nurse Ria," natatawang sagot niya sabay tingin sa likuran ko at kumindat. I turned around and, of course, it was her—Nurse Ria, ang madalas din kasama ni Aya. I let out a deep si
Roscoe De Zarijas P.O.V."Sir Roscoe, kailangan niyo na pong bumalik sa Maynila."I quietly sipped my wine while leaning on the balcony, gazing below. I waited, hoping that Aya might come out again in the middle of the night to buy something from the convenience store."Sir Roscoe," muling tawag sa akin ni Ramon, ang matagal ng tauhan ni Papa.Walang interes ko itong nilingon. Nakatayo siya ngayon 'di kalayuan sa akin, nakasuot ng unipormeng itim habang wala ring emosyong nakatingin sa akin. He had come here several times to pester me about returning to Manila, but my answer had always been the same."I won't," I said firmly before looking back down. "I'm not done with my business here yet."Narinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong-hininga."Kailan ba matatapos ang business mong 'yan sa mag-ina?"My eyebrows quickly furrowed at what I heard from the old man. He met me with a cold stare.How did he find out about Aya?"Sa pabalik-balik ko rito ay natanto ko na kung bakit ka nananat
"Aya! Magugulat ka sa nalaman ko sa Maynila! Alam mo na bang—"Pagod kong nilingon si Eli. Abala ako sa pagpupunas ng lababo nang bigla siyang pumasok, dala-dala ang kaniyang mga bagahe, parang bagyong sumugod sa katahimikan ng bahay. Ngayon nga pala ang balik niya galing Maynila."Bumagyo ba rito nang hindi ko alam?" tanong niya habang sinusubukang hindi matapakan ang mga gamit na nagkalat sa sala."Mage-general cleaning ako. Iibahin ko ayos ng bahay," walang gana kong sagot sa kaniya at nagpatuloy na sa pagpupunas."Ah, buti naman naisipan mo..." ani Eli, may halong sarkasmo sa tono. "Eh, ang sarili mo? Kailan mo ige-general cleaning, aber?" pasaring pa nito.Hindi ko siya sinagot. Pinili kong ibaling muli ang atensyon sa lababo. Sa paulit-ulit kong pagpupunas, unti-unting lumitaw ang repleksyon ko sa malamig na tiles—magulong buhok, lumalalim na eyebags, at mata na parang ilang gabi nang hindi nakakatulog.Parang ako na rin ang bahay—magulo, kalat-kalat, at nangangailangang ayusin.
"Breakfast." Gulat akong nag-angat ng tingin kay Roscoe nang ilapag ang isang lunchbox sa desk ko. Kumpleto na ang staff sa ward, at ilang minuto na lang ay sisimulan na namin ang mga morning rounds kaya naman pati sila ay napatingin kay Roscoe. "Ano 'to?" pabulong kong tanong. Pinandilatan ko siya, pero ngumisi lang siya at itinaas ang isang malaking paper bag sa kabilang kamay. "Breakfast for everyone," nakangiting ani niya. "Wow!" kaagad na bulas ni Manny. Mabilis silang nagsilapitan para kuhanin ang paper bag mula kay Roscoe. Lahat naman ng 'yon ay kahalintulad ng nasa lunchbox ko. Habang ang lahat ay abala pag pyestahan ang pagkaing dala ni Roscoe ay tinaasan ko naman ng kilay ang lalaki.Anong pakulo 'to, Roscoe? Eto ba yung naiwan mo kanina? Hindi ko alam kung nabasa niya ang tingin ko, pero laking gulat ko nang ngumiti siya sabay kindat! Bago pa ako makapag-react, tumalikod na siya at lumabas ng ward. "Ang sarap naman nito!" "Parang hanggang lunch ko na 'to, ah!
"Good morning!" masayang bati ko kay Eli pagkalabas niya ng kaniyang kuwarto. Natigilan siya. Parang tulalang tinitigan ako—gulo pa ang buhok, nakakamot sa balakang, at nakanganga habang nagtataka. "Anong meron?" nagtatakang tanong niya, hindi sanay sa pagbati ko. Natawa na lamang ako at inabala ang breakfast namin. Anong magagawa ko, eh sobrang ganda lang talaga ng gising ko ngayon? Dahan-dahan siyang naupo sa harap ko, hindi pa rin ako inaalis sa titig. Hindi ko man lang namalayan na nagh-humming na ako at pakembot-kembot habang sinasangag ang kanin namin. "Nadiligan ka ba kagabi ng hindi ko alam?" Kaagad nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong ni Eli at mabilis na binato sa direksyon niya ang pamunas ng sink na kaagad naman niyang nasalo. "The heck, Eli?!" singhal ko sa kaniya. "Eh, ano?! Last time na ganiyan ka eh nung mga med student pa tayo. Sa tuwing galing kang five start hotel kasama si Roscoe!" litanya pa niya. "Hindi!" sagot ko at inirapan nalang siya. "Hind
Nakatulala ako habang hawak ang invitation na bigay sa'kin ng teacher ni Anya kanina. Dahil sa nangyari kagabi sa parking lot at sa naging pag-uusap namin ni Eli ay halos hindi ko nagawang pumikit para matulog. Buong gabi ay nagtatalo ang puso at isip ko sa anong dapat kong gawin. Ngayong mismo kay Roscoe na nanggaling na handa siyang maging ama ni Anya kahit lingid sa kaalaman niya na siya naman talaga ang ama ni Anya, ano pa ang dahilan para ipagkait ko sa kaniya ang anak niya? Lalo na ngayon..."Father and Child Event po 'yan, Mommy. This Saturday po 'yan gaganapin. Sana po maka-attend na ang Daddy ni Anya this time." Inilapag ko ang invitation sa aking desk at napahilot na lamang sa aking sintido habang inaalala ang mga sinabi ng teacher ni Anya sa akin kanina."Nakakatuwa nga po, Mommy dahil nakaraan po ay masayang nagk-kuwento si Anya sa mga classmates niya na Doctor daw ang Daddy niya. Nagulat nga po ako, eh! Akala ko po single mom kayo," dagdag pa ng teacher ni Anya. I si