"Why isn't she picking up my calls?" Kunot-noong ibinalik ni Isaac ang cellphone sa bulsa ng pantalon nang hindi sagutin ni Angenette ang tawag niya sa pangalawang pagkakataon. Nasa kaniya pa rin ang wallet na naiwan nito.Malapit na siya sa kanto nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao sa tabi ng lamp post, ang nakasisilaw na police lights sa mga sasakyan ng pulisya na naroroon, at sirena ng ambulansyang papalayo."Ano po'ng nangyari rito?" tanong niya sa isa sa mga bystanders doon.Bago pa man makasagot ang kaniyang kinakausap ay napansin niya na ang sasakyang nakaparada sa tabi at ang driver niyon na kinakausap ng mga pulis. Bigla siyang kinabahan nang mapuna ang bola sa tabi ng daan. Katulad iyon ng bolang dala ni Timmy kanina nang pumunta ito sa kaniyang bahay."May nabundol na bata. Sabi ng nakadisgrasya, eh, bigla raw tumawid kaya hindi siya nakaiwas kaagad."Pagkarinig sa sinabi ng kausap ay dali-dali nang umalis si Isaac at sumugod sa ospital kung saan dinala si Timmy.
Nagulat si Hope sa biglang pagyakap sa kaniya ni Isaac. Sinubukan niyang kumawala rito, subalit mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kaniya."I'm sorry," halos pabulong na sabi ni Isaac sa kaniya.Pilit na pinigil ni Hope na pumatak ang mga luhang namumuo na sa mga mata. She knows that she needs to hear Isaac's apology, but she's also aware that it won't change anything. His previous actions led them to that downfall. Kung simpleng kasalanan lamang sana ang nagawa nito, baka sakaling ginantihan niya rin ng mainit na yakap ang mga yakap nito ngayon sa kaniya. The damage he have done to their family was beyond repair."You don't have to feel sorry about this, Isaac. What happened was Kevin's fault," patay-malisya niyang sabi kay Isaac. Wala siyang kamalay-malay na alam na nito ang totoo.Umiling-iling si Isaac. "No, I'm sorry. Hindi aabot sa ganito kung naging mabuting asawa lang ako sa 'yo, Hope."She stared at Isaac's eyes intently and slowly figured that he already knew what she ha
Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil
Galit na naikuyom ni Isaac ang mga kamao nang matuklasang si Doc Kevin ang may pakana ng eskandalong kinasasangkutan ngayon ni Hope. Ipinaliwanag sa kaniya ni Zeke ang lahat ng nalalaman nito."But how was he able to install a camera here?" "Malamang ay nakalagay iyon sa isa sa mga regalong ipinadala niya kay Hope," ani Zeke, saka bumalik sa silid na dating inuukupa ni Hope. Mabusisi nitong sinuri ang mga gamit sa loob lalo na ang mga regalo na mula sa mga tagahanga ni Hope. Tinulungan na rin ito ni Isaac sa pag-iimbistiga.Nakuha ang atensyon ni Isaac ng malaking pink teddy bear. Binuhat niya iyon at pinakatitigan nang mabuti. Lumapit sa kaniya si Zeke pagkatapos, napatitig ito nang maigi sa malaking mata ng teddy bear. His instincts told him to detach the eyes of the stuffed toy from its head. Halos sabay silang napamura nang makita ang maliliit na wirings sa likod ng mata ng teddy bear. Ito na nga ang hidden camera na hinahanap nila."That psychopath! Matagal niya nang minamanman
Pagdating sa bahay ay kaagad na napansin ni Hope ang isang kulay pink na box sa tapat ng kanilang pintuan. Kinuha niya iyon at ipinasok sa loob ng bahay. Marahil ay galing iyon sa isang tagahanga... o kay Doc Kevin."Where have you been?" tanong sa kaniya ni Isaac nang datnan niya ito sa kusina."Just somewhere," malamig niya namang tugon dito sabay ipinatong sa mesa ang dalang box."You're no longer using your cane," puna pa nito.Pinagalitan ni Hope ang sarili sa loob-loob. Bakit niya ba nakalimutan ang props na iyon?"I don't need it anymore. Kaya ko namang maglakad na nang wala iyon."Tumangu-tango naman si Isaac, saka tumingin sa pink box na dala niya. "From that number one fan again?" tanong nito, subalit hindi na siya sumagot.Binuksan ni Hope ang kahon at nagulat nang bumulaga sa kaniya ang laman nitong kulay pink na teddy bear na punit-punit na ang katawan at may mga mantsa ng tila sariwang dugo. Napalayo siya dahil sa masangsang nitong amoy."What's that smell?" nakasimangot
Ini-locked ni Hope ang pinto ng kanilang silid ni Isaac pagkapasok niya sa loob. Saka niya pa lamang nagawang bitiwan ang hagulhol na kanina pa gustong kumawala sa kaniyang dibdib. Mariin niyang tinakpan ang bibig. Ayaw niyang marinig siya ni Isaac dahil ayaw niyang isipin nito na nasasaktan siya sa desisyon niyang hiwalayan na ito.Nagagalit siya sa sarili. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman. Bakit pa rin siya nasasaktan gayong dapat ay masaya na siya dahil sa wakas ay nakaganti na siya kay Isaac? Nasaktan niya na ito. Dapat siyang magdiwang.Paulit-ulit na hinampas nang malakas ni Hope ang dibdib."Tama na! Tama na! Matigas ka na dapat! Hindi mo na dapat siya iniiyakan!"Buong magdamag na umiyak si Hope sa gabing iyon. Kinaumagahan ay nagising siyang nakahiga sa sahig. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya roon sa kaiiyak.Pagkalabas niya ng kwarto ay nadatnan niya si Isaac na naghahanda ng agahan sa hapag-kainan. Sandali niyang pinanood ito sa ginagawa hanggang sa napansin n